Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

381K 12.7K 1.2K

***UNDER REVISION When Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a rea... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰24th Catch╮

4.8K 167 13
By NyreneMorana_


◈ Caught By A Beast ◈

╰24th Catch╮

ILANG beses pa silang nagpaikot-ikot para maghanap ng kanilang paglalaruan. Mayamaya ay huminto sila sa isang dance platform kung saan naroroon ang dalawang babaeng nagsasayaw. Napansin niyang napukaw doon ang atensyon ni Arq kaya medyo napasimangot siya.

Eh, ano pa nga ba? Babaero rin pala.

Tinangka niyang alisin ang pagkakaakbay nito subalit hindi siya nito hinayaan.

"Don't get jealous. I don't find them attractive." Arq whispered.

"So, kapag attractive?" Taas-kilay niyang tanong. Para na talaga siyang selosang girlfriend.

"Ano bang akala mo sa'kin, sabik sa babae? Sila lang ang magkakandarapa sakin pero kahit kailan hindi mo ako mapapalapit sa kanila. Unless it's necessary."

Very well. Unti-unti ng lumalabas ang kayabangan ni Arq. Napakagaling din nitong magpalusot. Pero sa totoo lang, kilig na kilig na talaga siya. Hindi na nga niya alam kung hanggang saan pa niya kayang pigilan ang nararamdaman. Baka mamaya, bigla na lang siyang mapatili sa sobrang kilig.

Kainis! Hindi. Hindi ako babaliko.

°Naku, Lara. Inumpisahan mo na nga. Hindi ko na hihintayin ang next chapter.°

Sinimangutan niya ang imaginary persona ng kanyang ego. Mapang-asar din kasi kagaya ni Arq.

And speaking, Arq appears to be enjoying while watching the girls. They stay around until she notices that it's slowly getting crowded. The two girls have just gained their fans club from the boys in the multitude.

Hindi rin naman nakapagtataka sapagkat parehong maganda at sexy ang dalawang babae. Maliban doon ay magagaling pang sumayaw.

"Bibili lang ako ng mangangata habang nanonood ka dyan." Paalam niya dahil nakakaramdam na siya ng pagkabagot.

"Okay." Matipid na sagot ni Arq, na ikinainis niya.

Hindi kasi umayon sa kanyang inaasahan ang inasta ni Arq. Kung kanina ay ayaw siya nitong pakawalan, ngayon ay hindi man lamang siya nito pinigilan o kaya ay sinamahan para bumili. Mukhang mas masaya ito na nanonood kaysa pansinin ang pag-iinarte niya.

Kung sabagay, sa dinami-rami ng magagandang nilalang sa Georgetown, sino ba naman siya?

Pailing-iling siya habang naglalakad palayo. Naghahanap siya ng snacks nilang dalawa nang mapahinto siya sa isang stall kung saan mga sweets ang tinda. Paborito niya ang cotton candy at lalo siyang natuwa sapagkat nakahulma ang mga iyon sa iba't ibang hugis at itsura. Pinili niya ang Rabbit.

Ayos na siya sa kakainin ngunit hindi siya sigurado kung mahilig ba si Arq sa matatamis na pagkain. Nakalimutan niya itong tanungin dahil naaasar siya kanina. Kaya nagpasya siyang balikan ito matapos mabayaran ang kanyang binili.

Mas dumami ang mga nanonood na nakapaligid sa dance platform. Hindi na mahagilap ng kanyang mga mata si Arq. Marahil ay natabunan na ito ng mga nanonood dahil sa unahan sila nakapwesto kanina. Kaya nakisingit na siya para makapunta sa harapan at mahanap ang abalang-abala na si Arq.

Unfortunately, she didn't see her there. Her brows knitted while looking for her but to no avail. And worse of all, she starts getting squeezed into the mass.

Nakakainis! San ba kasi siya nagpunta?! Naiinis na bulong niya sa sarili.

Hanggang sa mapukaw ang kanyang paningin sa taong sumasayaw sa platform. Literal na napanganga siya nang mapagsino iyon.

*Cold Water ~ Major Lazer ft. Justin Bieber & Mø*

"A-Arq?!" She uttered in disbelief.

Hindi ito nag-iisa, kung hindi siya nagkakamali isa sa mga babaeng sumasayaw kanina ang kasayawan nito ngayon. Pero imbes na selos ang kanyang maramdaman tila ba nahiya na lamang siya para kay Arq.

Really?!

