Fall For You

By JFstories

14.9M 482K 90K

He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden... More

SIMULA
KADEN
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
KabanataXXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Epilogo
VOX
FALL FOR YOU
BOOK

Kabanata VII

323K 12.8K 2.7K
By JFstories

NASA 'di kalayuan ni Perisha si Kaden. Hindi siya nito iniwan mula umaga, basta nasa malapit lang ito.


At noong nakaraang araw ay hinayaan siya nito na makatulog sa tabi nito, sa mismong kama nito. O anong saya ng puso niya! At nang magising siya ay una niyang namulatan ang guwapo nitong mukha, at ang braso nito ay nakadantay sa bewang niya! 


At kahit pa bumalik na naman sa pagiging taong bato si Kaden ay masaya pa rin siya, dahil nakikita niya ito sa araw-araw at aaamoy niya ang mabango nitong pabango.


Ngiting-ngiti siya habang nakikiramdam sa paligid, napakaaliwalas ng araw na ito.


Magaan ang pakiramdam ni Perisha. Kinikilig siya habang hinahalo ang niluto niyang spaghetti sauce. Ngayon ang birthday niya. Ito ang unang birthday niya na ice-celebrate niya with the Vox brothers. Yes, kasama niya ang triplets.


Wala siyang party ngayon, dahil na rin sa pagpayag ni Kaden. Kung noong mga nakaraang kaarawan niya ay ibang mga tao ang kasama niya, tapos sa susunod na araw niya pa nakakasama ang mga Vox, pwes ngayon ay iba. Kasama niya na mismo ngayong araw ang mga ito.


"Ito na ang dinner!" Masaya niyang inilapag sa hapag ang bandehado ng spaghetti. May cake rin sa mesa, prutas, ulam at kanin.


Simpleng handaan lang dahil sila-sila lang. Pero mas masaya si Perisha dahil pamilya niya ang kasama niya. Dahil pamilya niya na ang Voxs.


"Wow! Mukhang hindi masarap." Si Cross habang dinudut-dot ng tinidor ang niluto niyang spaghetti.


"Medyo maputla ang sauce, at hindi amoy mabango." Ani Lourd na seryosong nakatingin sa bandehado.


Si Kaden naman ay walang imik sa kabisera ng mesa. Ito ang nauupo ron kapag wala ang bagets na ama ng mga ito.


Pumalatak si Cross matapos tikman ang niluto niya. "Sinabi ko naman dapat um-order na lang tayo kagaya ng palagi nating ginagawa, Perisha's not really good at cooking. Hanggang prito at saing lang ang alam niyang gawin."


Tiningnan siya ni Lourd at malumanay na nagsalita. "It's your birthday today, kaya kakainin pa rin namin ang hinanda mo, Carina."


Inis na naupo siya sa upuan niya. "Ang babait niyo talaga, 'no? Imbes na magpasalamat kayo ganyan pa kayo!"


Humagikhik si Cross. "We're just being honest here!"


"Hmp." Aminado siya na wala siyang talent sa pagluluto, pero sinisikap naman ni Perisha na kahit paano'y maging okay ang mga luto niya. Natatanggap pa rin naman ng sikmura ang luto niya, at wala pa naman siyang nalalason so far.


"Let us eat," baritonong boses ni Kaden ang nagpakalma sa kanya.


Mabuti pa si Kaden never nagreklamo sa luto niya, kaya nga mahal na mahal niya ito, e. Kusa siyang natigilan ng marealize ang sinabi ng utak niya. At sinang-ayunan iyon ng puso niya. Yari na talaga.


Ipinilig ni Perisha ang kanyang ulo saka siya nagconcentrate sa pagkain. Matapos ang pagkain ay ibinigay na ng mga Vox ang kanya-kanyang regalo ng mga ito sa kanya.


Si Cross ay niregaluhan siya ng bestidang kulay puti na may floral design. Galing pa raw iyon sa France at mas mahal pa raw sa buhay niya ang halaga kaya 'wag daw niyang isusuot dahil hindi rin bagay sa kanya. Kahit nabubuwiset ay nag-thank you na lang si Perisha.


Si Lourd naman ay bato ang regalo sa kanya. Pendant iyon, bato na mula sa kung saang lupalop ng mundo. Basta mahal din daw iyon at nag-iisa lang kaya pakaingatan niya. Nag-thank you na lang din si Perisha.


And last but not the least, ang regalo ni Kaden. Excited niyang binuksan ang maliit na kahon na kinalalagyan ng gift nito para lang madismaya siya sa makikita niya.


