Chasing Hearts (DH 6 || Compl...

By MsSongsari23

1M 25.7K 1.2K

Deleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng... More

Clyde Telpace
Introduction
TEASER
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Kabanata 31
Kabanata 32.
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36.
Kabanata 37.
Kabanata 38
Kabanata 39.
Kabanata 40.
Kabanata 41.
Kabanata 42.
Kabanata 43.
Kabanata 44.
Kabanata 45.
Kabanata 46.
Kabanata 47.
Kabanata 48.
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 8

16.6K 398 18
By MsSongsari23


I didn't know that Andrae Knudsen was a very busy person. Well, knowing that he have to run a big company... hindi na talaga ako magtataka na mahirap siyang hagilapin. But luckily, according to his secretary, he will be in Manila starting tomorrow. I made an appointment. Kakapalan ko na talaga iyong mukha ko. Isa pa, kung mapahiya man ako, sasarilinin ko nalang. I will not let anyone to know that I came to ask him a favor.


Alas otso ang appointment ko dahil according sa secretary niya, iyon lmang ang free time ng boss niya. Ayos lang dahil alas nueve pa naman ang klase ko at hindi rin naman ako masyadong magtatagal.


Pero masyado yata akong napaaga. Akala ko kasi ay mata-traffic ako kaya maaga akong umalis ng bahay. I have to wait at the lobby for twenty minutes.


Pinagtitinginan ako kaya lumabas ako at pumasok sa katapat na coffee shop. Dapat yata ay hindi ako ng uniporm. Masyadong halata na ang bata ko pa kumpara sa mga taong naroon.


"Thank you!" sabi ko pagkakuha sa order kong kape. I'm not really a fan of coffee pero mukhang kailangan ko iyon ngayon para mas magising ang natutulog kong diwa.


"Espresso please. Oh damn it!"



"Oh my God!"


Natapon iyong kape ko sa lalaki! Hindi ko naman kasi naramdaman na may tao sa likod ko. Kanina naman kasi ay wala akong kasunod sa counter kaya nagulat ako na pagtalikod ko sa counter ay may tao pala akong makaka-bangga!


Mabilis akong humagilap ng tissue at ipinunas doon sa suit ng lalaki. His royal blue long sleeves and tie was already stained by coffee!


I was about to wipe his clothes again when he held my hand kaya napatingala ako sa kaniya para lamang manlaki ang mga mata.


"Your hand."


Napatulala na lamang ako habang sinusuri niya ng tingin ang kamay ko na noon ay namumula na ang bahaging natapunan ng kape. Bumaling ang mga mata ko sa kamay niya na maingat na nakahawak sa isa kong kamay.


Malinis na kuko, mahabang mga daliri, mamula-mula at may kaunting balahibo sa ibabaw ng kamay.


Ngayon ay sigurado na ako na matangkad ang lalaking ito, mestizo at mukhang seryoso sa buhay. His eyes was beautiful too. It has flecks of golds na mapapatitig ka.


"Are you okay?"


"No. Yes. I mean... I'm fine and I'm so sorry about your suit. Hindi ko naman kasi napansin na may tao na pala sa likod ko. Sorry talaga."


"It's fine." Sabi niya tapos ay bumaling sa isang crew. "Excuse me, paki-basa ng malamig na tubig." Inabot niya iyong panyo niya.


Ilang saglit lang ay bumalik na iyong crew na inutusan niya dala iyong panyo na basa. Grabe, like a boss pala itong lalaking ito.


Tumabi kami dahil medyo nakakaabala kami sa ibang naroon. Hinayaan kong igiya niya ako sa isang sulok. I don't mind at all. Basta nakatingin lang ako sa kaniya habang dinadampi-dampi niya iyong panyo niyang basa sa kamay ko na natapunan ng kape.


Makapal na kilay, magandang mga mata, matangos na ilong at mamula-mulang mga labi. Okay, he's handsome and looks kind too at ngayon pa lang ay alam ko na na hindi kami bagay para sa isa't isa. He looks so serious about his life like me and I don't like to be stuck with this kind of person for the rest of my life. Our life would be boring if ever that happens.


