Chapter 36: 2nd Song: In My Life

4.5K 147 8
                                    

BALOT'S POV: 

       Hindi ko naman sinasadyang maglibot ang kamay ko ng gano'n. Automatic lang talaga. Buti nga at dumating si Apollo at nakontrol pa kami. Iyon ang ayokong mangyari sa lahat - ang malagay sa alanganin si Penny.

      Naghilamos ako sa loob ng banyo.
Naghugas na rin 'doon' dahil nag-wet talaga ako. Haaay Balot! Kontrol please….

        Paglabas ko ay nagulat ako no'ng nasa labas si Penny at nakasandal sa may hamba ng banyo. 

     "Okay ka lang?" Tanong niya. Nagyuko ako ng tingin. "Sorry Penny, sorry talaga." 

      "Haay! Muntik na tayo do'n eh. Halika na nga do'n na tayo sa kama. Posasan ko muna kamay mo, hahahah!"

       Umupo kami sa kama na nakapa-gitna si Itlog. "Iniisip mo bang ako to hun?" tanong ko.

      "Hindi ah. Hindi ka naman mukhang bear, hahah! Ikaw mismo ang iniisip ko. Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na may girlfriend na ako."

       Inalis ko si Itlog sa gitna namin at tumabi sa kanya. I held her hand and played with her fingers. 

      "Ako rin naman Penny. Noong una, takot na takot ako sa feelings ko para sa 'yo kasi siyempre, hindi ka pa nagkakaro'n ng relasyon simula no'n.
Baka andami mong expectations na di ko mameet at mafail kita, tapos magagalit ka, madidisappoint gano'n. Pero sumugal ako na baka may chance kaya kahit gustung-gusto ko ng magtapat, nauunahan ako ng takot." 

     "Alam ko kaya inunahan na nga kita eh. Baka forever ka ng maging takot dyan. I don't know pero dapat maging matapang tayo pareho."

     Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. "Thank you so much Penny for loving me back. You have no idea how happy I am."

      Penny kissed my head. "I'll take good care of you Hun. First thing is itong kamay mo, ayusin na natin, okay?" 

     Tiningala ko siya at tinignan sa mata. "Opo mahal," sagot ko. 

       Hindi na ako nagtagal sa bahay ni Penny. Isang simple kiss lang ang naganap bago ako lumabas ng kuwarto niya. Pag-uwi ko ng bahay ay hindi naman ako kaagad nakatulog. Yung feeling na parang lutang gano'n. Feeling ko, ngayon lang talaga ako nainlove. 

       Humiga na ako at nagmuni-muni. Ginising lang ako ng tawag ni Daddy. Gabi ngayon at umaga naman sa US. 

     "Baby…."
     "Dad…wha'ts the urgency? Antok na po ako." 
      "You have to take me seriously anak. Antagal na kitang nililigawang pumunta na dito at samahan ako. Nasa stage three na ang dialysis ko at wala na akong maasahan pa." 

     "Bakit kasi hindi niyo na lang isuko 'yan sa mga pinsan ko tas umuwi kayo rito at dito ko na kayo alagaan, dad naman eh!"

      "Alam mong ang furniture business natin dito ang pamana pa ng mga ninuno natin. Walang nagmamalasakit ng totoo dito. Ano? Hahayaan ko na lang?"

      "Dad naman eh! Sige na bye na, antok na po ako. Paulit-ulit lang tayo at 'yun pa rin ang sagot ko. Settle here and I'll take care of you, period." 

      Di ko na inantay na sumagot siya. Inoff ko na ang phone ko. 

-----
       Kinabukasan ay excited akong pumasok. Ito ang unang araw namin ni Penny sa office bilang kami. Oh ha, kami, take note ^_^

        Pagpasok ko ng office ay nando'n na si Penny na kabubukas lang ng PC. "Hi…" pormal niyang bati. 

       Nilapag ko ang laptop sa mesa. "Aga mo Hun."

Ang BALOT ni PENNY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon