My Professor, My Love 2

Por SpecterOfYou

306K 7.3K 822

You don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, becau... Más

PROLOGUE
MY PROFESSOR, MY LOVE 2
MPML Book 2 (1)
MPML Book 2 (2)
MPML Book 2 (3)
MPML BOOK 2 (4)
MPML Book 2 (5)
MPML Book 2 (6)
MPML Book 2 (7)
MPML Book 2 (8)
MPML Book 2 (9)
MPML Book 2 (10)
MPML Book 2 (11)
MPML Book 2 (12)
MPML Book 2 (13)
MPML Book 2 (14)
MPML Book 2 (15)
MPML Book 2 (16)
MPML Book 2 (17)
MPML Book 2 (18)
MPML Book 2 (19)
MPML Book 2 (20)
MPML Book 2 (21)
MPML Book 2 (22)
MPML Book 2 (23)
MPML Book 2 (24)
MPML Book 2 (25)
MPML Book 2 (26)
MPML Book 2 (27)
MPML Book 2 (28)
MPML Book 2 (29)
MPML Book 2 (30)
MPML Book 2 (31)
MPML Book 2 (32)
MPML Book 2 (33)
MPML Book 2 (34)
MPML Book 2 (35)
MPML Book 2 (36)
MPML Book 2 (37)
MPML Book 2 (38)
MPML Book 2 (39)
MPML Book 2 (40)
MPML Book 2 (41)
MPML Book 3 (42)
MPML Book 2 (43)
MPML Book 2 (44)
MPML Book 2 (45)
MPML Book 2 (46)
MPML Book 2 (47)
MPML Book 2 (48)
MPML Book 2 (49)
MPML Book 2 (50)
MPML Book 2 (51)
MPML Book 2 (52)
MPML Book 2 (53)
MPML Book 2 (54)
MPML Book 2 (55)
MPML Book 2 (56)
MPML Book 2 (57)
MPML Book 2 (58)
MPML Book 2 (59)
MPML Book 2 (60)
MPML Book 2 (61)
MPML Book 2 (62)
MPML Book 2 (63)
MPML Book 2 (64)
MPML Book 2 (65)
MPML Book 2 (67)
MPML Book 2 (68)
MPML Book 2 (69)
MPML Book 2 (70)
MPML Book 2 (71)
MPML Book 2 (72)
MPML Book 2 (73)
MPML Book 2 (74)
MPML Book (75)
MPML Book 2 (76)
MPML Book 2 (77)
MPML Book 2 (78)
MPML Book (79)
MPML Book 2: Epilogue

MPML Book 2 (66)

3.1K 84 13
Por SpecterOfYou

"Nung Science Camp? Charlotte cooked a mean kalderatang usa na unang beses ko palang natikman."

Joe's, mga 11 pasado na ng gabi. Kalagitnaan ng inuman at walang ibang bukambibig si Sir. Hunt kundi ako, ako, ako. Remember when Charlotte ano? Remember when Charlotte did the thingy? Remember when Charlotte did this and that and this and that. Puro sya na nga lang nagsasalita eh, kami nila Jess at Travis kung hindi tatawa, o-oo nalang. Si Yuji lang nakikipagkwentuhan sakanya halata pang napipilitan.

"Those were the days. Anyway, Charlotte your drinks getting cold. Take the shot." Napatigil naman ako sa kakalaro ng color switch sa phone ko at nalingat sakanila.

"Nah, I have a lot of lesson plan to update tomorrow. Go on, inom lang kayo." Sabi ko habang ngumingiti sakanila pero in-insist parin ni Sir. Hunt na uminom ako.

Wag daw akong KJ.

"Sige na uminom kana, ano nalang silbi ng okasyon na 'to kung hindi ka iinom." Hawak nya ang bote ng vodka at akmang dadagdagan yung inumin kong wala pang bawas ng sabay na takpan ng kamay nila Jess at Travis ang baso ko.

"Wag ng pilitin kung ayaw uminom ni Charlotte, sir." Nakangiting pilit na sabi ni Travis.

Parehas na nagulat si Sir. Hunt at Yuji sa ginawa nila. I bet they're wondering why at ganun na lamang magreact sila Jess. Ayokong makahalata si Yuji, at lalong ayoko pang malaman nya kung anong nangyayari kaya tumawa ako bigla.

"Boys, relax. Tama si Sir. Hunt, we should celebrate ang pagbabalik nya no." Tinanggal ko ang mga kamay nila sa baso ko at tinungga ang laman ng baso ko.

They're both looked shocked sa ginawa ko. Hindi ko sila pinansin at patuloy sa pagkukunwari ko. Yes, I'm faking it. Tinutungga ko yung baso pero hindi ko naman binubuksan yung bibig ko. Walang makakahalata nun plus Sir. Hunt's too drunk to noticed. Pasimpleng pinagpalit ni Jess yung baso namin at kada shot na nilalagay ko e, sya ang umiinom. Bale dala-dalawang shot iniinom nya kada ikot.