"Damn. Namumula talaga." Tila frustrated niyang saad at itinali na sa kamay ko iyong basang panyo.


I smiled at him. "It's fine. Mamaya lang ay wala ng ang pamumula niyan. Ikaw, baka naluto na ang tiyan mo."


Dumating iyong order niyang espresso. "I'm fine. Be careful next time." Itinaas niya iyong hawak na kape at tumayo na. "I'll go ahead. I need to change and I still have an appointment at eight."


Tumango lang ako at nagpasalamat. May sampung minuto pa pero ipinasya kong lumabas na rin at maghintay nalang sa lobby ng company niya. Now that I've seen him, talked to him, nabawasan iyong kaba ko. He seems like a nice person and everyone knows I'm not into that kind of guy.


Limang minuto bago mag alas otso ay naroon na ako sa labas ng pribadong opisina niya. At exactly eight, the secretary informed him that I was there and let me in immediately.


Pagpasok ko ay ang naka-kunot noong mukha niya ang bumungad sa akin. He is now wearing a black long sleeves na itinupi hanggang siko. He's not wearing a tie, also at mas lalo lamang nadepina ang facial features niya lalo na ang mga mata niya dahil sa all black niyang suot.


Engr. Andrae Knudsen. Iyon ang nakalagay na pangalan sa salamin na nakapatong sa malaking mahogany table.


"It's you." At sumilay ang isang tipid na ngiti sa mga labi niya.


He ushered me in the couch.Bigla akong ninerbyos dahil sa uri ng tingin na iginagawad niya sa akin. I'm not usually like this. The last time na ninerbyos ako ay noong nagpapractise kami magkabit ng dextrose. That was a year ago.


By the looks he was giving to me, mukhang alam na niya ang sadya ko at kung sino ako. Well, atleast, I can go straight to the point.


"Hello! Sorry ulit kanina. By the way, I'm Amber Amorsolo." Pagpapakilala ko at inilahad ang isa kong kamay.


Tinanggap niya iyon at marahang pinisil. "I've heard so much about you from my mother. I didn't expect you to be this pretty." naka-ngiti niyang pahayag.


I chuckled a little. "Now I'm starting to like you." Biro ko na tinawanan lang din niya. "But I came here hindi para pag-usapan ang pagkakasundo sa atin ng mga magulang natin. I came here to ask for help... for support."


Pakiramdam ko nanlilimos ako ng mga sandaling sinabi ko iyon. I felt so low that I can't even look at him in the eye.


"Is that a proposal? Kung sakaling pumayag ako, ano ang kapalit?"


Sumeryoso ang tinig niya. Hindi ko tuloy alam ang dapat maramdaman. But it seems like he's not willing to lend an hand kaya tumayo na ako at matalim na tinignan siya ng diretso sa mga mata.


"If you're not willing to help. I can understand that. I know that my father's company is at it's lowest. Hindi naman kami mamamatay kung tuluyang mawawala ang kumpanya it's just that it hold so much memories of my parents."


Tumalikod na ako at tuloy-tuloy na tinungo ang pinto pero bago ko iyon pinihit pabukas ay muli ko siyang nilingon.


"See you around, future husband."


Na sa taxi na ako patungo sa school nang maka-receive ako ng text mula kay Clyde.


Clyde:

You didn't came.


Kinain akong bigla ng konsensya. Bakit ba nakalimutan ko ang tungkol sa laro ni Clyde? I was too preoccupied by that Andrae Knudsen and I forgot that I promised to be there for him. I felt so bad at the moment. Ngayon lang ako hindi naka-tupad sa pangako ko and it's awful. Kasalanan itong lahat ng Andrae Knudsen na iyon.


Hindi ko na ni-reply-an si Clyde. Instead, hinanap ko nalang siya sa campus and knowing them, siguradong nasa locker pa ang mga iyon at nagdiriwang.


I waited outside. Si Art ang unang lumabas at siyang nakapansin sa akin. Lalapitan ko sana at tatanungin pero nahinto ako nung mapagtantong may kausap siya sa cellphone at seryoso ang mukha.


