SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 20.2 - Dating the Detective

1.4K 33 4
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

 throbbingheart says: Nabasa nyo na ba ang Mysterious Christmas ONE SHOT? Pinalitan ko ang title niya ng HIDDEN CASE, nandoon kasi ang buong happenings ng aksidenteng pagkikita nina Justin at Dinelle noong Pasko. Nandoon ang mga 'the moves' ni Justin, mga attempted kissing scenes nila, kung paano ginamit ni Din si Beatriz para gumanti kay Justin, nandoon din ang bitter na si Kiel, may special participation pa ng bampira, pati nga iyong characters ko sa I LOVE BLOOD na-expose doon XD

 

At tentenenen.. doon din nagsimula ang pag-iibigang Shel at Crishae. Anyways, enjoy the long update. :) Natutuwa naman ako dahil number 833 na sa ranking ng Mystery/Thriller ang SLY, pabalik-balik siya sa ganoong ranking, ako na talaga ang mababaw. WAAA! Nakakaiyak ang kasiyahan XD Parang ang worthwile tuloy lagi nang pag-uupdate ko (^U^)9 YEY! Thank you sa inyo.

Case 20.2

Dating the Detective

Justin's POV

"Tss. Ako naman ang hintayin mo. Sandali lang."

Gumaganti ba siya dahil pinaghintay ko siya sa labas? Siya nga itong ayaw sumama sa loob.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko kay Suralvo dahil parang may hinahabol siya.

Hindi niya ako sinagot at nagtatakbo na uli siya palayo.

Naupo ako sa malapit na bench. Hihintayin ko siyang bumalik.

Habang nakaupo ako, napansin kong bawat taong dumadaan ay napapalingon sa lalaking sa tantiya ko ay nasa fourty's na ang edad. Umiiyak siya habang sinasaktan ang sarili.

Somehow, it hit me. Kilala ko si Suralvo at kabaliktaran ng ipinapakita niya ang tunay na ugali niya. Maalalahanin at madaling maawa. Para siyang anghel na nagpapanggap na may sungay.

Tumayo ako at lumapit sa fountain kung nasaan ang lalaki.

Kung tama ang pagkakakilala ko kay Suralvo, malaki ang posibilidad na may kinalaman ang taong ito sa bigla niyang pagtakbo.

ö~ö~ö~ö

Crishae's POV

"~Sir I'm a bit nervous about being here today. Still not real sure what I'm go--"

Tinapos ko na ang tawag at inilayo sa tenga ang phone ko, nang marinig ko ang ringing tone ng tinatawagan ko.

Uso pa ba ang ring back? Malaman naiwang ng saldita ang cellphone niya.

Kinalkal ko ang bag ni Dindin at nakita ko nga doon ang cellphone. Pati credit card niya, hinanap ko rin, at noong mahanap ko iyon, nagulantang ang buong pagkatao ko.

Never pa siyang tumakas ng walang dalang cellphone lalo na ang credit card.

"Nasaan na siya? Wag mon sabihing nilayasan niya tayo? Paano na ang taping? Alam mo bang pwede akong magdemanda sa ginagawa niya?!!" pagwawala ni Director Lim pero hindi ko na lang pinansin.

Napatulala ako habang hinihilot ang sentido ko. Alam kong kayang ipagtanggol ni Dindin ang sarili at hindi basta-basta nagpapa-api, pero may hagganan ang tapang niya.

"Alam ba niya kung magkano.. asdfghjklqwertyuiop!!"

Alam kong nagsasalita pa si Director Lim pero hindi ko na talaga siya maintindihan.

Paano kong na-kidnap si Dindin? Kung anong ikina-lakas ng loob niya, siya namang pagka-iyakin niya.

Nanginginig man ang mga daliri ko, dinial ko ang number ni Shel.

"Hello? Nandyan ba si Dindin?"

Ang luka-lukang si Shel lang kasi ang bukod-tanging artistang nagtagal na ipagsiksikan ang sarili niya bilang kaibigan namin.

Napabuntong-hininga ako nang ibaba ko ang phone.

"Ano? Ha? Nasaan?" tanong ni Director Lim.