"Cha, hindi ko na kaya." Pasimpleng bulong ni Jess sakin habang nakikipagkwentuhan ako kila Sir. Hunt at Yuji.

"Kayanin mo." Pasimpleng sagot ko habang nakikipagtawanan sa kanila.

"Lima na paningin ko, Cha. Sabi ko naman sayo hanggang wine kalang, ang tindi mo puro tequila at vodka pa nilalagay mo ako naman umiinom." Sa sinabi nyang yun sinipa ko sya sa ilalim ng mesa.

"Aray!"

"May problema ba, Jess?" Tanong ni Yuji, napatingin narin si Sir. Hunt.

"Ay hindi hindi hindi. H'wag nyong intindihin yan si Jess lasing na kaya ganyan. Alam nyo na mahina uminom." Maya maya ako naman ang napasigaw ng maramdaman kong may umapak sa daliri ko sa paa e hindi ako naka-closed shoes kaya ramdam na ramdam ng hinlalaki ko sa paa yung saket ng pagkaka-apak ng sapatos ni Jess.

"Aah!"

"Charlotte, you ok?" Natigilan naman si Yuji sa iinumin nya sanang bote ng beer ng makita nya ang ginawang paghawak ni Sir. Hunt sa kamay ko.

"Y-yeah, everything's FINE." Pagkasabi ko ng fine, syang ganti ko sa pagsipa pabalik kay Jess sa ilalim.

Naggagantihan na kami nang si Travis naman ang sumegwey para umalis ang pansin samin nila Yuji.

"So! Permanente na ba pagbabalik nyo sa campus, Sir. Hunt?" Hawak parin nya ang kamay ko kahit anong galaw ang gawin ko para bumitaw.

If looks could kill, tunaw na tunaw na sa titig ni Yuji yung kamay namin ni Sir. Hunt.

"Sa totoo lang hindi pa official pagbabalik ko. Pero kung may magiging rason para manatili ako dito, why not?" Sabay tingin nya sakin.

Uhh..is he thinking what I'm thinking?

"Have you met Andrea? Anak ko sya, anak namin ni Charlotte." Out of nowhere na sabi ni Yuji.

Tumahimik ng ilang segundo sa lamesa at tanging titigan nilang dalawa ang napapansin namin ni Travis.

"Really? May anak na pala kayo."

"Yeah and we have another one on the way. Sounds like a happily family right?" Halos masuntok ko si Jess na natutulog na sa balikat ko ng marinig ko ang sinabi ni Yuji.

He knows?!

Silence has covered our table. Again. Walang makapagsalita kahit ako na nakikipagtitigan lang kay Yuji dahil hindi ko akalain na alam na nya pala. Nakahalata ba sya o may nagsabi sakanya?!

"Wow! Charlotte, why didn't you tell us that you're pregnant?"

Still speechless. Walang lumalabas sa bibig ko kundi ang tanong na paulit ulit sa utak ko na kung pano nya nalaman.

"You know pregnant woman are hormonal. Those mixed emotions of hers, her change of mood every seconds, bloated feet, unstoppable eating at the office, I guess she's just waiting for the right time to surprise me. Right, honey?"

What. An. Actual. F--- Is he smirking at me? AT ANONG HONEY?!!!

"Psst." Sitsit sakin ni Travis dahil natulala ako kay Yuji. Sa isip isip ko gustong gusto ko na syang tirisin at pagsasaksakin ng toothpick ng paulit ulit.

"What can I say? I guess my dearest "honey" caught me by surprise." I said while killing Yuji by staring at him.

Sira na gabi ko gusto ko ng lumayas dito.

"Congrats, mukhang wala talagang makakasira sa tambalang Yuji at Karlota. Dati lihim pa, ngayon may nga anak na" Tumayo si Sir. Hunt at nakipag-yakapan kay Yuji. I guess  Sir. Hunt just raised his white flag and surrendered from a fight.

Pakiramdam ko pinakinggan ng diyos ang panalangin kong maka-alis na dito ng maramdaman kong nagva-vibrate ang phone ko sa bag ko.

"Excuse me." Tumayo ako habang nororolyohan ng mata si Yuji.

Pumunta ako sa ladies room para sagutin ang tawag nang makita kong si Manang pala ang tumatawag. Bibihira lang syang tumawag sakin kaya kinabahan naman ako.

"Manang, napatawag kayo? May problema po ba dyan sa bahay?"

"Kasama mo ba si Andrea, iha?" Dun na nagsimulang kumabog yung dibdib ko. Kung ano anong scenario agad ang namuo sa utak ko kung anong nangyari kay Andrea.

"Hindi manang. Hindi ba sya hinatid dyan ni Yuji?"

"Hindi akala ko nga kasama mo. Nasaan kaba?" Nanggigil agad ako at nagpaalam na lamang kay Manang.

Dire-diretso akong naglakad palabas ng banyo at bumalik sa table namin para hilahin si Yuji palabas. Nabitawan pa nya ang iniinom nyang bote ng beer at nabasag yon pero wala akong pakialam. Hila hila ko parin ang braso nya palabas ng fire exit sabay bagsak ko ng pinto dahil sumunod si Travis samin.