Arthur tilted his head, ushering me to go inside their locker room. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para pumasok doon dahil paniguradong puro nakahubad na lalaki ang bubungad sa akin doon. May pagka-manyak ako, oo pero hindi ko pinang-aaraw-araw ang kamanyakan ko.


I entered the room kahit na ayaw ko talaga at bumungad nga sa akin ang mga naka-tapis lang na baseball player. Iyong iba naka-pants na pero topless pa rin pero karamihan ay naka-tapis lang ng tuwalya.


Kung hindi ko lang hinahanap si Clyde ay baka ipinagdasal ko na na sana ay malaglag ang mga towel nila. Kung katawan at looks kasi ang pagbabasehan, wala kang itatapon sa mga players ng school.


"Woah! Ano'ng ginagawa mo rito?"


"Namboboso ka?"


"Alam naming maganda ka, Amber pero ang katawan namin ay may may-ari na."


"Mga gago! Hindi tayo ang ipinunta niyan rito."


Nagtawanan sila. Inirapan ko nalang. Halos lahat sila ay kilala ako samantalang kilala ko lang sila sa mga mukha. Kahit minsan ay hindi ipinakilala ni Clyde a akin ang mga teammates niya at tanging si Art lang ang kilala ko.


"Si Clyde?" Hindi ko kasi siya makita. Nakaalis na kaya?


May umakbay sa akin at nung lingunin ko ay si Art pala. He still looks annoyed kaya hindi ko na rin biniro. Wala rin naman ako sa mood. Na-drain yata akong bigla dahil sa Andrae Knudsen na iyon, eh.


"Hatid kita kay Clyde." Sa halip ay sabi ni Art. Wala talaga siya sa mood. Sa ibang pagkakataon, baka kung ano-ano na ang lumalabas sa bunganga niya pero ngayon... wala talaga.


Pinauna akong maglakad ni Art. I heard him murmured something sa teammates niya bago ako pinapasok sa isang pinto at muling isinara.


Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang lalaking naliligo at nakatapat sa dusta, nakatalikod sa akin at walang kahit na anong suot!


"Arthur!" kinalampag ko ang pinto at sinubukang buksan pero hindi ko mahatak. Parang may pumipigil sa kabilang bahagi.


"What the -- Amber? Why are you here?"


I froze. Si Clyde iyon. Hindi ako maaaring magkamali at hindi ako maaaring lumingon. Napalunok ako ng maramdaman ko ang paglapit niya.


"Did Art let you in? That bastard."


Napalunok ulit ako nang maramdaman ko si Clyde sa likod ko.


"Sorry." Was all I was able to say bago ko naramdaman ang pagpihit sa akin ni Clyde paharap. Mabilis akong pumikit. Hindi pa ako ready makita ang bird niya!


"Tsk. Saan ka ba nanggaling? I was waiting for you the whole duration of the game but you didn't came."


Clyde tilted my chin up and ask me to open my eyes. I did. Pero siniguro ko na sa mukha niya ako nakatingin. Nameywang pa si Clyde sa harap ko at bahagya akong niyuko para magpantay ang mga mukha namin.


"What's wrong? Did something happened?"


Umiling lang ako at ngumiti. Alam ko na hindi na siya magtatanong kapag ganoon ang sagot ko. At alam ko rin na alam niyang nagsisinungaling ako. But he will let it slide. I know he will.


"Fine. But you owe me this time."


I smiled and pecked a kiss on his cheek. He frowned at that then leaned down to claim my lips in a very soft kiss. Medyo nagulat ako. Hindi pa rin ako masyadong sanayna hinahalik-halikan ni Clyde.


"I'll let it slipped now but you have to tell me next time."


I feel so weird about myself today at maging si Clyde ay ganoon rin. It seems like something between us really changed and it starting to bothers me a lot since I'm not used to this.


