The Hardest Battle

By xianrandal

974K 16.5K 700

Story of Zanjo from He's In Control---Hinanap ni Zanjo ang babaeng nagngangalang JEllaine Amber Yushiko para... More

Prologue
1- Zanjo
2 Jellaine
3 First Day
4 We've MeT!
5 Meet Some Friends
6 The Number
7 Sila Na
8 - The Quiz
9 The Incident
10 No Choice
11 Milette
12 Mine
13 Revelation
14
15 Confrontation
17 - The Job
18 The Client
19
20 The Friend's Visit
21
22
23 - Chance
24
25
26 Officially
27
28
29
30
31
32
33
34 Family?
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
END

16 The Offer

20.9K 338 11
By xianrandal

16

Life must go on. Wala naman siyang magagawa, sa ngayon, ang tanging problema niya ay ang utang niya rito at ang mga tagilid niyang grades. In fact. Nasa office siya nang program head nila. Napatayo siya nung lumabas yung isa niyang professor.

“I’m sorry, Jellaine, talagang hindi aabot ang grades mo. We know that you are maintaining a grade, pero talagang hindi natin magagawan nang paraan.” Prangkang sabi nito sa kanya.

Inaasahan na niya ito. Ano naman ang magagawa niya, alam naman niyang nagkulang siya. Kung maglulupasay ba siya ngayon, maibabalik bas a dati ang lahat?

“Naintindihan ko po, Sir. Salamat po.”

Paano niya sasabihin sa Nanay niya ang lahat? Nahihiya siya rito pati na rin sa sarili niya. Nakasalubong niya si Glake at Winsor. Lately, masyadong nagpapapansin si Glake sa kanya, kapal lang talaga nang mukha. Pero wala siyang panahon para rito. Deadma na lang, di rin naman ito tatablan.

“Ano na?”

“As I expected.” Tanggap na naman niya. Hindi lang naman yun ang sukatan nang lahat, although it would be a great help sana. Marami pa siyang puwedeng I prove sa sarili niya.

“Girl, okay ka lang?”

“Oo naman.” Lately natuto na siyang magmatigas, maging matigas, at pigilan ang emosyon lalo na sa harap nang ibang tao.

“Are you sure?” Nag-aalalang tanong ni Glake sa kanya. Hilaw na ngiti lamang ang isinukli niya sa manliligaw.

“Kumain na lang tayo.” Si Winsor.

“O sige, libre ko.” Si Glake.

Sa malapit na lamang sila kumain, mahirap naman kasi na lalayo pa sila sa university, may huling klase pa sila.

Tanaw na tanaw ni Zanjo si Jellaine kasama nang kaibigan nito, pero bakit may kasama itong iba? Alam niyang magkasama sila dahil dala nito ang ibang gamit ni Jellaine. Sino ito? Nakita niya nung ngumiti ito sa lalaki?

Bakit parang ayaw niyang nginingitian nito ang iba? Papalapit na ito sa kinaroroonan niya nung makita niyang biglang huminto ang tatlo. Sinadya niyang ibang kotse ang dadalhin para hindi siya nito mapansin at hindi siya iiwasan.

Nagsalubong ang mga kilay niya nung biglang ibinigay nung lalaki ang gamit ni Jellaine kay Winsor at lumapit ito sa dalaga. Hinawi pa nito ang buhok niya sa mukha at biglang yumuko.

Ano ito, hahalikan niya si Jellaine?

Shit!

He was not able to control himself.

Nagulat silang tatlo nung biglang lumitaw si Zanjo sa harap nila, bigla nitong hinila si JEllaine sa kamay. Walng lingon lingon na binuksan nito ang sasakyan at pinapasok ang dalaga. Sa sobrang pagkabigla ang hindi nakakilos sina Glake at Winsor. Si Jellaine naman na masakit pa ang mga mata sa pagkapuwing ay hindi agad nakareact. Nung mahimasmasan….

“Walanghiya ka Zanjo! Anong ibig sabihin nito?” Masakit pa rin ang mga mata niya. Hindi niya alam ang dahilan nang pagkapuwing niya. ANg hapdi.

Seryosong nagmaneho lamang ang binata. Kahit anong tangka ni JEllaine na buksan ang pinto nang kotse ay hindi nito magawa, automatic lock eh.

“Ibaba mo nga ako! Hayop ka!” Dumagdag pa ang puwing niya.

“Bakit ka nakikipaglandian sa lalaking iyon sa harap pa man din nang school?”  Naiinis siya sa dalaga, kung hindi niya nga napigilan ang sarili niya, baka nasuntok na  niya ang lalaking nakahawak kay JEllaine kanina.

