{Luke's life}
Luke's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Pinakiramdaman ko na ang paligid habang nakapikit pa rin.
Teka, bakit hindi malambot ang higaan ko? Wala ba ako sa kama ko?
Inimulat ko na ang mga mata ko at nakita ko ang karagatan. Bigla naman akong umupo sa buhangin dahil sa gulat na nandito ako sa dagat.
Bakit nga ba ako nandito? Anong nangyari kagabi? Wala naman akong maalala kahit ano.
Ang huli ko lang naalala ay yung death anniversary ni papa at pagkatapos nun ay wala na akong matandaan.
Maya-maya pa ay nag flash back sa isip ko yung babae bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Sino sya? Isa ba siyang diwata ng dagat? Kasi naaninag ko pa ang mukha niyang napakaganda.
Tumayo na ako at pinagpag ang pantaloon ko. Nasan na nga ba ako?
Naglakad-lakad muna ako sa paligid at sandali lang ay dumating si Ted, ang PA ko.
"Sir. Sinundan ko po ang GPS at dito ako dinala. Nagtaka nga ako kung bakit papunta ako sa dagat pero sinundan ko pa rin bakasakaling andito ka, at nandito ka nga," masayang sambit niya.
"Bakit niyo ako hinahanap?" tanong ko sa kanya.
"Sir, nadulas ka raw po sa barko pagkatapos ng speech mo," sabi niya.
"Nahulog ako sa barko?!" gulat na sabi ko.
Pano ako nahulog sa barko? Biglang nag flash back sa'kin nung nasa ilalim na ako ng dagat.
Nang dinilat ko ang mga mata ko nung time na yun ay may nakita akong babae na nilalangoy ako papunta sa gilid ng dagat at nakita ko ang buntot niya. Sirena ang nagligtas sa'kin?
"I-isang sirena?" sabi ko ng inaalala pa rin ang nangyari pero wala na talaga akong maalala.
"Sirena po sir?" tanong naman ni Ted.
"Oo, sirena ang nagligtas sa'kin" sagot ko naman.
"Nagligtas? Ang balita ko po kasi sa mga sirena rito. Eh nanglulunod po sila ng tao hindi nagliligtas," binulong niya pa sa'kin na parang gusto kong makipagtsismis sa kanya.
Binatukan ko na lang siya sa batok.
"Aray ko naman sir," reklamo niya.
"Ikaw talaga. Puro tsismis na lang inaatupag mo," sabi ko naman sa kanya.
"Hindi naman po yun tsismis eh. Totoo po yun. Ang tsismis pwedeng totoo pwede naman pong gawa-gawa lang," paliwanag niya.
"At sumasagot ka na ngayon ha?" pananakot ko pero hindi seryoso.
"Hindi na nga po," sabi niya at nag peace sign.
Ito talaga, parang bakla.
"Halika na po. Dun po yung kotse niyo." ilang minuto pa yata bago niya maalala na kailangan na naming umuwi kasi may presentation pa ako mamaya.
Pumunta na kami sa kinaroroonan ng kotse ko at pumasok na ako sa driver's seat.
Pumasok na rin siya sa tabi ko at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
Dumeretso na ako sa condo ko para magpalit ng damit kasi basa pa ang damit ko at ilang minuto na lang at magsisimula na ang presentation.
Binilisan ko ng pumasok ng building papuntang condo ko at mabilis na akong nagbihis matapos nun ay bumalik na rin ako sa labas papuntang kotse ko na kung saan naghihintay si Ted.
Pinaandar ko na agad ang kotse ko papuntang opisina na nasa Jewelry shop. Binuksan ko na ang pinto ng opisina ko para makapasok na ako sa loob at naupo na rin.
"Anong oras ba ang presentation?" tanong ko kay Ted.
Tinignan niya naman ang papel na hawak niya. "9:30 am po sa Diamond palace."
Ano? Dun pa kami magprepresentation?
"Bakit dun pa?" tanong ko sa kanya.
Company din yun. At yun yung pinakaayokong lugar sa lahat kasi diyan ako iniwan ni mama nung bata pa ako.
12 years old pa lang ako nun nung iniwan niya ako sa lugar na 'yan. Alam ko ang pangalan ng lugar na yun kasi palagi rin kami dun ng papa ko pero 'di ko na alam bumalik sa bahay namin.
