An Orphan's First Love: Love...

By JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION More

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 15.2 ] The Wall
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.2 ] Betrayal
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 30 ] Suspicious
[ 31 ] Effect
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 40 ] Winner and Loser
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 47 ] Dinner
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 51 ] New Year
[ 52 ] Warning
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 32 ] Is This The End?

49.1K 607 53
By JeraldineTanL

Chapter 32: Is This The End?

Late na naman sina Steffi at ZAC dahil sa trabaho nito. Palagi na lang itong nakakarating sa tuwing oras na dapat ng alis nila sa bahay. Hanggang ngayon ay hindi niya pa din alam ang trabaho nito dahil sa tuwing sinusubukan niya itong tanungin ay nagagalit ito at halata naman na ayaw nitong sabihin ang totoo.

Hindi pa rin naman natatapos ang mga chismisan at bulung-bulungan sa school nila tungkol sa kanya at kay ZAC. Minsan, naitatanong na lang talaga ni Steffi sa sarili niya kung ano ang mga nagustuhan nila sa ugali nito. Dahil ba sa gwapo siya at mayaman? Kahit kasi masama ang ugali nito, gusto pa din siya ng karamihan.

Habang naglalakad sila sa hallway papunta sa classroom, nakasalubong nila si Kim. Itinulak siya nito papalayo kay ZAC at kinapitan si ZAC sa braso saka sila sabay na naglakad. Imbis na tumuloy sa classroom, nagpasya si Steffi na maghanap na lang ng mapupwestuhan sa labas ng building ng school. Wala rin naman talaga siyang balak na pumasok pa sa klase dahil hindi niya pa tapos ang ilang assignments nila kaya gusto niya muna gawin ang mga iyon. Umupo siya sa isang upuan at nilabas ang assignment niya tsaka iyon ginawa. Hindi niya iyon naasikaso dahil naghanap siya ng trabaho habang wala doon si ZAC. Napansin niya din ang pagtabi sa kanya ng isang lalaki pero hindi niya ito tiningnan at itinuloy lang ang ginagawa niya.

"Sobrang busy, ah?" sita nito sa kanya.

Napatingin siya sa lalaking nagsalita at napansin na si Kurt pala iyon.

"Kurt, ikaw pala 'yan. Hindi ka din ba pumasok?"

"Halata ba? May hinihintay ako."

Hindi na sumagot pa si Steffi at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa niya. Hinayaan lang siya ni Kurt doon dahil naghihintay lang siya pero nang makarinig siya ng ingay ay napatayo siya.

"Nandito na sila."

"Sino?"

"Girlfriend ni Sean. Magiging blockmate din natin siya."

Hindi inaasahan ni Steffi ang balitang iyon. Hindi niya inaakala na may girlfriend pala si Sean. Isa pala ito sa mga sinasabi ni Nathan na may girlfriend pero hindi lang halata. Kung titingnan nga naman kasi ang mga ito ay parang hindi ito nagseseryoso sa mga babae. Hindi na lumapit pa doon si Kurt at si Sean pati na din ang kasama nitong babae ang lumapit sa kanila. Kung titignan ang girlfriend nito, para itong barbie na halos perpekto na. Matangkad, maganda, maputi, mahaba ang buhok at maganda ang pangangatawan. Mukha din itong mabait.

"Hello, Kurt! Kasama mo siya?" tanong ng babae kay Kurt.

"Oo," tipid na sagot nito.

"Hello! I'm Jia Cruz. It's nice to meet you. Girlfriend ka ba niya?"

"Hindi, ah!" sabay na isinagot nina Kurt at Steffi.

"Obvious nga na hindi. In-sync pa talaga kayo, ah?" nakangiting sinabi ni Jia.

"Dude, dito na din siya papasok, 'di ba?" tanong ni Kurt kay Sean.

"Oo. Dito na siya ngayong sem," sagot ni Sean.

"I'm really excited. I will be in the same class with Sean and the rest of 11SG. Um, I still don't know her name," sabi ni Jia.

"Steffi. I'm Steffi," pagpapakilala niya.

"Hope to get to know you more, Steffi," nakangiting sinabi nito.

