Living with a Half Blood

By april_avery

24.3M 985K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... More

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 35: Fear

373K 16.8K 3.2K
By april_avery

Chapter 35: Fear

"Miss Laura."

Narinig ko ang tawag ng tagapagsilbi. Nanatili akong nakahiga sa kama.

"Miss Laura, kumain na kayo," sinabi nito.

Nilapag niya ang dalang tray sa malapit na mesa. Isa siyang may edad na babae na naatasan na magbantay at magsilbi sa akin sa bahay na ito.

"Hindi niyo parin ginagalaw ang pagkain niyo mula kaninang umaga."

Patuloy ito sa pagsasalita, pero hindi na ako nakikinig. Wala akong ganang kumain, o tumayo, o gumawa ng kahit ano. Wala na akong lakas. I've been trying to get out of this room for the past two days. Nanghihina na ako.

"Miss Laura, pakiusap."

Pakiusap? Halos magmakaawa ako palabasin lang ako dito. Pero walang nakinig sa akin.

Bumuntong hininga ang tagapagsilbi. Bumalik ito sa tapat ng pintuan kung nasaan ang dalawang tagapagbantay, upang masigurado na hindi ako makakalabas sa kwartong ito.

"Ano ang gagawin natin?" Narinig kong tanong ng matanda. "Mula kahapon tubig pa lang ang kanyang ginagalaw."

Pinikit ko ang aking mga mata habang nakahiga sa kama. I drowned their voices out. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong panghihina. Ngunit hindi ko gustong tumangap ng ano man mula sa bahay na ito.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Bumalik sa pagiging tahimik ang aking kwarto nang makaalis ang tagapagsilbi. Nanatili sa labas ang mga tagapagbantay. Binuksan ko ang aking mga mata at muling tinitigan ang kwartong naging aking kulungan.

Malaki ang kwarto. It was well kept as if waiting for me all along. But it was empty. Even with all the drawers, furniture, dresses, and silver framed paintings, everything felt bare and empty.

Lights spilled from the window. Ang mga bintana ay pinaliligiran ng rehas na bakal mula sa labas. Sa mga siwang nito nakikita ko ang tutok ng mga puno sa kalapit na kakahuyan, at ang maulap na kalangitan.

Tanging ang tunog ng kamay ng orasan ang maririnig na ingay, kasabay ang marahang yapak ng tagapagbantay sa likod ng pintuan. Tuwing oras ng pagkain magdadala ang tagapagsilbi sa kwarto. Ngunit hindi ko ito gagalawin, hangang sa madatnan niya ito pagbalik.

Muli akong pumikit. I'm tired. Halos ayaw ko ng magising. In my dream I was with Zander, and everything were calm and peaceful. It felt so real, yet so foreign.

I also remembered my Dad. I remembered his smiling face on the frame in the hallway. Were you happy here, Dad? Were you once a kid running through this hallways? Was the sound of your laugh a history in this place? And did it kill you? Did it kill you when you had to cursed and leave the place you've grown?

I never had a place to call home. I never grew attached. It's what I always tell myself, to have a clean break, to leave without leaving a piece of you. Ito ang nangyari sa Charlotte. At ito din ang balak kong mangyari noong una akong tumapak sa Van Zanth. To leave without traces, to leave without leaving a piece of me behind.

But then there's Zander... he didn't just took a piece of me, he took my other half. And I know he's waiting for me.

Oras ang lumipas nang muli kong sinubukang bumangon. Maybe... maybe if I talk to my Grandpa enough he would hear me. I need to take another try.

Sunshine washed my pale face as turned into the direction of the window. I tried to walk to the door. Pero halos muli akong bumagsak. Umikot ang aking paligid. Napahawak ako sa table. Nasagi ko ang tray ng pagkain at bumagsak ito sa sahig. The glass of water shattered into pieces.

"Miss Laura?"

Napakurap ako. Narinig ko ang boses ng matandang tagapasilbi mula sa labas. Hindi ako sumagot. Isang masamang pakiramdam ang bumalot sa akin. Napahawak ako sa aking sikmukra at pumasok sa banyo. Sinampa ko ang palad sa lababo. I threw up.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Pero nagpatuloy ang katawan ko sa pagsusuka. I gripped the sink. Malalim ang hugot ng aking bawat hininga.

