Fall For You

Galing kay JFstories

15M 482K 90K

He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden... Higit pa

SIMULA
KADEN
Kabanata I
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
KabanataXXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Epilogo
VOX
FALL FOR YOU
BOOK

Kabanata II

374K 12.8K 4.8K
Galing kay JFstories

Kabanata II


"WHAT the fuck, Sec?"


Halos idura ni Cross ang tanong matapos sabihin ni Kaden na titira na ang batang si Perisha sa kanila. Na magiging kasama na nila ito sa mansiyon.


Nasa sala ang dalawa niyang kapatid, abala sa pagtulala sa kisame. Sa mga ganitong oras ay tahimik sila, ito ang oras na katumbas ng hating-gabi para sa mga uri nila.


"Shut up and don't touch her." Hinila niya si Perisha nang akma itong bubuhatin ni Cross.


"Sec!" bago pa lumabas ang pangil ng kapatid niya ay naitalikod na ni Kaden ang paslit. Masyado pang maaga para matrauma si Perisha.


Nakabuo na siya ng pasya, para kay Vanna ang gagawin niya. Alam niyang mahal na mahal ng kaibigan niya ang ina at pinsan nito na nakatira sa Limay Bataan. At ngayong wala na si Vanna at ang ina nito, wala ng ibang mag-aalaga sa batang babae na bitbit niya. Siya na ang sasalo ng responsibilidad. Kahit sa ganitong paraan lamang ay makabawi siya sa kahayupang nagawa niya sa kanyang kaibigan.


"Sec!" Boses ni Lourd.


Hindi niya ito pinansin. Binuhat niya si Perisha, masyado itong mabagal maglakad. Gusto niya na itong mailayo sa mga kapatid niya. May pupuntahan pa siya, kailangan niya ng madala ang bata sa magiging kuwarto nito.


Yumakap sa kanyang leeg ang makinis at may kapayatang braso nito. Ang mga mata nito na kakulay ng gabi ay nakatitig sa kanya. Ramdam niya ang purong pagtitiwala nito, ang kampanteng pagtibok ng puso ng paslit.


"Sec?" banggit nito sa pangalan niya habang nakatingin sa kanyang mukha. "Hindi ba po Kaden ang pangalan mo?"


"Yeah." Pagkarating sa second floor ng mansiyon ay saka niya lang ibinaba si Perisha.


"Bakit tinatawag ka niyang Sec?" Matanong ito. Bagay na hindi niya alam kung makakabuti o hindi.


He didn't bother to answer her. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila. 


Ang dulong pinto na katabi ng pinto ng kuwarto ni Kaden ang pinagdalhan niya sa batang babae. Binuksan niya iyon at pinatuloy ito sa loob. "Dito ka matutulog."


Napanganga ito. "Ang laki po!"


Bakas ang gulat at paghanga sa inosente nitong mukha. Katulad ng reaksyon nito nang dalahin niya ito sa mansiyon. Sa gate palang kanina ay hindi na magkandatuto si Perisha kung paano iikot ang ulo sa paligid. 


"Ang laki-laki naman po ng kuwarto ko! Malaki pa sa bahay namin ni Tiya Pat!"


Isang malaking antigong kama ang nakadeposito sa gitna ng kuwadradong kuwarto. May malaking glassdoor sa gilid palabas sa terasa na konektado sa terasa ng kanyang sariling kuwarto. Sa loob ng kuwarto ni Perisha ay may sarili itong banyo, may bathtub din iyon at mini closet.


"Saka na lang tayo mamimili ng mga gamit mo." Tiningnan niya ang suot na wristwatch. "Iiwan na muna kita rito." Pinakain niya naman ito sa isang restaurant bago sila tumuloy sa mansiyon, siguro naman ay di ito magugutom agad.


"Aalis ka po?"


"May kailangan lang akong kausapin."


"Iiwan mo ako rito?"


"Narito naman ang mga kapatid ko, sina Cross at Lourd. Mamaya ay darating ang daddy namin, you will meet him, too."


"Ang mama mo po?" mukhang walang katapusan ang pagtatanong nito.


