Morore Academy

By HoodenMask

390K 5.2K 427

Althea Scarlet is her name. A typical high school student with lofty ambitions. Isa siyang nerd at her school... More

Work of fiction
Althea: Her Fantastic Adventure
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Author's Note:
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 3

12.2K 382 6
By HoodenMask

ALTHEA

Tiningnan ko ang nakasabit na kalendaryo, biyernes na pala. Ang bilis tumakbo ng oras.

Nauna akong lumabas mula sa principal's office. Sumandal ako sa pader sa tabi ng pinto at agad akong napabuntong hininga. Sa wakas, makakahinga na ako nang maluwag dahil magiging malaya na ako nang tuluyan mula sa bullying.

Hindi ko inakala na matatapos na ang lahat nang ito. Wala akong ideya na si Angeline ay magkakaroon ng lakas ng loob na i-report ang bullying na nangyari. Kaibigan ko nga talaga siya, napaka swerte ko sa kaniya.

Ang mga magulang ni Becca at ng kaniyang dalawang kaibigan ay pinatawag ng principal namin. Gano'n din ako, kaso, wala akong magulang na maihaharap.

Sa sobrang abala ng mga magulang ni Becca sa kanilang trabaho, hindi siya napagtutuunan ng pansin. Kaya siguro hindi kanais-nais ang naging ugali niya.

Simula pa lang ng usapan kanina ay puro hingi na ng tawad sa akin ang mga magulang ni Becca, samantalang wala siyang imik at ng kaniyang kaibigan.

Out-of-school suspension, ang isa sa mabigat na napataw na parusa sa kanila. Pero mukhang sobra naman na iyon.

Pangalawa ay ang community service, pagkatapos daw ng meeting namin, uumpisahan na nila ayon kay principal. Tapos na ang meeting, napakalawak pa naman nitong campus. Hindi kaya pwedeng tumulong?

At ang pangatlo ay, kapag natapos na raw silang maglinis, may 10 minutes break sila tapos dapat daw na dumiretso sila sa detention room na may dalang yellow pad paper at punuhin nila iyon ng sagot sa tanong na 'why is bullying hurtful and wrong?'

Siguro, sobra naman na iyon. Pero hindi eh, deserve naman nila yata 'yon. Subalit hindi ko parin maiwasang makaramdam ng awa sa kanila. Ang gusto ko lang naman ay ang humingi sila ng tawad sa akin. Hindi ko naman ipagkakait ang kapatawaran ko para sa kanila.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Becca at ng kaibigan niya. Huminto sila at hinarap ako, wala silang imik. Akala ko ay masasabihin siya ngunit agad din siyang tumalikod at lumakad na sila palayo sa akin.

Ayos lang, ang importante ay hindi na ito mauulit. Sana nga.

Kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone, tiningnan ko kung anong oras na. Pasado 9:00 o'clock ng umaga.

Wala akong maayos na tulog dahil sa bleachers sa swimming pool area ng mga athletes ako nagpalipas ng gabi. Napakaraming lamok. Naligo na rin ako dito sa campus, 'yong mga gamit ko ay iniwan ko sa guard house, mabait naman si kuyang guard eh.

Lumayas nga ako 'gaya ng sabi ni Aunty, siguro nga ito ang pagtawag ng tadhana sa akin. Wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin ito. Napabuntong hininga ako.

"Althea!"

Nilingon ko kung saan ito nanggaling, nakita ko si Angeline na tumatakbong kumakaway patungo sa direksiyon.

Sumigaw ako pabalik, "Anggee!" Iyan ang nickname niya sa akin. Masyado kasing mahaba ang pangalan niya.

Nang makalapit siya sa akin, agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Kasabay nang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Ang emotional ko talaga.

"Thank you, Angge."

Hinagod niya ang aking likod, "Ano ka ba Althea, bestfriend things!" Kumalas siya sa mula sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan ang magkabilang braso ko, "look, okay na naman ang lahat kaya wag ka nang umiyak,"aniya.

Hinawi niya ang aking buhok at pinawi niya ang mga luha ko sa mata gamit ang kaniyang hinlalaki.

Huminga ako nang malalim, "Eh kasi naman---" muli niya akong niyakap. Angeline, maraming salamat. Tunay ngang kaibigan kita.

✄-----

Nakaupo kami ngayon sa isang malaking bato ni Angeline sa ilalim ng punong mangga, ang paborito naming spot sa likod ng campus. Tahimik dito at sapat na ang laki ng punong mangga para maging panangga sa sinag ng araw.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Angeline. Nakatingala siya sa mga dahon ng mangga.

"Hindi ko alam," tugon ko.

"Bestie, kahit ano pa 'yan, hindi ko man kaya financially, susuportahan parin kita," wika niya.

Nagkatinginan kami at ngumiti, "Bestfriend things!" tapos sabay tawa kami tulad ng dati.

Huminto siya, "Uhmm... Althea," panimula niya. "may na experience lang akong weird kaninang umaga."

Kumunot ang noo ko, "Ano naman iyon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

"I don't know if maniniwala ka pero, may natanggap akong kulay gintong sobre," inilabas niya ang tinutukoy niya mula sa shoulder bag niya, "parang gusto ko tuloy isanla sa pawnshop."

Natigilan ako ng ilang segundo, kung iisipin ko nang mabuti ay hindi lang guni-guni ang sobreng nakita ko rin noong nakaraan. Anong ibig sabihin nito?