Bumukas ang pinto ng banyo. Through the reflection in the mirror I saw the lady servant holding a tray of tea.

"Miss Laura," nag aalalang sinabi nito.

The strange smell assaulted my senses. Nagmumula ito sa hawak niyang tray. Pinalala nito ang aking masamang pakiramdam.

"Get that out," halos napapaos na sinabi ko. I waved my hand to dismiss her while my other hand was still on the sink. "Alisin mo yan."

Napa-atras ang tagapagsilbi. Agad siyang umalis upang ilayo ang kanyang hawak. Nilapag niya ito kung saan bago siya bumalik upang tulungan ako.

Noong bahagya akong kumalma, tinitigan ako ng tagapagsilbi. She was hesitant with her next words. Pero halos mayanig ang mundo ko dahil sa kanyang sinabi.

"Miss Laura, buntis ka ba?"

I stood frozen, my heartbeat deafening.

"N-No..."

Ngunit maging ako ay hindi sigurado sa aking sagot. Napansin ito ng tagapagsilbi. Noong mga oras na yon alam kong siya lang ang makakatulong sa akin upang kumpirmahin ang aking hinala.

--

Naghintay akong bumalik ang tagapagsilbi. Makalipas ang kalahating oras muling bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Narinig kong tinanong siya ng dalawang tagapagbantay kung bakit pabalik balik siya sa loob. Sinabi niya na kumuha siya ng panglinis para sa nabasag na baso. She never mentioned about the thing I asked her to bring.

Agad niyang sinara ang pinto nang makapasok. She gave me the kit. I headed to the bathroom as I held it with my trembling hands. I didn't know what I was hoping for. But the moment I saw those two red lines, tears started streaming down my eyes. My hands were shaking. It was pure joy and fear all at once.  I'm pregnant with Zander's child.

Naki usap ako sa tagapagsilbi na wala munang makakaalam ng nito sa pamamahay na ito. I worry what they would do.

"Pero Miss Laura, kailangan mong sabihin sa iyong Lolo ang totoo."

Kasalukuyang nasa ibang bayan si Lolo. Sa susunod na araw ang nakatakda niyang pagdating.

"Sasabihin ko ang lahat pagdating niya. Gusto kong manggaling ito mismo sa akin." Dahil alam kong maaaring ito ang makasira o tumapos ng lahat.

"Ang iyong Ama, halos pareho kayo ng kapalaran," bigla niyang sinabi. "Naalala ko pa noong ibinalita niya sa akin na balak na niyang pakasalan ang iyong Ina. Kumikislap ang kanyang mga mata. Nakangiti siya, ang mukha niya napakaaliwalas."

She smiled fondly as the memories. Tinitigan ko siya. She was old, maybe the same age or older than Aunt Helga. Wrinkles lined her sun soaked forehead, and white strands sprinkled her hair.

"Kung alam ko lang sana na yon na ang aming huling pag uusap, nakapag paalam sana ako ng maayos sa kanya. Dahil noong araw na sabihin niya ito sa kanyang Ama, doon unti unting nabura ang ngiti na yon at hindi na bumalik pa."

"I won't let that happen," I said. "Hindi ko hahayaan na maulit ang nakaraan sa amin ng magiging anak ko."

--

Mas naging maingat ako sa aking mga kilos. I tried to eat even if I barely had an appetite. Natutulog ako ng mas mahabang oras kahit pa wala akong inisip kundi ang makaalis sa lugar na ito.

Tinulungan ako ng tagapagsilbi. Pero habang tumatagal mas nag aalala ako sa maaaring mangyari kapag sinabi ko na ang totoo kay Lolo.

"Kaya kailangan mong mag palakas," bilin ng matanda. "Hindi maganda ang sitwasyon mo ngayon para sa inyong dalawa ng bata."

Ang tanging nagbibigay lakas sa akin ay ang makita ang reaction ni Zander kapag nalaman niya ang lahat.

"Ang Ama ng bata... ang alpha ng bayan tama ba?"

Tumango ako. Nakaupo ako sa tapat ng bintana noong hapong yon at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

"Hindi niya ba alam na nandito ka?"

Zander's in Fabrice, and he's dealing with the issues in his territory, the same way I was dealing with mine.

"Hindi ko gustong malaman niya ang pagpunta ko dito."

