Chasing Hearts (DH 6 || Compl...

By MsSongsari23

1M 25.7K 1.2K

Deleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng... More

Clyde Telpace
Introduction
TEASER
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Kabanata 31
Kabanata 32.
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36.
Kabanata 37.
Kabanata 38
Kabanata 39.
Kabanata 40.
Kabanata 41.
Kabanata 42.
Kabanata 43.
Kabanata 44.
Kabanata 45.
Kabanata 46.
Kabanata 47.
Kabanata 48.
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 9

16.5K 401 28
By MsSongsari23

A/N: Sa nag-request ng picture ni Amber, ayan na po. Amber on multimedia section :)
Sorry na. Fan talaga ako ng Gossip Girl, eh. :)

Pa-plug na rin. haha. Kindly visit "To The Boy Who Broke My Heart". Bagong story na hindi ko alam kung kaiinisan nyo ang bida o kaaawaan o kung ano pa man. Kilala nyo ang mga character doon (mostly) maliban sa babaeng bida (namely Herrica). haha. Sana suportahan nyo ang kwento niyang maraming katangahan, hugot at sakit. Hope to see you there, too! 


***



My last period ended. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at inilagay sa shoulder bag kong dala at mabilis na lumabas. Jess and Mariz were chatting beside me. I don't actually know kung bakit naka-sabay sila sa akin ngayon. We're not that close but I don't mind tagging along with them. They're nice naman.


"Oh my gosh, Jess! James is walking towards us!" Impit na tili ni Mariz habang niyuyugyog si Jess na agad namula.


"But he's heading towards Amber." May bahid ng inggit na sambit ni Jess. Nilingon ko siya and she's pouting her pink lips.


"Hi Amber!" Bati ni James. "Pauwi ka na? Hatid na kita?"


Ramdam ko ang mahinang pagyugyog ni Mariz at Jess sa braso ko. I know what they want. Hindi ko lang alam itong James Stephen na ito. He looks harmless naman but looks can be deceiving nga 'di ba?


I smiled at James. "May dala kang sasakyan?" I asked just to make sure. Baka mamaya magko-commute lang pala. But I know he's kinda rich so I guess it was a stupid question to ask.


Nagliwanag ang mukha niya sa tanong ko. "Yeah. I always bring my car. So, you'll let me send you home?"


"Sure! Wala rin akong dalang sasakyan." Pero may susundo naman sa akin at dalawa pa! "By the way James, this is Jessica and Mariz. They're my friends."


"Hi James!" Nagkamayan iyong tatlo. Pulang pula naman si Jess.


"Anyway," Baling ko kay James. "Okay lang na sumabay rin sila, hindi ba? So, let's go?"


"Ay hindi na! Kayo nalang dalawa ni Jess. May pupuntahan pa kasi ako, besides, may dala akong sasakyan." Iyon lang ang sinabi ni Mariz bago mabilis na umalis.


Wala ng nagawa si James. Ipinagpilitan ko na si Jess ang umupo sa shotgun seat. Idinahilan ko nalang na baka makita ako ni Clyde. Kahit obvious ang pag-aalinlangan ni James ay wala namang nagawa. Good. It was my plan, anyway.


God! Hindi naman pala mahirap mag-play cupid?


Paglabas ng sasakyan sa gate ng school, I asked James to pull over as I saw Engr. Andrae Knudsen on his coat and tie, leaning on his red BMW. It's only 5:10pm and he's already here! Pero ang nagpakaba talaga sa akin ay ang makitang sa tabi ng pulang BMW ni Andrae ay ang puti naman BMW ni Clyde!


"I'm sorry James. Nakalimutan ko na may usapan pala kami ni Clyde and Andrae." I said, pointing at the two BMW's. But I'm not really sorry at all. I actually plan to leave Jess on James' hand. Matanda na sila kaya bahala na sila.


"Then I guess, magko-commute nalang ako." ani Jess na akmang bababa na rin.


"No, Jess!" Pigil ni James. "Ihahatid na kita." Saka ngumiti ng tipid. Si Jess naman ay namumula na naman at nawalan ng imik. Gentleman naman pala itong James na 'to. Pwede na. Pwede na kay Jess.


"I'm sorry talaga James. Medyo marami kasi akong iniisip kaya nakalimutan ko iyong usapan namin nung dalawa." Tukoy ko kay Clyde at Andrae na nang makita akong bumaba sa sasakyan ni James ay agad lumapit. Nagkatinginan pa ang dalawa.


Parang biglang sumakit ang ulo ko.


"James, next time nalang. Bawi ako sa inyong dalawa. Take care on you way." I said as I closed the door without waiting for his response. Good luck, Jess! I cheered silently.


"Amber."


Napapikit ako ng mariin. Kailangan talaga na sabay pa sila sa pagtawag sa akin?


Binalingan ko sila pero wala sa akin ang atensyon nila dahil nagsusukatan sila ng tingin. Clyde look pissed while Andrae... Paano ko ba sasabihin? Para kasing wala siyang pakialam kung sino man si Clyde.