However, watching Arq dancing amazes her. She can't believe that despite her unfaltering seriousness, she can also be fun. The smile on her face is an obvious indication that she enjoys the attention.

Sa ganitong lugar kung saan bibihira lang ang mga naglalakas-loob magpakita ng talento lalo na kung makakahakot ng maraming audience, mukhang hindi nagawang magdalawang-isip ni Arq bago sumampa sa platform at sumayaw sa harap ng maraming tao.

She's impressed!Arq doesn't only have a talent in painting, she can also dance. Not just dance but she has the moves. She's on fire while on the dance platform.

Simple lang itong gumalaw pero ang lambot ng katawan at medyo may pagkamaangas. Dancer ba talaga siya?

Hindi niya napansin na napapangiti na siya at unti-unti ng nawawala ang hiya niya para rito. Sa halip ay napapalitan na ito ng paghanga.

Who would've thought that Arq could do this in public?

Kahit siguro siya, kung magaling man siyang sumayaw, ay hindi niya magagawang magpasikat sa ganitong lugar.

°Ikaw 'yon, Lara. Atsaka di ka kasi kainte-interesanteng panoorin, if ever.° Her ego spits.

Napaismid siya.

Nang matapos ang sayaw at pumalakpak na ang mga nanonood ay doon lang niya napansin na hindi na pala niya nakain ang cotton candy na kanyang binili. Bago niya iyon pagtuunan ng pansin ay nahagip ng kanyang mga mata ang pagyayakapan nina Arq at ng babaeng kasayawan nito.

Kung kanina ay wala lang sa kanya na nagsasayaw ang mga ito, iba na ang naramdaman niya nang makita sa ganong sitwasyon ang dalawa. Napaikot siya ng mga mata.

Sa totoo lang, hindi naman niya dapat maramdaman ang ganong klase ng inis. Ang sarap lang niyang sampalin.

°😂😂😂😂°

"Hey." Nakangiting bati ni Arq habang ito'y papalapit sa kanya.

Imbes na sumagot, pinili na lamang niyang manahimik.

"So, how was it?" Dagdag pa nito.

Nagkibit-balikat siya bago tumalikod kasabay ng mga nagtikwasang tao. Hinabol siya ni Arq atsaka inakbayang muli.

She really looks like a jealous girlfriend.

°Jealous girlfriend, my arse.°

"Cute cotton candy." Kapagkuwa'y pansin nito sa hawak niya. Nang bigla na lamang din nitong hinablot iyon. "Akin na lang."

Huminto siya. Ganon din si Arq na malaki kaagad ang nakagat sa cotton candy. "Masaya ba?" Naiinis niyang tanong.

Kumunot-bigla ang noo nito. "W-what?"

She sighs and walks past her, let alone, dodging the latter in the process.

Hindi pa man din siya nakakalayo nang bigla siya nitong hatakin. Napahinto na naman siya kaya lumakad si Arq patungo sa kanyang harapan.

Arq's face stretches into a frown. "Are you mad because I took a bite on your cotton candy? If you wan—"

"Kung makikipaglandian ka, 'wag sa harapan ko." Mariin niyang sabi.

Hindi niya sinasadyang mailabas ang inis sa ganong paraan kaya lang ay binigo na siya ng kanyang matabil na bibig. Napakagat-labi na lang siya nang mag-iba ang itsura ni Arq— na sa tingin niya'y hindi naman galit.

"Huh?" Anito.

Yumuko siya at umiling-iling. "Let's just go." Pag-iiba na lamang niya.

Muli sana niyang lalagpasan si Arq nang pigilan na naman siya nito. Akala niya ay may sasabihin pa ito ngunit hindi naman ito nagsalita.

Until Arq's hand entwines with hers. Her breath falters together with her heart. Her eyes narrow as she looks up.

Arq beams, genuinely. "Then show them that you own me."

Lihim siyang napangiti.

Kung gaano kabilis siyang nainis kay Arq, ganon din siya kabilis na kinilig sa sinabi nito. Subalit natatakot siyang isipin ang mga posibleng sakit na kanyang mararanasan kapag sinanay niya ang sarili sa paglalambing nito.

°Tsk. Tsk. Tsk.° Her ego shook head in dismay.

"DOES everybody know that you are a good dancer?" Tanong niya kay Arq habang naglalakad sila sa field ng RDGU.

Matapos ang kanilang mahabang diskusyon tungkol sa pagbalik sa unibersidad, sa wakas ay nakumbinsi rin niya ito. Wala na rin naman kasi silang gagawin sa mall at ayaw na niyang madagdagan pa ang eksena nilang dalawa kaya minabuti na lamang niyang pilitin itong bumalik sa RDGU.

