Maybe This Time (✔)

By xarisagape

5.8K 1K 28

Alisha, being in a group of friend she value most felt betrayed, in order to save herself, she decided to dis... More

MAYBE THIS TIME
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
AUTHOR'S NOTE
MAYBE THIS TIME
OPEN NOTE
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Author's Note

Chapter 15

84 16 0
By xarisagape

Nang makarating sa Jollibee ay nag-volunteer na sila Jules at Steve na sila na ang mag-oorder sa counter. Mas pabor sa aming apat iyon lalo pa at madami dami din ang mga pagkaing dadalhin kapag nagkataon.

"Guys, ang worth it ng pinanood natin kanina. Best comedy movie, so far!" ani Jhela na halatang hindi pa din nakaka-move on sa napanood namin.

"Agree! Lalo pa noong nagkakaroon na ng something si Vice kay Luis Manzano. Ang taray ng mga galawan eh!" sang-ayon naman ni Althea at sabay pa silang natawa ng maalala ang eksenang iyon.

"Tumahimik nga kayo. Nakakaagaw na kayo ng atensiyon eh," sita naman ni Julie. As usual, lagi siyang ganiyan.

"Napakaseryoso mo naman masiyado. Don't tell us that you didn't enjoyed it?" usisa ni Althea kay Julie.

"Of course, I did. I even laugh, right? But that's not enough reason na kahit nasa public place na tayo ay tatawa pa din ng ganiyan. We're about to enter college, right? We should practice now how to act properly," animo nangangaral na sagot naman ni Julie.

"Ikaw talaga, Julie. Pagbigyan na natin sila. Minsan lang naman ito and besides hindi naman tayo kilala ng mga tao dito. Kaya after this, for sure makakalimutan din nila," sabad ko naman. "Oh my! Teka, punta lang akong CR. Di ko na talaga kaya eh, naiihi na ko!" walang anu-ano ay tumayo na nga ako at may pagmamadaling gumawi sa washroom. Kanina pa kasi talaga ako nagpipigil, pero this time hindi ko na talaga kaya.

Mabibilis na mga hakbang ang ginagawa ko. Pakiramdam ko anytime sasabog na ang pantog ko kaya kinakailangan ko ng mailabas ito. Nagpalinga linga din ako sa paligid kung saan banda ang washroom dito, mabuti nalang talaga at agad ko iyong nakita. Halos takbuhin ko na ang pagpunta doon.

Nang malapit na kong makarating sa CR ay hindi sadiyang may nabangga akong tao dahilan para kamuntikan na akong mapasalampak. Napapikit nalang ako sa isiping iyon. Pero sa halip na tuluyan kong maramdaman ang malamig na tiles na posible kong kalagyan ay naramdaman ko ang kamay na nakahawak sa bewang ko. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at laking gulat ko ng makilala ang taong nagmamay-ari ng kamay na nakasalo sa akin.

Ang alam ko po hindi ako nag-audition para sa mga ganitong eksena sa pelikula. Pero bakit po feeling ko, character ako? At huwag niyo po sabihing siya ang leading man! No! sigaw ng nagpoprotestang bahagi ng utak ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Nagbabakasakaling nasa isa akong malaking panaginip.

"Althea, bakit ba nagmamadali ka diyan? Pwede ka naman sigurong pumunta ng washroom ng hindi nagmamadali," kausap niya sa akin dahilan para mapadilat ako. Oh! Narinig ko na naman ang boses niya. Nakaka-miss! Ay hindi, nakakaloka pala.

"T-teka, sino ba kasi nagsabi sayong salubungin mo ko ha?!" singhal ko dito. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko at tumayo ng maayos. Tumingin tingin ako sa paligid, mabuti nalang at wala masiyadong tao sa bahaging ito ng fast food.

"I have no idea," aniya at nagkibit balikat. "But even if I'm aware, I wouldn't mind do it again. Sarap mo kayang i-save," dugtong niya at kumindat pa. Shems! Ano bang akala niya sa sarili niya? Lakas ng loob kumindat.

"Excuse me?" sabi ko at itinaas ko pa ang kilay ko. Ayaw kong ipahalata sa kaniya na medyo naapektuhan ako sa kindat niya. Imbes na masindak siya sa ginawa ko ay tinawanan niya lang ako at pinisil pa ang tungki ng ilong ko.

"Ang cute mo," aniya at tila aliw na aliw tignan ang mukha ko.

"Tsk! Tabi nga. Haharang harang," pagtataray ko sa kaniya. Itinulak ko siya at tuluyan na akong gumawi sa washroom. Hindi na ako nag-abalang lingunin siya kasi baka traydurin lang ako ng nararamdaman ko.

Agad kong binuksan ang pintuan ng CR ng masiguro kong walang tao sa loob niyon. Pagkasara at pagka-lock ng pinto ay saka ko pa lamang pinakawalan ang ngiting kanina ko pa gustong ilabas. Ewan ko, di ko alam kung bakit? Hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko lang, sa kabila ng hiya at katotohanang mukha na naman akong katawa tawa sa paningin niya ay hindi ko pa din maiwasang matuwa.

Mahigit isang buwan na din ng huli ko siyang makita. At iyon yung araw na nalaman ko kung ano ang pangalan niya.

Kevin.

Pagkalabas ng washroom ay nakasalubong ko si Althea.

"Oh, hintayin na ba kita?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako mag-CR, ano? Sinusundo talaga kita. Ang tagal mo namang makabalik. Nandun na sila Steve, ikaw nalang hinahantay namin. Alam mo namang gutom na kami eh," ani Althea. Oo nga pala, hindi nga pala kami pwedeng kumain hangga't kulang ng isa.

Sabay na nga kaming bumalik ni Althea at nang makabalik ay umupo na ako sa bakanteng upuan na kinauupuan ko kanina. Bago tuluyang umupo ay nginitian pa ako ng taong nakaupo sa katabing upuan ng pwesto ko, si Steve.

Continue Reading

You'll Also Like

384K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.9M 95.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
30.8K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
7.5K 1K 49
[COMPLETED] Quinn, an orphan who then got adopted by Torres Family, had always believed she encountered the harsh reality that young. She kept her pa...