Nung nakalabas na kami ng Mirror House ay lumuwag na ang hawak ni Clyde sa kamay ko. Mukhang malamig na ang ulo niya sa mga nangyari. Gusto ko sanang magsalita ng opinion ko kaso baka mag-ala Godzilla na naman tong lalaking to at kung ano na naman ang gawin sa akin.
Pabalik balik ang tingin ko sa likod ni Clyde at semento ng school namin. Ano bang gagawin ko?
Ay nako bahala na nga. Hindi naman ako yung tipong babaeng itatago na lang ang nararamdaman ko no.
"Clyde" mahina kong tawag sa kanya.
Lumingon sa akin si Clyde at binitawan ang kamay ko.
"Oh?"
Wala namang senyales sa mukha niya na aburido siya pero hindi ko naman alam kung ilan ba na-ooff yung danger button niya o kung may off switch ba talaga yun. Naisip ko munang huminga ng malalim bago ako nagsalita.
"Asset? Hindi naman talaga yung papel ko sayo diba? Bakit ka nagsinungaling?"
"Nagsinungaling? Hindi ako nagsisinungaling nung sinabi ko yun Hannah. Asset kita kaya kailangan kitang protektahan"
"Anong pinagsasabi mo?!" parang bumilis yung paghinga ko dahil sa inaasta niya "Isa pa yan ha? Anong protekta protekta? Hindi maganda na sinasabi mo sa buong school na wag nila ako gawan ng gulo dahil makakalaban ka nila. Ano yun? Parang lalo mo lang silang iniimbita na awayin ako"
"Edi maganda. Yun ang papel mo, ang malaman ko kung sino ang mga kumakalaban sa akin"
Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Clyde. "So ginagawa mo akong patibong?"
"Bakit hindi? O diba isa kang mahalagang asset sa akin"
Napapikit ako saglit kasi hindi ko alam kung paano ididigest ang mga sinabi ni Clyde. Napaka-isip bata at lalo na walang malasakit sa akin.
This brat!
"Teka nga. Hindi ba gusto mo akong paalisin dito?"
"Nagbago na ang isip ko. Hindi na kita papaalisin sa school na to."
Para akong nabingi sa sinabi ni Clyde. Pinapayagan na niya akong magstay dito?
"Gagamitin mo akong patibong sa mga kumakalaban sayo. Yun ang plano mo sa kanila. Eh anong plano mo sa akin?"
"Yun nga eh. Wala akong plano sayo. Hindi ko alam kung bakit pagdating sayo wala akong magawa. Sa tapang mo. Sa angas mo. Kaya mo na ang magisa pero ayoko yun. Ayoko na hindi ka man lang natatakot sa akin."
Napaiwas ako ng tingin kay Clyde. Parang may kumirot sa puso ko. Nararamdaman ko na naman yung naramdaman ko nung nakita ko siyang nakatayo sa may pinto at inis na inis siya na hinahanap ako.
Parang gusto kong umiyak.
"Hindi mo ba ramdam? Takot na takot ako sayo. Takot na takot ako sa mga kaya mong gawin. Gusto ko lang naman maka-graduate ng maayos kaso sa maling pangiinsulto ko sayo nagkaganito ang buhay ko sa school. Sinasabi mo na kaya ko ang magisa pero sa tingin mo ba gusto ko na kayanin ang magisa? Hindi ko to ginagawa kasi gusto ko. Ginagawa ko to kasi kailangan."
Pinunasan ko agad ang aking mga mata nung naramdaman ko ang mga nangingilid kong luha. Tinignan ko si Clyde na nakatulala sa akin ngayon. Halatang nagulat siya na ang simpleng pakikipagusap lang sa kanya ang magpapaluha sa akin.
