Chapter 21: Laban na

3.8K 145 8
                                    

PENN'YS POV:

        Alam ko na ang routine ni Balot kaya't mas maaga pa akong umalis dahil baka bigla na lang sumulpot 'yun sa harap ko. Naiinis pa rin ako dahil sa babaeng kinakausap niya sa cellphone. Alam kong wala akong karapatang manghimasok, sino ba naman kase ako diba? Pero 'yun ang nararamdaman ko eh, at wala na akong magawa ro'n. 

        Magkalaban ang team namin ni Balot. During the first game, nakita ko siyang umorder ng pagkain at tumambay do'n mag-isa. Nagkunwari na lang ako na hindi ko siya napapansin. Nakikipag-biruan na lang ako sa ka-team ko. Bigla-biglang nawala na lang sya sa paningin ko. Pinigil ko ang sarili kong itext siya kung nasa'n na naman siya.

       Second game na ay hindi pa rin siya bumabalik. Lalo akong naiinis. Halfway ng laban ay nagpunta ako ng CR. Nasalubong ko si Em-Em. Alam kong close sila ni Balot pero ibang department na lang siya. Ngumiti lang ako sa kanya. Pagpasok ng Cr ay sumunod siya. 

        "Ano ba 'yan! Ang shunga ko talaga! Naiwan ko 'yung purse ko."

       Pagbukas ko ng isang cubicle ay nando'n nga ang wallet nya. "Em, ito oh. Buti wala pang pumapasok," sabi ko sabay abot ko sa kanya.

      "Oy thanks! Kateam ka ba ni Balot?"
      "Ah hindi, magkalaban kami."
      "Nakabalik na ba siya?"
      "Ha?"
      "Nakita ko sya sa DeliFrance kanina, maglalaro ba 'yon?"
      "Ewan ko lang. Baka may binili lang?"
      "Hindi, kausap niya 'yung ex niya eh, si Trixie. Kumakain sila kanina nu'ng iniwan ko. Talaga 'yung si Balot, magpapa-line-up tas hindi naman maglalaro."
      "Ah.."
      "O sige girl, thanks dito. Buti ikaw pumasok sa loob, kung hindi goodbye five thousand na."

        Tumango lang ako sa kanya. Pumasok na ako ng cubicle at parang nagpapalpitate ako. Hindi ako makalma. Shit! Nanginginig ako.  Buwisit ka Balot! Bakit ganito mo ako naapektuhan? T'ng-ina...

     Bumalik ako sa team ko at tinapos ang second game. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya pero ang malas talaga at nag-empty. Nag sounds kasi ako sa  taxi kanina. I forgot naman my powerbank. Originally ay wala na ako sa third game pero nagpalista na lang din ako. Nag-give way si Yvo sa slot niya kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. 

      Naging maganda ang takbo ng laro ko, strike spare, gano'n. Last two throw para sa laban na 'to ay nagconcentrate ako. 

      Inisip kong ex ni Balot ang mga pins. >°<… Yung sampung pin na ini-magine kong isang magandang babae na iniwan si Balot noon. 

      Letse kang Trixie ka! Alam kong minahal ka ni Balot noon, sakit ang gumuhit sa mata niya no'ng tumawag ka kagabe habang nasa taxi kami.
Tapos ano? Nandito ka para saktan siya ulit? No way!!!!

     Lumakad ako at inasinta ang pin. Buong puwersa kong binato ang bola at gumulong na. Pak! Strike. 

     Uhm!!! Tantos kang Trixie ka!!!  >.<

     Last ball ko na 'to. Tumayo ako ng deretso at seryosong tumitig sa mga pin.

   Para sa 'yo to Balot! Ang lakas ng impact na 'to ay para matauhan ka, buwisit ka rin! Ang tanga-tanga mo kung babalikan mo pa ang taong dumurog sa 'yo! Alam mo ang masakit? Ni hindi ko alam kung mahal mo pa ang babaeng  'yon lalo na't nagkita kayo ulit. Taena, ang sakit lang ah!

       Binato ko ang bola, gumulong, at otso. Nag spare pa sa huling bato ko at buong ngiti akong bumalik sa puwesto ko. Nahagip na kasi ng mata ko ang pagbabalik ni Laylanie Evance. Tumabi ako kay Yvo at hindi ko na ulit tiningnan ang direksyion niya. Huwag na huwag siyang lalapit, kung 
hindi - kaya ko siyang gawing bola ng bowling at pagulungin palayo sa 'kin!

Ang BALOT ni PENNY (Completed)Where stories live. Discover now