My Miracle

By blueballoon19

137K 3.1K 753

They say everyone gets a miracle but I got Clyde. My Miracle. More

My Miracle
Chapter 1: Messing with Clyde Aiden Montero
Chapter 3: Xerox
Chapter 4: Thank You
Chapter 5: Mulan
Chapter 6: Laws of Motion
Chapter 7: Riot
Chapter 8: Rescue
Chapter 9: Mark
Chapter 10: Asset
Chapter 11: His way of saying sorry
Chapter 12: Let me
Chapter 13: Be my date
Chapter 14: Set-up
Chapter 15 Unexpected Help
Chapter 16: True Intention
Chapter 17: Effort
Chapter 18: Jolt of Electricity
Chapter 19: About Sage
Chapter 20: Friends?
Chapter 21: Our First
Chapter 22: We're fine
Chapter 23: What are you doing to me?
Chapter 24: 30 Minutes
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Saving myself
Chapter 27: Desperate Move
Chapter 28: First One
Chapter 29: Proving his point
Chapter 30: Offer
Chapter 31: Everybody's Pain
Chapter 32: Cure
Chapter 33: All of me
Chapter 34: Us
Chapter 35: A little of his own
Chapter 36: Secret
Chapter 37: First Turning Point
Chapter 38: Brothers
Chapter 39: Soft spot
Chapter 40: I will
Chapter 41: Jethro
Chapter 42: What should I believe in?
Chapter 43: Wrong method
Chapter 44: Be there for me, Hannah
Chapter 45: The Prize
Chapter 46: He might not come back
Chapter 47: Losing his confidence
Chapter 48: MVP
Chapter 49: Change of Heart
Chapter 50: What I have become?
Chapter 51: By that time
Chapter 52: Cheating
Chapter 53: Clyde's Piece
Chapter 54: Should all be well?
Chapter 55: Water Lanterns
Chapter 56: Rebirth
Chapter 57: Going back to you
Chapter 58: The cost of loving him
Chapter 59: Absinthe
Chapter 60: The One who holds the stars
Chapter 61: I was made for loving you
Chapter 62: You Need Me
Chapter 63: Helping hand
Chapter 64: Good night
Chapter 65: Maybe this time
Chapter 66: Safe place
Chapter 67: Winning her

Chapter 2: Stage 1

3.4K 61 8
By blueballoon19

Pumasok pa rin ako kinabukasan sa kabila ng pagtatangka sa akin ni Clyde. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya sa akin pero ganun din ang mga bantang natanggap ko sa dati kong school at hindi ako umalis dun hanggat hindi pa yung tatay ko yung nagsabi na kailangan ko na lumipat ng ibang school.

Kahit na sanay na ako sa anumang pagbabanta ay kinabahan pa rin ako sa pagpasok sa eskwelahan. Halos mabali na ang leeg ko sa paglingon-lingon sa gilid ko kasi baka sumulpot si Clyde. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad kasi sa tingin ko ligtas ako pag nasa room na ako.

"Hannah!"

Nagulat ako sa tumawag sa akin kaya hindi kaagad ako nakalingon.

"Hannah!"

Palapit ng palapit sa akin yung boses na yun. Nung lumingon ako ay si Emily lang pala yung tumatawag sa akin.

Napahinga ako ng malalim. "Emily! Ikaw lang pala yan!"

Napahawak si Emily sa akin. "Good morning!"

Ngumiti ako sa kanya "Good morning!" Medyo nawalan ako ng kaba kasi nasa tabi ko na si Emily.

"Mukhang magiging puno na naman ang Mirror house ngayon"

"Mirror house? Ano yun?

"Kung saan nagprapractice ang Jedi Conspiracy. Alam mo bang pinagawa yun para sa kanila. Mirror house siya kasi sa loob one way lang makikita mo. I mean yung natural na mirror lang. Yung nakikita lang nila Clyde at nung grupo niya ay sarili lang nila. Sa labas iba naman. Kitang kita mo yung ginagawa nung nasa loob. So lahat ng tao dito nanunuod sa kanila tuwing practice nila."

Nabigla ako sa sinabi ni Emily. Alam ko nakita ko na yun eh. Yung solong building ata sa gilid ng theater ng school. Akala ko nung una glass house yun tas sasabihin ni Emily na ginawa yun para sa kanila.

"Ganun pala sila talaga kasikat no?"