Napatawa ako sa mga binitawan kong mga salita. "Paano mo nga pala ako maiintindihan eh si Clyde Montero ka? Nasayo na ang lahat. Mayaman at walang utang na malaki ang pamilya mo. Hari ka ng school na ito at maganda ang kinabukasan na naghihintay sayo"
Tinalikuran ko si Clyde at tumakbo palayo sa kanya.
Kainis! Hannah, bakit ka umiyak? Diba sinabi mo na sa sarili mo na ang pagiyak ay para sa mahihina lang? Hindi ka na bata at wala kang maaasahan na iba kundi ang sarili mo.
Pinunasan ko ulit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Tumigil ako at kinalma pa ulit ang sarili ko.
Papalakad na ulit sana ako nung may tumawag sa akin.
"Hannah!" Nakangiti si Nathan na papalapit sa akin.
"Nathan" nagaalangan akong kausapin siya dahil sa nangyari nung flag ceremony.
"Ayos ka lang ba? Yung nangyari nung Friday?"
"Ayos lang ako. Wag mo na isipin yun" sinubukan kong ngumiti kay Nathan.
"Pasenya ka na ha. Dapat ka na masanay sa Jedi Conspiracy. Ganun lang talaga sila. Wag kang magalala. Hindi na natin papalagpasin kung anuman ang gagawin sayo ni Sage sa susunod." ngumiti sa akin si Nathan.
Nakakatuwa na marinig yun kay Nathan. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. Wala naman kasing makakapigil sa mga kaya nilang gawin eh. Mga anak mayaman sila at ng di basta bastang pamilya lang. Anak sila ng mga makapangyarihan dito sa lugar na ito.
Nung pumasok kami ng classroom ni Nathan ay isa isa ng nagiwas ng tingin yung mga kaklase ko sa akin. Si Emily lang ang nakatingin sa akin na parang gusto akong icomfort. Nung tinignan ko naman ang upuan ni Clyde ay wala siya dun pati yung upuan ni Miguel ay bakante.
Umupo sa upuan ko nung sinalubong ako ng mga tanong ni Emily.
"Hannah! Bakit di mo sinabi sa akin na close pala kayo ni Clyde?"
"Ha?"
"Alam mo ganyan din ang reaksyon ko. Hindi mo siya kilala nung una diba? Pero naisip ko baka tinatago niyo lang yung closeness niyo kasi si CLyde siya diba? Ayaw mo naman siguro na pinepeste ka ng mga babae sa section natin tungkol sa kanya."
Hindi na ako nakasunod sa mga sinasabi ni Emily nung nagpatuloy pa siya ng pagsasalita.
"So ano kayo? Sabi nung iba magpinsan daw kayo. Ano bang middle initial mo? Montero ba?"
ANO DAW?! Hindi sumagi sa utak ko na maging kamaganak si Clyde. Utang na loob, lahat ng hirap sa mundo siguro pasanin ko na pag naging kamaganak ko yun"
"Sabi naman nung iba magsyota daw kayo pero malabong mangyari yun diba? Una kasi wala ka man lang nababanggit sa akin at pangalawa kasi sinundo ni Clyde si Jas sa airport nung Friday"
Nung rumehistro yun sa utako ko ay agad akong napatanong kay Emily "Pati yun alam mo?"
"Yung pagsundo kay Jas? Oo naman. Buong school alam. May page para lang sa Jedi Conspiracy at may forum dun tungkol sa kanila"
Natanga ako sa sinabi ni Emily. Ganun pala talaga kalakas ang grupo nila Clyde. Dapat sa susunod hindi na dapat ako magtanong kung gaano sila kasikat. Pag nagduda ako kailangan ko dapat kurutin ang sarili ko kasi ayokong maniwala.
"Hindi kami close ni Clyde, Emily"
"Ha? Nahihiya ka pa bang sabihin sa akin? Eto naman, bakit naman gagawin ni Clyde yung ginawa niya kanina kung hindi ka niya gustong protektahan diba? Kung wala kayong koneksyon sa isat isa. Si Clyde na ata ang pinakamakasariling taong nakilala ko no."