Magkakaroon na ba ako ng magic? Aha, huwag ako baka gawin kong pusa ang sino mang may pakana ng prank na ito sa amin ni Angeline.

Umakto akong walang alam. "Woah, ang astig nga bestie! Pero kailangan ko nang umalis dahil magsisimula na ang klase ko ngayong hapon."

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili, "Maiwan na kita rito, bestie!" Sabi ko.

Nagsimula na akong maglakad palayo habang ang kanang kamay ko ay kumakaway sa kanya. Baka next Miss universe 'to.

"Sige, kita na lang tayo sa rooftop after class!" Dinig kong sigaw niya.

✄-----

"Okay class, that would be all for today. Don't forget to do your assignments okay? Goodbye."

Matapos lumabas ang aming guro, nag-unahan ang mga kaklase ko palabas. Akala mo naman hindi sila makakalabas ng buhay eh. Ngayon, mag-isa na lamang ako.

Nag-inat ako dahil sa tatlong oras na tuloy-tuloy na klase ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, mabuti na lang talaga at medyo matambok p'wet ko. Kinuha ko ang ang aking bag at isinabit sa aking balikat.

Since tapos na ang klase ko, oras na siguro para pumuntang rooftop. Kung wala man doon si Angeline, hintayin ko lang muna siya.

Lumakad na ako palabas ng classroom at hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko sa labas. Si Becca, mag-isa lang siya.

Nakakrus ang mga braso niya at magkasalubong ang dalawang kilay niya. Gaya ng dati, akala ko ayos na. Ngunit nakaramdam ako ng panginginig ng tuhod at bumalik ang mga sariwang ala-ala ko sa kaniya.

Lumakad siya palapit sa akin at hinablot niya ang aking kanang kamay. Hinila niya ako at hindi na ako pumalag. Hindi ko alam kung ano na naman ang plano niya at balak gawin sa akin. Ano na naman ba ito?

Sinipa niya ang pinto ng comfort room naming mga babae at bumukas nga ito. Taekwondo queen nga.

Tinulak niya ako papasok. Gustuhin ko mang manlaban o magsalita pero hindi ko magawa. Pinipigilan ako ng sarili kong katawan, wala akong kontrol.

Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay. Sasampalin ba niya ako o susuntukin? Marahan kong ipinikit ang aking mga mata, siguro nga.

Ngunit mali ako ng hinala. Nadama ko ang katawan niya sa'kin, niyayakap niya ako at rinig na rinig ko ang paghikbi niya. Ramdam ko ang pagkabasa ng likod ng aking damit, umiiyak ba siya?

"A-Althea, I-I'm sorry."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko at wala akong ideya kung ano ang sasabihin, bigla na lang kasi naging blangko ang aking isipan.

Niyakap ko siya pabalik habang marahang tinatapik ang kaniyang likod. Pakiramdam ko'y parang hinihila ang tinik na naroroon sa aking puso. Hindi na ito gaano kasakit.

✄-----

"Iyon na 'yon?"

Tumango ako kay Angeline. "Siyempre, hindi ako madamot at pinatawad ko na," tugon ko.

Kinuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari kanina. Sana nga lang talaga at hindi na mauulit pa ang bullying sa paaralang ito.

Narito kami ngayon sa rooftop at hihintayin namin ang sunset. Kanina ko pa siya kinukwentuhan at hindi-hindi siya nakaramdam ng pagkabagot.

"Alam mo, nakakatawa at nakaka-proud lang kasi. Isipin mo, 'yong bully sa school ay nag-volunteer na i-lead ang isang campain against bullying," sabi niya.

Ngumiti ako, "Well, hindi ko man alam kung ano ang rason niya atleast alam kong ikakabuti na naman ni Becca 'yon at ng iba pang estudyante."

Humarap siya sa'kin, "True ka riyan, pero off topic muna tayo bestie." Naging seryoso ang mukha niya, "Do you believe in magic?"

Kumunot ang noo ko, "Magic? You mean 'yong mga performer?" Huminga ako nang malalim. "siguro, hindi. Mabilis lang talaga mga kamay nila."

Pinitik niya ang noo ko. "Aray naman!"

"Tanga!" biro niya habang tumatawa. "Ang ibig kong sabihin ay ang mga wizard, mages o mga witches."

Napailing ako kahit na nakakita na ako ng something magical.

"Actually, may gusto akong ipakita sa'yo," huminto siya sa pananalita at iginala niya ang kaniyang mga mata sa paligid, sinisigurado niyang walang ibang tao. "Kahit na anong mangyari, I hope hindi magbabago ang tingin mo sa akin. It's my secret at ayaw kong malaman ng iba."

Tumango ako at hinampas ko siya sa kaniyang braso. "Sige!" Tumawa ako nang mahina. Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko, kinakabahan ako. Mamaya bampira pala siya at agad sipsipin dugo ko.

"Actually, may powers ako---" Agad kong tinakpan ang bunganga niya ng aking palad. Nakalimutan ko yatang maghugas ng kamay kanina galing comfort room.

"Okay, okay!" sabi ko. Alam ko na kasi ang sasabihin niya, may mahika siya. Edi, sana all. Maaaring totoo nga.

Buong pwersa niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakatakip sa labi niya. "Let me show you something," wika niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabayan ko ang paglakad niya. Saan kaya niya ako dadalhin?

Sabay kaming napayuko nang makarinig kami ng biglaang pagsabog kasabay nang mga hiyawan. May shooting yata ng Ang probinsiyano.



Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
311K 23.3K 37
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
16.2K 939 22
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...