An Orphan's First Love: Love...

Da JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION Altro

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 15.2 ] The Wall
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.2 ] Betrayal
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 31 ] Effect
[ 32 ] Is This The End?
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 40 ] Winner and Loser
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 47 ] Dinner
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 51 ] New Year
[ 52 ] Warning
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 30 ] Suspicious

56.4K 656 84
Da JeraldineTanL

Chapter 30: Suspicious

Pagkagising ni Steffi ay agad niyang hinanap ang phone niya at doon niya lang napansin na nasa loob pala siya ng sasakyan. Naalala niya bigla ang mga nangyari kung bakit siya nandoon ngayon... Iniwan ni ZAC ang lahat ng mayroon siya para sa kanya. Napaisip na lang siya sa kung ano na ang mangyayari sa kanila ngayon. Walang wala na ngayon si ZAC kaya hindi niya alam kung paano ang magiging buhay nila. Idagdag pa doon na wala din siyang pera na dala.

Napansin niya ang isang plastic sa tabi niya kaya kinuha niya iyon at tinignan ang laman. May laman iyon na pagkain. Kinain niya 'yon saka siya nagtingin tingin sa labas pero hindi niya nakita doon si ZAC kaya naghintay na lang siya sa loob ng sasakyan hanggang sa dumating ito.

"Gising ka na pala. Maghanap na muna tayo ng matitirhan natin," sabi sa kanya nito.

Tumango lang siya bilang sagot. Wala rin silang pasok ng araw na 'yon kaya naman mas madali para sa kanila. Naghanap sila ng matitirhan sa mga paupahan na malapit lang sa Choi University pero nahihirapan sila na maghanap... Hindi dahil walang matitirhan o mahal ang upa kung hindi dahil alam nila na si ZAC ang titira doon. Kilala kasi si ZAC sa paligid ng school nila at alam ng mga ito ang ugali niya kaya hangga't maaari ay ayaw nila na ma-involve dito. Kagaya lang din 'yon noon kay Steffi. Nang malaman ang pagkakakilala niya kay ZAC, pinalayas siya kaagad sa tinitirhan niya.

Tanghali na nang makahanap sila ng matitirhan. May kamahalan ang renta para sa liit ng titirhan pero wala silang choice kung hindi kunin na iyon dahil sa tagal nilang naghahanap, 'yon lang ang napapayag nila. Maganda na rin naman doon dahil may mga gamit na. Mabuti na lang din dahil may pera pa si ZAC dahil humihingi ng advance payment and landlady para sa dalawang buwan.

Matapos nilang makahanap ay umalis doon si ZAC na hindi nagpapasabi kung saan ang punta nito at habang wala pa doon si ZAC, naglinis na siya doon ng pwedeng linisin para kapag nakuha na nila ang mga gamit nila, aayusin na lang iyon. Pagkabalik ni ZAC, may dala itong pagkain at ilang mga bagay na kakailanganin nila sa bahay habang wala pa ang mga gamit nila. Kasama na din nito si Zavier papunta doon.

Pumunta doon si Zavier para alamin ang lagay nila at kung ano ang mga kailangan nila dahil ito na ang kukuha ng mga naiwan nilang gamit sa unit ni ZAC. Kahit papaano ay pinapakasamahan naman din ng maayos ni ZAC si Zavier.

"Steffi, if you need anything, don't hesitate to let me know," nakangiting sinabi ni Zavier.

"Sure. Thank you, Zavier."

"Sa 'kin, hindi ka magpapasalamat?" tanong ni ZAC kay Steffi.

"'Yan ka na naman ZAC, eh!"

"Ganyan ka naman, eh. Kapag kay Zavier.. psh. Hoy Zavier, tulungan mo akong maghanap ng trabaho. Alam kong marami kang kakilala."

"Mukhang magiging mahirap 'yan. Lahat ng contacts ni Dad pinagsabihan niya na 'wag kang bibigyan ng trabaho. Lahat din ng 11SG, ginigipit ngayon ng magulang nila kaya talagang mahihirapan ka ngayon," pagkukwento ni Zavier.

"Gago talaga 'yong matandang 'yon. Gusto niya talagang mahirapan ako? Para ano? Bumalik sa kanya at iwan ko si Steffi?"

"He wants you to marry Kim as soon as possible. Dahil once na magpakasal kayo, mag-iinvest ng billions ang family ni Kim sa business natin."