Hindi na ako nakasagot kay Emily kasi pumasok na yung teacher namin pero isa lang ang gusto kong sabihin sa kanya.
Ginagamit lang ako ni Clyde para makuha ang gusto niya.
_________________________________________
Masaya na ako na hanggang uwian ay wala akong nakitang kahit isa na miyembro ng Jedi Conspiracy.
Nagliligpit na ako ng gamit ko nung mapansin ko yung assignment na nilagay ko sa desk ni Clyde. Andun pa rin kasi yun. Lumapit ako sa desk niya at kinuha yung assignment. Papaalis na ako nung may mapansin akong nakaukit sa may desk niya.
'JC'
JC for Jedi Conspiracy? Mahalaga ang Jedi Conspiracy kay Clyde. Ibig sabihin mahalaga sa kanya ang mga ka-miyembro niya. Pero kung tama nga yung sinabi ni Sage, kung pagsasayaw lang talaga ang bagay na may paki siya. Bakit kailangan niya pa ako para maging patibong niya para hulihin yung mga taong gustong makalaban siya?
"Hannah?"
Napatingin ako sa may unahan ko. Nakita ko si Jasmine na nakatayo sa harapan ko. Ang ganda niya. Bagay na bagay sa kanya yung suot niyang uniform.
"Jasmine"
"Hi!" ngumiti siya sa akin "Kamusta ka na? I heard yung ginawang stunt ni Clyde nung flag ceremony. Im sorry for that"
Lumapit si Jasmine at hinawakan yung braso ko.
"Hindi masamang tao si Clyde may tendency lang siya maging mainitin ang ulo at may pagka-isip bata pero may mabuting loob si Clyde kung pagbibigyan lang sana natin siya"
Maayos na pinapaliwanag sa akin ni Jasmine ang lahat. May isang saglit na nakita ko ang ugali ng nanay ko sa kanya. Yung handang hanapin ang kabaitan sa tao at panghawakan ito.
"Wag kang magalala. Hindi naman ako galit kay Clyde."
Hindi ako nagbibiro nung sinabi ko yun kay Jasmine. Naiinis ako sa kanya at sa mga ginagawa niya pero hindi naging galit yun. Hindi ko lang siguro siya maintindihan kaya ganun.
"Good" yumakap sa akin si Jasmine "Gusto kong maging magkaibigan tayo at hindi mangyayari yun kung may gusot sa inyo ni Clyde"
Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Jasmine nung mapuna ko ang mga titig ng mga taong nasa room pa. Mukhang napindot ko ata ang mga danger button nila kasi ang sama ng mga titig nila sa akin ngayon.
Wag niyong sabihin na big deal din na makausap si Jasmine?
"Ah Jasmine, may ibabalik nga pala ako sayo" lumapit ako sa desk ko. Kinuha ko yung blazer niya na nasa loob ng bag ko. "Salamat" sabay abot ko nung blazer niya sa kanya.
"Ohh. Dapat di mo na binalik. Its yours to keep" binalik niya sa akin yung blazer.
"Wag na Jasmine. Nakakahiya sayo" tanggi ko sa kanya.
Napatingin ako kay Emily na nagmomouth sa akin ng "Kunin mo na. Sayo na yan"
Hinawakan ni Jasmine yung dalawa kong kamay at nilagay dun yung blazer.
"Its for you Hannah. For the start of our friendship" ngumiti sa akin si Jasmine.
Napaka-ganda niya talaga. Napakaganda din ng ugali niya.
Si Emily hindi matigil sa pagtuturo ng sarili niya. Minamouth niya sa akin ang mga salitang 'Ipakilala mo ako. Ako, Hannah!"
Natatawa ako kay Emily. Pinakilala ko naman siya agad kay Jasmine.
"Jasmine, ito nga pala si Emily. Kaibigan ko"
"Oh hi Emily! Kilala kita. Ikaw yung may oversized poster ni Anton nung sumayaw sila last year! Saan mo nakuha yung picture na yun?"
