Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

380K 12.7K 1.2K

***UNDER REVISION When Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a rea... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰14th Catch╮

5.3K 171 2
By NyreneMorana_


◈ Caught By A Beast ◈

╰14th Catch╮

.. LARA ..

GAYA ng nakasanayan nang ilang araw, maaga na naman siyang pumasok. Wala siyang problema sa pagpasok nang maaga dahil hinahatid sila ng kanyang ama sa university bago ito pumasok sa trabaho para masigurong safe silang magkapatid. Kaya kung inaakala ni Arq o kung hinihiling man nito na malili-late siya ay imposibleng mangyari. 

Normal ang pakiramdam niya ngayon kahit na alam niyang magkakasama na naman sila ni Arq, hindi tulad nitong mga nakaraang araw na lagi na lang siyang kinakabahan. Marahil ay unti-unti na siyang nasasanay sa treatment nito, sa mga banat nitong hindi nakakatuwa at sa iba-iba nitong facial expressions na kanyang ikinaa-amused.

°Goodmorning, weirdo!° Bati ng kagigising lang niyang alter-ego.

Napangiti siya. 

Dahil maganda ang pakiramdam niya ay hindi na niya halos ininda ang pag-akyat sa fourth floor kahit pa napakabigat ng bag na dala dahil sa mga pagkaing baon. Nagulat pa siyang nakarating na pala siya sa silid nang hindi niya namamalayan. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon at dumiretso papasok sa silid kung saan lalo siyang nagulat at napahinto dahil sa presensya ni Arq. Abala na ito sa pagpipintura at kung pagbabasehan ang naiwanan nilang trabaho kahapon aabutin pa ito ng ilang oras bago tuluyang matapos at makapag-umpisa ng bagong kulay. Pansin niyang iba na ang kulay ng kalahati ng dingding.

Anong oras pa siya nandito? Pagtataka niya.

Bago pa man din niya maisatinig ang katanungan ay bigla na lamang nagsalita si Arq na para bang inaasahan na nito ang kanyang presensya sa mga oras na iyon. Alam na alam nito na siya ang nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan itong magpintura kahit pa nakatalikod ito sa kanya.

"It's magic, you know. Don't ask how I did it." Panimula nito. "I just came here minutes before you, so you don't have to worry about it." Dugtong pa nito na walang balak lumingon sa kanya.

Hindi siya nagsalita at pumasok nang tuluyan sa silid. Nilapag niya ang bag sa isang tabi atsaka siya lumapit sa trolley para magsuot ng gloves at mask. Kakakuha pa lang niya ng mga iyon nang lingunin na siya ni Arq, sa wakas. Otomatikong napatingin din siya rito kaya nagsalubong ang kanilang mga mata. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil naakit na naman siyang pagmasdan nang matagal ang naggagandahan nitong amethyst-colored eyes. Literal na napanganga siya nang bigla siya nitong irapan. Gusto niyang i-request na gawin ulit nito ang ginawa dahil sa katuwaang naramdaman na halos nagpalaglag din ng puso niya. Subalit magmumukha lamang siyang tanga sa harapan nito.

°What?! Did you just say, puso? Hala ka! Tomboy ka na nga, Lara!°

Napailing-iling siya. Mali. Nagkamali lang siguro siya ng pakiramdam. Sobrang natuwa lang siya at overwhelmed dahil sa simpleng pag-irap nito.

°At mukha ka ng baliw, Lara dahil kung anu-ano na lang ang iniisip mo.°

Nakatayo na si Arq habang may pinapagpag sa pants nito. Doon niya nagawang mag-iwas ng tingin dahil baka kung ano na lang ang isipin nito. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagsusuot ng gloves nang pigilan naman siya nito kalaunan.

"What are you thinking, Fernandez? You're always fully occupied." Sita nito.

Muli siyang napalingon dito kasabay ng mahinang, "Huh?"

Arq shakes her head. She takes off her gloves while walking towards her. "I said, I'm starving. From what I've seen yesterday, you're bringing your own food while staying here. So, what you got there, huh?"

Kung titingnan ang itsura nito mukha ngang nagugutom na. Kaya siguro maayos na rin itong magtanong. Gusto niyang matawa sa kaisipang baka hinintay talaga siya nito dahil alam nitong may dala siyang pagkain. Pwede naman itong mag-utos sa kahit sino para makakain na kahit dito pa sa fourth floor pero hindi nito ginawa. Dahil sa kaisipang iyon, hindi na naman niya alam kung ano ang mararamdaman sakali mang tama siya. 

