Ang BALOT ni PENNY (Completed)

Por Shan_sky

348K 10.6K 1K

A lady who doesnt want to get involved in a gxg relationship, but eventually she did. Nov. 2016 - May 2017 Más

Prologue:
My Note
Chapter 1: Kilalanin si Balot
Chapter 2: Kilalanin si Penelope
Chapter 3: Linger
Chapter 4: Remind myself
Chapter 5: Welcome heartaches?
Chapter 6: Why? That is why!!
Chapter 7: Smiley
Chapter 8: Hey! Wake Up
Chapter 9: Evergreen
Chapter 10: Bakit Ganito?
Chapter 11: Ligaw Tingin
Chapter 12: Now I know
Chapter 13: Strike sa Puso Ko
Chapter 14: Loooooveee Iiiiit!! :)
Patalastas
Chapter 15: Eh di Kayo Nah!
Chapter 16: Hmmm...Aminiiiin!
Chapter 17: Unang awit
Chapter 18: Alam Mo Ba?
Chapter 19: Closure
Chapter 20: Free to Love
Chapter 22: Sana lang
Chapter 23: Sudden Change
Chapter 24: Believe in love
Chapter 25: Smile on your face ^_^
Chapter 26: Unang Hakbang
Chapter 27: Tadhana
Chapter 28: Here she Comes
Chapter 29: Spag means first real kiss?
Chapter 30: Siya Lang
Chapter 31: Lovesick
Chapter 32: Crush?
Chapter 33: One Love
Chapter 34: Finally we Kissed
Chapter 35: Second Base
Chapter 36: 2nd Song: In My Life
Chapter 37: You're worth It
Chapter 38: Contented
Chapter 39: Hubad na Katotohanan
Chapter 40: 3rd song: Best that I can be
Chapter 41: Totoy Bibo Part 1
Chapter 41: Totoy Bibo Part 2
Chapter 42: Fit In
Chapter 43: Building memories
Chapter 44: To touch You, to love you
Chapter 45: Kaba
Hmmmm.....
Chapter 46: Undress Me
Mensahe Ko sa Lahat
Chapter 47 Part 1 (spg): Ako'y Iyo
Chapter 47 Part 2 (spg) : Ikaw Ay Akin
Chapter 47 Part 3 (spg): Tayo'y Iisa
Chapter 48: So What Now?
Chapter 49: Huwag na huwag
Chapter 50: All my Life
Chapter 51: BEST OF ME
Chapter 52: Dreaming?
Chapter 53: Be Mine
54: Pamamaalam
EPILOGUE: MORE! MORE!

Chapter 21: Laban na

3.8K 145 8
Por Shan_sky

PENN'YS POV:

        Alam ko na ang routine ni Balot kaya't mas maaga pa akong umalis dahil baka bigla na lang sumulpot 'yun sa harap ko. Naiinis pa rin ako dahil sa babaeng kinakausap niya sa cellphone. Alam kong wala akong karapatang manghimasok, sino ba naman kase ako diba? Pero 'yun ang nararamdaman ko eh, at wala na akong magawa ro'n. 

        Magkalaban ang team namin ni Balot. During the first game, nakita ko siyang umorder ng pagkain at tumambay do'n mag-isa. Nagkunwari na lang ako na hindi ko siya napapansin. Nakikipag-biruan na lang ako sa ka-team ko. Bigla-biglang nawala na lang sya sa paningin ko. Pinigil ko ang sarili kong itext siya kung nasa'n na naman siya.

       Second game na ay hindi pa rin siya bumabalik. Lalo akong naiinis. Halfway ng laban ay nagpunta ako ng CR. Nasalubong ko si Em-Em. Alam kong close sila ni Balot pero ibang department na lang siya. Ngumiti lang ako sa kanya. Pagpasok ng Cr ay sumunod siya. 

        "Ano ba 'yan! Ang shunga ko talaga! Naiwan ko 'yung purse ko."

       Pagbukas ko ng isang cubicle ay nando'n nga ang wallet nya. "Em, ito oh. Buti wala pang pumapasok," sabi ko sabay abot ko sa kanya.

      "Oy thanks! Kateam ka ba ni Balot?"
      "Ah hindi, magkalaban kami."
      "Nakabalik na ba siya?"
      "Ha?"
      "Nakita ko sya sa DeliFrance kanina, maglalaro ba 'yon?"
      "Ewan ko lang. Baka may binili lang?"
      "Hindi, kausap niya 'yung ex niya eh, si Trixie. Kumakain sila kanina nu'ng iniwan ko. Talaga 'yung si Balot, magpapa-line-up tas hindi naman maglalaro."
      "Ah.."
      "O sige girl, thanks dito. Buti ikaw pumasok sa loob, kung hindi goodbye five thousand na."

