My Professor, My Love 2

By SpecterOfYou

306K 7.3K 822

You don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, becau... More

PROLOGUE
MY PROFESSOR, MY LOVE 2
MPML Book 2 (1)
MPML Book 2 (2)
MPML Book 2 (3)
MPML BOOK 2 (4)
MPML Book 2 (5)
MPML Book 2 (6)
MPML Book 2 (7)
MPML Book 2 (8)
MPML Book 2 (9)
MPML Book 2 (10)
MPML Book 2 (11)
MPML Book 2 (12)
MPML Book 2 (13)
MPML Book 2 (14)
MPML Book 2 (15)
MPML Book 2 (16)
MPML Book 2 (17)
MPML Book 2 (18)
MPML Book 2 (19)
MPML Book 2 (20)
MPML Book 2 (21)
MPML Book 2 (22)
MPML Book 2 (23)
MPML Book 2 (24)
MPML Book 2 (25)
MPML Book 2 (26)
MPML Book 2 (27)
MPML Book 2 (28)
MPML Book 2 (29)
MPML Book 2 (30)
MPML Book 2 (31)
MPML Book 2 (32)
MPML Book 2 (33)
MPML Book 2 (34)
MPML Book 2 (35)
MPML Book 2 (36)
MPML Book 2 (37)
MPML Book 2 (38)
MPML Book 2 (39)
MPML Book 2 (40)
MPML Book 2 (41)
MPML Book 3 (42)
MPML Book 2 (43)
MPML Book 2 (44)
MPML Book 2 (45)
MPML Book 2 (46)
MPML Book 2 (47)
MPML Book 2 (48)
MPML Book 2 (49)
MPML Book 2 (50)
MPML Book 2 (51)
MPML Book 2 (52)
MPML Book 2 (53)
MPML Book 2 (54)
MPML Book 2 (55)
MPML Book 2 (56)
MPML Book 2 (57)
MPML Book 2 (58)
MPML Book 2 (59)
MPML Book 2 (60)
MPML Book 2 (61)
MPML Book 2 (62)
MPML Book 2 (63)
MPML Book 2 (64)
MPML Book 2 (65)
MPML Book 2 (66)
MPML Book 2 (67)
MPML Book 2 (68)
MPML Book 2 (69)
MPML Book 2 (71)
MPML Book 2 (72)
MPML Book 2 (73)
MPML Book 2 (74)
MPML Book (75)
MPML Book 2 (76)
MPML Book 2 (77)
MPML Book 2 (78)
MPML Book (79)
MPML Book 2: Epilogue

MPML Book 2 (70)

3.2K 93 5
By SpecterOfYou

"Mom, I want pink."

"No, pink is such a childish color. Plus you're turning 18, you still like pink?"

Nasa cafeteria kami ni Andrea habang pinagpaplanuhan ang ilang basic details sa debut niya. Sa mga nangyari these past few days, hindi ko na namalayan ang parating  na kaarawan ng unica iha ko. Dalawang linggo na pero hindi parin kami magkasundo sa gagamiting color theme.

"Kung ayaw nyo ng pink sige black nalang. Same as the flowers, I want them all black." Ngiti pa nya sakin.

"Black? Ano bang dadaluhan ng mga bisita mo? Lamay?" She pouted as I raised my eyebrows at her.

What? Ano bang mali sa sinabi ko? Ano bang ikinaganda ng itim sa debut maliban sa magmumukhang lamay ang buong event?

"I thought this party's for me." Aniya

"Of course it is for you, pumpkin--"

"Then let me decide, mom. Please? Gusto ko itim lahat ng makikita ko sa party ko."

Teens. All they think about is that black is cool. Black is beauty. Black is this and that and this and that, NO. Not on me. Magtigil.