“Anog nakikipaglandian? Wag mo nga akong itulad sa iyo!” Nagpupuyos na ang kalooban ni Jellaine! ANg kapal lang nang Zanjong ito

“Hindi ba? Halos maghahalikan na kayo dun.”

“Maghahalikan!” Siya makikipaghalikan kay Glake? “Napuwing ako, at hanggang ngayon, masakit pa rin ang mata ko! Naintindihan mo, gago ka!”

Dun lang tumingin si Zanjo sa kanya. Tama nga, halos maluha na siya sa kakakusot nang mga mata niya. Bigla nitong itinabi ang sasakyan. Lumapit ito kay Jellaine. Bigla namang nagpanic ang buong Sistema nang dalaga. Anong gagawin nito?

Hinawakan ni Zanjo ang mukha ni Jellaine. “Easy, wag kang malikot, paano natin matitignan ang mga mata mo?” He gently said.

Ang lapit –lapit ni Zanjo sa kanya, tinignan nito ang mga mata niya kung anong problema, pagkatapos ay hinipan. Ramdam niya ang mainit nitong hininga. Nag-init na rin pati pisngi niya.

Zanjo saw her blushed. Was she affected by his presence? Nadako ang mga mata nito sa mapupulang labi nang dalaga. How he missed those lips.

Isang malakas na tulak ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Pagkatapos ay isang malakas na malakas na sampal mula sa dalaga.

“Demonyo! Hayop! Ang kapal nang mukha mo!”

“jellaine.” Masakit ang sampal nito pero hindi niya ininda.

“Ibaba mo na ako.”

Kailangang mag-isip nang paraan ni Zanjo. He wanted to talk to Jellaine at alam niya, hindi siya nito kakausapin nang matino nang walang galit.

“I need to talk to you.” Seryoso nitong sabi.

“Ano? Panibagong kasinungalingan?”

“No. I need you to pay for the two hundred thousand you borrowed this week.” Seryosong sabi ni Zanjo.

“What!” Nagulat si JEllaine. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon nang binata sa kanya. Sa laki nang kasalanan nito sa kanya, nakuha pa nitong maningil na pautang niya?

“Ang kapal lang nang mukha mo, Zanjo!” She felt the sudden anger rushing.

“I’m a businessman, Jellaine. Pero hindi naman ako kasing sama nang inaasahan mo. Pay that amount in full within this week, or work as my secretary for two months. Wala akong secretary ngayon, pina leave ko si Dante.”

Damn Zanjo! You got a brilliant idea!

“Hinding-hindi na ako kakagat sa mga pain mong demonyo ka.”

He just shrugged his shoulders. “Nasa sa iyo yan, after a week, harapin moa ng abogado ko, ayaw mo naman sigurong mabaon sa utang, dahil saan ka nga naman kukuha nang perang pambayad? Uutang ka rin? Kung ipapadampot naman kita sa mga pulis, paano na ang Nanay mo? Kagagaling niya lang sa operasyon, Jellaine.”

How he hates this man!

“Jellaine, two months is so short, after that, wala ka nang babayaran, quits na tayo.”

“Napakasama mo! Kailan mo ako tatantanan? Hindi pa ba sapat ang nagyari?”

Zanjo wanted to say something but no words came from his mouth. Hindi niya rin kayang salubungin ang galit nang dalaga.

“I am expecting you on Monday in my office, Jellaine.” He just said. He is very much confident na mas pipiliin nang dalaga na magtrabaho sa kanya kesa magkaroon pa ang isa pang utang na loob. Kapag nanagyari iyon, saka na niya iisipin ang susunod na gawin.

Hindi na umimik si Jellaine pagkatapos, siya naman ay hindi alam ang sasabihin, for the first time, wala siyang nasabi sa harap ng isang babae.

Inihatid na lamang niya ito pabalik sa university. Nakaabang na sina Winsor at Glake sa labas, tinext kasi sila ni Jellaine na huwag nang mag-alala. Walang lingon na lumabas siya nang kotse, ibinagsak pa nito ang pinto.

Tahimik lang na nagmamasid si Zanjo habang nakikita niyang nag-uusap si Jellaine at ang kasama nitong lalaki.

**************

-Xian- 

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 679 54
Book 1: It Was Only Just a Dream [Soon to be PUBLISHED under LIB] 1-20 Chapters revised versions and the least ay hindi na ako magpopost. Watch out...
1.4M 15.4K 54
Minsan kailangan nating palayain ang nag iisang bagay na nagpapasaya sa atin para mawala ang nag iisang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
2.1M 34.1K 72
City lights, money, women, alcohol. Those were the things that surrounded Toffer's every day life. A sought-after bachelor who knows nothing about th...
18.2K 1.6K 36
#KDLexMagicOnWattpad Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her da...