"Oo, at ganun din sila makapagyarihan"

Makapangyarihan? Kinabahan ulit ako nung sinabi yun ni Emily. Ngayon nagsink in sa akin lalo yung mga sinabi ni Clyde kahapon. Sana nagbibiro lang siya. Sana talaga.

Papasok na kami ng school building nung napahinto si Emily sa may bulletin board.

"Oh my! Hindi ko akalain na meron na silang bagong poster!" halatang excited si Emily na kinuha yung iPhone niya at kinunan ng picture yung poster.

Napatingin ako sa poster na kinunan ni Emily. Anim na lalaki ang bumubuo nito. Napakunot ang noo ko nung nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Clyde yung nasa ibabang gitna nung poster. Nung tinignan ko yung ilalim ng poster ay nakalagay nga yung pangalan ng grupo nila.

Pagkatapos ilagay ni Emily yung cellphone niya sa bag niya ay napatingin siya sa akin.

"Sorry Hannah, ahm, kailangan ko na umamin sayo. Isa ako sa fan nila. I hope that will not freak you out"

Napangiti ako sa kanya. "Hindi no. Pero kanino? Kay Clyde ba?"

Parang gusto ko siyang iligtas kay Clyde. Alam ko bago pa lang ako dito pero parang ang maging fan ni Clyde ang pinaka-huli kong gustong mangyari. Alam kong hindi maganda ang first impression last na attitude pero kung kay din naman yun iaaply diba? Sa tingin ko ayos lang.

"Ahhh. Hindi. Maraming nagpapantasya na kay Clyde so hindi ko na gustong isali ang sarili ko dun."

Kung hindi kay Clyde, kanino? Mas lalo akong lumapit dun sa poster na nasa bulletin board. Nung tinignan ko lahat yung miyembro ng Jedi Conspiracy ay lahat nga sila ay  may di matawaran na kagwapuhan.

"Sino dito?"

Biglang namula si Emily. Halata ngang may gusto siya sa isa dito. Nakakatuwa siyang tignan kaya mas lalo ko pa siyang inasar.

"Eto ba o eto?" tinuro turo ko yung mga miyembro ng Jedi Conspiracy.

"Wag mo silang ituro-turo baka malukot yan. O sige na sasabihin ko na"

Tumabi sa akin si Emily.

"Actually lahat sila gusto ko. Siguro kasi fan ako. Nung umpisa syempre si Clyde ang gusto ko pero nagbago nga yun kasi yun nga maraming nagkakagusto kay Clyde. Pero ngayon, ang pinakagusto ko ay si Anton Zamora, ang leader ng grupo nila" tinuro ni Emily yung nasa itaas na gitnang lalaki.

May angas siya. Yung dominanteng aura. Siguro kasi siya ang leader ng grupo nila. 

"Kilala siyang tawagin na Ton ng mga kaibigan niya. Siya ang anak ng mayari ng pinakamalaking bangko dito sa Pilipinas. Siya din ang pinakamagaling sa kanila pero hindi mo naman agad masasabi kasi lahat sila magaling. At sa tingin ng iba si Clyde ang pinakamagaling kasi siya ang star dancer ng grupo na. Alam mo na baka bias lang ako kasi siya ang paborito ko" tumawa si Emily.

"Okay. Okay. Naiintindihan kita. Halata nga eh" pangaasar ko sa kanya "Kung si Anton ang leader, sino naman to?" tinuro ko yung katabi ni Anton dun sa poster.

"Si Brian Ocampo. Pinakabata ng grupo nila. Ang alam ko kapatid niya yung taga student government kaya ayos lang na magpaskil sila ng mga posters sa school ng walang kahirap hirap. Sila din ang may ari ng pinakamalaking ospital dito"

Hindi na ako nagtanong at si Emily na ang nagpatuloy ng mga kakilala niya sa Jedi Conspiracy.

