Chapter 50: All my Life

3.5K 146 11
                                    


 PENNY'S POV:

         Nagpasa ako ng resignation kinabukasan. Naiyak ako dahil mabait silang lahat sa akin. Si Ma'm Keilor, si Yvo, si Jin…lahat mamimiss ko. Hindi naging madali sa aking iwan ang Silvercrown pero kailangan kong gawin.

         Kinausap ko ang Mommy ko at pinaki-usapan ko siyang huwag ng sabihin kina Helene at Apollo ang tungkol sa natuklasan niya.

          Oo, nagsinungaling ako sa Mommy kong wala na kami ni Balot. Ito lang kasi ang isang paraan na alam kong manatili ako sa relasyon namin. Sinabi ko pa na puwede niyang puntahan ang office ko para masure na umalis na rin si Balot. I even gave Balot's FB account to Mom para wag na niya akong pagdudahan. 
Pinakiusapan ko lang na huwag na lang niyang iprivate message dahil tahimik naman na tao si Balot.

         Isang gabi bago ang alis ni Balot ay pinakiusapan ko si Shine na samahan ako sa bahay ni Balot. Ginawa ko 'to para hindi maghinala ang nanay ko. Hindi alam ni Balot na pupunta ako. Niyakap ako ni Shine bago ako pumasok ng bahay ni Balot.

        "You sure okay ka lang?"
        "Oo Shine, huwag mo na akong hintayin, kaya ko na. Maraming salamat," muli niya akong niyakap at hinagod ang likod ko.

         "Bilib ako sa tapang mo friend."

           Pumasok na ako ng bahay. Si Yaya ang nagbukas ng pinto. Pinayagan na niya akong umakyat sa room ni Balot. Pansin ko din ang lungkot sa mata niya. Ang kanyang daddy ay umalis na kahapon.

         Pag-akyat ko sa taas ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakatapak sa bahay na 'to, sa loob ng kuwarto niya. Hindi naglock si Balot. Pagpasok ko ay umupo ako ng kama. Nasa banyo si Balot. Bumigat ang kalooban ko ng makita ko ang dalawang maletang nakahanda ng bitibitin bukas.

          Totoo, totoo na ngang aalis na siya. Naninikip ang dibdib ko. Tumayo ako ng kama at kinuha ang picture frame sa bedside table niya. Kuha ito no'ng last monthsary namin sa Enchanted Kingdom. Hinaplos ng daliri ko ang litrato. Di ko napigilang lumuha. Kailan kaya mauulit ang picture na magkasama kami matapos ang gabing 'to?

          Narinig ko ang lagaslas ng tubig, naliligo pa siya. Nilapag kong muli ang frame sa mesa. Binuksan ko ang cabinet niya kung saan mayro'n din akong stock ng mga damit. Naghubad ako at imbis na magpalit, 'yung bathrobe niya ang kinuha ko at isinuot.

          Umupo akong muli ng kama pero hinila na ako ng antok. Nahiga akong patagalid, patalikod sa direksiyon ng banyo niya. Nalulungkot ako, nalulungkot ako.

         Narinig ko ang langitngit ng pinto no'ng lumabas na siya ng CR. Naka-robe din siya at may tuwalyang nakabilot sa buhok. Tinabihan niya ako sa kama at marahang niyugyog ang balikat ko.

           "Penny….akala ko'y nagkaintindihan na tayong huwag ng magkita hanggang makaalis ako?"

         Umikot ako paharap ako sa kanya at umupo. Tinitigan ko siya at hinaplos ko ang pisngi niya. Hindi ako sumagot bagkus kinabig ko ang batok niya at siniil ko siya ng halik. Balot responds with equal passion. Nararamdaman ko ang init ng pagmamahal niya sa init ng kanyang halik at sa paraan ng kanyang haplos.

         Inalis niya ang tali ng robe ko at ganun din ang ginawa ko. Ilang saglit pa ay kapawa hubad na ang aming mga katawan. Inalis niya ang tuwalya niya sa ulo tsaka niya ako pinaimbabawan. Hinalikan niya ng mariin ang noo ko, mabagal na pinaulanan ng maliliit na halik ang mukha ko hanggang ang labi ko ang huli niyang hinahalikan. Naging malalim ang paghahalikan namin at nagsimula ng lumandas ang kamay ko sa likod niya paikot ng dibdib niya.

           Naging marahas ang paglalakbay ng kamay namin sa bawat isa hanggang mauwi muli sa mainit at madamdaming pagniniig ang naganap sa pagitan namin.
Kapwa kami nakaabot sa sukdulan.

Ang BALOT ni PENNY (Completed)Where stories live. Discover now