Halos hindi sila nag-iimikan sa byahe. Sa tingin niya ay pareho na silang mapapanisan ng laway kaya minabuti na lamang niyang itanong ang bagay na unang pumasok sa kanyang isipan.

"Yep. I think so. Me and my three bestfriends are dancers." Walang patumpik-tumpik na sagot nito sa tonong medyo nagyayabang.

"Talaga ba? May grupo kayo?" Pahayag niya na halatang interesado na sa kanilang pinag-uusapan.

Tumango ito.

Sa kabila ng pagdududa, tila lalo naman siyang nagkaroon ng interes dahil sa sagot nito. "Saan naman kayo sumasayaw?"

"Hmm... Events, contests, even on malls kapag trip lang gaya kanina."

"Really? Gaano ka na katagal sumasayaw?"

"I don't know. I just accidentally joined a group of dancers because it was necessary for a subject. That was during my grade school days. Then I found it awesome. Until Greco became interested in it as well, so we created our group. And it wasn't hard for us to find great dancers."

"Anong tawag sa grupo niyo?"

Humarap sa kanya si Arq at ngumisi. "Secret." Sagot nito na nagtaas-baba pa ang magkabilang kilay.

Napasimangot siya nang bahagya. "Pa-secret-secret ka pa, malalaman ko rin naman soon."

"I just want us to know each other little by little. Ikaw din, baka kapag nalaman mo ang pangalan ng grupo ko, bigla kang ma-intimidate."

"Bakit naman ako mai-intimidate? Sa sinasabi mong 'yan para namang nakikipag-compete talaga kayo internationally."

Nginitian siya nito atsaka tinalikuran. Habang siya ay nakasunod lamang kahit na unti-unti na siyang nawi-wirduhan kay Arq. Nakakapanibago lang sapagkat habang patagal nang patagal ang kanilang pagsasama ay nakikita niya ang ibang ugali nito na hindi niya inaasahan.

Naupo sila sa isang bakanteng wooden bench nang pareho silang makaramdam ng pagod. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Medyo awkward lang na pareho silang tahimik pero mukhang wala lang ang bagay na iyon kay Arq.

Hanggang sa hindi na niya napigilan ang kanyang mga mata na bumaling sa napakatahimik na katabi. Nakatingin ito sa malayo. Kahit na nakatagilid ito ay nakakaakit pa rin itong tingnan. Nahiya naman siya sa ka-perfect-an ni Arq samantalang nagmumukha siyang alalay nito. Tapos ang amoy pa nito— nakakagayuma. Ang amoy na nakapagpa-hipnotismo sa kanya noong unang araw pa lamang niya sa RDGU.

Perhaps, it is also the reason why she can't refuse Arq no matter how foolish she thinks about what they are doing.

"S-sino nagtitirintas ng buhok mo?" Tanong niya nang mapansin ang buhok nito. Sa totoo lang ay matagal na niyang gustong itanong ang tungkol sa nakatirintas nitong buhok.

"'Yong kakambal ko ang pasimuno sa tirintas na 'to. Para daw hindi masyadong plain ang pagpupusod ko ng buhok. Hanggang sa nakasanayan ko na rin at ako na lang din ang gumagawa."

"Ang cute kaya. Mas maa-appreciate siguro 'yan kapag nagkulay ka pa ng buhok mo."

"My hair color is originally burgundy. But when I tried changing it to this color, it actually suited me. Anyway, my favorite color is black, so it's cool."

Napatango-tango siya. "May kakambal ka sabi mo, di ba? Nag-aral din ba siya dito?"

Umiling ito. Mula sa bulsa nito ay may inilabas itong cellphone. Saglit itong may kinalikot doon hanggang sa iabot nito ang cellphone sa kanya.

She gasps, seeing a black and white photo of a beautiful girl. As undeniably gorgeous as Arq.

"I-ito ba siya?"

Tumango-tango si Arq habang nakangiti. "Oo. Her name is Heather. She's currently in Sweden, pero pauwi na siya dito."

"Talaga? Doon siya nag-aral?"

"Well, no. She left because... she was heartbroken."

Automatikong napatingin siya kay Arq habang nakakunot ang noo. "B-broken? Sa ganda niyang 'to iniwan pa siya?" Hindi niya makapaniwalang usal.