        Tumango lang ako sa kanya. Pumasok na ako ng cubicle at parang nagpapalpitate ako. Hindi ako makalma. Shit! Nanginginig ako.  Buwisit ka Balot! Bakit ganito mo ako naapektuhan? T'ng-ina...

     Bumalik ako sa team ko at tinapos ang second game. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya pero ang malas talaga at nag-empty. Nag sounds kasi ako sa  taxi kanina. I forgot naman my powerbank. Originally ay wala na ako sa third game pero nagpalista na lang din ako. Nag-give way si Yvo sa slot niya kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. 

      Naging maganda ang takbo ng laro ko, strike spare, gano'n. Last two throw para sa laban na 'to ay nagconcentrate ako. 

      Inisip kong ex ni Balot ang mga pins. >°<… Yung sampung pin na ini-magine kong isang magandang babae na iniwan si Balot noon. 

      Letse kang Trixie ka! Alam kong minahal ka ni Balot noon, sakit ang gumuhit sa mata niya no'ng tumawag ka kagabe habang nasa taxi kami.
Tapos ano? Nandito ka para saktan siya ulit? No way!!!!

     Lumakad ako at inasinta ang pin. Buong puwersa kong binato ang bola at gumulong na. Pak! Strike. 

     Uhm!!! Tantos kang Trixie ka!!!  >.<

     Last ball ko na 'to. Tumayo ako ng deretso at seryosong tumitig sa mga pin.

   Para sa 'yo to Balot! Ang lakas ng impact na 'to ay para matauhan ka, buwisit ka rin! Ang tanga-tanga mo kung babalikan mo pa ang taong dumurog sa 'yo! Alam mo ang masakit? Ni hindi ko alam kung mahal mo pa ang babaeng  'yon lalo na't nagkita kayo ulit. Taena, ang sakit lang ah!

       Binato ko ang bola, gumulong, at otso. Nag spare pa sa huling bato ko at buong ngiti akong bumalik sa puwesto ko. Nahagip na kasi ng mata ko ang pagbabalik ni Laylanie Evance. Tumabi ako kay Yvo at hindi ko na ulit tiningnan ang direksyion niya. Huwag na huwag siyang lalapit, kung 
hindi - kaya ko siyang gawing bola ng bowling at pagulungin palayo sa 'kin!

      Natapos ang laban at nanalo kami. Calls for a celebration daw after the event. Hindi ako lumalayo kay Yesha, Jina at Yvo para hindi makalapit si Balot sa amin. Manigas siya! 

     Pilit kong iniiwasan ang mga tingin niya. After awarding ay kanya-kanya na silang lakad pauwi. Pinilit kong magsama sina Yvo at Jina dahil gusto kong mapag-isa. Nakasama ko pa si Yesha palabas ng building.

     "Penny! Sorry, hindi ako makakasabay, sinugod ang tatay ko sa ospital!" 

      Dahil kakatapos lang ng event ay sabay-sabay napuno ng mga tao ang kalsada. Alalang-alala na si Yesha. 

     "Ha?! Ano? Naku, sasamahan na kita, halika na dali." 

       Pero kalahating oras na ang nagdaan ay wala pa rin kaming makuhang taxi. Nakita kong humahagulgol na si Yesha at yumakap sa akin. 

       "Cool lang Yesh, makakadaan din ang taxi dito."
       "Pen….huhhuh…I still want to see my father alive….Pennn…" 
      "Ssssshh…..sige wait lang. Gagawan natin ng paraan. May battery ba cellphone mo?"

        Kinuha niya sa bag ang cp niya at inalis ko na muna ang pride ko. Tinawagan ko si Balot. Nakasave naman sa phone ni Yesha dahil boss niya yon.   ( Okay fine. Kabisado ko rin.  Hihiritan niyo pa ko eh. ^_^ )

     "Ahm Hello! Balot."
     "Penny? Bakit kay Yesha gamit mo?"
     "Ahm, nasa'n  ka na ba?"
     "Kausap ko pa yung mga event coordinator. What's wrong?"
     "Kasi ano, dinala sa ospital tatay ni Yesha. Wala kaming makitang taxi."
     "Okay, okay! Asa'n kayo? Exact location please. Give me five to ten minutes. Tetx me. Sige na bye!"

-------------

       Tahimik lang nagmaneho si Balot. Binibigyan namin pareho ng katahimikan si Yesha. Ako ang naupo sa tabi niya kaya't lagi lang akong nakatingin sa kalsada.

