Living with a Half Blood

By april_avery

24.3M 985K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... More

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 34: Trapped

396K 16.6K 1.9K
By april_avery

Chapter 34: Trapped

Isang sign ang nakita ko sa tabi ng daan. Private property of the clan of Arden. 55 hectares ahead. The property was situated within a small town. Nakahiwalay ito at sinasakupan ang halos one third ng bayan na kinabibilangan nito. The fact that it has its boundary and landmark was something that bothered me. Tila may sarili itong komonidad.

Like Van Zanth, the place was surrounded by trees. But there was no familiarity. Wala akong maramdaman na koneksyon sa lugar na ito. I was used to Van Zanth's atmosphere of safety, of home. Sa lugar na ito walang alpha o mga orders. Sa bayan na ito halimaw ang turing sa mga hybrids. The normality of this place suffocates me.

I was once like them, surrounded by my own kind, oblivious to the fact that humans, we are not special. We assumed that this world is only for us, created for us. But if you step out of the swarm of mortals, you would see that there are creatures more special than us. And we treat them as monsters because we could not accept the fact that we used to have this world for our own.

Pumasok ang sasakyan sa loob ng kakahuyan. It was as if they made the woods as natural barricade from the property. Di kalayuan isang arko sa daan ang aking nakita. The clan of Arden.

"Ang property na ito ay nahahati sa tatlo," said Dylan. "Grandpa's mansion is the main mansion. It is located at the center of the property."

Unti unting naki-clear ang mga puno habang lumalalim kami sa kakahuyan. The surrounding was slowly being replaced by a more open area. Lumipas ang minuto at bumagal ang takbo ng aming sasakyan. Ilang mga bahay ang aking nasilayan. It was a town within a town.

"They either work at the mansions, around the property, or for the clan."

Ilan sa kanila ay nakilala ang kotseng dumadaan. Some of them stopped and stared as if greeting us. Ilan ay nagtataka nang maaninag na may kasama si Dylan sa loob ng sasakyan.

Maya maya bumungad sa amin ang isang bahay sa gitna ng mga puno at mga kabahayan. It was not a house, but a three storey mansion. Lumakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami. More people begun to take notice of us. Karamihan sa kanila nagtataka.

The road somehow led to a vast grass covered lawn. Pinaliligiran nito ang mansion na nasa aming harapan. Huminto ang sasakyan. Ilang mga tauhan na mula sa mansion ang sumalubong sa amin. Maging ang mga tao sa labas na nakita ang aming pagdating ay lumapit. May mga bata, matatanda, ina o mga ama ng tahanang parte ng property na ito.

Tuluyang namatay ang engine ng sasakyan. Hindi ko magawang gumalaw sa kinauupuan ko.

"Naghihintay na sila sa loob."

Bumaba si Dylan sa sasakyan. I unlatched the seatbelt with weak hands. Tahimik akong huminga nang malalim bago binuksan ang pintuan.

Namayani ang sandaling katahimikan pagbaba ko. Pinagmasdan ako ng mga tao. Ang ilan nakakunot ang mga noo, nagtataka kung sino ako. Hangang sa isa isang bumakas ang recognition sa kanilang mga mukha.

"Isa siyang Arden."

Hinawakan ni Dylan ang kamay ko upang hilain ako palayo sa mga taong nakapaligid sa amin. Ilan ay bumati sa kanya. He smiled good naturedly as he tried to get me out of the crowd. All these curious, watchful eyes surrounding me made me dizzy.

"Siya na ba?"

"Siya ba ang nawawalang apo?"

"Ang anak ni Lauro."

Nakarating kami sa tapat ng pintuan ng mansion. The mansion has no gate as if an administrative place open for everyone. Isang lalake ang lumapit sa amin. Yumuko ito nang humarap siya sa akin. Kilala ako ng mga tao bago pa ako tumapak sa lugar na ito.

"Maligayang pagbabalik, Miss Laura."

Humarap siya kay Dylan.

"Naghihintay na ang inyong Lolo sa loob."

Pumasok kami sa mansion. The place was well-lit. Tulad ng mansion ng mga Van Zanth karamihan sa mga gamit ay matagal ng naroroon. They seemed to hold the secrets of this household. From the higantic crystal chandelier which is a witness to several parties, down to the worn out grand staircase. Napansin ko ang naglalakihang paintings sa pader.

Natigilan ako nang makita ang aking mukha sa isa sa mga ito. A portrait of my seven years old self. Tumigil ako sa paglalakad. Sunod sunod kong tiningnan ang mga paintings na nakasabit sa pader. Until I saw it. A portrait of my father. We've been a part of this clan all along. Our presence were here... as if it was indeed home.

