Chapter 14: Loooooveee Iiiiit!! :)

4.6K 173 11
                                    

Game playing doesn’t make any sense in the long term. Once the chase is over, if nothing more substantial exists Between the two of you, the ATTRACTION is gone. !!!

       ~~~~~~~ # ~~~~~~~~~~

Balooooooooot!!!  Penooooy!!! Balot Penoy kayo dyan!

Hi girls! Ako ang inyong tindera, naglalako na.

Pakyawin niyo ang tinda ko. :)

Sa mga naghinintay kina Balot Penny dyan…heto na po
 

------ Shanen Eloisa -----

************************

BALOT'S POV:

        BATA pa ako ay nahilig na ako sa bowling. That's the sport of my parents kaya pati ako ay dinamay nila sa hilig nila. Regular ang laro ko noon at nahinto na lang no'ng nagsimula na akong magtrabaho. 

       Honestly, wala naman talaga akong balak sabihing gusto kong manligaw kay Penny. Ewan ko ba! It was unexpected. Madalas naman kaming magbiruan pero nu'ng  sabihin niyang pwede akong manligaw, hindi ko malaman gagawin ko. 

      Masaya- na excited - na kabado - na takot - na ewan? Kasi, ang iyong abang lingkod ay torpe po sa totoong buhay. Style ko lang ang pagbibiro pero hindi po talaga ako marunong manligaw. 

  ----
         I won the game obviously at legit na ang pagpayag niyang ligawan ko siya pero paano? 

       "O pa'no ba 'yan Pen? Strike nga?" May yabang kasabay ng tukso kong baling sa kanya pagtabi ko. 
      "Sus!"
      "Baka naman kasi sabihin mo, hindi ako karapat-dapat eh 'yon ang kondisyon?"
      "Naku! Bahala ka na nga! Lika na at gutom na ako!"

      Tumayo siya at nauna na. Hala bakit kaya? Seryoso kaya siya sa sinabi niya kanina? O nagjojoke lang din siya? Ako seryoso ako. 

      Tinabihan ko siya habang hinuhubad ang bowling shoes niya. Mahina kong binunggo ang braso niya. 

       "Huy!" 
      "Baket?"
      "Kung may magagalit naman, hindi ko na itutuloy manligaw. Baka mailang ka eh, iwasan mo pa ako?"
       "Haaay! Ewan ko sa 'yo! Baka naman sa 'yo may magagalit? At ano ka ba? Diba may liligawan ka na kaya ka nga mag-papaopera ng kamay para naman pag nagholding hands kayo - eh hindi nakakahiya. Diva?" 
       "Do I feel jealousy here?" 
      "Muka mo Laylanie Evance! Tumigil ka nga!" 
       "Amiiiniiiin…"
       "Baliw! Tara na! Bilisan mo magpalit dyan at naiihi na ako, tara!"

        Mixed emotions naman ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko ng bawiin kasi parang nabibilisan ako sa aming dalawa.
Pumayag siya eh. Meaning type niya ako? Oh my type niya ako?

         Bigla akong pumreno. Naisip ko naman kasi 'yung mga naka-fling ko when I was in college. 'Yung mga babaeng straight na nakiki-uso lang tapos when the chase is over, wala - nganga ka na. Ayoko na ng gano'n. Hindi na ako teen-ager at ayaw ko na ng mga fling.

           And Penny here is a special woman I care about. Sa ikli ng panahon na nakakasama ko siya, hindi siya 'yung tipo ng nagti-trip lang o mag-eexperiment lang.

         Then my actions a while ago? I realized it was wrong. Mali. WRONG MOVE. Erase! Kung papasok man ako sa isang relasyon, 'yung mas sigurado sa akin para hindi ako iiwan. Pagod na akong maiwan.

----
         Naglalakad na kami sa mall palabas ng bowlingan. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang alalayan sa paglakad, hawakan ang kamay or something? Ako tuloy ang nailang, nakakainis naman.

Ang BALOT ni PENNY (Completed)Where stories live. Discover now