Chapter 19: Closure

4.1K 141 28
                                    

BALOT'S POV: 

         SA unang kanta ni Penny ay nabuhayan ako ng pag-asa. Sa araw-araw na buhay sa opisina ay aware naman akong walang umaaligid sa kanya maliban kay Yvo na tinutulay niya kay Jina. Umaasa ako na kahit kaunti ay open sa Penny sa mga katulad ko.  Anyway nabanggit niya nga na ang bestfriend nga niyang si Shine ay may girlfriend.

         Ilang araw na lang ay tournament na. I don't want to miss the event kaya ang operation ko muna ang pinending ko.  The night before the anniversary ay lumabas kami ni Penny. Dinner lang. I just want to enjoy every moment we can be together. 

         "Hilig mo sa icecream no Pen? Hindi yata tayo lumabas na wala kang dessert na icecream."
         "Pansin mo? Oo nga eh, bata pa ako ma-icecream talaga ako."
         "So pa'no, ready ka na ba matalo? Galingan mo bukas ha. Pag nanalo kayo, may prize ka sa akin."
         "Sus! Ano naman? Ayoko ng kiss ah. Eeewww ka."
        "Hangsama mo talaga sa akin? Nakuu, pag ako talaga Penny…"
        "Nevermind. Huwag ka ng mag-abala Balot, I'm not after your prize. Maging okay lang operation mo, okay na 'yon."
        "Mga two weeks siguro babalik ako sa doktor."
       "Oh sige, sasamahan na nga kita."
       "Tologo? Ong soyo nomon!"
       "Tumigil ka nga dyan! Ang panget mo! Haba ng nguso mo, baka may binabalak ka na namang gawin ah! Quota ka na noon, huwag mo ng ulitin unless - "
 
       "Unless what?"
       "Unless may karapatan ka."
       "How can I have that?"
       "Sagutin mo tanong mo no!"
       "Hmmmm….matapos lang ang event sa office, patay ka sa akin."
        "I doubt."
       "Well lets' see."
        "Talaga, kayanin mo lang ha. Maligalig ako kapag nainlove."
       "Tingin ko nga bie, ngayon pa lang maligalig ka na."
        "Halika na nga, gabi na. Umeechos ka pa. Sakit pa ng paa ko, pa'no ba 'yan?"
        "May madadaanan tayong tyangge. Arte kasi, kailangan terno pa sa damit ang sandals. Bago pa ha?"
       "Ganyan talaga ang mga girls no? Palibhasa…."
       "Babae rin ako. Hindi lang ako comforatble sa mga ganyang sapin sa paa."
        "Naku! Magsanay ka na Balot dahil bibihisan kita ng mga pang girly."
         "Yay!" 

        Paglabas ng mall ay nakakawit lag ang braso ni Penny sa akin. "Aray, ang sakit na ng paltos ko."

        "Kaya pa ba? Kaya kitang buhatin o kaya ipasan. Sa liit mong 'yan."
        "Five four ako Balot, malaki ka lang sa five six and a half okay? Yabang nito, kapre!"
        "Alam mo Pen? Ang daldal mo no? Isa lang makakapag-patahimik sa 'yo eh. Halik ko."
        "Nakow!"

        Huminto na kami sa tyangge ng mga sandals. Ako na ang pumili na medyo matibay. Ako na rin ang nagsuot sa paa niya. 

        "Oh, okay na po ba Ma'm?" tiningala ko siya dahil inaayos ko pa ang sandals sa paa niya. Konsuwelo ko na lang na ngumiti siya bago tumango.
 
        "Tumayo ka na dyan." utos niya.
         "Haaay! Buti na lang may bukas pa kundi, papasanin talaga kita."
         "Oo na, halika na't pumara ka na ng taxi."
        "Opo Ma'm, at pakitandaan na pag coding ako, huwag mag-susuot ng bagong sapatos ano po?"
        "Opo Mommie," sagot niya sabay smile ulit. Hay Penny, tama na kakangiti. 

      Nasa loob na kami ng taxi. Magkadikit na magkadikit ang mga braso at balikat namin. Minsan gusto laging coding kasi pag ako driver, may nakaharang sa pagitan namin eh. Hihi.