Ipinagtabuyan niya ako noon dahil daw malas ako, na salot daw ako.
Sinisi pa niya ako noon na ako raw ang dahilan kung bakit lumubog ang barko na sinakyan ni papa noon dahil daw sa sireno ako. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha yun na idahilan.
Sana sinabi niya na lang na ayaw niya na sa akin hindi yung sasabihin niya na lang na sireno daw ako. Walang kwenta.
"Dun daw po kasi yung napagkasunduan," sagot niya.
"Sige punta na tayo," sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko.
"Saan po tayo pupunta?" nagtataka niyang tanong.
"Sa Diamond palace," sagot ko.
"8:50 pa lang po," sabi niya sabay tingin sa kanyang wrist watch.
"Hindi naman tayo dederetso sa presentation. Bibili lang tayo," sabi ko at papalabas na ng office.
"Sa Diamond palace po ba?" tanong niya na sumunod na sa'kin.
"Saan pa ba?" sagot ko naman.
Dumeretso na ako sa kotse. Sumakay na rin si Ted sa tabi ng driver's seat at binilisan ko ng pinaandar ang kotse ko.
Nauntog pa nga si Ted dahil sa bilis kong magpatakbo.
"Sir. Huwag ka po masyadong mabilis magmaneho," sabi niya habang nakahawak pa rin sa ulo niya na nauntog.
"Inuutusan mo na ba ako Ted?" Nakatingin ako sa kanya na sabi ko.
"Ah. Hindi po sir. Sige po magmaneho pa rin po kayo ng mabilis para maaksidente po tayo," pilosopo niyang sabi.
"May sinasabi ka?" Nakatingin pa rin sa kanya na sabi ko.
"Ah. Wala po sir," tanging yun na lang ang nasagot niya.
Sandali lang at nakarating na kami sa Diamond palace. Ang tinitinda rito ay mga necklace din gaya ng tinda namin pero mas magaganda at matitibay ang mga andito.
Pumunta na kami agad sa loob.
"Miss tignan ko nga ito," turo ko sa sales lady duon.
Nilabas niya naman ang necklace na tinuro ko. Maganda naman ito.
"Kunin ko," sabi ko at inabot sa kanya ang necklace na pinili ko para balutin.
"Sir. Ito na po," tawag sa'kin ng sales lady.
"Halika na," pagtawag ko kay Ted na nakikipaglandian sa sales lady.
"Sige, kita na lang tayo mamaya ha?" paalam niya.
"Sige," sabi naman ng sales lady at nilagay ang buhok niya sa likod ng tenga niya gamit ang mga daliri niya.
"Halika na sabi," sabi ko at hinila na ang likod ng kwelyo niya papunta sa labas.
"Ano ba sir!" Reklamo niya ng pinipilit tanggalin ang kamay ko sa kwelyo niya pero hindi ko tinanggal. Binitiwan ko lang siya nang makarating na kami sa kotse ko.
"Saan na po tayo pupunta?" tanong niya.
"Sa mansion," sabi ko at tumahimik na rin siya sa wakas.
Hanggang sa nakarating na kami sa mansion. Pumasok na ako sa loob.
Nagpaiwan naman si Ted sa kotse.
Time check- 9:10
"Lola," tawag ko kay lola.
Siya nga pala ang nakakita sa'kin nung iniwan ako ni mama sa Diamond palace.
Sakto naman na napadaan siya sa akin na umiiyak. At dahil dun kinuha niya ako.
Naaalala niya raw kasi yung anak niya na nahulog sa barko pero babae lang kasi siya.
"Bakit apo?" tanong niya na nasa salas pa rin at pinapanood ang video ng anak niya noong baby pa siya.
Pero ang paningin niya ay nasa screen pa rin ng TV.
"Tignan mo ang baby girl ko oh. Ang cute niya," sabi niya.
"Lola. Paulit-ulit mo ng pinapanood 'yan," sabi ko rin sa kanya.
"Nasaan ka na ba Lenabell," sabi niya ng tumutulo na ang luha at hinahawakan na ang screen ng TV. "Bumalik ka na kay mommy," pagpatuloy niya.