"Isang kalawanging susi?!" Parang gusto niyang suntukin ang nakangising mukha ni Cross. "Para saan ito?" Si Kaden ang hinarap niya.


"You'll soon know," nagkibit ito ng balikat.


Kahit nawi-wirduhan ay itinago ni Perisha ang susi na panahon pa yata ni Kopong-Kopong. Sabagay, kahit ano naman ang matanggap niya basta galing kay Kaden ay papahalagahan niya iyon. Medyo na-shock lang siya sa gift nito ngayon dahil hindi iyon usual na nare-receive niya mula sa binata.


Wala na sila Lourd at Cross ay kasama niya pa rin si Kaden sa malaking veranda ng mansiyon. Abala ito sa pagtitig sa buwan, samantalang siya ay abala sa pagtitig dito.


Ito ang pinakamasayang birthday for Perisha. Walang binatbat ang mga party sa hotel, sa yacht o sa mga mamahaling resort. Ito ang birthday niya na tinupad ni Kaden ang isa sa mga wish niya na makasama ito sa maghapon.


Kasama niya ito mula umaga hanggang ngayong gabi. At alam ni Perisha na kaya hindi pa pumapasok si Kaden sa kuwarto nito ay dahil hinihintay nito ang pagpatak ng alas-dose, kung kailan tapos na ang kanyang kaarawan.


Kilig na kilig siya. Hindi niya maitatanggi ang kiliti na nararamdaman ng puso niya dahil kasama niya ito. Ito ang nagbigay ng kahulugan sa salitang pag-ibig sa buhay niya. 


Si Kaden ang superman niya, ang savior at pati na rin ang kanyang Santa Claus.


"Salamat," basag niya sa katahimikan.


Sumandal ito sa pasimano at humalukipkip habang sa kanya na nakatingin. Ang mga mata nito ay nagmamasid sa kabuuhan niya, sanhi para makaramdam si Perisha ng pagkailang.


"Stop staring at me," panggagaya niya sa madalas nitong sabihin sa kanya. Nakangiti siyang lumapit sa binata. "Siguro gandang-ganda ka sa akin, 'no?"


Nagulat siya ng tumango si Kaden.


"T-talaga?! Gandang-ganda ka sa akin?!" Shet. Ito na nga talaga ang best birthday eveeer.


"I didn't know that you could be this beautiful, Cara..." paos ang tinig na sabit nito. "You've grown into such a beautiful lady..."


Nanuyo ang lalamunan niya sa klase ng titig ni Kaden sa kanya. At ang mga sinabi nito ay tinambol nang husto ang dibdib niya. "Ikaw talaga ang paborito ko sa inyong tatlo, ikaw ang pinaka-honest, e!"


Ngumiti si Kaden na lalong nagpatingkad sa kakaibang kulay ng mga mata nito.


Para siyang nahihipnotismo na tumitig doon, katulad ng palagi ay para siyang hinihigop ng titig nito. Pinapabilis ang tibok ng puso niya.


Wala sa loob na hinaplos niya ang pisngi ni Kaden habang nakatitig sa berde nitong mga mata. "Iyang mga matang iyan, ni hindi yata marunong umiyak iyan."


Kumunot ang noo nito. "Gusto mo ba akong makitang umiyak?"


Maliit siyang ngumiti. "Curious ako kung paano umiyak ang green eyes mo."


"Isang bagay lang ang magpapaiyak sa akin, Cara."


"A-ano?"


Matagal bago ito sumagot. "Iiyak lang ako kapag umiyak ka..."


Napasinghap siya nang maramdaman ang pagkabig nito sa bewang niya. "Kaden..."


"Pero hindi mangyayari iyon. You know why?"


"B-bakit?"


"Dahil hindi ka masasaktan... walang dahilan para lumuha ka. I won't let you cry, Cara. I will give you everything I can and I will protect you from any harm."


"Hindi lang naman iyon ang dahilan para umiyak ako. Hindi mo hawak ang puso ko, paano kung ma-heartbroken ako, e 'di iiyak ako."


"That won't happen." Siguradong sagot nito na ikinataas ng kilay ni Perisha.


"Paano mo nasabi?"


"Because I will never hurt your heart."


"Ha?"


"I know, Cara. I know that you love me, therefore ako lang ang magiging dahilan para masaktan ka. Pero hindi kita sasaktan, you have my word. And a Vox always honor their word."


Napanganga na lamang siya. 


JF

Continue Reading

You'll Also Like

305K 14.4K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
3.2K 118 31
Beatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pan...