"Nasaan si Andrea!?" Sigaw ko agad sakanya. I'm mad, I'm worried, I'm irritated, lahat na nararamdaman ko ngayon.

"Charlotte, calm dow--"

"Don't tell me to calm down! My daughter is missing and I don't know where she is! Sayo ko sya pinahatid! Saan mo sya dinala!?"

Yuji kept on doing hand gestures para mapakalma ako pero hindi mapapakalma ng kahit anong senyas ng kamay nya ang pag-aalala ko sa anak ko.

"Nasaan si Andrea, Yuji!"

"Relax, you're scaring the baby--"

"Ikaw ang dapat matakot saken dahil mo sinunod ang usapan natin na ihahatid mo sa bahay ang anak naten!"

"Char--"

"NASAAN?!!"

"She's in my house with Marcus and their friends. Pinag-overnight ko sila doon."

"BAKET?!!"

"Dahil alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo pag nadatnan mo sila sa bahay mo. Would you calm down for a sec? You're carrying my child."

"Stop thinking about the baby!"

"Paano? Kung pati pagbubuntis mo hindi mo man lang masabi sakin?"

At that moment, I stopped. Huminga ng malalim at kumalma. Seryosong nakatingin ang mga noo'y nanlulumo nyang mga mata. Ako na naman ba mali dito?

"I just found out that I'm pregnant last week. Hindi ko alam kung pano sasabihin sayo kaya nilihim ko."

"Were you even planning to tell me?" He asked while looking at me.

"Divorce papers." Sambit ko.

Napahawak sya sa ulo nya at naglakad ng ilang hakbang paikot.

"Trust me, matagal ko ng inaasikaso yan. It's just Maxine left and I don't know where to find her. Those papers needs to be signed by both parties." Napabuntong hininga ako at naupo sa bench na malapit sa pinto.

Wala akong gusto sabihin kundi maupo at sumagap ng hangin. Gusto ko magreklamo sakanya pero alam ko rin naman na nahihirapan din sya. Bumibigat nalang bigla pakiramdam ko, hindi ko alam kung masama ba loob ko o hormones lang to.

Naglakad palapit si Yuji sakin at naupo sa harapan ko habang  hinahawakan ang mga kamay ko. Sinisilip nya ko dahil nakayuko ako at nahaharangan ng buhok ko ang mukha ko.

"Ang sungit mo pala magbuntis no?" Nakakaasar yung sinabi nya pero napangiti ako. Ngumiti din sya sabay hawi ng buhok ko.

"We'll get through this. Sa ngayon hayaan mo munang alagaan kita."

"Fine."

"At h'wag mo akong sungitan."

"Fine."

"H'wag mo narin akong pagtripan."

"Fine."

"So, kailan kayo lilipat ni Andrea sa bahay ko?"

Nag-automatic yung kamay ko at sinapok ang ulo nya. Loko loko, anong lipat lipat?!

"Aray ko naman." Ininda nya yung sapok ko pero hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan yun.

"Paano kita maalagaan kung wala tayo sa iisang bahay?" Edi mag-uwian ka aba.

"May guest room sa bahay. You can stay there whenever you want." Iniirapan ko parin sya. Ayokong ipakitang natutuwa ako sa paglipat nya.

"I'll pack my things first thing in the morning then." He said while looking at me and still kissing my hand.

"Yuji."

"Yes hon?"

"I will kill you if something happen to my daughter sa overnight overnight na yan."

Tumawa sya sa sinabi ko pero ako tinataasan ko na sya ng kilay.

"She's with Marcus, wala kang dapat ipag-alala ok?" Tss. Yun nga pinag-aalala ko magkasama ang dalawa. Tumungo nalang ako kesa makipagtalo pa. Nang-aya na kong umuwi and he insisted na ihatid ako.

Hawak hawak nya parin ang kamay ko ng itayo nya ko pero bago pa kami makalapit sa pinto, bumukas yun at nag-uunahang lumabas si Jess at Sir. Hunt.

Akala namin kung anong meron pero susuka lang pala sila. Si Travis nakukuha pang tumawa sa kanila habang may hawak paring alak.

"Sila na muna kaya ihatid natin? Mas kailangan ata nila." He nod. Hinalikan nya ko sa pisngi bago nya tinulungan si Travis na akayin yung dalawa.

Nauna silang maglakad sakin habang nasa likod nila ako na sumusunod sa kanila. By looking at them, napangiti ako. I guess this night wasn't so bad after all.

⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫

Seguir leyendo

También te gustarán

8.8K 132 16
"Tangina mo!" "Tangina mo rin!" "Wala ka namang muscles and abs! Bakit ka nagpapakalalaki?" "Eh bakit ikaw walang pepe? Wala fafa na jejejer sayo!" "...
7.1K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
5.9K 267 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
99.1K 4.2K 39
[vhyun fanfiction] Two popular idols, married secretly?! Paano yun magwowork-out?! cc: @aestears