"Laura,"

I was pulled from my train of thoughts as I heard Dylan from the other side of the hallway. Muli kong pinagmasdan ang paintings bago sumunod sa kanya. Hindi dapat ganito... This family is the reason why my father died. They caused all of my family's hardships.

Nakarating kami sa tapat ng isang pinto. Tumayo ng tuwid si Dylan at huminga nang malalim bago hinawakan ang knob ng pintuan na nasa harapan namin.

"Laura, you must explain your side as clearly and as brief as possible."

Ito ang mga huling paalala niya sa akin.

"Hindi gusto ni Lolo ang paligoy ligoy. Be straight forward with the reason why you are here. At kahit na anong mangyari hwag kang magpapakita ng kahinaan sa kanya."

Tuluyang binuksan ni Dylan ang pintuan. I was greeted by a quite familiar scene. Ito ang kwarto kung saan nag usap sa huling pagkakataon si Papa at si Lolo. History's repeating itself.

Tila hindi nagbago ang kwarto loob ng mahigit sampong taon. There's the thick wooden table. Ang malaking salaming bintana. Ang mga lumang libro na naka-salansan sa pader. The brick fireplace at the corner. A strange scent lingers in the room. Isang klase ng amoy na tila pilit akong binabalik sa nakaraan.

Isang pag galaw sa dulo ng kwarto ang aking napansin. Nakatayo ang isang matandang lalake. Nakatukod sa sahig ang baston nitong hawak. Hindi ko agad naaninag ang kanyang mukha dahil nasa kanyang likod ang maliwanag na salaming bintana. Ngunit sa tindig pa lamang alam ko na kung sino ang aming kaharap.

Lumapit siya sa amin. The sound of his cane was the only sound that could he heard inside the silent room. Nang makalapit siya doon ko naaninag ang kanyang mukha. At halos gusto kong manghina. Dahil kamukhang kamukha niya ang aking Ama.

"Dylan,"

His voice, now matter how good natured it may sound, seemed to keep the tone of authority, the warning and venom.

"Maaari ka ng lumabas."

Napalingon agad ako kay Dylan. Nanatili siyang kalmado habang nakatitig sa akin. Sa kanyang mga mata ay isang mensahe.

Kahit na anong mangyari hwag kang magpapakita ng kahinaan sa kanya.

Bahagyang yumuko si Dylan. "Maiwan ko na kayo."

Pinigilan ko ang aking sarili na sumama o pigilan siya. Hindi ako maaaring magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap ng aming Lolo.

Narinig ko ang pagsara ng pinto sa aking likuran. Nawala ang malumanay na mukha ni Lolo. Seryoso niya akong tinitigan.

"Nakuha mo ang mga mata ng iyong Ama."

Hindi ako nakapagsalita.

"May maamo kang mukha na nakuha mo sa iyong Ina, ngunit ang mga mata mo, puno ng tapang, pangamba, pagkalito. Isang salamin ng iyong mga iniisip."

Umupo siya sa malapit na sofa. I've never been this overwhelmed by a person's presence.

"Maupo ka."

Wala akong balak sumunod. "Hindi ako magtatagal dito," sinabi ko.

"Maging sa ugali ay katulad ka ng iyong Ama," sinabi niya na tila hindi naapektuhan sa aking sinabi.

"Laura, nasa iyo parin ba ang bullet na ibinigay ng iyong Ama?"

Naikuyom ko ang aking palad. Alam niyang hawak ko ito noong oras na yon.

"Alam mo ba kung saan ito nagmula?"

Malayo ito sa inaasahan ko. I didn't expected him to be this calm.

"Ang bullet na iyong hawak ay ang siyang pumatay sa isa sa myembro ng pamilya Van Zanth."

Doon ako natigilan. Napansin niya ito. The mere mention of Van Zanth in this household was a curse in church.

"It was the bullet that killed the alpha's grandparents."

Halos bitawan ko ang metal na nasa palad ko. Nanlamig ang aking mga kamay.

"Isa itong mahalagang sandali sa ating angkan. Iniingatan mo ang bagay na ito dahil galing ito sa iyong Ama. Ngunit ito din ang sumira sa buhay ng lalakeng pinapahalagahan mo ngayon hindi ba?"

Umiling ako. Hindi.

"Nakikita mo na ba ang ugnayan ng Van Zanth sa ating angkan?"

I heard the light click of his cane on the hardwood floor.

"May mga bagay na hindi na mababago pa." Mariin niyang sinabi. "Ang mga Arden at Van Zanth, kailanman ay hindi maaaring magkaroon ng kaugnayan na higit pa doon."

"You're wrong," I said.