"Wala akong mama."


Lumabi si Perisha. "Okay lang, may daddy ka naman."


"Iiwan na kita. 'Wag ka ng bumaba, diyan ka na lang sa terrace, magpahangin ka. Kung gusto mo ay matulog ka, may aircon itong kuwarto, buksan mo na lang. Bukas ay ibibili kita ng TV para may libangan ka rito. Basta 'wag ka munang lalabas ng kuwarto na ito. Gusto ko ng batang masunurin."


Tumango ito. "Paano po ang Tiya ko?"


"Dadalawin natin siya sa sementeryo." Iyon ang lalakarin niya ngayon, ang pagsasaayos ng libing ng ina ni Geovanna.


"Dito na po ba talaga ako titira?"


"Yes."


...


WALA na si Kaden o Sec. Sumampa si Perisha sa bago niyang kama. Malaki iyon, malambot din. Anong sinabi ng kanyang maliit na foam kumpara sa dambuhalang kamang ito?


Nahiga siya ron at pinakatitigan ang kisame ng kuwarto. Pati ang ilaw ng kanyang kuwarto ay malaki at napakaraming disenyo.


"Parang sa isang prinsesa," usal niya. Tumayo siya at sinilip ang magiging banyo niya.


Malaki at maaliwalas ang banyo. May malaking lubluban doon, kagaya ng sa kaibigan niyang si Judas. Sa bahay nila Judas ay meron ding bathtub. Iyon ang tawag sa ganitong lubluban. Ngunit higit na mas malaki ang bathtub dito sa mansiyon kesa sa bahay nila Judas.


"Ang hambog na iyon, 'pag nakita niya itong bathtub ko ay sure na manliliit siya!" inis siyang umismid ng maalala ang kayabangan ng kanyang kababata.


Kita namang mas mayaman si Kaden kesa sa papa ni Judas na isang seaman. Saka walang mansiyon sila Judas. Walang maraming sasakyan.


"At sabi ni Kuya Kaden ay ibibili niya ako ng sarili kong TV. At walang sariling TV sa kuwarto niya si Judas! Hmp!"


Pero agad ding nawala ang saya niya nang maalala ang yumaong tiyahin.


Aanhin niya lahat ng karangyaan kung wala na siyang kamag-anak sa mundo?


Oo bata pa siya. Bubot pa ang isipan niya. Pero kahit bata pa ay aware na siya sa mga bagay-bagay, katulad na lang ng wala na siyang mga magulang. Na si Tiya Pat na lamang ang kasama niya sa buhay. At ngayong wala na si Tiya Pat ay isang kaibigan ng kanyang namatay na pinsan ang kukupkop sa kanya.


Dapat na rin siyang maging masaya. Swerte pa rin siya dahil may tao pang gustong mag-alaga sa kanya. Dahil kung wala si Kuya Kaden, baka maging palaboy na lang siya sa lansangan.


Malamig at sariwang simoy ng hangin ang nagpalipad ng paningin niya sa nakabukas na glassdoor ng kanyang kuwarto. Katapat niyon ay ang malawak na lupain bagamat walang halamang nakatanim. Isang patay na hardin na tanging pinong ligaw na damo lang ang makikita ng iyong paningin. Lumabas siya sa terrace.


Napakalawak pala talaga ng kinaroroonan ng mansiyon. Pati ang dinaanan nilang mahabang daan ay napakalayo rin pala. Parang nasa pusod ng isang malawak na lupain ang mansiyon ng mga Vox.


May sumitsit kay Perisha mula sa hardin.


Pagbaba ng paningin niya ay nakita niyang nakatayo ang isang lalaki sa tapat ng mga halaman. Nakapamulsa ito at nakatingala rin sa kanya. Kulay luntian ang mga mata nito, kakulay ng nakalatag na pinong damo sa hardin. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Cross.


Kumaway ito sa kanya at nag-flying kiss pa.