"Eto si Dustin Hermedes" tinuro niya yung nasa kaliwa ni Anton sa poster "Siya ang clown ng barkada nila. Happy go lucky life ang gusto niya at siya ang pasimula ng mga pranks dito sa school. Alam mo bang mayari sila ng limang airport at hindi lang dito sa Pilipinas. Meron sa Malaysia, Thailand, Australia at California"

"Eto namang katabi ni Clyde ay si Miguel del Mundo. Migz sa mga kaibigan niya. Siya lang ang nakikipagusap sa ibang estudyante dito. Siguro kasi politiko ang tatay kaya may pinagmanahan. Governor kaya alam mo na"

"Sa gilid ni Clyde ay si Sage Loyzaga, siya ang bestfriend ni Clyde. Siya ang pinaka-mysteryoso sa grupo nila siguro dahil yun lang ang totoong alam ng lahat sa kanya. Siya si Sage na bestfriend ni Clyde at kagrupo niya sa Jedi Conspiracy. Yun lang tapos"

Napatingin ako sa poster para makita lalo yung itsura ni Sage. Naka-akbay si Sage kay Clyde. Kitang-kita nga kung gaano sila ka-close. Kung bestfriend niya si Clyde eh di masama din ang ugali nitong si Sage.

Tinititigan ko pa si Sage nung biglang nagsalita  ulit si Emily.

"Lastly, si Clyde" tinuro ni Emily si Clyde sa poster "Siya ang pinaka-sikat sa lahat sa kanila"

Tinignan ko si Emily. Kanina kasi ang sinabi niyang sikat ay si Anton.

"Okay Hannah, may basis yung kay Clyde. Sa polls sa loob at labas ng school siya lagi ang number 1."

"Talaga?" hindi ako makapaniwala na siya ang number 1 dahil sa ugali niya. Hindi ba yun nakikita ng mga babae?

"Oo. At alam mo bakit siya ang makapangyarihan dito sa school kasi kahit na hindi siya katulad ni Miguel na governor ang tatay o ni Anton na anak ng mayari ng pinakamalaking bangko dito pero siya lang naman ang nagiisang tagapagmana ng negosyo nila. Syempre, bukod sa pagiging anak niya ng presidente ng school"

"Ano ba ang negosyo nila?"

"Mali, ano ang mga negosyo nila."

Napakunot ang noo ko. "mga?"

"Oo mga. Lahat ng andito sa lugar natin pagmamayari ni Clyde. I mean may porsyento ang pamilya nila sa lahat ng negosyo dito. At pag sinabi kong  porsyento, malaking porsyento!"

Parang nawalan ako ng hininga sa sinabi ni Emily. Nag settle na sa utak ko na mali talaga ang kinalaban ko. Maling mali. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung paano aayusin ang lahat ng ito. Kailangan ko na bang sabihin kay Papa ang gulo na napasukan ko?

Bigla nagring yung bell ng tatlong beses. Parehas kaming nagulat ni Emily.

"Diba tuwing Monday lang yung flag ceremony?" nagtataka kong tanong kay Emily.

"Oo? Pero bakit nagring yung bell?" halata ding nagtataka si Emily.

"Attention: Miss Hannah Lim, please proceed to the Excecutive Room now. I repeat. Miss Hannah Lim please proceed to the Excecutive Room now."

Hindi ko alam kung ano ba ang nauna ang huminto ang mundo ko o sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Parang katapusan ko na ata.

"Hannah, pinapatawag ka?" patanong yun binitawan ni Emily. Hindi ko alam ano irereact sa kanya.

Alam kong si Clyde lang ang nasa likod ng mga ito. Baka sinabi niya na sa tatay niya at gumawa na sila agad ng aksyon at yun ay paalisin na ako.

"Baka sa dahil sa admission papers ko. Alam mo na transferee. Mauuna ka na sa room, susunod na ako" sinubukan kong ngumiti kay Emily.

"Sige"

Pagkasabi niyang yun ay tumakbo na ako sa Excecutive room. Kung kinakailangan kong magmakaawa para hindi nila ako paalisin sa school ay gagawin ko. Ayoko na dagdagan pa ang problema ng tatay ko.

Nung nakarating ako sa Excecutive room ay napahinto ako, huminga ako ng malalim at inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Nagpunas din ako ng pawis gamit ng panyo ko sa aking bulsa.

Kumatok ako at pumasok. Ang laki ng kwarto. Halatang para sa mga executive officers talaga ito. May mahabang lamesa at 10 upuan. Sa pinakadulo ay isa pang lamesa na may nakalagay na "President".

Parang walang tao kaya nagsalita na ako. 

"Excuse me po. Pinapatawag niyo daw po ako"

"Just in time" Napatingin ako sa likod ko at lumaki ang mata ko sa aking nakita. 