I shook my head for an answer.

"Ano bang gustong patunayan ng alaga mo? NA NAGKAMALI AKO SA PAGPILI SA KANYA?!" patanong na sigaw na naman niya.

"Rish, let's wait. For sure, she'll be back." nilapitan ni Shane ang manager niya pero sinigawan lang rin siya nito.

"WAAAIIT?! Iyan nga ang ginagawa ko kanina pa!! E gaano katagal pa ba? Napaka-importante naman yata niya!!"

"Hindi mo siya kasama? S-Sige Ailyn. Salamat." napapikit ako ng madiin nang tapusin ko na naman ang isa pang tawag.

I grabbed my car key then stood up.

"Saan ka pupunta?"

Kanina pa inuubos ng echoserang ito ang pasensya ko! Kitang nag-aalala na nga ako, puro pa siya eklavu at chuchu. Malapit ko na itong pakitaan ng 'sabunot at sampal with feelings!'

"Hahanapin ko siya." madramang sabi ko sa machong boses, sabay malanding takbo palabas.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero hahanapin ko siya. Hindi para matuloy ang taping, kundi dahil nag-aalala na talaga ako.

ö~ö~ö~ö

Justin's POV

Nakatingala ako habang hinihintay si Suralvo. Madilim na at may ilang bituin na sa langit pero hindi pa rin siya bumabalik.

Ibinaba ko ang tingin sa suot kong relo.

"Hindi pa ba siya nagsasawang tumakbo?" tanong ko sa sarili ko dahil alasais y medya na ng gabi.

Nakita ko si Mang Angelo na natutulog sa pinagdikit-dikit na karton habang nakabaluktot.

That was the best defensive position. Dalawang punto lang, may itinatago siya o pino-protektahan niya ang sarili niya.

He's not the person what I expected he'd be. His name's Angelo, and while listening to his story, I remember Suralvo. Both of their past was tragic.

Hanggang ngayon, naghihintay pa rin siyang balikan siya ng pamilya niya.

Napatayo ako ng tuwid nang may babaeng lumapit sa kanya.

Nakabalik rin siya..

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Sorry, hindi ko nahabol yung bata. Hindi ko naisama pabalik ang picture ng anak nyo." tinanggal ko ang suot kong scarf sa leeg, bukod sa baduy dahil may suot din akong jumper, mas kailangan ito ng taong kaharap ko.

He looked cold.

Ipinatong ko iyon sa katawan niyang nakabaluktot.

"What took you so long?" hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ni Wanna Be sa likod ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" nakatalikod ako sa kanya. "Bakit hindi mo sinabing birthday mo pala ngayon?"

Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko. Inis? Galit? At hindi ko rin alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Humarap ako.

"Kung hindi pa ako napadaan sa school, hindi ko pa malalaman. Wala ka talagang balak ipaalam sa akin?"

::::::::::::

Paglabas ko ng makitid na lugar na nilikuan ko kanina, tumambad sa harap ko ang harap ng Harmony Academy.

 

Lumingon ako sa nilakaran ko at lumingon uli sa gate ng school.

 

At dahil hindi na ako pwedeng bumalik sa pinanggalingan kong eskinita, dito na lang ako dadaan pabalik.

 

May nasilip akong mga lobo at mukhang may ginaganap na malaking selebrasyon ngayong araw, at ano naman kaya iyon?

 

Paglapit ko, may nakita akong malaking poster ng chibi anime na may hawak ng magnifying glass at ginagamit niya iyon sa pagbabasa ng libro. Sa tabi noon, may malaking caption na 'Happy Birthday Justin'

 

At lahat talaga ng mga estudyanteng nagsisilabasan, iyong anime na iyon ang nasa Tshirt.

 

P-Pati si .. Ailyn?

 

"Phia, bagay ba?" tanong niya sa kasama.

 

"Nah. It doesn't fit your attitude and lifestyle. It look so.." tumingin siyasa paligid. "So common."

 

Napayuko naman si Ailyn.

 

"How cool is my shirt?" tumatakbong lumapit si Reyjan habang naka-shades pa. "Kamukha ko na ba si Justin?" pagbi-bida niya sa suot niyang Tshirt na may shirtless picture ni Wanna Be.