"Ako ang sisira sa paniniwalang ito. I will end this cycle of hatred and revenge."

Tinitigan ko si Lolo.

"Palayain niyo na ang angkan na ito mula sa galit. Hwag niyong hintayin na dumating ang araw na wala ng taong matitira sa inyong tabi. Tama na ang mga sakripisyo ni Papa, ang inyong sariling anak."

"Totoo ngang malalim na ang impluwensya sayo ng bayan na yon. Hindi mo alam ang iyong sinasabi."

Natigilan ako nang tumayo si Lolo. Ngayon ay magkaharap na kami. Natatakot ako sa kanyang presensya, sa kaya niyang gawin.

"Babalik ako sa Van Zanth. Ginagalang ko kayo bilang pamilya. Pero hindi ako magpapakulong sa paniniwala na sumira sa inyong buhay. Hindi ako tutulad sa inyo."

"Ito ba ang iyong decision? Ang hayaan na mawasak ang mga nakapaligid sayo dahil sa makasarili mong paghahangad?"

Natigilan ako sa kanyang banta.

"Kung totoo na pinapahalahagan niyo ang isa't isa kayo mismo ang kusang lalayo para sa inyong kaligtasan, at para sa kaligtasan ng mga bagay na mahalaga sa inyo."

Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Lolo. "Anong ibig niyong sabihin?"

"Wala siya sa Van Zanth sa mga oras na ito, hindi ba? Alam mo ba na pinakamahina ang isang alpha tuwing malayo sa mga bagay na pino-protektahan niya? At ang isang bayan tulad ng Van Zanth ay humihina ang depensa tuwing wala ang kanilang alpha sa teritoryo nito?"

Tila bigla akong nanghina. Hindi niya maaaring gawin ito.

"Alam mo kung ano ang kayang gawin ng pamilya na ito."

"Lolo..."

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Napalingon ako dito. Dalawang lalakeng guard at isang babaeng tagapagsilbi ang pumasok.

"Ano'ng nangyayari?"

"Sinisigurado ko lamang na hindi ka gagawa ng decision na iyong pagsisisihan."

Humarap siya sa kanyang mga tauhan.

"Dalhin niyo siya sa pangatlong palapag."

Natigilan ako. "Lolo! Bitawan niyo ako! Pakingan mo ako, Lolo!"

Nagpumiglas ako mula sa mga taong may hawak sa akin.

"Hwag niyong hahayaan na makalapit ang pinsan niyang si Dylan."

Hinawakan ako ng dalawang guard sa balikat upang itulak palabas ng kwarto. Lumingon akong muli kay Lolo.

"Please don't do this!"

Ngunit tila bingi siya sa aking hinaing. Nanatili ang mahigpit na hawak sa akin ng mga guard habang pilit akong nilalabas sa kwarto. They were forcing me to walk away from grandfather.

No. Tuluyang nawala sa aking paningin si Lolo. Pilit nila akong pinaakyat sa hagdan.

Ilang tagapagsilbi ang aming nasalubong. Ngunit walang umimik at tila ba bulag sa aking pagpupumiglas. Hindi ko gusto sumama sa kanila. My body was trembling.

"Pakiusap, bitawan niyo ako!"

Mabilis kaming nakarating sa third floor. Huminto ang tagapagsilbi sa tapat ng isang pintuan. Binuksan niya ito. Naaninag ko ang isang kwarto.

"Ingatan niyo ang paghawak sa kanya."

The two guards ushered me inside.

"Hindi... Bitawan niyo ako..."

My knees were weak. I was breathless. Saka lang nila ako binitawan noong nasa loob na ako ng kwarto. Sinubukan kong bumalik sa hallway ngunit agad nilang sinara ang pinto. Narinig ko ang mga papapalis nilang mga yapak. Hinampas ko ang pinto.

"Palabasin niyo ako dito!"

I slammed the door with my hands. I struggle with the knob. My tears were brimming my eyes. I was desperate.

Lumipas ang minuto o oras. Hindi ko na alam. Unti unti akong nanghina. Nanatili akong nakaupo sa sahig. Wala na akong lakas pa. Naaninag ko ang madilim na paligid mula sa bintana. My thoughts drifted home to Van Zanth. Tumingala ako at pumikit. Hangang sa namalayan ko nalang na tumulo na ang aking mga luha.

Zander.

***

Continue Reading

You'll Also Like

10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
55K 1.6K 35
Welcome to my mind. My neverland. Contains poems, lines from my stories and random things that kept on running in my mind. WARNING: May contain dar...
1.6M 24K 53
All rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny...
116K 6.3K 23
"A life for a life, A soul for a soul" Are you ready to face death? What will you do if it suddenly comes to you? They say when you're dead, you're...