Living with a Half Blood

By april_avery

24.3M 985K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... More

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 32: Insignia

494K 17.7K 5.1K
By april_avery

Chapter 32: Insignia

Panandaliang nawala ang banta ng mga hunters sa tetitoryo sa sumunod na mga linggo. The brooding silence was something the town was adamant about. May mga nagsabi na natapos na ang gulo pero maaaring may kapalit ito.

Noong umagang yon nagkaroon kami ng hindi inaasahan na bisita. Ako ang sumagot sa pinto para sa kanya. Nang buksan ko ito bumungad sa akin si Venise.

"Good morning."

She wasn't smiling when she greeted me. But she wasn't frowning eiyher. There was simple nothing in her expression. Ilang buwan na din ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita.

Nilibot niya ang tingin sa loob ng tahimik na mansion. Para bang inaasahan na niya na ako ang madadatnan dito.

"Can I come in?"

I was pulled out of my train of thoughts because of her request. Tumabi ako para papasukin siya.

"Nasa downtown sina Miss Loraine." Sinabi ko. "You can wait-"

She cut me off. "Ikaw ang pinunta ko dito." She said. "Maaari ba?"

Tinitigan ko siya. Kalaunan tumango ako. Pareho kaming pumunta sa balkonahe ng mansion. Hindi ko alam kung para saan ito. Hindi naging maayos ang huling pagkikita namin.

Nang magkaharap kami napansin kong nakatingin siya sa markang nasa leeg ko.

"So Zander officially claimed you as his mate." She pointed out. "That's why stepping on Van Zanth felt different. Our alpha was now bonded."

The change in their alpha's status was felt. Yon ang naging malinaw sa akin. Dahil sa mga nakalipas na linggo naramdaman ko ang pagbabago sa pakikitungo sa akin ng mga tao. They are now more open, more accepting. Tila isang pader na nakapagitan ang nasira. I started to gain  their trust. Because the night I gave in to Zander was the night I knew I'll stay by his side no matter what.

"I never expected a selfish decision from him like this." Venise said. "After everything that happened he chose you over this town, over his position."

Hindi ko alam kung ang gusto niyang patunayan sa usapan na ito. But I remained calm. Because I could see it in her eyes. Venise was pained with all of this.

"I heard everything. Ang pag atake, ang sugatang mga orders, ang panic at takot na kumalat sa bayan. Do you even know what it felt like knowing all of this was happening in your town pero hindi ka makauwi? You worry about your family, about your friends. Pero wala kang magawa. And you know what's the worst thing?" Tinitigan niya ako. "It's knowing that this fear, this chaos in your home town, was caused by a single person, an outsider, a stranger, who happens to be our alpha's mate."

She hates me. She had him first. Pero maliban doon, alam kong nag aalala siya para sa bayan kung saan siya lumaki. All the things I heard from her was from the perspective of the town's people.

"Mahalaga kay Zander ang bayan na ito. Pero dahil sayo maaaring mawala ito sa kanya."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?"

"I heard everything from my father. There's a plan for a transition of power in this town. Maaaring hindi mo pa alam ang tungkol sa bagay na ito dahil hindi nila gustong ipaalam sayo. But the council was taking into consideration all of the chaos that is happening in this town."

Her act of calm sophistication melted at the mention of Zander losing this town. Isang bagay ang aking napagtanto. Venise cared. About this town, about Zander. Genuinely.

"I'm not blaming you this time." She said. "Pero kailangan na may magpamukha sayo nito. Zander can sacrifice everything for you. At gusto kong yon din ang gawin mo."

Hindi ko inaasahan ang mga katagang yon mula kay Venise.

"I'm supposed to hate you. No, I still do. Pero alam ko kung saan o kailan ako titigil sa pagpapakita nito. Lalo na kung alam ko may iba ng maaapektuhan."

Bumaba ang kanyang tingin sa aking katawan. Her expression somewhat soften. Ngunit mabilis lamang ito. Muling bumalik ang kanyang tingin sa aking mukha.

"Your surname says it all." Mariin niyang sinabi. "You are a hunter's daughter. At alam kong alam mo kung sino ka talaga. Yon lamang ang mga gusto kong malaman mo."

Huminga siya ng malalim. Inayos niya ang gusot sa kanyang damit at tumayo ng maayos. She was back to being the sophisticated and graceful Venise.

"Hinding hindi kita mapapatawad kapag sinaktan mo si Zander."

Tumalikod siya at naglakad paalis.

"Wala akong plano bitawan si Zander." Mahinahon kong sinabi.