"Let's go?" Sabay ulit nilang baling sa akin.


"Teka lang." Singit ko na. "Andrae kasi, may lakad ako. Baka pwedeng bukas nalang tayo mag-usap?"


"Who is this man, Amber?" agad na tumabi sa akin si Clyde at hinawakan ang kamay ko.


Bumaling ang tingin ni Andrae sa kamay namin at tumaas ang sulok ng labi niya. I guess he finds out who is Clyde in my life. I'm in between again!


Bagay talaga sa akin ang pangalan kong amber dahil na sa pagitan ako ng orange and yellow which is my Kuya Kahel and Sunny. Tapos ay na sa pagitan rin ako nila Dwight at Clyde. Ngayon naman, sa pagitan ni Clyde at Andrae -- my one-month-boyfriend and my soon-to-be-husband.


"Well, alin ba ang mas importante sa'yo ngayon? You just have to choose kung kanino ka sasama: sa boyfriend mo o sa akin?"


Alam ko. Alam na alam ko na may laman iyong sinabi niyang iyon. It was like, he's making me choose kung sino ang matimbang between a boyfriend and a fiance. I'm starting to hate this guy for real. I thought he's nice because of what he did at the coffee shop, but I was wrong. He's evil.


I don't know what to do. Ayoko rin na malaman ni Clyde and tungkol kay Andrae.


Huminga ako ng malalim at hinarap si Clyde. I'm sure he'll understand. "Clyde, susunod nalang ako by eight. We just need to... talk. It's important, Clyde."


Sa halip na sagutin ako ni Clyde ay binalingan niya si Andrae. Nagsukatan sila ng tingin at mukhang walang balak umatras! My God! Nakaka-attract na rin kami ng ilang estudyante at motorista.


Ikaw ba naman, may makita kang dalawang luxurious car sa tabi ng kalsada at dalawang gwapong lalaki na halos magsuntukan na, hindi ka ba hihinto at makiki-usyoso?


Hindi sila naghuhuli ng taas but Andrae's built, surely, is bigger than Clyde. Syempre, mas matanda si Andrae at mas batak dahil sa uri ng trabaho nito.


"Will you stop staring at each other? Kulang nalang maghalikan na kayo, eh!" Humalukipkip ako sa harap nila. "Clyde, this is Engr. Andrae Knudsen. Iyong mga tatay namin, magkaibigan." Bumaling ako kay Andrae. "Andrae, this is Clyde Telpace, boyfriend ko."


"Buti alam mo." Ani Clyde. "Let's go, Amber."


Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Clyde, he's a friend. May pag-uusapan lang naman kami over dinner. It's something very important." Bakit ba kasi kung minsan, hindi makaintindi si Clyde?


"It's not as if I'm going to steal your girlfriend, Mr. Telpace." Singit ni Andrae. "Ibabalik ko naman si Amber sa'yo after dinner. Walang labis, walang kulang." Simpleng sabi ni Andrae.


"Okay. Mag-usap kayo pero sasama ako." Sibangot niyang sabi.


"Clyde!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. Hindi niya pwedeng marinig ang pag-uusapan namin! Bakit ba napaka-kulit nitong si Clyde ngayon? Matutuyuan ako ng body fluids sa isang 'to, eh!


"Don't worry. Hindi ako makiki-table." Aniya tapos ay hinigit ako sa beywang. "Lead the way, Knudsen."


Andrae shrugged his shoulders. May naglalaro din na ngiti sa mga labi nito as if he was so happy to see Clyde gets pissed. Hinayaan ko nalang.


Habang byahe, tahimik lang si Clyde na sinusundan ang BMW ni Andrae. Ako naman, parang maiihi na ewan. Hindi ako sanay na hindi kinikibo ni Clyde. Alam kong may kasungitan ito sa katawan pero kahit minsan naman ay hindi pa ako na-dead-ma ng ganito ni Clyde.


"Clyde..." Saglit niya lang akong sinulyapan. "Bibilisan ko lang ang pakikipag-usap. Importante lang kasi talaga kaya hindi ako maka-tanggi. Babawi naman ako sa'yo pagkatapos namin na mag-usap." Paliwanag ko pero hindi pa rin siya kumibo.


Hindi ko nalang ipinilit magpaliwanag. Kung ayaw niya akong kausapin, e di huwag! Ang arte-arte! Daig pa ang babae. Akala naman yata niya ay susuyuin ko siya sa kaartehan niya.


Sa isang Italian Resto kami dinala ni Andrae. Magkatabi pa sila ng parking, sabay lumabas at saka nagsukatan ng tingin. I rolled my eyes in annoyance. Noong pumasok na kami ay nalaman ko na nakapagpa-reserve na pala si Andrae ng table. Hindi ko nilingon si Clyde na naiwan namin dahil sununod na ako kay Andrae nang igiya siya ng isa sa mga staff ng resto.