Habang namimili ng kulay, iniinom ko yung veggie shake na inorder pa ni Yuji online. It's a mixed of Okra, Ampalaya and Malunggay. Masuka-suka nga ako nung una kong mabasa kung san sya ginawa, pero kahit ayoko, palaging pinapaalala sakin ni Yuji na "Think about the baby." Kaya no choice ako. Ang lakas nya rin kasing mangonsensya pag nakikipagmatigasan ako sakanya. Habang nakikipagtalo kay Andrea, dumating naman sila Travis at Jess.

"What's up?" Tabi sakin ni Jess habang nandidiri naman si Travis sa iniinom ko.

"Yuck, Sha. Ano 'yan?" Tura nya sa basong hawak ko na naglalaman ng kulay berdeng hindi mo maintindihan kung suka ba o dahon na basta lang nilagay sa blender.

"Veggie shake, gusto mo?" Offer ko pa sakanya pero inilagan nya yung baso.

"Nah, pass." Magpapaparty ako mamaya, first time tumanggi ni Travis sa pagkain kamangha-mangha.

Habang kausap si Travis, nalingat naman ako kay Jess na kanina pa swipe ng swipe sa phone ko.

"What's all this color palette, Cha?" I grabbed my phone from his hand and finished up my drink.

"Color theme for Andrea's party. Trust me these colors are driving me crazy." Hininaan ko pa boses ko dahil katabi lang namin si Andrea.

"Tito Jess, maganda naman yung itim diba?" Ayan na, naghahanap na ng kakampi ang batang 'to.

Tumingin agad sakin si Jess kaya pasimple kong tinaas ang kilay ko sakanya, signaling him to say no to Andrea.

"Y--no. Boring yung itim, gusto mo bang magmukhang namatayan mga bisita mo nun?" Good job, Jess.

"Ikaw Tito Travis? Black's good right?" Harap naman niya sa isa.

"Oo naman maganda ang itim---aray!" Inda nya matapos ko syang sipain sa ilalim ng mesa. Pinandilatan ko pa sya ng mata ng tumingin sya sakin.

"Tito?"

"Ah eh ibig kong sabihin maganda naman yung itim pero hindi bagay sa party mo." Sabay gulo nya sa buhok ni Andrea.

My plans were working not until Yuji joined us in the table and noticed Andrea's sad face.

"What's wrong, princess?" Hawak pa nito sa baba ng anak niya.

"Gusto ni mommy violet maging color theme ng party ko." Sabay pout niya. Aba't!

Nalipat naman ang tingin ni Yuji sakin at tinaasan ako ng makapal niyang kilay. May tsani ako dito, Yuji bubunutin ko yan!

"What?"

"Party 'to ng anak mo sya dapat masusunod." He glared at me.

Sabay na tumayo si Travis at Jess para iwan kami gayong nagtatalo na naman kami. Hindi ko sana sila paaalisin dahil sila nalang natitira kong kakampi dito pero wala. Iniwan ako sa ere ng mga kumag.

"She wants black, imagine? Black?" I was trying to convince him to team up with me but failed. Naalala ko, spoiled nga pala si Andrea sa tatay niya.

"If she wants black then we'll work with black."

"Talaga dad?!" Tayo pa ni Andrea.

"Yes. Don't worry your mom and I will work on this." Ngiti nya habang tumayo naman si Andrea para yakapin siya.

Pasalamat ko nalang talaga at may bagong parating na siyang magiging kakampi ko. Baby, dapat kakampihan mo si mommy all the time ha? Malakas kalaban natin. Yang tatay mo masyado iniispoiled ate mo.

Tumayo ako at nilipat lahat sa harapan ni Yuji ang lahat ng folders na naglalaman ng lahat ng plano para sa debut ni Andrea.

"Fine. Here's the list of color themes, lists of 200 guests, list of foods to be prepared, lists of boutiques where her gown will be made, oh and this. List of caterers you want to hire for the whole evening." He seems clueless sa mga pinatong ko sa harapan nya at sa mga sinabi ko.