Tumigil si Venise.

"I'm willing to breach the rules for him."

Lumingon siya sa akin.

"Aasahan ko yan mula sayo." Sinabi niya bago tuluyang lumabas ng mansion.

Nang nawala siya sa paningin ko huminga ako ng malalim. Umupo ako sa isa sa mga lawn chair na nasa garden. Nanghihina ako. Pero alam kong hindi dapat. I knew it all along. Hindi ko lang maamin sa sarili ko. Dahil alam kong maaaring masira ang lahat. But hearing those words in the open made it real. It was not a crippling thought anymore. It was part of my reality. It was  inevitable. I'm a hunter's daughter.

Nang kumalma ako umakyat ako sa aking kwarto. Dumerecho ako sa lumang cabinet at binuksan ang isa sa mga drawer nito. Muli kong nakita ang itim na kahon. Hinawakan ko ito. Bahagyang nanginginig ang aking kamay.

Binuksan ko ito at nakitang muli ang bullet. The bronze metal gleamed. Holding the familiar object seemed foreign to me. Tila maging ako ay napapaso na dito.  Arden. That letter represents my family name. An insignia.

Lahat ng mga  nangyayari ay upang maiwasan na magkaroon ng ugnayan ang dalawang lahi. Hindi ko mapigilan na mag alala sa kayang gawin ng aking pamilya.  Kung magpapatuloy at masusundan ang mga gulong nangyayari maaaring tuluyan itong ikapahamak ng bayan at ni Zander.

This is what the outsider warned me about. Umupo ako sa kama habang hawak ang kahon. I need to do something. Ang outsider. Kailangan ko siyang makausap.

--

Ilang araw ang lumipas nang maalimpungatan ako dahil sa sama ng aking pakiramdam. Bumangon ako mula sa kama at nakaramdam ng panandaliang pagkahilo.

Dumerecho ako sa banyo. Naghilamos ako saka huminga ng malalim. I tried to shake the uncomfortable feeling out of my senses. Hindi ito ang tamang oras para manghina ako.

Matapos magbihis bumaba ako sa sala. Sinadya ko na hwag magpaalam kanino man. Dumerecho ako sa labas at pumasok sa aking sasakyan. Tahimik akong umalis mula sa mansion.

Umaasa ako na natangap niya ang aking mensahe. Gusto kong magkita kami ngayong umaga. Iniwan ko ang sulat sa border kung saan ko siya hinatid noon. Yon ang sinabi niyang lugar na puntahan ko kapag kailangan ko siya.

What I did was a desperate act. Hindi ko din alam kung kailan siya muli mapapadpad sa bayan. Ngunit kailangan ko na siyang makausap. Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin sa pagkakataong ito.

Makalipas ang halos isang oras hininto ko ang sasakyan. Naging tahimik ang buong paligid. Tall trees surrounded the side of the road. Halos walang dumadaang sasakyan sa parteng ito ng bayan.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng daan na nasa aking harapan. It was a long lone stretch of asphalt road leading to the next town.

Nanatili ako sa driver's seat at naghintay. Kapag hindi siya dumating sa loob ng isang oras kailangan ay ko ng umalis. I know I'm not supposed to be doing this.

Lumipas ang ilang minuto at nakaramdam ako ng pag galaw sa paligid. Naging alerto ako. Mula sa kakahuyan lumabas ang isang familiar na lalake. Agad akong nakahinga ng maluwag.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Pagbaba ko napansin kong hawak niya ang sulat na iniwan ko.

"Delikado itong ginagawa mo." He pointed out. "Kung hindi pa ako dumaan dito kahapon hindi ko pa ito makikita."

"Pero lagi kang dumadaan dito." I reasoned. "Ito ang sinabi mong lugar na puntahan ko kapag kailangan kita."

Hindi siya lumalapit sa akin. Nanatili siya na ilang hakbang ang layo mula sa akin. I was inside the border, the premises of Van Zanth. Isang linya ang makikita sa daan. Ang boundary. Hangang hindi siya tumatapak lampas nito ay wala siyang nilalabag na batas ng bayan.

Napansin ko na napatitig siya sa akin. Dumako ang kanyang tingin sa aking leeg. Bumuntong hininga siya.

"Gusto kong maging masaya para sayo, Laura. Pero dahil sa ginawa mo mas pinahirapan mo lang ang iyong sarili." Sinabi niya. "The clan's plan to bring you back may have faltered because of the decision you made but it doesn't mean they would stop. You don't know what your family can do Laura."