 

( O_O) Napalunok ako.

 

 

 

Pero wala talagang papalit sa picture niya sa cellphone ko. (.//. )

 

"S-Sa-Saan galing yan?" nauutal na tanong ni Ailyn.

 

"Ito ba? Ito ang bagong hanapbuhay namin ni Jun. Ang pagtitinda ng ganito ka-cool na shirt." nagchest in si Reyjan. "Interesado ka ba Ailyn? Bibigyan kita ng discount."

 

"Hindi. H-Hindi talaga."

 

Naalala ko na naman ang nakasulat sa notebook ni Shel.

 

=====

Justin Rui Villanueva

5'7"

January 20

=====

 

::::::::::::

It's the twentieth of January today. Alright I forgot his birthday! But why in the world he didn't tell me?!

"Kaya pala pumasok ka sa simbahan? So everyone knows?"

Hindi ko alam pero parang gusto kong sumigaw. Inis na inis ako! Disappointed na nga akong hindi ko naabutan iyong bata, halos mabastos pa nga ako ng mga lalaki noong pasukin ko ang eskinita dahil doon sumuot ang bata tapos-- ewan ko! Pakiramdam ko para akong kawawa.

I smirked "Everyone except me."

Pakiramdam ko wala talaga akong mapagkakatiwalaan.

"Happy Birthday." I bitterly greeted him. At least it wasn't a sarcastic one.

He smiled and hold my chin to meet his eyes. "It was 'Belated Happy Birthday.' "

Kumunot ang noo ko. Kinaisip-isip ko pa kung may mali sa sinabi ko.

"I turned eighteen last month. I was born on the 20th of December but my birth certificate was made after a month, which happens to be January 20."

"Why?" I'm curious that I can't help but ask. Ganoon ba ka-tanga ang mga doktor para maipagpalit ang December sa January?

Binitawan niya ako at unti-unting nawala ang ngiti niya.

At mas ikinagulat ko pa nang talikuran niya ako at iwan. The nerve he got!! Ako lang ang may karapatang mag-dramatic turn away!!

"HOY DETECTIVE!" malalaki at mabilis na hakbang ang ginawa ko para sundan siya.

It reminds me of the very first day that I met him. Ang kapal ng mukha niya para talikuran ako at para ipaintindi sa kanyang kung gaano ako ka-importante at hindi niya iyon dapat ginagawa, hinabol ko rin siya.

Is this really a date? Dinala niya ako dito para iwan? A sarcastic 'WOW!'

ö~ö~ö~ö

"Bakit tayo nandito?" mahinang tanong ko kay Wanna Be na nakaupo sa silya kaharap ko.

"Do you prefer cake for dinner?" tanong niya rin. Question and Question portion na naman ang drama?

( n{}n) Pero masaya ako. Ito na siguro iyong overflowing happiness na tinatawag nila. Alam ko inis na inis ako kanina pero ngayon gusto ko na talagang pumalakpak sa tuwa. Nandito kasi kami sa cake shop.

Aba, kung alam ko lang na dito ang destinasyon ng pagwo-walkout ni Wanna Be, edi sana tinulak ko pa siya.

Whatta perfect date!!

-+\(*U*)/ +-

Wala akong ideya kung anong flavor ng cake ang inorder ni Wanna Be dahil siya lang naman ang lumapit sa counter. Wala rin naman akong pakialam dahil magkakaiba man ng flavor ang cake, lahat naman masasarap.

"A-Ano ito?" tanong ko noong dalhin ng waiter ang order namin. Sa bilog na cake ay ang napakalaking mukha ng palaka.

Ang kaninang lumilipad kong isip sa alapaap ng cake ay biglang naglahong parang bula.

"Are you sure you're not on the wrong table, Mr. Waiter?" tanong ko pa.

"Yes, Maam. Enjoy."

Posible kayang ini-abduct na ng mga alien ang lahat ng cake sa Pilipinas? Hindi iyon makatarungan!!

"Ah.. what do you call this?"

"Cake."

