Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 33*

1.1K 12 5
By ohpurplerain

Chapter 33 ~

 Bakit ba parang ngayon lang ako na-excite nang ganito sa tanang buhay ko? This is our first official date kasi ni Renzo. 'Yung hindi basta-bastang lalabas lang kami, ito na talaga 'yung totoong date kasi totoong kami na talaga. Hahaha!

"Saan mo ba ako dadalhin?"  tanong ko kay Renzo na nakangiti lang habang nagmamaneho. 

"Basta, maghintay ka lang."

Ewan ko, imbis na manis ay mas lalo akong naeexcite. I think this day would be the happiest day of my life. I'll surely treasure this!

Sa gitna nang mabilis na pagmamaneho ni Renzo ay unti-unting bumagal ang andar nito. Nagsisimula nang magkaroon ng traffic.

"Kainis naman, ano bang meron at ngayon pa nagkaroon ng traffic?"  inis na inis na sabi ni Renzo na naihampas na ang manubela. Sumilip naman ako sa may bintana para tingnan kung ano ba ang dahilan ng traffic.

"Kaya naman pala Renzo eh, may ikinakasal pala!"  malapit na kasi kami sa sikat na simbahan dito sa amin. Nakasakay ito sa karwahe kaya naman ang bagal ng usad. 

"Renzo, tingnan mo, ang cuute oh. parang si cinderella lang!"  hindi ko mapigilan ang sarili sa pagkamangha. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ikakasal na doon nakasakay.

Napatingin din si Renzo, at biglang napangiti. Kahit siya ay natuwa rin sa nakita. "Sus! Karwahe lang pala. Kapag tayo kinasal, gusto ko sa hellicopter ka nakasakay."

"Hahahaha!"  hindi ko napigilan ang sarili sa pagtawa. "Hellicopter? Para namang nakasakay lang ako sa search and rescue team 'non, ano ako survivor sa isang isla?"

"Ang cool kaya!"  sambit niya. "Gusto ko kasi sa isang isla tayo ikasal."  bigla akong natahimik. Gusto ko rin kasi ang ideyang 'yon.

"Alam mo, gusto ko rin ng ganun, 'yung parang beach wedding?"  sambit ko at napatingin na lamang ako sa labas at nagsimulang magday-dream. "Gusto ko kasi kasabay ng paglubog ng araw, ay sabay din tayong magpapalitan ng vows natin, di ba ang sweet?" 

Narinig ko namang tumawa si Renzo at pinandilatan ko siya ng mata, "Hindi mo kasi alam ang deeper meaning 'non, kapag kinasal ka ng sunset ibigsabihin, magkasama pa rin kayo hanggang sa matapos ang araw, ang taon at ang walangghanggan."

Ipinatong ko ang aking ulo sa may bintana at naglakbay na naman ang isip ko, "Tapos 'gusto ko color lavender ang mottif natin, it symbolizes eternity."

Nang mapalingon ako kay Renzo at nakita ko siyang pinipigilan ang pagtawa, "Ano bang masama sa sinabi ko?" 

"Wala naman." ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. "Ako, kahit ano okay na sa akin basta ikaw ang mapapangasawa ko."

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabing 'yon ni Renzo. Hindi ko alam pero kinikilig ako, iyon din naman ang gusto ko eh. Gusto ko siya na ang makakasama ko sa habambuhay.

Pagkatingin ko sa kamay niya ay suot na niya ang singsing na kapareha ng singsing ko na niregalo niya sa akin noong Christmas Party, "Suot mo na pala?"  tanong ko kahit obvious naman ang sagot.

Tumango siya at ngumiti, "Our relationship is finally official kaya dapat lang na isuot ko na. ito"  

Yayakapin ko na sana siya nang biglang bumusina ang sasakyan na nasa likuran namin at doon na lang namin napansin na kanina na pa palang umusad ang mga sasakyan.

Parehas lang kami na natawa ni Renzo sa nangyaring iyon.  Nasa gitna kami nang pagku-kwentuhan nang biglang tumunog ang cellphone ni Renzo. Napahino ito sa pagmamaneho.

"Bakit? Anong problema?" kahit ako ay kinakabahan. Hindi ko alam kung sino 'yung tumatawag sa kanya pero sa mukha pa lang ni Renzo ay alam kong natatakot siya na sagutin ito.

"D-dad."  nanginginig na sagot ni Renzo sa telepono at hindi na nagawang sagutin ang tanong ko. Dahil tahimik sa loob ng kotse ay rinig na rinig ko ang malakas na tinig ng kanyang Daddy. Alam kong galit ito.

"Where the hell are you?! Tumatawag ako sa may bahay pero wala ka. Alam mo na ba ang nangyari sa Ninong mo?"

"Yes Dad."  malumanay na sagot ni Renzo.

"Then? Hindi ka man lang nag-aabala na bantayan roon ang Ninong mo? Haven't you heard that he's now unconscious?"

"W-whaaat?"  sigaw ni Renzo?

"See? You don't know because your too busy with your own business! Ano bang pinagkakaabalahan mo?"  galit na galit na sigaw ng Daddy niya, napalingon sa akin si Renzo pero agad din akong umiwas ng tingin. 

Hindi na sumagot si Renzo.