Wala sa loob na kumaway rin si Perisha. Mukha namang mabait si Cross. Mas mukha nga itong mabait kesa kay Kaden—Sec. Sa tatlong magkakapatid ay ito ang pinaka-friendly ang mukha, parang masayahin. Hindi tulad ni Kuya Lourd at Kuya Kaden na parang palaging pasan ang mundo. Pero para kay Perisha, higit na mas guwapo pa rin ang kanyang Kuya Kaden kesa sa mga kapatid nito.


"Baba ka rito!" sigaw nito.


"Po?"


"Baba ka rito, 'Neng!"


"B-baka po magalit si Kuya Kaden..." kabilin-bilinan kasi nito na 'wag siyang aalis sa kuwarto niya.


"Come on! Bumaba ka, Perisha."


"Pero..."


"Talon ka, I will catch you."


"Ha?"


Lumapit ito at itinaas ang mga kamay. "'Wag kang matakot, kaya naman kitang saluhin."


Nahihiwagaang napatitig siya sa guwapong mukha ni Cross. May sapi yata ito? Tama ba namang patalunin siya mula sa second floor ng mansiyon? Ang taas kaya ng kinalalagyan niya. Masyadong mataas ang ceiling ng bahay, lalo pa at elevated ang mansiyon.


"Ako na nga lang ang aakyat diyan," nagkamot ng batok si Cross. Mukhang nainip at naartehan sa kanya.


Napanganga na naman si Perisha ng walang kahirap-hirap na sumampa ang lalaki sa terrace. Isang kamay lang ang nakakapit sa sementadong flooring. Nang tumingala ito sa kanya ay nakangisi ito.


"P-paano mo nagawa iyon?" kumurap ba siya? Bakit hindi niya nakita ang saktong ginawa nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa isang iglap! Tumalon ba si Cross? O umakyat sa poste ng mansiyon? Hindi niya nakita. Ang bilis ng pangyayari!


"Hi," nakangiti pa rin ang mapula nitong mga labi.


"Mahuhulog po kayo!"


Hindi nga siya nagkamali. Napabitaw si Cross sa kinakapitan, bumagsak ito sa damuhan ng hardin. Patihayang bumagsak. At dinig niya ang paglagapak ng katawan nito.


Hala!


Napakurap siya sa pagkabigla. Kitang-kita niya ang pagbagsak ng katawan ni Cross!


Tiyak na nabalian ito!


Pero wala itong kakilos-kilos sa kinahihigaan. Nakadipa ang mga kamay nito, nakapikit ang lalaki at bahagyang nakaawang ang mapupulang mga labi.


"Kuya Cross?!" bulalas niya.


Wala pa ring kakilos-kilos si Cross. At hindi niya malaman kung humihinga pa ba ito.


"Kuya Cross!!!" Nagsisi-sigaw siya. Nanakbo siya patungo sa kanyang kuwarto, susuwayin niya si Kaden o si Sec. Lalabas siya ng kuwarto, pupuntahan niya sa hardin si Cross. Hihingi siya ng tulong sa kung sino mang makikita niya. Nasa panganib si Cross, kailangan itong madalasa ospital.


Patakbo niyang binuksan ang pinto ng kuwarto niya. Pero ganoon na lang ang gulat ni Perisha ng makita ang lalaking nakatayo sa kanyang pinto. Nakangiti ito sa kanya.


Nakatayo sa harapan niya ang lalaking tila wala namang kahit anong sakit na iniinda sa katawan. Nakapamulsa ito at maging ang berdeng mga mata ay nakangiti sa kanya.


"K-Kuya Cross?!" Paano ito nakarating sa pinto ng kuwarto niya nang ganoon kabilis?!


"Hi, 'Neng."


Tulala siya ng tumungo ito at halikan siya sa pisngi. "Masasanay ka rin. Welcome to the family." Mahinang bulong nito na nagpatayo ng lahat ng balahibo sa katawan ng batang si Perisha.


JF

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.7K 127 6
Sobrang sarap ma-in love. Sobrang saya magkaroon ng crush. Pero sobrang corny naman ng mga ideyang iyon para kay Belamare. Wala siyang crush. Wala ri...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
3.1K 148 36
(Completed) Adriel's story. He never wanted a woman in his life. He never wanted to love. Ever since he was a kid, he was never deceived by the word...
3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...