"JC, tara na. Sige dude, Steffi, mauna na kami," pagpapaalam ni Sean.

"JC?" tanong ni Kurt.

"Tawag ko sa kanya. Walang basagan ng trip, dude. Sige, punta na kami sa room," sagot ni Sean.

Inakbayan ni Sean si Jia at saka sila umalis doon. Napatingin si Steffi sa paligid at nakita ang ilang mukha na nalulungkot sa pagdating ni Jia. Marami rin talagang fangirls ang 11SG. Marami man ang gwapo na estudyante doon, iba pa rin talaga ang dating ng 11SG.

"Paano ba 'yan, Steffi. Alis na ako, ah?" paalam ni Kurt.

"Sige."

Pagkaalis ni Kurt, bumalik na siya sa paggawa ng assignments at nagadvance reading na din siya. Kailangan niya pa din na makahanap ng trabaho.

"Paano na si Sean my love? May girlfriend na pala tapos dito pa sa school mag-aaral. Its so.. heartbreaking!" sabi ng isang babae.

"This is so not happening to us! Paano na tayong mga may gusto sa kanya? Hindi niya na din tayo papansinin?" tanong ng kasama nito.

"We need to be happy for him, girls. Buti na lang at maganda 'yong girlfriend niya. Alam niyo na wala tayong laban sa kanya," sabi ng isa sa mga kasama.

Napatingin si Steffi sa tatlong babae na nasa likuran niya lang. Nag-aaral siya pero hindi niya maiwasan makinig sa kwentuhan ng mga ito at distraction iyon sa kanya.

"Pwede ba manahimik kayo?!" sigaw niya.

Pumwesto ang tatlong babae at tiningnan siya ng masama. Hindi nila gusto ang pagmamatapang nito na akala niya ay kakayanin niya ang lahat ng estudyante doon.

"At nagsalita ka na naman? Know your place, girl. Mahirap ka lang at isa ka pang gold digger. For your information, this school is exclusive for rich kids only. Ang swerte mo na nakapasok ka dito dahil hindi ka naman talaga bagay dito," sabi ng isang babae.

"Yeah, right! Inagaw mo na si ZAC, pati si Kurt at Zavier gusto mo din! Akala mo naman kung sino kang maganda!" dagdag ng kasama nito.

"Just get lost! Siguro naman hindi kami ang unang nagsabi sa 'yo nyan. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Dumi lang ang tingin sa 'yo dito. Hindi ka bagay sa school na 'to, Steffi. Kaya ka lang naman lumalapit kay ZAC ay para hingan siya ng pera, 'di ba?" sabi ng isa pa nilang kasama.

Alam ni Steffi na ginagalit lang siya ng mga ito pero dahil hindi niya naman kilala ang mga ito, hindi niya na ito pagsasayangan pa ng oras at magtitimpi na lang siya. Tumayo na siya at kinuha ang gamit niya saka naglakad palayo doon. Dire-deretso lang siya sa paglalakad at hindi niya napansin ang dinadaanan dahil sa sahig lang siya nakatingin. May nabangga siyang babae pero binalewala niya lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

"What the hell?! Watch where you're going!" sigaw ng babae.

Napatigil doon si Steffi. Lilingunin niya na sana ang babaeng iyon pero hinatak nito ang buhok niya at siya na mismo ang nagpakita ng sarili niya dito.

"Are you mad, Steffi? Ngayon ba? Mas galit ka pa?" sabi nito at mas hinatak pa ang buhok niya.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong masaktan," pagbabanta ni Steffi.

"And now you're threatening me? Hindi ako takot sa 'yo."

Biglang hinatak ni Kim ang buhok ni Steffi saka siya itinulak kaya napaupo siya sa sahig.

"You deserve that, my dear. Sa susunod kasi, alamin mo kung sino 'yong dapat at hindi mo dapat binabangga. Ciao!"

Tumalikod na si Kim at saka naglakad. Hindi rin naman ugali ni Steffi ang magpatalo kaya kinuha niya ang sapatos niya at binato si Kim kaya tinamaan ito sa likod.