Ang lakas ng tama niya sa utak dahil kung anu-ano na lang ang iniisip niya, dagdag pang nakakapagpalakas-tama sa kanya ay ang nakaka-hypnotize na amoy ni Arq na nangingibabaw kesa sa amoy ng napakaraming pintura.

"If I could only get full with your stares, I wouldn't think of stealing your food from your bag now." Naka-pout nitong sabi.

She tries hard to fight the urge to pinch Arq's face due to her facial expression. Because honestly, every facial expression she shows is goodly. Jaw-dropping, indeed. But even before she can get herself into a pit of shame for acting weird because of Arq's expressions, she has to execute the art of not giving a damn.

Kung bakit ba naman may mga taong nabiyayaan ng purong ganda? Bagay na kinaiinggitan niya minsan. Aminado siyang hindi siya maganda, gaya na rin ng sinabi niya na mas maganda si Pearl kesa sa kanya. Pero wala ng mas gaganda pa sa babaeng kaharap niya ngayon— na halatang naiinip na sa paghihintay sa kanya kung bibigyan niya ba ng pagkain o hindi.

Tinungo niya ang kanyang bag at nilabas ang apat na tupperware na naglalaman ng mga pagkaing baon.

"Wow. I'd like to say that you did think of me while preparing your meals." Pahayag nito.

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Mabuti na lamang ay hindi nito nakikita ang facial expression niya dahil nakatalikod siya dito. May konting katotohanan kasi anh sinabi nito.

Matakaw siya kaya marami ang baon niya at naisip niyang buong araw siyang mananatili sa fourth floor kaya kailangan niya ng pagkain dahil nakakapagod ang mag-akyat-baba. Patapos na siyang maghanda ng baon nang bigla naman niyang maalala si Arq. Sa katunayan ay inaasahan niyang may hindi ito magandang sasabihin o baka pihikan ito at hindi basta-basta kumakain ng luto ng iba. Ganonpaman, nilaanan pa rin niya ito ng pagkain dahil mabait siya. Bahala na kung makakain man nito ang idinagdag niya o hindi.

Subalit ngayon, naisip niyang mabuti na lang din ay nagawa niyang dagdagan ang baon. Hindi man halata sa slim nitong katawan alam niyang may tinatagong katakawan si Arq. Gaya niyang matakaw, baka hindi rin ito tabain o kaya naman ay maintain nito ang page-exercise na hindi naman niya trip.

"You wish! Matakaw lang talaga ako kaya ganyan karami ang dala kong pagkain." Pagsisinungaling niya atsaka ito nilingon.

Hinila niya ang isang maayos na desk para mailapag isa-isa ang mga tupperware. Kung siya lang ang kakain, ayos na siya na sa sahig na lang umupo. Pero may kasama siyang Reyna at baka hindi ito koboy tulad niya.

"Ito? Kaya mong ubusin? You're kidding me, Fernandez." Natatawa nitong sambit habang binubuksan ang isang tupperware. Halatang hindi na ito makapagpigil pa.

"Oo naman. Hindi lang talaga ako tabain kahit gano ako katakaw." Natatawa rin niyang pag-amin.

"Well, for now, let's share your food. We'll prepare for a battle next time."

"Battle?"

"Eating contest, Fernandez. I wanna see how much appetite you've got. Because I know someone like you, and I always lose."

Pansin niyang lumawak ang ngiti nito sa pagkakaalala sa taong nabanggit kahit na sabi nito ay lagi lang itong natatalo. Mukhang hindi big deal ang bagay na iyon kay Arq. 

Siya naman ay parang tangang hindi alam ang mararamdaman, lalo pa't biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Naloloka na 'ata siya at kung anu-ano na lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit.

Nakisama siya sa trip ni Arq. Mukhang good mood ito ngayon kaya ayaw niyang sirain iyon. Kumain sila nang tahimik at gaya nang naisip niya, napakatakaw nito. Dahil kakaalmusal lang niya ay kalahati lang halos ang nabawas niya sa isang regular size na tupperware. Samantalang walang natira sa tatlong tupperwares na nilantakan ni Arq sa isang iglap lamang. Ni hindi niya napansin na naubos na pala nitong lahat ang dala niyang pagkain kung hindi pa ito dumighay ng pagkalakas-lakas matapos uminom ng tubig.

"Sorry. I really have this ugly habit of burping aloud. That's why I sometimes deliberately drink lots of water than eat a lot whenever I'm in an occasion." Paliwanag nito.

"Kawawa ka naman kung ganon. How could you manage not to get hungry? Ako kasi kahit anong inom ko ng tubig pag gutom ako, gutom ako. Kailangan ko ng pagkain."