"Uhh Charlotte, what are you doing?" Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Tutal dalawa lang naman ang klase ko ngayong araw, aalis ako ng maaga.

"I am giving you the privilege to organize your daughter's party, Yuji. It's all yours, use black or pink for all I care, you both win." Hawi ko pa ng buhok ko sakanilang dalawa at suot ko ng shades ko habang naglalakad palayo.

"Yey! Dad, it's just gonna be you and me!" Cheer pa ni Andrea habang ang tatay naman niya kabado na. God knows kung anong alam nya sa pag-organize ng party. WALA. Bahala kayong mag-ama dyan.

"San ka pupunta?!"

"Magpapa-spa! Full package, whole body, whole day!"

⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫

Yuji's POV

I don't know anything about organizing a party to a turning 18 years old girl. Nang iniwan sakin lahat ni Charlotte ang mga plano, ni hindi ko alam kung saan magsisimula. Parehas rin namang maaga ang off ko kaya minabuti ko ng umuwi nalang sa bahay para iayos lahat ng kakailanganin.

"And dad, yung list ng 18 roses ko mamaya ko ibibigay ha? Saka yung 18 candles. Karamihan mga ka-blockmates ko lang and cousins--oh! And dad yung sa cotillion pala wala pang naha-hire si mommy para sa magtuturo samin ng sayaw. Please hire someone asap? Gusto ko mapractice yung sayaw hangga't maaga pa. Please please, pretty please?" Andrea's on the phone and I didn't understand a single thing she just said.

"Ok, I will look for someone to hire right away, princess." Sagot ko. Kinailangan ko pang ilayo sa tenga ko yung phone ko dahil nagtititili sya sa kabilang linya.

"Alright alright, get back to your room and stop calling me about your party. I'll handle everything ok?"

"Yes dad! Thank you!" She gave me a kiss through the phone and hang up.

Pinagsisisihan ko ng hindi ko kinampihan si Charlotte kanina. Sinusubukan ko syang tawagan kanina pa pero nakapatay ang phone nya. That woman, she's probably having the best time of her life while here I am, choosing what shade of pink should I be use for the color theme. Ni hindi ko alam na meron palang labindalawang magkakaibang shades ng pink ang mayroon. Sa paningin ko parang wala namang pagkakaiba ang mga ito pero nasisiraan ako kung anong pipiliin ko.

"Is this the Diamond Catery?"

"Yes, sir. How may I help you?"

"Are you available for a debut party this coming january 13th? I would like to hire you for the whole evening."

"Yes sir, we are available. Can I get your address and have my staff to deliver the list of the menu tomorrow? Also, the settings of the tables to be used."

I've been making calls since I got home. Caterers, Boutiques, even hotels to schedule a reservation of the venue. This whole debut thing is all over my head.

After I gave all the details to the caterer, chineckan ko yung papel kung saan nakalagay ang food section. Food's done, gown at yung venue nalang ang hindi ko pa natatawagan. Binitawan ko ang phone ko at nahiga sa sofa. Balak kong umidlip ng marinig ko ang pagpasok ng sasakyan ni Charlotte sa garage. Thank god she's home.

I can hear her humming and her keys clinging when she got out of the car. Nagkunwari akong tulog ng makarating sya sa sala.

"Whoa." She gasps. Ramdam kong tinitingnan nya ang mga nakakalat na brochures sa lamesa sa tabi ko. Nakapikit ako pero alam kong malapit lang sya sakin dahil amoy na amoy ko ang pabango niya.

"Jie."

"Uy, wag ka dyan matulog dun ka sa kwarto mo."

"Hoy Jie."

"This plans should be a surprise, pauwi na anak mo makikita nya to---Jie!!"

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng bigla akong bumangon at  niyakap sya pahiga sa sofa.

"Where have you been?"