Si Clyde lang naman ang nasa unahan ko ngayon. Asan na ang tatay niya? Teka. Dont tell me?

"Ikaw ba ang nagpatawag sa akin dito?"

Natawa si Clyde. "Oo, akala mo ba yung tatay ko? Napaparanoid ka na ata Hannah"

Naiinis ako sa kanya. Naiinis talaga ako sa kanya. 

"Bakit mo ko pinatawag?"

Hinagis ni Clyde yung dalawang makapal na folder sa may table.

"Hindi ako makapaniwala na ganyan karami ang utang ng tatay mo. Hindi lang sa isang bangko kundi lima."

Napatingin ako sa mga folder na yun tapos kay Clyde. 

"Gusto ko lang malaman ang sagot mo Hannah. Pumapayag ka na ba? Mukhang hindi kakayanin ng buong tuition fee lang ibabayad ko sayo para mabayaran mo ng tatay mo ang mga utang niya. Triple ng tuition fee mo ibibigay ko. Tulong na rin yun sa inyo. Isa pa hindi ko na naman sasabihin sa iba kung paano ka nakapasok sa schoo na ito kaya pabor na pabor na sayo ito"

Napakunot ako ng noo. Alam ko hindi tulong yun. Para yung limos na hinihingi ko sa kanya.

"Ganyan ka ba talaga? Binibili mo ang mga tao na parang isang bagay?"

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Wala akong di gusto na hindi ko nakukuha"

"Aray!" sabay palo ko sa kamay niya na nakahawak sa akin. "Kailangan ko bang sabihin ulit sayo na hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko? Para kang bata eh. Inasar ka lang gumaganti ka na!"

Napatigil ako nung sinuntok ni Clyde yung lamesa sa tabi namin.

"Wala bang nakapagsabi sayo na hindi mo dapat ako kinakabangga?! I own this place. Ultimo hangin na andito, akin! Wala kang karapatan na husgahan ang isang bagay na pinakagusto kong gawin. At yun ang pagsasayaw"

Nagpipigil lang ako. Dumaplis kasi ulityung tingin ko sa mga folders sa may table. Dapat hindi ko unahin ang init ng ulo ko. Pag nalaman ito ng tatay ko, mamomoblema siya.

"O sige na. Hindi ko na uulitin yun. Sorry sa mga nagawa ko. Sorry talaga! So tapusin na natin to ha? Fresh start dapat" Ngumiti sa kanya ng malaki. "Sige kita na lang tayo sa classroom"

Papaalis na sana ako nung hinila ni Clyde yung braso ko at hinarap sa kanya.

"Not so fast, lady"

"Okay na tayo dapat diba? Ano na naman ba yun?" nagtitimpi lang ako. Unti na lang at sasabog na ulit ako. Para sa tatay mo, Hannah!

"Sinabi ko na sayo, kung ano ang gusto ko nakukuha ko at hindi ko gusto na makipagayos sayo"

Binitawan niya ang braso ko at may kinuha sa gilid nung kwarto, isang megaphone.

Lumapit kaagad ako kay Clyde para pigilan siya. 

"Anong gagawin mo?!" desperada kong pagtatanong sa kanya.

"Use your brain. Sasabihin ko sa kanila na ang bagong transferee na graduating na this year ay nakakuha pa ng scholarship. Everyone here knows you can only get that when you are in freshman. Unfair naman sa ibang scholars kung ganun yung nangyari sayo diba?"

Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero hinablot ko ng malakas yung megaphone sa kamay niya at yinakap ko ito.

"OO NA! SIGE NA! PAYAG NA AKO!" sigaw ko.

Natawa si Clyde sa akin at hinawakan niya ang ulo ko.

"Dont worry Hannah. Walang makakaalam. Kung may makakaalam man ako ang makakabangga niya pag kinalat niya yun"

Ngumiti siya ng nakakaloko at tinigil ang paghawak sa ulo ko.

"Stage 1 clear" seryosong sabi ni Clyde at lumabas na siya sa kwarto.

Naiwan akong nakatanga dun. Nahulog na ako sa patibong ni Clyde. Napatingin ako sa pinto na naiwan niyang bukas.

Stage 1 clear? Ibig sabihin niya ba dun ay marami pa akong pagdadaanan sa kanya?

Marami pa siyang inihanda para pahirapan ako?

Hannah, hanggang kelan ka tatagal?

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...