Hindi alam ni Emily ang irereact niya sa sinabi ni Jasmine na kilala siya nito. Nagstay pa ako ng ilang minuto para magusap. Nung hindi parin matigil si Emily at Jasmin sa paguusap nila tungkol kay Anton ay nagpaalam na akong mauuna na akong umuwi. Pumayag naman sila agad sila Emily at Jasmine.
Napatingin ako sa relos ko. 5:30 na. Isang oras na lang ay maghahapunan na kami. Tapos na kaya magluto si Mama? Baka pwede ko pa siyang tulungan.
Naglakad ako sa hallway nung biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Tinakpan yung bibig ko at pinapasok ako sa isang kwarto. Napansin ko na nakikila ko yung kwartong yun. Ito yung executive room at kung tama ako si Clyde tong nasa likod ko ngayon.
Agad kong siniko yung nasa likod ko kaya napaatras siya mula sa akin.
"Ah! Shit! Hannah ano ba?!" sigaw sa akin na puno ng pagkairita ni Clyde.
Hinarap ko siya. "Anong ano ba? Bakit mo ko hinila dito?"
Tinignan ko yung paligid. Baka kasi may sumulpot kung saan.
"To say sorry" mahina niyang sabi sa akin.
"Ano?" naguguluhan ako sa bigla na lang niyang sinabi.
"Dont make me repeat it again. Nasabi ko na"
Nagpapatawa ba tong si Clyde? Hindi ko na naman kailangan ng sorry niya eh. Alam kong gagawin at gagawin niya yung masasamang bagay na yun kahit pigilan man siya. Sa madaling sabi sanay na ako sa kanya.
"O sige na. Yun lang ba? Uuwi na ako"
Palabas na sana ako nung kwarto nung pinigilan niya ako.
"Teka" hinawakan niya yung braso. "Dyan ka lang may kukunin ako"
Pumasok si Clyde sa may pinto sa gilid nung kwarto at may kinuha. Pagkalabas niya ay may dala na siyang malaking teddy bear na may tshirt na puti at may nakasulat na 'Im sorry'
"Kunin mo to" pautos niyang inabot sa akin yung teddy bear na yun.
Itong lalaking to, magbibigay na nga lang mukhang galit pa.
Tinitignan ko yung teddy bear nung nagsalita ulit si Clyde. "Hindi ka man lang ba masaya?"
"Ha? Bakit naman?"
Mukhang bata si Clyde na nabadtrip sa tinanong ko.
"Binigyan kita ng teddy bear dapat maging masaya ka"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Clyde. "Ganun ba dapat yun? Oh eto na. Binabalik ko na sayo" inabot ko sa kanya yung teddy bear.
"Ganun yun. Sabi sa internet, bigyan mo ang babae ng stufftoy matutuwa siya. Bakit ikaw hindi? Babae ka ba talaga?"
Umiral na naman ang pagkasarkastiko niya kaya inirapan ko siya.
"Bahala ka na nga. Kailangan ko na umuwi. Kung ayaw mo na kunin to eh di wag. Bahala ka na diyan" Nilapag ko yung teddy bear sa may table sa tabi ko sabay labas ko ng kwarto.
"Hannah one!"
Natigilan ako nung narinig ko yung boses ni Clyde na tinatawag ako. Maayos na yung araw ko eh. Pauwi na ako tapos humihirit pa siya.
Tumingin ako kay Clyde "Ano?"
Lumapit siya sa akin. Hawak-hawak niya yung teddy bear at inabot niya sa akin yun.
"Sorry na. Ikaw ang unang babaeng nakita kong umiyak ng dahil sa akin at ayoko na makita na umiiyak ka. Sorry talaga"
Seryosong seryoso ang mukha ni Clyde na inaabot ulit sa akin yung teddy bear na hawak niya.