Ipinaghila ako ni Andrae ng silya. I murmured my thanks as I sit. Feeling ko talaga nangti-trip ang Knudsen na 'to eh!


"So, you have a boyfriend, huh?" Panimula niya pagkaalis nung waiter. Tsismoso rin.


"Bakit, wala ka bang girlfriend?" Balik tanong ko, arching my brow.


Umiling ito. "Just flings. I don't have time for one. The company's getting bigger so as my responsibilities. Besides, I already have a fiancee and having girlfriend..." umiling ito. Para bang isang kalokohan ang pagkakaroon ng kasintahan.


In my peripheral vision, I saw Clyde two tables away from us.


Umayos ako ng upo. "Let's go straight to the point, Mr. Knudsen. Ano ang pag-uusapan natin?"


He smiled. Damn! Ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi gwapo ang lalaking ito! He is so damn hot! Iyong tipong habang tinititigan ay lalong gumu-gwapo. Pero nakakainis naman ang pag-uugali kaya aanhin pa ang kagwapuhan, hindi ba?


"I know that your company's in the bridge of bankruptcy." Panimula nito.


Napaunat ako ng upo dahil sa klase ng pananalita niya. God! Ganito ba ka-intmidating talaga ang taong ito? The way he speaks makes all my senses hyperactive. Para bang sinasabi niyang wala akong dapat ma-miss sa mga sasabihin niya and that I should also be careful on his actions.


"Are you aware of that, Miss Amorsolo?" I nodded as an answer. "Pero kaya pa naman iyong i-salba. You just need to get more investor so the company could go on. But the problem is, sino ang mag-iinvest sa isang kumanyang palubog na? Much better kung ibebenta na lamang ninyo ang shares ninyo sa isang malaking kumpanya."


Naiintindihan ko ang mga sinasabi ni Andrae. I suggested it to Kuya Kahel already but he said that Papa doesn't want that. May sentimental value nga kasi ang kumpanya sa kanila ni Mama. Kung ibebenta naman ang shares of stock ay mawawala sa amin ang pamamahala ng kumpanya. Maaari pa rin kaming maging parte noon pero bilang stock holder na lamang.


Dumating ang pagkain namin pero halos hindi ako makakain. Si Andrae naman ay prente lang na nakaupo habang nagsasalita paminsan-minsan.


"Kung ako ang nasa sitwasyon ninyo, I'd rather sell my share and build from scratch again."


Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at uminom ng tubig. "Are you telling me to sell our company to you?" It was the only conclusion that came in my mind after all the things he said. I'm not that good at business talks and terminologies, kaunti lang ang naiintindihan ko kaya gusto ko ng mas simpleng tanong at paliwanag.


"If your father is willing, of course. That's the least thing I could do for your family, Amber." Nagpunas ito ng labi. "At kung sakaling ganoon nga ang mangyari, I will let you off the hook, Amber."


Napalunok ako. "Hindi sila papayag, Andrae." Umiiling kong hayag. "May sentimental value ang company kay Papa at Mama. My brother already suggested the same thing you said but my father doesn't really want to sell it. Hindi ba pwedeng tulungan mo nalang kami? Just this once, Andrae."


"Say please muna." Naka-ngisi niyang sabi.


Niloloko ba ako ng lalaking ito? Kasi kung oo, masasaksak ko na talaga siya ng tinidor! Pinagti-tripan lang yata ako ng Andrae na 'to, eh!


"Niloloko mo ba ako?" Tumayo na ako. Wala naman yata akong mapapala sa isang ito. Mas mahirap pa siyang kausap kay Clyde.


"Sit down, please. Pinagtitinginan tayo. I don't want to attract too much attention, Amber. Besides, you're already attracting the attention of the male customers here. I didn't know you were this famous." Mahinahon niyang saad.


Umupo ako pero bago ako tuluyang maka-upo ay nakita ko pa ang galit sa mga mata ni Clyde. Hindi naman siguro niya naririnig ang usapan namin, hindi ba?


"Okay. I'll help you in one condition, Amber and that is you have to marry me."



***


Note: Ang chapter 10 ay naka-private dahil nagmumurahan sila doon. Baka masita tayo ni wattpad. hahaha. To read the next chapter, kindly follow MsSongsari23 first. Kung ayaw nyo naman sakin, unfollow nyo nalang ako after reading the chapter 10. Sorry. Ugali ko talaga mag-private ng ilang part ng story ko kapag maraming hindi magagandang salita o di kaya ay SPG. Thank you! Labyu!

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 222 43
Gregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind...
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
761K 17.8K 39
Amanda and Coleen are both black and white sisters. Amanda can be compare in a sweet sunflower. While coleen is a dark rose with a sharp thorns. They...
116K 2.6K 37
(Turner's Series Book 1) Pirapirasong mga alaala, maitatagpitagpi pa ba? Kung isip man ay nakalimot, puso rin ba?