"They are not my family. Families don't ruin and rearrange each other's life for the sake of the clan's belief."

"I don't." Bigla niyang sinabi. "I'm your family but I don't wish you any of those."

Natigilan ako. "You're what?"

"It's me, Laura. Dylan Antonius Arden."

Napakurap ako. Bigla akong nanghina sa narinig. Marahan siyang ngumiti nang makita ang recognition sa aking mukha.

Hindi ko alam kung totoo itong nangyari o parte lamang ng isang mahabang panaginip. Ang sabi ni Aunt Wilhelmina masyado pa akong bata para maalala ang lugar na yon. But there was a certain time in my childhood when my father took me to the town where he grew up.

I remember pieces of it. Ang malaking bahay, ang mga taong labas pasok mula dito, ang mga matang nakatingin sa akin. I remember how Dad went into a room and I was left alone in the hallway. I remember angry voices shouting behind the higantic doors. I remember crying because I know Dad was inside and I heard him shouting. And I remember how a young boy approached me.

He was older than I am. But even at a young age he looked dignified. Naalala ko kung paano yumuko ang mga tagapagsilbi sa batang lalake. Naalala ko kung paano siya magsalita na tila ba alam niya ang nangyayari.

"Hwag ka ng umiyak. Pinagsasabihan lang ni Lolo ang Papa mo dahil matagal siyang nawala."

He smiled at me. An open genuine smile. I remember the name he said to me. Dan. Because for both kids, Dylan Antonius was a mouthful. Naghintay ako sa hallway kasama si Dan. He was a charming boy. No wonder people on that big house adore him. While the stares I got as a kid constitute to stares of betrayal and disgust. Pero hindi ako iniwan ng batang lalake kahit sinabihan siya ng matatanda na lumayo mula sa akin.

Habang hinihintay lumabas si Dad mula sa pinto nagkwento ang bata. Mga simpleng bagay tulad ng lugar kung saan siya madalas maglaro o mga taong kanyang nakakasalamuha at ang kanyang Lolo.

"Masungit ba siya?"

"Takot sa kanya lahat. Kahit ang Papa ko. Pero mabait siya sa akin kasi apo niya ako. Kapag nakita ka niya sigurado mabait din siya sayo. Dalawa na tayo."

May mga bagay siyang tinanong sa akin noon. Tulad ng kung saang mansion ni Lolo ako titira at kung bakit hindi kasama ang Mama ko. Pero alin man doon ay hindi ko nasagot. Maging ang Lolo na kanyang tinutukoy ay nawalan ako ng pagkakataon na masilayan. Dahil paglabas ni Papa mula sa pinto agad niya akong sinama paalis sa lugar. Galit na galit siya. He was muttering something about not coming back. Ang kanyang mga mata puno ng galit, lungkot, at pagkadismaya. I remember how my Dad tightly grip my hand and whispered to me.

"Hinding hindi kita ibibigay sa kanila."

Noong mga oras na yon wala akong nagawa kundi ang lumingon sa malaking bahay. And I saw the kid at the front door waving for the last time despite the confusion of the situation.

Ngayon matapos ang mahigit sampong taon nasa harapan ko na siya. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit may mga bagay na familiar tungkol sa kanya. Lalo na ang pendant na kanyang suot.

"Ang Papa mo, siya ang nakatakdang sumunod sa position ni Lolo. Pero umalis siya at iniwan ang angkan. And my father died from a terminal illness two years ago. Tanging mga apo nalang ang meron kay Lolo ngayon. Gusto ka niyang ibalik."

"But I don't want to go back." Mariin kong sinabi. "Hindi ko kailangan sumunod sa desisyon ng pamilyang kailanman hindi ko kinamulatan."

"Pero hindi niya ito naintindihan, Laura. Si Lolo parin ang nasa position bilang pinuno ng angkan. And this is not even half of what he can do. Sinubukan kong ipaliwanag ang sitwasyon noong una tayong magkita matapos ng madaming taon. Pero hindi siya nakikinig. Hindi niya hahayaan na isa sa kanyang kadugo ay magkaroon ng ugnayan sa isang hybrid."

Huminga siya ng malalim na tila maging siya ay nahihirapan na sa sitwasyon na ito.

"Isa lang ang hinihiling ko, Laura. I want to fix this mess as much as you do. Bago pa lumala ang sitwasyon, pakiusap bumalik ka at ipaliwanag ang lahat sa kanya."

***

Twitter username: @breatheapril
Official hashtag: #LWAHB

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
2.8M 94.5K 88
Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story.