      Ayan na naman ang namamawis niyang kamay. Panay ang punas niya ng kamay sa gilid ng pantalon niya at panay ang 'Tsk" niya.

    Gusto ko siyang tiisin pero hindi ko rin nakayanan. Kinuha ko ang pulbos sa bag ko. Dati-rati ang maliit kong pulbos, umaabot ng isang buwan pero since I became close to Balot, medium size na binibili ko at dalawang linggo ang tinatagal.

       Nang minsang magstop kami ay sinenyasan ko siyang ilahad ang kamay niya sa akin.  Nilagyan ko ng pulbos ang kamay niya pero siya na ang pinag-scatter ko no'n sa palm niya. Inis pa rin ako no. 

----
      Pagdating sa ospital ay naghintay lang kami sa lobby ni Balot. Naiwan tuloy kaming nagkaka-ilangan.

      "Congrats sa team niyo. Yesha is  lucky to have you. Imbis na nasa celebration ka with Yvo, mas pinili mong samahan si Yesha."

     "Special mention talaga si Yvo ha? Sinabi ng sila ni Jina ang bagay. Tsaka, masuwerte rin si Yesha sa 'yo dahil boss ka nya."

    "Oo nga. Ako kaya, kailan magiging suwerte?"

      Tinaasan ko siya ng kilay. Drama nito? Hindi pa ba siya suwerteng balikan ng ex niyang mahal niya pa? Siya na! Hindi na lang ako kumibo.

      Nagsalita siya ulit. "You know what? I hate hospital. The ambiance and everything about it."

      Hinayaan ko lang siyang magtuloy. "Nawitness ko kasi kung pa'no binawian ng buhay ang paborito kong lolo sa Emergency Room. Old age naman pero siyempre, sudden eh.
Then ako rin ang sumama sa ambulance noon nang ma-accident ang best-cousin ko. Ayoko ng dugo, ng karayom." 

        "So 'yun ang dahilan kumbakit dinedelay mo operasyon mo?"
       "Sort of. Pero desidido naman na ako. Hindi na ako magrereport sa office."
       "Nagresign ka?!" 
       "Hindi no! I confrimed na sa surgeon ko na bukas na ako pupunta."

        Bigla akong napatingin sa kanya. "Bukas?!"
      "Yep! Nahihiya na ako sa 'yo, nauubos ko na pulbos mo."

       Napatawa naman ako. "Hahaha! Baliw!"

       Napangiti na rin siya. "Mas maganda kung nakasmile ka lagi Penny."

       Bumalik ang tingin ko sa sahig. Ano bang sasabihin ko? Alam ko naman ang lugar ko sa kanya, kaibigan? Special na kaibigan? Hindi ako dapat mag-eexpect pero nag-eexpect ako. Maaaring sasabihin din naman nya sa kin ang regarding kay Trixie pero dapat ko ba siyang tanungin?

        Nagbuntung-hininga ako. Naramdaman kong umusod siya patabi sa akin. Hindi ako kumibo.

    "Ah…Penny…"
    "Hmmmm?"
    "Tingnan mo naman ako."
    "Bakit?"
    "Sige na…"
    "Bakit muna?"
    "Hindi mo ko titingnan?"
     "Bakit nga muna?"
     "Hahalikan kita dito sige, seryoso ako."
     "Subok lang, patay ka sa akin."
     "Patay na patay na nga ako sa 'yo ano ba Penny?!"

      Biglang may dumaang stretcher sa harap namin at nagkakagulong mga nurses. Hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Humarap na ako sa kanya.

       "Ano nga ulit 'yon?"
       "Ang sabi ko…I miss you." Ngumiti siya bigla at nagpapungay ng mata. Pinindot ko 'yung pisngi niya. "Baliw mo!"
      "Hahahaha!!! Namiss nga kita no!" 
      "Puwes ikaw hindi ko namiss."
      "I know." Seryoso siyang sumagot. Hala bakit?
      "Totoo naman eh. Alam ko nga. Ano ba laban ko kay Yvo? Lalaki 'yon?"
      "Bakit? May ginagawa ka na ba para lumaban?"

----------------
^_^

Seguir leyendo

También te gustarán

43K 1.7K 26
(COMPLETED) Paano kung sa hindi sinasadyang pagkakataon ay makilala mo yung taong nagparamdam sayo ng kakaibang excitement? Yung hindi mo maipaliwan...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
641K 16K 55
Matagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie...
123K 4.5K 56
WARNING: SPG | R18+ ■UNEDITED■ People always see her as a war freak because of her so-called "BITCHY ATTITUDE" But her Close Friends know who's the r...