Sa labas ko na ng locker room hinitay si Clyde. Nakita ko roon si Art na ngingisi-ngisi kaya inirapan ko nalang. Napaka-sira ulo talaga ng lalaking iyon! Kapag ako nangailangan ng architect, hinding-hindi ko kukunin ang serbisyo ng sira-ulong Arthur Iglesias na iyon kahit siya pa ang pinakamagaling.


Bakit ba napapaligiran yata ako ngayon ng mga weirdong lalaki?


I was busy contemplating when my phone beeped. Mabilis ko iyong binasa dahil nakita kong parating na si Clyde. It was from an unknown number.


From: 09261346***

Let's talk. I'll pick you up from school at 5pm. --A. Knudsen


Biglang kumulo ang dugo ko. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking iyon! Pagkatapos ng ginawa niya ay magte-text nalang siya basta ng ganoon! The nerve!


"Hey! Something's wrong?"


Napapitlag ako nang hawakan ni Clyde ang siko ko ay igiya na ako paalis. Hindi ko na namalayan na nakalapit na siya sa akin.


"Wala. Naisip ko lang kung saan kayo ipinaglihi ni Tita Eli kasi ang laki ng puwet ninyo ni Dwight." Sinundan ko pa ng tawa.


"Lahat sa 'kin malaki. Gusto mo makita?" He playfully said, arching his brows one after the other.


"Dinudumihan mo na naman ang utak ko!"


Well, at least nawala na iyong tension sa pagitan namin. Pakiramdam ko kasi talaga nagtampo sa 'kin si Clyde dahil hindi ako nakapanood ng game nila. Masama pa namang magtampo ang isang ito. Daig pa ang bata.


"By the way, do you want to come with us? May celebration ang team this afternoon and we decided to have a pool party this afternoon at Arthur's place. Wala kaming klase this afternoon. In-excuse kami ni coach." He was leaning in the door frame of my classroom.


"I still have class until five. Kayo nalang. Puro lalaki naman kayo eh."


Nagkibit balikat si Clyde. "Eh di hindi nalang ako sasama. May part two pa naman. Sa bar later at night." Ngumisi pa siya.


"Celebration ninyo iyon kaya dapat nandun ka. Para kang sira. Sige na, papasok na ko." Why is he being so considerate? Nagsisimula na tuloy akong mailang sa mga ipinapakita ni Clyde.


"I can ditch the pool party. It'll be boring without you."


Umirap ako. "Landi mo!" Itinulak ko siya ng kaunti. "Pasok na ko."


"I'll pick you up at five." At mabilis niya akong hinalikan sa labi.


Impit na tumili si Mariz habang palapit ako sa upuan ko sa tabi niya. Now what? Dalawa ang susundo sa akin mamayang alas singco. Kanino ako sasama? Clyde's my boyfriend but it seems like Andrae have something important he want to talk about.


"Girl! Naniniwala na talaga ako na boyfriend mo si Dwight!" She beamed at me.


I rolled my eyes. "Dwight and I... we never happened. And that's Clyde." Lalo lamang nanlaki ang mga mata ni Mariz sa sinabi kong iyon.


"Oh my God! I heard that! Ibig sabihin, wala na talagang pag-asa sa'yo ang James Stephen na iyon. This is my chance na!"


Nangiti na lang ako at napa-iling. I would be glad kung magiging boyfriend ni Jess si James. Bagay naman sila. Isa pa, para maiwasan na rin ang nangungulit sa akin.


I don't actually like their attention. They're just wasting their time on me dahil sa una palang, hindi na talaga ako pwede. And right now, I am so scared that I might break Clyde's heart. Kung bakit kasi bigla akong kinabahan noong inalok niya akong maging girlfriend niya habang na sa kwarto kami, eh!


Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
218K 3.9K 28
"That First Love is the sweetest, ...but that First Cut is the deepest" SGANF #4: MAIA in First Love #76-09.20.17 #22-062217 #89-122116 #754...
1.6M 37.8K 49
DH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you...
317K 9K 34
Gusto ni Bethany Dalman na magkaroon siya ng malaking scoop - isang scoop na magpapatunay sa kanyang investigative reporting skills and make her inva...