"Ipapakasal niya talaga ako sa babaeng 'yon? Mukha talagang pera 'yong matandang 'yon. 'Yon siguro ang dahilan kaya sila pumunta sa condo kagabi. Ipagkakasundo nila kami. Sabihin mo sa kanya na hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yon kahit ano pa man ang mangyari!"

"Okay naman si Kim, 'di ba? Bakit ba ayaw mo sa kanya? Mahihirapan lang kayo lalo ni Steffi sa ginagawa mo. Hanggang sa hindi mo ginagawa 'yong gusto niya, pahihirapan niya kayo. Gigipitin niya kayong dalawa hanggang sa sumuko kayo."

"Hindi ako kagaya mo na sunud-sunuran sa gusto niya. Oo, okay si Kim pero hindi ko siya mahal."

"Nakalimutan mo na ba? Negosyo ang tingin nila sa 'tin."

"Edi ikaw ang magpakasal kay Kim."

"Kung pwede lang ginawa ko na para tigilan niya kayo kaso ikaw ang gusto ni Kim at hindi 'yon basta bastang susuko sa 'yo."

"Kapag nagpakasal ako kay Kim, ano'ng gagawin mo? Popormahan mo si Steffi?"

Hindi na natiis pa ni Steffi na makinig na lang sa pag-uusap ng dalawa dahil nagsisimula na naman ang mga ito na magtalo.

"Ano ba, ZAC?! Tama na! Magaaway na naman kayo, eh," awat niya dito.

"Umalis ka na dito. Bumalik ka na lang kapag dala mo na ang kailangan namin," sabi ni ZAC sa kapatid.

"Sige Steffi, aalis na ako. Ingat ka palagi," pagpapaalam ni Zavier.

"Thank you ulit, Zavier."

Nginitian lang siya ni Zavier at saka ito umalis. Tahimik lang din na kumain sina ZAC at Steffi at napapansin ni Steffi na nag-iisip din si ZAC. Maging siya ay nag-iisip din ng pwede niyang pasukan na trabaho. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob kay ZAC o maging kay Zavier kaya hindi siya mabubuhay na umaasa lang sa mga ito.

Nag-usap sila ni ZAC tungkol sa bagay na 'yon pero hindi siya hinayaan ni ZAC na magtrabaho. Gusto nito na magtrabaho para sa kanilang dalawa ni Steffi at papatunayan nito sa Tatay niya na kaya niyang mabuhay na wala ito.

Ang taas talaga ng pride. Walang wala na nga siya, nagmamalaki pa din siya.

Nagpaalam si ZAC na aalis siya matapos nilang maghapunan. Hindi ulit ito nagpasabi kung saan ito pupunta. Inabot na din ito ng alas-onse ng gabi pero hindi pa ito umuuwi kaya nagpasya si Steffi na matulog na kahit wala pa ito dahil may dala naman itong susi.

Nagising siya dahil sa ilang tunog sa paligid niya at nakita niya si ZAC na nagbibihis. Mukhang bagong dating lang ito.

"ZAC, saan ka galing?"

"Trabaho."

"Anong trabaho?"

"Basta. Inaantok na ako. Matutulog na ako."

Humiga na ito sa kama at ipinikit ang mata. Katabi niya si Steffi dahil isa lang ang kama doon pero kasya iyon sa dalawang tao. Napaisip si Steffi sa posibleng trabaho ni ZAC dahil pang-gabi iyon at umaga na siya umuwi.

"ZAC! Dancer ka ba sa bar?!" biglang tanong niya.

"Ano ba naman 'yang tanong mo? Hindi. 'Wag ka ngang maingay. Matutulog ako," reklamo nito.

Inisip ng inisip ni Steffi kung ano ang trabaho nito.

Hindi kaya callboy siya? Gwapo siya, maganda ang katawan at siguradong...

"ZAC!"

"Ano?! Tang*na! Patulugin mo ako, pwede?!" naiinis na sinabi nito.

"Wala. Sorry."

"Lutuan mo pala ako ng pagkain kung aalis ka."

"Okay. Sige, matulog ka na dyan."

Napailing iling siya pagkatalikod niya kay ZAC. Kung anu-ano ang naiisip niya na trabaho na pwede nitong pasukin kung sakaling ganoong oras talaga ito nagtatrabaho. Imposible nga naman kasi na call center ang pinapasukan nito dahil under qualified si ZAC doon.