Inirapan ko siya. "I know! I mean, what cake?!"

"Magic cake."

"Magic?" dahil maganda ang pangalan, sinimulan ko nang tikman. After all, pasok pa din naman ito sa definition ng isang cake.

<'(>€< ) Hmm..

..

..

..

/(*O*)/ Hail this cake! The taste is epically magically delicious!! Nangingibabaw! Purihin ang mga palaka!

ö~ö~ö~ö

Justin's POV

Nag-aalangan niyang tinikman ang cake, unti-unti pa niyang nginuya na parang labag sa loob ang ginagawa.

Pero matapos niyang lunukin iyon, nagsunud-sunod na ang subo niya.

Pinili ko talaga ang cake na iyon, para sumakto sa naisip kong linya habang nasa counter ako.

"Magic cake's main ingredient is frog which is disected and stored for 90 days in a jar."

Natigilan siya. Kaso hindi pa tapos ang linya ko.

"Icings mixed with tadpoles. And layered with frog eggs. Isn't it magical?"

Nabitawan niya ang tinidor at saka napahawak sa bibig at ang isang kamay naman ay sa tiyan.

"Don't worry, if you turned into a frog, I'll kiss you."

Nagtatakbo siya papuntang C.R.

Ilalabas ko na sana ang tawang kanina ko pa pinipigilan nang biglang sumakit na naman ang ulo ko.

Kamuntik nang mahulog at mabasag ang baso nang halos bumagsak ang ulo ko sa mesa. Good thing my reflexes are fast that I caught the glass.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Suralvo, mag-iisang oras ka na dyan." naririnig ko ang sigaw ni Wanna Be mula sa labas ng banyo.

"Ooooork.." pinipilit ko pa ring isuka sa toilet lahat ng kinain ko. Pawis na pawis na ako habang nakasalampak sa tabi ng inidoro.

"AHHHHH!!" sabay-sabay na sigaw ng mga babae sa loob ng C.R. na para bang may bastos na pumasok sa loob.

Pero ma-rape man sila, wala akong pakialam dahil mas malala ang sitwasyon ko. Malagpasan ko lang talaga ang pinagdadaanan ko, magpapatupad na ako ng Saligang Batas na papatay sa lahat ng klase ng palaka.

"Oooourrrrp!!" sinusuntok-suntok ko ang tiyan ko para maisuka ko lahat-lahat.

"Suralvo.." lumakas ang boses niya. Na parang nasa labas na siya ng cubicle na kinaroroonan ko.

(O..........O)

"AHHHHHH!!" sigaw pa rin ng mga babae.

Wala akong pakialam sa'yo Wanna Be! Sampalin, sabunutan, bugbugin at sipa-sipain ka sana ng mga babaeng yan!

"AHHHH!! Ang cute mo naman! Pwede ba kaming magpa-picture?"

( ._.) Ano nang nangyari sa mga Maria Clara ng Pilipinas? Anong kalandian 'to?!

"AHHHHH!! Ang gwapo mo talaga! May girlfriend ka na ba?"

Dinaig pa ang level ni Beatriz ipis! Mga babaeng responsable sa pagpapadami ng populasyon ng mga panget sa Pilipinas! "Hooooooooourrrp!" nailabas ko yata pati bituka ko.

"Sorry, magiging tatay na kasi ako. Nasa loob ng cubicle na ito ang naglilihi kong Misis."

(O.....................O)

"Babe, ayos ka lang ba? Nandito na ako. Huwag mong sarilihin ang hirap. Magkasama tayo nang gawin yan kaya hindi kita hahayaang masaktan ng mag-isa, lalo pa ngayong magiging Tatay na ako."

( []____________[]) Gusto kong isuka pati kaluluwa ko. Dinudungisan ni Wanna Be ang pagkatao ko at pangalawang beses na ito!!

"Ang sweet mo naman.."

"Ang swerte ng Misis mo.."

"Sana una mo akong nakilala kaysa sa kanya."

Sa ginawa niya, mas gugustuhin ko pang makasama na lang ang toilet bowl kaysa lumabas!

ö~ö~ö~ö

Justin's POV

"Ibili mo ako ng mineral water." iniwan ko si Suralvo sa bench para sundin ang inuutos niya.

Sa convenient store, tumitingin sa akin ang mga tao tapos pa-simpleng iiwas at tatawa.

Iniabot ko sa cashier ang bibilhin kong mineral water, at halatang nagpipigil din siya ng tawa.

"Thank you Maam, Sir pala. Come again." pang-asar na sabi pa ng guard nang lumabas ako.

Kapalit nang paglabas ni Suralvo sa C.R. ay ang pagsunod ko sa lahat ng gusto niya. Nangangati na ang pisngi ko sa pinahid na lipstick ni Suralvo.

I wiped my lips using the back of my right hand. Pero lalo yata akong nagmukhang tanga sa pagkalat ng lipstick sa labi ko.

"Witweew!" sipol ng tatlong lalaking nadaanan ko.

Hindi na talaga ito nakakatuwa!! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hinayaan ko na lang siyang magkulong sa banyo!

"O!" abot ko ng mineral water sa harap niya.

Pero sa halip na abutin, inisnab niya lang ang hawak ko. "Ayoko ng Summit, gusto ko Wilkins. Bumili ka ng Wilkins."

"Bakit hindi mo pa kanina sinabi?" inis na tanong ko.

"Hindi mo ako tinanong." kampante niya namang sagot. "Dalian mo! Bumalik ka na doon, made-dehydrate na ako!" at siya pa talaga ang nagalit.

"No. Hindi na ako babalik doon." turo ko sa pinanggalingan ko. "Inumin mo na ito, dahil parehong tubig lang ang Summit at Wilkins."

"Mula pagkabata, Wilkins lang ang iniinom ko. Wag mong baguhin ang buhay ko at bumalik ka na doon!"

Iginala ko ang tingin ko, wala kayang malapit na empty bottle ng Wilkins sa basurahan? Balak ko sanang isalin itong mineral water na nabili ko.

"Noong huling akong ma-admit sa ospital, dahil iyon sa dehydration." nagkibit-balikat siya habang sa malayo pa rin nakatingin. "Ang artistang hinahangaan ng lahat, sa ospital na makikita ng fans. Siguradong mag-aalala at malulungko--"

Inilapag ko sa tabi niya ang Summit at napatingin siya doon.

Saglit kaming nagkakatitigan bago ako bumalik uli ng convenient store para bumili ng Wilkins.

I'm not sure if she's acting but the thought of seeing her in hospital, bothers me.

"Witweeeeeew!! Bumalik siya mga pre!" sigaw noong isa sa tatlong lalaking nadaanan ko na naman.

Pagpasok ko naman sa convenient store, aksidenteng nandoon din sina Reyjan at Jun.

"Hi Sexy, I just met you and this is crazy." bungad ni Reyjan at malakas na natawa si Jun.

"But here's my number." pinakita niya ang number na nasa basketball jacket niya. It was number eight. "So call me maybe."

"Sira-ulo! Phone number ang tinutukoy sa kanta!" binatukan ni Jun si Reyjan. "At pre, kailan pa naging 'maybe' pangalan mo? HAHAHAHAHA."

Kumuha na lang ako ng Wilkins sa ref at nilagpasan sila. Wala akong panahon sa kalokohan.

Binayaran ko iyon sa cashier, saka umalis.

"Ito.." iniabot ko sa kanya at kinuha niya naman iyon.

Naupo ako sa tabi niya saka binuksan ang Summit Mineral Water para ihilamos sa nangangati kong mukha.

"BAKIT MO TINANGGAL?!" hinampas niya ako ng tatlong beses sa balikat.

"Iyong last time na ma-ospital ako ay dahil sa skin irritation. Umiyak ang napakaraming babae at ayoko nang maulit iyon."

Sumimangot siya saka tinungga iyong bote. "Kung gaganti ka, gawin mong kapani-paniwala." sabi niya uli matapos uminom.

May tumulong tubig sa gilid ng labi niya. It's insane but I terribly want to kiss her at this moment. She looks really beautiful even with this thick nerdy glasses and her eyes are--

"Hoy Detective! Sabi ko magsa-sand castle ako! Iigib mo ako ng tubig!"

