Chapter 7: Smiley

5.8K 194 7
                                    

PENELOPE'S POV:

       HINDI ko naman inasahan kasi na sasama si Ma'm Balot kina Yesha at mas lalong hindi ko inaasahan na sasama pa siya sa taxi. Bago pa lang ako sa kompanya at nakakahiya namang tumanggi ako at mag-maganda diba?

      Pero hindi ko talaga kakasamahin si Balot hanggang bahay namin. Susko! Sa aura niya na butch talaga at fresh pa ang chismis sa tita Tere, naku ayaw ko ng mga interogasyon!! Though deep within, alam kong pag-iisipan ako na nanghuhusga pero 'yon eh. Mas tahimik ang buhay kung susunod na lang ako.

        Hiyang-hiya ako kay Balot pero she made sure naman na she understands. Bigla namang parang piniga ang dibdib ko sa sinabi niyang sanay na siya sa gano'ng treatment? Or siguro sa mga tao lang na hindi siya tanggap. Haaaay!!!

         Naglalakad ako papunta sa amin at sa lalim ng iniisip ko ay nabunggo ko ang kababata kong si Lexy.  "Uy Penny! Ano ka ba! Ang lalim ng iniisip mo? Pauwi ka pa lang?"
        "Eh...sorry! Inaantok lang, saan ka?"
        "Bibili ng gamot ni Benjong, nilagnat bigla, nag-ngingipin kasi. Dalawin mo nga minsan 'yung inaanak mo."
        "Sige itong weekend, kahit kasama ka, itreat ko kayo. Galing nga akong trabaho."
       "Oh siya sige, mag-ingat ka. Matulog ka ng maaga pag-uwi mo. At oo nga pala, umuwi na ba ang ate Tere? Totoo ba ang tsimis?"
       "Naku! Huwag mo ng intindihin 'yon Lexy. Quiet ka na lang."
       "Bakit naman kasi?!! Ang ganda-ganda ni Ate Tere, para namang mauubusan ng lalaki at sa babae pa pumatol?"
       "Lexy pelase? Sige na, mauna na ako."

        Pagdating ko ng bahay ay wala pang tao at nasa kanya-kanya pang lakad. Humiga ako sa kama at nag-isip. Ano pa kaya kung nakita ako ni Lexy na kasama si Balot? Patay na! Numero uno pa namang chismosa ang kababata kong 'yon.

        Bumangon ako, nagbihis at nagshower. Atsaka ko naalala na itetext ko nga pala si Balot. Naisip ko na lang na tawagan na lang siya. Ano kaya ang boses niya sa phone? Narinig ko na siya sa landline kanina eh. Dalawang ring lang at sinagot na niya agad.

       "H-helloo!" kabado kong sabi.
       "Oh Penny, okay ka lang ba? Parang may sakit ka na ha, o inaantok na?"
       "Nakilala mo agad ako?"
       "Oo, tsaka ikaw lang naman ang inaantay kong tawag eh."
       "Ah ganu'n ba. Asa'n ka na?"
       "Malapit-lapit na ring bumaba."
       "Ahhmm..ano, sorry nga p---"
       "Andito na ko Penelope. I'll just call you later. Tutulog ka na ba?"
       "Hindi pa naman, okay sige ingat ka."

        Nangiti ako pagbaba ko ng cellphone ko. Bakit may ganitong effect si Balot sa akin? Hindi ko maintindihan pero may kiliti sa puso ko at gusto ko ang nararamdaman kong 'to.

        Humiga na ako sa kama matapos kong ayusin ang mga gamit ko para bukas. Nasa bahay na siguro si Balot at nagpapahinga na. Napansin ko ring sunud-sunod ang meeting niya no'ng hapon at tambak ang paperworks sa tray niya. Pero hindi ko pa rin siya nakitaan ng pagka-bagot.

        Balot is a happy person. Simple, hindi complicated. She gets along well with people, parang wala kang maiipintas. I noticed how she treats common staff, VIP and small people.
Especially ang mga guards, janitors, messengers, she treats them all well. Hindi katulad ng ibang boss na maliit ang tingin sa mga blue-collar jobs.

       Oh my! Balot is occupying my mind now. Pinatay ko na ang ilaw ng kuwarto at binuksan sa level two ang aircon. Nagkumot at nagtakip ng unan. Bigla namang nag ring ang cellphone ko. Napabalikwas ako ng mabasang si Balot ang tumatawag. Alas onse ng gabi.

      "Hey! Did I wake you up?"
      "No, hindi naman. M-may ginagawa pa naman ako. Ikaw? Okay ba uwi mo?"
       "Yes, binigyan ko ng malaking tip si Kuya driver kasi dinaan niya ako sa shortcut."
        "Ang generous mo talaga no?"
        "Oo, para doble ang balik, hehe!"
        "Am Ma'm, sorry ulit kanina. I know I have offended you."
       "Not really, sabi ko naman sa 'yo sanay ako. Deadma lang. Huwag lang sana dumating ang time na kailangan kitang ihatid sa bahay niyo, sorry."
       "Let's see. Hindi ka pa matutulog?"
       "Hindi pa. May sasagutin pa akong mga emails."
        "Work?"
        "Yung iba, 'yung iba personal."
        "Ah...o siya sige, ibaba mo na at inaantok na rin ako."
        "Okay. Thank you for your hospitality kanina. And sana Penny, huwag kang mailang sa akin."
         "Okay sure no problem."
        "Pahinga ka na at sasbihin ko na sa 'yo na maraming event ang parating sa office. Ihanda mo na sarili mo."
        "Andyan ka naman tsaka si Ma'm Keilor eh, I wouldn't mind."
        "O sige na ganda, goodnight na."
        "Hahaha!!!"
        "O bakit ka natawa?"
        "Eh kasi naman expression mo, pang baklush, haha!!"
         "I really am gay no!"
         "Hahah!!! Whatever! Sige na, goodnight!"
         "Sweet dreams Penny, see you tomorrow."
        "Goodnight."

Ang BALOT ni PENNY (Completed)Where stories live. Discover now