Umaga na rin naman kaya nagluto na lang siya ng pagkain para kay ZAC. Dumating din doon si Zavier dala ang mga gamit nila. Niyaya rin naman siya nito na kumain sa labas kaya pumayag na lang din siya dahil wala naman siyang gagawin sa bahay. Iba sa inaasahan niya, dinala siya nito sa isang karinderya at nagorder ito ng iba't ibang ulam.

"Bakit sa ganito mo ako dinala?" nagtatakang tanong ni Steffi.

"Ayaw mo ba dito? Sige, aalis na tayo."

"Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang inaasahan na kumakain ka pala sa ganito."

"Minsan lang 'to. Ang tagal ko na ding hindi nakakain dito dahil wala naman akong kasama. Masarap 'yong luto nila dito."

"Ah. Ganun ba?"

Pagkadating ng order nila ay tahimik lang silang kumain. Madami din ang inorder nito pero naubos din nila iyon lahat kaya busog na busog si Steffi.

"Steffi, kapag may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako. 'Wag kang mahihiya sa 'kin."

"Okay na ako, Zavier. Thank you na lang."

"May tanong ako sa 'yo."

"Ano 'yon?"

"Ano ang nagustuhan mo kay ZAC?"

Napaisip doon si Steffi. Wala siyang maisasagot doon dahil wala siyang nagugustuhan sa ugali nito. Nag-isip siya ng pwedeng palusot.

"Zavier, kailangan ko na palang umuwi dahil baka hanapin ako ni ZAC. Ihahatid mo pa pala ko dahil hindi ko kayang bumalik mag-isa. Hindi ko alam ang daan pauwi."

Naghinala si Zavier sa naging sagot ni Steffi. Kung gusto niya ito, hindi naman siguro mahirap ang tanong na 'yon para sagutin niya. Bukod pa doon, umiwas siya sa tanong nito. Binalewala na lang iyon ni Zavier at nagbayad muna siya saka sila umuwi ni Steffi.

Ano'ng isasagot ko? Ayaw ko ang buong pagkatao niya.

Iniisip niya lang iyon sa buong biyahe pauwi kung sakaling tanungin siya ulit nito. Pagkadating nila sa tapat ng tinitirhan nila ay madali siyang lumabas ng sasakyan pero napigilan siya ni Zavier at hinawakan nito ang kamay niya at tinignan siya sa mga mata.

"May gusto ka nga ba talaga kay ZAC o may ibang dahilan kung bakit ka ganun sa kanya? Ginagawa mo lang ba 'yon para saktan siya, Steffi?"

Kinabahan bigla si Steffi sa mga tanong na iyon ni Zavier.

"Hindi mo na pala kailangan pang sumagot. Halata na sa 'yo 'yong sagot."

"Teka! G-gusto ko talaga si ZAC. Mahal ko siya! Sige, thank you."

Dahil binitawan na ni Zavier ang kamay niya, lumabas na siya sa sasakyan at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya doon si ZAC na gising na pero nananatili pa din na nakahiga. Hindi niya lang ito pinansin at humiga siya doon saka nagtakip ng unan.

Muntik na akong mabuking noon ni Kurt at ngayon, naghihinala na sa 'kin si Zavier. Hindi ito maaari. Malayo na ang narating ko kaya hindi pwedeng masira ang plano ko. Katapusan ko na kapag nalaman nila ang lahat.

Nagtataka si ZAC kay Steffi. Hinihintay niya itong dumating pero pagdating nito ay dumeretso lang ito sa kama.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, Geneere?" tanong ni ZAC.

"W-wala. Inaantok ako kaya matutulog muna ako."

Nagulat si Steffi nang yakapin siya nito pero binalewala niya lang iyon.

"Sige, matulog tayong dalawa. I love you."

Hindi inaasahan ni Steffi na maririnig niya na naman ang mga salitang iyon kay ZAC. Nakaramdam siya ng kaunting awa para dito. Para siyang nakokonsensya sa ginagawa niya pero hindi siya pwedeng magpatalo doon. Lahat ba ng bagay nagiging okay dahil lang sa salitang 'love'?

I'm sorry, Zyril. I have to break your heart. I'll make you happy at ibibigay ko ang mga gusto mo pero pagkatapos non, iiwan kita at magsisisi ka na nakilala at nagustuhan mo ako. That will be the sweetest revenge I can give you.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

Limerence Da Aira

Teen Fiction

3.4M 48.4K 45
"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A crush is for a short duration of time, w...
341K 5.6K 16
(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niyang kinukuwestyon sa kanyang sarili ang p...
Sweet Revenge Da Pinky

Storie d'amore

1.2M 20.5K 12
One shot story. Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...