"Sand castle?"

"Yes, there." itinuro niya ang park sa may di kalayuan kung saan may gawaan ng sand castle.

"Sural--"

"Umigib ka ng maraming-maraming tubig, gamit iyang basyong bote ng Summit." pilit na ngumiti siya saka naglakad papunta sa park.

Kalmado akong tao pero balak niya yatang baguhin ang ugali ko.

Napakalayo ng fountain mula dito, saan ako kukuha ng tubig at sa liit ng boteng ito, ilang balik ang gagawin ko para kumpletuhin ang 'maraming-maraming tubig' na sinasabi niya? Kung ikuha ko kaya siya ng tubig sa kanal?

Humanda siya kapag nalimutan ko na ang mga salitang.. 'Umintindi' at 'Magpasensya!'

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Kakaunti naman, bumalik ka pa." tumalikod naman si Wanna Be at lumakad palayo para ikuha ako ngtubig sa ikalimang beses.

"Lalalalala.." napapangiti at napapakanta ako tuwing umaalis siya para sundin ang sinasabi ko.

Pero nagbabago ang expression ko kapag bumabalik siya.

"Ang tagal mo naman. Tingnan mo, bumagsak na iyong pader ng castle na binubuo ko. It was all your fault."

At noong umalis uli siya, parang baliw na napangiti na naman ako. Gusto kong matawa ng malakas, lalo na kapag naaalala ko ang namumula niyang labi at pisngi. Sayang nga lang at tinanggal niya na iyon.

"Ba't parang ang dumi na ng tubig na dala mo?"

"Nagpu-putik ka lang din naman, gusto mo pa ng malinis na tubig?"

Tumayo ako at namaywang sa harap niya. "Naggagawa ako ng sand castle! Hindi ako nagpuputik! Hindi mo kilala kung sinong iniinsulto mo, hoy!"

"Makaka-sampung balik na ako para ikuha ka ng tubig pero wala namang pinagbago iyang ginagawa mo." seryosong komento niya.

Tiningnan ko ang masterpiece ko. Patag pa nga din ang buhangin. Di na ako nagtaka, e malay ko naman sa paggawa ng sand castle. Artista kaya ako, hindi clay molder.

"It takes time to build a beautiful castle." depensa ko pa. Totoo naman, at ngayon, iyong lapag pa lang ng castle ang binubuo ko kaya ganyan.

He grabbed both of my hands and wash it using the remaining water. "Enough of playing. Nakaganti ka na."

Noong bitawan niya ang mga kamay ko. "Hindi mo naitatanong pero sa kanal ko kinuha iyong huling tubig."

Tumawa lang ako. "Nagbibiro ka na naman di'ba? Tulad ng sa Magic Cake.." inamin niya kasi sa akin na hindi naman daw totoong gawa iyon sa palaka, noong nasa C.R. kami.

"Iyong sa cake, hindi totoo. Pero itong galing sa kanal, seryoso na ako. Nakakapagod kayang magpabalik-balik sa fountain."

Inamoy ko ang kamay ko pero amoy-buhangin lang naman. Pero may naisip akong paraan para malaman ang katotohanan.

I sweetly smiled at him. "Detective.." hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para patuyuin doon ang basa kong kamay. "You looked really handsome." Hinaplos-haplos ko namang sunod ang pisngi niya.

"You shouldn't have washed your face." Kitang-kita kong nagulat siya sa ini-akto ko. Pero wala namang bakas ng pagka-diri sa mukha niya.

Kaya sa tingin ko talaga malinis ang tubig na ibinuhos niya sa kamay ko.

( n_n)/ Mission complete. Clean beautiful hands, check!

Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang bewang ko. Agad na binitawan ko siya at inilapat ko sa lupa ang nakatingkayad kong paa. Kinailangan ko kasing tumingkayad kanina para maabot ang mukha niya.

Pero hindi pa man nagtatagal ang mga sakong ko sa lupa, napatingkayad uli ako nang kabigin niya ako palapit.

"You're really interesting, Suralvo." ngumiti siya. That smile which never fails to give me shivers.