"Awch! That hurts! Kayo? Ano pa'ng ginagawa niyo dyan?! Nakita niyo ang ginawa niya sa 'kin, 'di ba? Hawakan niyo siya!" utos ni Kim.

Madali siyang sinunod ng ilang estudyante doon. Kahit na sabihin na babae lang si Kim, takot pa rin ang mga ito sa kanya kaya sinusunod siya ng mga ito.

"How dare you do that to me?! Kaya kitang ipatanggal sa school na 'to kaya mag-ingat ka!"

"Hindi ako natatakot sa kaya mong gawin sa 'kin."

Nagpupumiglas si Steffi sa mga kamay ng dalawang lalaki na hinahawakan siya sa braso pero hindi siya makawala. Nilapitan siya ni Kim, umupo sa harap niya at hinawakan ang baba niya.

"Really? Then let's see. I will make your life miserable, Steffi Santillan. I promise you that. Pagsisisihan mo na nakilala mo ako," sabi nito saka bitaw sa baba niya.

Nabigla si Steffi nang sampalin siya nito ng malakas.

"That's for throwing your shoe at me."

Sinampal siya nito ulit.

"That's for stealing ZAC away from me."

At isa pang sampal.

"That is for making ZAC's life even harder for him."

Sinundan ng isa pa.

"That's for being a nuisance."

At ang pinakamalakas nitong sampal.

"And that's for.. nothing. I just want to. Well, it feels good."

Tumayo na si Kim at tinignan lang siya. Namumula na ang pisngi ni Steffi sa mga sampal ni Kim sa kanya at ramdam niya na ang init sa pisngi niya.

"Hey, all of you! Kayo na ang bahala sa kanya. Mukha namang may atraso siya sa karamihan dito, 'di ba? Gawin niyo 'yong gusto niyong gawin dyan at ako na ang bahala sa inyo."

Umalis na si Kim doon at dahil nakita ng grupo nina Miranda ang nangyari, nilapitan siya nito habang hindi pa siya binibitawan ng dalawang lalaki.

"Poor Steffi. Nakawawa kay Kim," pang-aasar ni Ashley.

"Nasaan na 'yong tubig? Bilisan niyo nga!" sigaw ni Chloe.

Napanganga na lang siya nang buhusan siya ng malamig na tubig. Gusto niyang manlaban pero hindi pa din siya binibitawan ng mga ito.

"'Yan. Mukha kang basang sisiw! Mas bagay sa 'yo. Hahaha!" sabi ni Britney.

"Girls, the next plan. Hahaha! Boys, dalhin siya dun sa empty room. Dali!" utos ni Miranda.

Itinayo siya ng mga ito na hindi pa rin siya pinapakawalan. Pinipilit niya rin na magpumiglas pero hindi niya kaya ang lakas ng mga ito. Dinala siya sa loob ng isang classroom na hindi na ginagamit sa school at ang pumasok lang doon ay si Mitch.

"Mitch.."

"I treated you as a friend yet you lied to me. Ito ang tatandaan mo, Steffi. 'Wag mo akong sisisihin dahil ikaw ang sumira ng mayroon sa 'tin noon. Now, I want to say sorry to you sa gagawin namin sa 'yo. Napag-utusan lang din ako ni Kim," sabi ni Mitch.

May kinuha ito at itinapon sa loob ng kwarto na iyon at madali siyang lumabas. Hahabol sana siya pero kinandaduhan siya kaagad ng mga ito. Tear gas ang ibinato nito sa loob kaya agad siyang nahirapan na makahinga dahil sa usok. Ang tangi niya na lang na kayang gawin doon ay magdasal... magdasal na sana ay makalabas pa siya ng buhay doon. Hindi niya inaasahan na dahil sa kagustuhan niya na maghiganti, kailangan niyang pagdaanan ang ganoong klaseng hirap.

Is this the end? Hindi ako pwedeng mamatay dito.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 65.4K 63
SELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner...
190K 3.2K 16
Dahil sa kagustuhan ni Alexander na makabalik sa America ay naisip nyang gumawa ng hakbang para maipakita sa mama nya na mas makabubuti sa kanya ang...
220K 5.3K 40
What if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audr...
10.4K 174 33
My Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino'...