        Alam mo ba 'yung feeling na pag ganitong moment, sobrang lakas ng tibok ng puso mo? Tapos para makalma ka, ang yakapin lang ang katabi mo ng mahigpit, okay ka na?

         "Ano ba Balot?! Ang likot mo? Natatae ka ba? Umayos ka nga!"
        "Pupu agad? Di ba puwedeng may makati lang? Grabe ka talaga!" 
         "Umusog ka kaya banda ro'n? Ang lapit mo kasi sa akin masyado."
        "Mabango naman ako, hindi ka lugi." Tumawa lang siya. 

         "Amoyin mo pa mamaya. Nakakahiya lang kay Manong driver, ssssh…"

         Biglang nagvibrate ang cp ko. Baka si Manang na naghihintay na. Hindi ko na hinintay magsalita ang tumawag at sinagot ko kaagad. 

         "Hello! Pauwi na po, andyan na."
         "Lanz.." Isang tao lang nag tumatawag sa akin no'n. Lumunok ako. 
          "Ah yes?"
          "Nakaistorbo ba?" Sinulyapan ko si Penny na nakatingin lang sa daan. 
          "Hindi naman bakit?"
          "Magkita tayo bukas."
          "Look I'm not sure k-kasi…anniversary ng Crown bukas. Hanggang gabi na kasi pati awarding isasabay na."
          "Walang kaso, maghihintay ako. Kahit anong oras kahit saan."
         "Ahm, may dapat pa ba tayong pag-usapan?"
         "Marami. Look Lanz, hayaan mo lang akong magpaliwanag. Tapos no'n, I won't bother you again. Please Lanz, for my peace of mind."
         "Hindi pa ba?"

         Huminto ang taxi at nandito na pala kami sa lugar ni Penny. Pangatlong kanto kami as usual nagstop. Nagbayad na si Pen. 

         "I'll just call you later. Bye." Mabilis kong nilagay sa bag ang cp ko at sumunod kay Penny pagbaba ng taxi. 

         "Penny wait!" Ambilis talaga nito maglakad, grabe!
         "Wait ka dyan!"
         "Sandali, wait! Puwede huminto ka nga." 

        Huminto siya maglakad. "Di mo ba ako aantayin makasakay man lang?"

          "Eh…may kakausapin ka pa yata pag-uwi mo kaya I'm doing you a favor. Binibilisan ko ng makauwi."
          "Ito na naman kami. Wala 'yon sus!"

        Biglang may dumaang taxi at pinara ni Penny. Tsk . 

        "Manong Malate po?" sigaw niya sa driver. 
       "Oh Balot sakay na, dali gabi na."

        Ayokong makipag-talo kaya wala akong nagawa kundi sumakay. Maligalig talaga si Penny. Pag-uwi ng bahay ay tinawagan ko siya. Naka-ilang dial ako bago niya sagutin.

         "O? Ang bilis  naman?" sarkastika niyang sabi agad.

         "Ang alin?"
         "Yung kausap mo kanina? Nakausap mo na?"
        "Wala okay? Kakauwi ko lang."
        "O, magbihis ka na."
        "Galit ka na naman ba?"
        "Haler! Bakit naman?"
         "O sige na nga. Pa'no? Sunduin kita bukas ha."
        "Bahala na."
        "Goodight Pen."
        "Okay."

         Okay? Sagot ba 'yun sa goodnight? Haay! Ang hirap naman lambingin ng batang ito, oo!

          "Ay alam ko na Pen, kanta ka na lang ulit?"
          "Balot, wala ako sa mood. Masakit paa ko, antok na rin."
          "Ah okay okay sige, sleep ka na po."

          Hindi man lang siya nag-bye at naging blangko na ang linya ng cp. Natulog na lang ako at nakalimutan ko na rin tawagan si Trixie. 

        Si Trixie -

        ang babaeng pinag-alayan ko ng puso ko limang taon na ang nakakaraan. 

 ***********************

Ty for reading
Shan  jan. 25, 2017

Vote comment
;)

Ang BALOT ni PENNY (Completed)Where stories live. Discover now