I terribly want to push him but no matter how hard I try to control my mind.. it's useless. I CAN'T MOVE!

Ilang beses niya nang ginawa ito noong aksidente naming pagkikita noong Pasko. Siguradong walang mangyayaring halikan, at pinagti-tripan niya na naman ako. Hindi ako dapat magpahalatang kinakabahan ako.

"That's why I like you." halos pabulong na sabi niya nang tanggalin ang thick eye glasses ko.

He said he'll never kissed me again.

Ibinalik niya ang kamay sa bewang ko at pinagsalikop iyon sa likod ko. Napasinghap ako nang magdikit ang mga katawan namin. "Maglaro tayo. Ang pumikit, talo." sabi niya pa.

(O____O) My eyes widened when I feel something soft touched my lips.

Matagal magkalapat ang mga labi namin at nakikita ko ang nakakaduling na gwapo niyang mukha. And presto!! Nakapikit siya!

I won..

Then he started moving his lips, that makes me want to close my eyes too.

When my eyes was about to fall, his phone rings. Lumayo siya agad. He wiped my lips using his right thumb. "I.. I shouldn't have done that. I just want to scare you. I never know I-- Damn! You should've pushed me." inayos niya ang nagulo kong buhok. "Nah. It's my fault. I'm sorry. Hindi na talaga ito mauulit."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pati nararamdaman ko, magulo din.

Tumalikod siya at sinagot ang tawag. "Hello, Why?"

Too much feelings.. too much emotions that I will cry any moment.

He said he'll never kissed me again, but he does! And it turns out that he didn't really mean what had happened. What really hurts, is when he says that I should've pushed him.

Para bang isinampal niya sa mukha ko na isa akong kaladkaring babae na nagpapahalik sa kung sinu-sino.

"What?!" inis na sigaw niya sa kausap pero agad din naman siyang nagbaba ng boses. "No, no Bee. Stop crying, stay calm, I'm on my way, alright? Don't be scared."

Sa hindi ko malamang dahilan, pumatak ang mga luha ko.

Peste yan!

Pinahid ko agad ang mga iyon pero may umagos na panibago.

He's sorry because he only wanted to scare me. Yes, I should've pushed him away. If I joined the stupidest person contest in town, I'll surely take home the crown.

"I said stop crying.. Bee."

I said I'll never trust him..

"Now, tell me what Street are you exactly?"

I said I'll never fall..

"HELLO BEE?! HELLO?! OH DAMN IT!!" inilayo niya ang phone sa tenga at humarap sa akin.

Nagulat siya nang makita ang hitsura ko.

"Si Beatriz?" I bitterly smiles. "Pupuntahan mo siya?"

"Y-Yeah, she's in trouble and she needs--"

"Ayan na naman tayo sa need-need na iyan." natawa ako. Iyan din ang linya niya noong unang araw na makilala ko siya.

"Suralvo, you're cryi--"

Pinutol ko na agad ang sasabihin niya, dahil hindi ko rin alam kung ano itong nangyayari sa akin. "Kapalit ng paglabas ko sa C.R. ay ang pagsunod mo sa lahat ng gusto ko, at ngayon.. gusto kong wag kang umalis."

Napailing si Wanna Be. "Wag ngayon, Suralvo. Hindi na laro ito." he stepped backwards then run fast.

Sinundan ko siya ng tingin habang tumatakbo palayo.

I said I'll never trust and that I'll never fall for him, but I guess I unconsciously did.

Sabi ko lilipas din ito, magsasawa rin ako at mawawala din itong nararamdaman ko. Pero sa mga luhang ito, sa tingin ko matatagalan siguro ng kaunti.

-will be continued

 

throbbingheart says: Thanks for reading. Malalaman na natin next case kung ano nga ba talaga ang relasyon nila Beatriz at Justin. And please watch out for few CrisShel moments <3

Dedicated to jazzcute008 for adding this story on her reading list :) Thank you sa iyo.

 

Continue Reading

You'll Also Like

Haunted By Ely

Mystery / Thriller

366K 14.6K 41
Zeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darati...
25.8M 641K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...