"I told you sa spa, bumitaw ka nga!" Nagpupumiglas sya pero amoy na amoy ko sa likod nya na galing syang Bake Shop. She smells like cake.

"Amoy chocolate cream pie ka." Amoy ko pa sa batok niya.

"After spa dumaan ako sa giligans."

"And?"

"I ate a whole cake." I stopped for a second and look at her.

"Whole cake? Kinaya mong kainin lahat yun?" Sinamaan nya ako ng tingin at nagsimulang paghahampasin ang tuhod ko.

"Binuntis buntis mo ko tapos ngayong nagugutom kami ng anak mo huhusgahan mo ko?! Bitawan mo ko. Bitawan mo ko!" Puro hampas na inabot ko sakanya pero nakayakap parin ako sa bewang nya. She's mad but her cheeks are blushing.

"Calm down, hindi naman kita hinuhusgahan nagtanong lang."

"Tanong, husga, it's the same thing!" Kailan pa?

"Bitawan mo ko isa!" Now, she's shouting. What did I do?

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya at bumulong sa tenga niya.

"Charlotte, pag hindi ka tumigil hahalikan kita." Para namang tumigil ang oras sa kakapumiglas niya. She stopped moving and all I can feel was her breathing.

"Good girl."

"Ok na? Pwede mo na 'kong b-bitawan?" She said with all the stuttering.

"No. Can I just hug you and my unborn child for a sec?" Kumalma siya sa sinabi ko at hinayaang yakapin ko sya ng ilang minuto.

Hindi sya gumagalaw, hindi rin sya nagsasalita, instead she let out a sigh and put her hand on mine.

"May nakatabi akong matandang babae kanina."

"And?"

"Natuwa daw siya habang pinapanood akong kainin yung isang buong cake. Hula niya baka raw lalaki si baby." Napangiti ako. Knowing na hindi ko tunay na anak si Marcus, naeexcite akong makita kung anong itsura ng magiging anak ko kung lalaki man. Kung kamukha ko ba o kamukha niya.

"Charlotte."

"Hmm?"

"Salamat."

"Para saan?"

"Sa pagtanggap mo sakin. Sa pagiging ina ng mga anak ko."

"Sus, wala yun. Wala naman akong choice eh." Sa sinabi nya napatigil ako. Walang choice? Bumitaw ako sa pagkayakap sakanya at tiningnan siya.

She burst out laughing when she saw my reaction.

"That's not funny." Seryoso ako pero tumatawa parin siya.

Baliw.

"Biro lang ano ka ba! Minsan nalang ako magbiro sineryoso mo pa." Kinuha nya ang dalawang kamay ko at niyakap yun sa bewang niya.

"You're crazy you know that?" I said but she's still smiling.

"Baliw sayo." Bulong niya.

She's not staring at me, I am. Unti unti akong lumapit sa mukha niya para halikan siya, I was testing her kung iiwas siya pero hindi siya gumagalaw. Her eyes staring back at mine. I was this close to reach her lips when we heard the door closes.

"Get a room you guys." I smiled knowing that it was Andrea coming home from school.

Tumayo agad si Charlotte at umakyat kaagad ng hagdan.

"Mom, san ka pupunta? Continue the kiss!"

"Good night!" Kaway niya samin ng hindi man lang kami nililingon. Hindi mawala yung ngiti sa labi ko ng marinig ko namang nagsorry si Andrea sakin.

"Naistorbo ko ata kayo dad, sorry." Tumayo ako para yakapin siya.

"Don't worry, we'll get that kiss next time." I said as we both laughed.

⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫

Continue Reading

You'll Also Like

320K 5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
116K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
33.9K 311 8
(English - Filipino Story) Rated story suited for open-minded people only. Minors please keep out. - SeungSeungKa ;)
177K 2K 17
PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE Paano kung ang isang mabait na prinsesa noon ay mamamatay tao na ngayon? Helena Aeni De Mevius witnessed Ja...