"Waiting for every event to end. I would immediately look for food and satiate my appetite. If the gathering's not at home, expect that I'm driving with food on the shotgun seat." Natawa ito sa sariling katakawan.

Maski siya ay napatawa na rin dahil ini-imagine niya ang itsura nitong gutom na gutom at makakakain lang ng matiwasay kapag wala nang mga bisita, lalo na ang sinabi nitong kapag nagmamaneho itong puro pagkain ang kapiling. Mukhang mas napapamahal ito sa pagkain kaysa sa tao.

Nagpalipas sila ng ilang minuto bago muling napagpasyahan ni Arq na magpatuloy sa pagpipintura. Siya naman ay pasunod-sunod lang sa mga utos nito. Natutuwa siya sa eksena nila ngayon. Binabara man siya paminsan-minsan ni Arq ay hindi na siya nao-offend. Mukhang immune na siya sa ugali nito.

In fact, Arq unmindfully starts telling her stories, which are more about foolishness and food.

Unti-unti niyang nararamdamang nagbabago na ang tingin niya rito. Mula sa isang monster hanggang sa isang ordinaryong nilalang na lamang dahil sa nakikita niyang ugali nito. Masyado mang matalas kung ito'y magsalita pero harmless naman pala.

Gaya ng mga ordinaryong dalaga kagaya niya ay nakikita niyang unti-unting lumalabas ang natural na katauhan ni Arq kapag nagtatagal at nawawala na ang hiya. Medyo boyish lang at astig ito magsalita dahil matigas ang boses nito, ganon na rin ang pagtawa pero hindi masagwa pakinggan. Genuine na rin ang pagtawa at pagngiti nito subalit kapag napapansin nito ang sarili nitong soft side ay nagbabago bigla ang facial expression. 

Arq might be restricting herself from giving out too much kindness. She's fine with it. In fact, she is also accustomed to being cautious whenever she meets somebody who's not her friend, yet. Regardless, she now confirms that Arq isn't just a serious individual with violent behavior. The girl could also be friendly.

Muli silang huminto sa ginagawa nang mapansin nilang tanghali na. Natatawa siya sapagkat gutom na naman si Arq at maski siya ay nahawa na rin dito. Sa kasamaang-palad ay wala ng natira sa baon niyang pagkain. Dahil doon ay nagpasya si Arq na humanap ng mauutusan.

Saglit lang itong may tinawagan sa cellphone at kapagkuwan ay may dumating ng dalawang lalaking may bitbit na tig-dalawang malalaking supot ng pagkain. Natatawa na lang siya habang inilalabas ang mga pagkain sa supot sapagkat sadyang napakarami para sa kanilang dalawa. Dahil pareho naman silang matakaw ay sisiw lang sa kanilang lantakan ang mga iyon. 

Animo'y dinaanan ng bagyo ang pinagkainan nila nang sila'y matapos na. Muli niyang nasaksihan ang napakalakas na pagdighay ni Arq kaya tatawa-tawa silang nagbalik sa kanilang ginagawa.

Muli na naman silang naging abala habang nage-enjoy sa ginagawa kaya tila ba napakaikli lang ng oras. Sa katunayan ay saktong natapos si Arq sa oras ding kailangan na niyang maghintay sa kanyang daddy.

Nakatayo silang dalawa sa gitna ng silid habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Malaki na ang improvement ng silid mula sa pagiging tambakan ng kung ano-ano. Hindi niya akalaing matatapos ni Arq ang pagpipintura. Nabanggit nitong bukas ay magkakabit naman sila ng mga dekorasyon.

"Be here at 7 am and of course, I expect you to arrive early, again. I think we will have a meeting tomorrow morning. So, I won't be able to get here that early." Arq reminded.

Tumango-tango siya. "Sige, Arq. Mauna na 'ko. Baka nandyan na si daddy." Paalam niya at nang makita niyang tumango ito ay tumalikod na siya.

But she stops in her midway when Arq suddenly utters, "Thanks for the meal, by the way."

Her lips automatically curves into a smile as she resumes her way out of the room.

** ** **

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 81 8
It's as the title says, this is a book of all the juicy sex scenes you'd want to see. Obviously some of my preexisting stories might have some, but t...
5.5K 236 18
"Am not jealous." "Do you ship us Y/n?" "yes.......!" Y/n found herself in a situation she couldn't imagine would actually occur. She saved a strange...
7.3K 202 30
[GXG•PROFXSTUDENT] basahin nyo nalang mga bading #gxg #studentxprof
30.4K 584 12
Aviola Carolina Gutierrez is the famous CEO around the world and everyone is idolizing her. She's gorgeous too that can melt your heart. But she have...