I need to fix this mess before he show himself here. He couldn't be here.

"Babalik na ang Lolo mo bukas. Handa ka na bang sabihin sa kanya?"

Nanatili akong nakatitig sa labas. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Maaaring mas lumala ang sitwasyon. Maaaring mas hindi niya ako hahayaan na makaalis.

"I'm hoping we'd survive this."

--

Umaga ang nakatakdang pagbabalik ni Lolo sa mansion. Hinintay ko ang kanyang pagdating. Pinaghandaan ko ito. I waited anxiously yet with patience. Dahil alam ko kung para kanino ito. Ngunit halos lumipas na ang maghapon ay wala pa siya.

Unti unting bumalot ang kaba sa akin. The lady servant told me he was out of town. Pero wala siyang nabanggit kung saan.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang naghihintay. Magdadapit hapon na noong maalimpungatan ako. Narinig ko ang kumosyon sa labas ng aking kwarto. Tuluyan akong bumangon.

"Miss Laura,"

Nabigla ako nang marinig ang boses ng tagapagsilbi. Nakatayo siya malapit sa aking kama.

"What's happening?"

"Bumalik na ang inyong Lolo."

Napaupo ako sa kama. Ngunit agad kong napansin ang bahid ng pangamba sa kanyang boses.

"Hija, nangaling sa Van Zanth ang inyong Lolo."

Bumalot ang matinding takot sa aking dibdib.

"Isang pagatake ang nangyari. Pero maging ang grupo ng iyong Lolo ay napuruhan. Ngayon alam na ng alpha ang pagkawala mo sa kanyang teritoyo."

No.

"Pupunta siya dito, hija. At pinaghahandaan ng iyong Lolo ang kanilang pagdating."

Tumigil nang tuluyan ang aking paghinga. Narinig namin ang papalapit na yapak sa hallway, dahilan upang matigilan ang tagapagsilbi.

"Papunta dito ang iyong Lolo," nagmamadaling sinabi ng tagapagsilbi. "Gusto niyang siguraduhin na hindi ka makakalabas sa kwartong ito. Miss Laura, bukas ng madaling ang nakatakdang pagdating-"

Biglang bumukas ang pintuan. Tumigil siya sa pagsasalita. Pumasok sa kwarto ang aking Lolo. Agad na nagpaalam ang tagapagsilbi.

"Lolo..."

Napakadaming bagay ang nasa isip ko noong mga oras na yon. Galit, panghihina, takot.

"Pakiusap, itigil niyo na ito. Hwag niyong sasaktan si Zander..."

Dumaing ako nang maramdaman ang matinding sakit na tila gumuhit sa aking katawan.

"I'm begging you..."

"Ganoon na ba ang pagpapahala mo sa isang halimaw na tulad niya?"

Umiling ako. "You... you don't understand..."

Napahawak ako sa aking sikmura. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa labis na sakit na nararamdaman.

"Let the alpha dig his own grave."

"May kailangan kayong malaman..."

Muling bumukas ang pintuan ng kwarto. Humahangos na pumasok ang isa sa mga tauhan ni Lolo.

"Nandito na po ang mga pinatawag niyo."

Agad na tumalikod si Lolo. Pilit ko siyang pinigilan. Humawak ako sa kanyang braso ngunit pinigilan ako ng tagapagbantay.

"Lolo..." I whimpered.

Hindi siya lumingon. Tila bingi siya sa aking pakiusap. Lumabas siya ng aking kwarto. Sumunod ang mga tagapagbantay. Sumara ang pintuan. Binalak ko siyang muling habulin. But my breathe halted when I felt a searing pain in my stomach. Halos mapaupo ako sa sahig.

Nangilabot ako nang mapagtanto ang isang bagay. It was a kind of fear I've never felt before. Takot na bumalot sa bawat himaymay ng aking katawan. Because in the next few hours I might lose two of the most important people in my life.

***

Continue Reading

You'll Also Like

377K 8.2K 40
He treats the world as if it is his exclusive doll house and people as his prized dolls, treating human emotion as trash. Pulling the strings to join...
627K 9.3K 52
FYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before...
1.1M 5K 9
Their game is already over. Now It's their turn to take over. Never ending LIES and CHALLENGES will test even the new generation. Just remember the...
410K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...