Arq sighs. "I guess everything has its ends. Bata pa naman kasi siya noong ma-inlove siya ng sobra kaya noong hindi nagkasundo, hindi rin nagtagal."

She breathes out and looks at the photo once again. "Sabagay, kapag maaga kang pumasok sa isang seryosong relasyon tapos hindi mo kayang i-handle, magkakanda-leche-leche talaga ang lahat."

"Seems like you know very well how relationships work."

"Hindi naman. Dahil lang din siguro sa experience." Kaswal niyang sagot habang ibinabalik kay Arq ang cellphone nito.

Umayos ito ng upo na tila nagkaroon na ng interes sa kanilang pinag-uusapan. "So that means, this is not your first time to be in a relationship?"

Tumango siya. Kung tutuusin ay ayaw na sana niyang pag-usapan pa ang tungkol sa kanyang nakaraang karelasyon pero hindi niya maintindihan kung bakit tiwala siya kay Arq para magkwento. Parang willing siyang ibunyag dito ang kanyang buong pagkatao.

"Well, this is actually my first time to get involved with a girl." She corrected as she took a glance at her to see if Arq got offended. But it seemed that she was okay, so she went on, "I had a boyfriend. Our relationship lasted for nine months, I think. It didn't work."

"Why? Nine months were actually long."

Napabuntong-hininga siya. "We were off again, on again during those months. Kaya hindi ko rin masasabing nakumpleto namin ang nine months."

"I bet it might be because you were so annoying." Arq chuckled.

She glares at her but Arq couldn't care less. "I was not. Wala lang talaga siyang pakialam at hindi siya marunong mag-effort."

"Effort, huh? Baka naman hindi ka rin kasi nag-eeffort?"

"Grabe, gusto ko ng isipin na masama ang iniisip mo sakin. Pakiramdam ko sa tingin mo ako ang may kasalanan kung bakit kami nag-break." Naiirita niyang sambit.

"It's not like that. When did this happen, anyway?"

"Two years ago."

"Hmm... So, bakit kayo nag-break?"

"'Yon nga, hindi siya marunong mag-effort. Masyado siyang childish at seloso."

Steven was really immature.

Sa naiisip niya ngayon, hindi niya mapaniwalaang nakayanan niya ang siyam na buwan para tiisin ang ugali ng dating karelasyon. Marahil sa tuwing nag-aaway sila sinusuyo siya nito kaagad. At dahil gwapo ay nagpapadala siya sa mga salita nitong mabubulaklak kaya nagiging maayos ulit sila nang walang kahirap-hirap. Paulit-ulit sila sa ganong setup. Hanggang sa nadala na siya sa wakas at sa tulong ni Gigi ay nagawa niyang makipaghiwalay.

It was painful at first but she surprisingly recovered faster than expected.

"Sa tingin ko naman, pareho lang kayo."

"Hay naku, Arq. Ganyan ka siguro kay Shakira kaya rin kayo naghiwalay." Naiinis niyang ganti dahil sisi nang sisi sa kanya si Arq.

Nang hindi ito sumagot ay hindi siya nabahala dahil naiinis talaga siya. Sumandal siya sa kinauupuan at nang tapunan niya ito ng pasikretong tingin ay mataman at seryoso lamang itong nakatingin sa kawalan. Sa pagkakataong iyon ay tila ba nakaramdam siya ng guilt.

Ganonpaman ay hinayaan na lamang niyang manatili silang dalawa sa ganong estado. Tutal naman ay hindi sila nakakapag-usap ni Arq nang matagal nang hindi siya nakakaramdam ng inis dahil sa asta nito.

Nasi-stress siya kay Arq, sa totoo lang.

◈◈◈

bláçknøte:

Heather, also known as Heathe is from The Best Mistake [a GxG story, which is also currently Under Revision]. 😄

Share ko lang, mga repa 🤘😜

Continue Reading

You'll Also Like

195K 5.2K 53
[Unedited] Alex Lenon Roa a respected Head Engineer of Roa Corporation and a Professor in Custadio Imperium University. Cassidy Janea E. Castro an A...
912 141 22
Lijan Andrico Date Started: 02/05/2023 Date Finished: ??/??/???? Status: ONGOING
5.5K 236 18
"Am not jealous." "Do you ship us Y/n?" "yes.......!" Y/n found herself in a situation she couldn't imagine would actually occur. She saved a strange...
36.5K 1.3K 125
| Professor x Student | don't judge the book by it's cover | ------ MEET ME IN THE AFTERGLOW - Life Story of Elle Riley Gomez. ------- On Going...