"Go to your Ninong, I'll leave Palawan this afternoon and by evening siguro nandyan na ako. You better go there dahil kapag naabutan kong wala ka sa hospital ay hindi mo alam kung anong kayang gawin sa'yo!"  with that I heard the connection has ended. 

Lumingon ako kay Renzo, "Okay lang naman kung hindi tayo matuloy ngayon, marami pa namang araw. I think, may mas importante ka pang kailangang gawin."

Renzo looks so worried. Of course, ayaw kong maudlot ang date na ito pero hindi rin naman ito magiging masaya kung may iniisip siyang iba.

"I understand, Renzo. Gusto mo bang puntahan natin ang Ninong mo?"

Hindi na kami nag-imikan hanggang makarating kami sa hospital. Hindi na siya nagsalita at hindi rin naman ako naglakas loob na tanungin kung ano ba talagang nangyari sa ninong niya. 

Malalaki ang mga hakbang ni Renzo nang makapasok kami sa hospital, halos tumakbo na nga ako maabutan ko lang siya. Bigla kong naalala noong araw ng Christmas Party, alam ko na kung anong ginawa niya rito, dinalaw niya ang kanyang Ninong. 

Nang makapasok kami sa loob ng mismong ward ng Ninong ay napaatras na lang ako nang makita roon si Yoanna na malala na sa pag-iyak!

"Renzo!"  lumapit ang isang babae kay Renzo at niyakap ito. "Kagabi pang walang malay ang Ninong mo." at patuloy lang itong umiiyak katulad ni Yoanna. 

Nakita kong naiyukom ni Renzo ang kanyang kamao. Hindi ko alam kung para saan 'yon. 

Nakakapagtakang hindi pinansin ni Yoanna si Renzo, tumayo ito sa kanyang kinauupuuan at dali-daling pinunasan ang mga luha nito. Nilagpasan lang niya si Renzo at dumaretso papalabas sa may pinto at doon niya akong naabutang nakatayo. 

Tumigil siya na parang takang-taka kung bakit ako naririto nang marealized niya na kasama ako ni Renzo ay ngumiti lang ito, a very biiter smile. 

Lumabas siya at hindi ko alam kung bakit sinundan ko siya. Umupo siya sa mga upuan na hindi nalalayo sa ward at umupo rin ako. Isang upuan lang ang pagitan namin.

"Ang sakit-sakit! Of all the people I've known, bakit si Daddy pa? He's my hero, my bestfriend, my everything."  at doon ay umiyak na naman siya.

Kahit inis na inis ako sa kanya, hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Parang hindi siya 'yung Yoanna na palaging nguminiti, (yung ngiti na talagang kinaiinisan ko). Nawala lahat nang inis. What all I can see now is her pure heart that seems to be broken.

"Mabuti ka pa nga eh, at least nakasama mo ang Daddy mo. Ako, three years old pa lang ako noong nawala ang Papa ko. I can't even recall any memories with him, even his smile or face."

Napalingon siya sa sinabi ko.

"Are you saying that I'm lucky even my Dad is dying?" parang galit na sabi niya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. You're lucky because you've given the chance to know your father, to create memories with him."

"Maybe you're right. But I was only given 17 years of my life and I started to regret that I haven't dedicate my whole time with him."

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

"You know what, I spend so much time chasing Renzo but I only got neglected and ignored. If I could only spent those time with Daddy -- "  at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Hindi ko alam na palagi pala talaga niyang sinusundan si Renzo, naaawa talaga ako sa kanya. Parang gusto ko na ring maiyak.

"Sabihin mo nga, sabihin mong tanga ako. Na halos iniwan ko na ang responsibilidad ko bilang anak para lang ipagsiksikan ang sarili ko kay Renzo!"  hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam.

Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Yoanna!"  sabay kaming napalingon ni Yoanna, hingal na hingal si Renzo sa pagtakbo, "Si Ninong Rod, gising na!" agad na tumayo si Yoanna at sabay silang tumakbo pabalik sa ward.

Hindi ako pinansin ni Renzo. Siguro hindi talaga niya ako napansin. Okay lang, naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan nila. Pero bakit parang nasasaktan ako? Feeling ko wala akong lugar dito. 

Ito ba yung nararamdaman ni Yoanna? Neglected at ignored. Kung gayon, masakit pala talaga. Naiintindihan ko na siya.

Halos isang oras sigurong nakaupo lang ako sa labas. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko kung saan katabi ko si Yoanna kanina. Pero mga ilang saglit lang ay natanaw ko na si Renzo na naglalakad, para siyang isang zombie, nakatulala at patuloy lang sa paglalakad na parang walang patutunguhan.

Sinalubong ko siya at agad inangat ang nakatungo niyang ulo.

"Wala na siya Jelynne, wala na si Ninong Rod, wala na ang pangalawa kong ama." hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya. Isang mahigpit na yakap lang ang ibinigay ko sa kanya. Iyon lang ang alam kong paraan para sabihing nandito lang ako para sa kanya. 

"Jelynne, wala naman sigurong masama kung isantabi ko muna ang sarili kong kaligayahan di ba?"  aalis sana ako sa pagkakayakap sa kanya para itanong kung anong ibig niyang sabihin pero mas hinigpitan lang niya ang yakap sa akin. 

Hindi ko siya maintindihan. 

Continue Reading

You'll Also Like

31.6K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...