Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

382K 12.7K 1.2K

WHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinar... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰10th Catch╮

5K 174 5
By NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰10th Catch╮

..ARQ..

"HOW much time do we need for the newbies to be completed?" She asked in a more serious tone.

"One is still not updating." Tori responded.

Kanina pa sana nila naumpisahan ang initiation kung kumpleto lamang ang newbies. Subalit isa sa mga ito ang hindi pa dumarating.

When she found out who's still missing, she already expected that. She wasn't mistaken when she initially thought that the girl was nothing but a huge problem.

Naiinis siyang tumayo. "Call me when they are all here." Atsaka niya tinalikuran ang mga kasama.

All she ever wishes for tonight is a few minutes of peace of mind. She has been very busy these past weeks and she has to admit, she already feels dead on her feet. If Tori wasn't only being a bitch, she would've automatically re-scheduled the initiation. She could do that but as much as possible she also wants to get rid of childish arguments that Tori would willingly initiate.

Pero parang lalo lang sumasakit ang kanyang ulo sa nangyayari.

She goes to the rooftop, which, by the way, is a restricted area, to find the liberty that she wants. She has only thought of staying for a bit until the last candidate arrives but the pool seems inviting her to take a dip.

Ignoring the icy-cold feeling caused by the wind, she has immersed in the water. Chill immediately creeps into her spine for a while but gradually elapses.

The house is actually owned by her twin sister. But ever since Heathe left for an indefinite period, she started to take care of the property.

Ito pa lang ang pangalawang beses na pagganap nila sa naturang bahay ng kanilang sorority initiation. Bago niya gawin ang bagay na ito ay nagpaalam muna siya sa kanyang kapatid na walang kagatol-gatol rin namang pumayag.

Even though she's authorized to use the place whenever she wants to, she makes sure that no damages would ever be made to the house. She knows that no matter how many times her twin sister would say she already detested the mansion, Heather won't ever erase the memories created there.

She dives into the clear water and goes for a swim to shake the thoughts away. As she ascends her phone rings.

Inaasahan niyang si Tori ang tumatawag para sabihing kumpleto na ang mga newbie. Subalit nang makita niya ang nakarehistrong numero sa screen, napasimangot siya. Can't you ever get tired? Pailing-iling niyang inilapag muli ang cellphone sa gilid ng pool nang mabaling ang kanyang atensyon sa taong bigla na lamang sumulpot sa rooftop.

She instantly recognizes the curious cat. Curiosity and amazement are evident on the girl's face as she looks around. It's the same expression she has had the first time she set foot there, so she could relate. Aside from the swimming pool, the view offers a relaxing vibe— the reason why she likes to spend time alone on the rooftop.

Napangisi siya at umahon na mula sa tubig. Ayaw sana niyang maistorbo ang taong iyon subalit nais niyang kumpirmahin kung ano ang pakay nito sa naturang lugar.

For all she knows, the girl is not a newbie nor even invited at all.

Tumikhim siya at kaagad nakuha ang atensyon nito.

This girl never fails to amuse her as she sees her get petrified— the reaction that she loves to see from other people. 



.. LARA ..

NI sa hinagap ay hindi niya akalaing kailangan pa pala nilang umakyat ng burol para lang makapunta sa party na sinasabi ni Pearl. Kung pumayag pala kaagad ang kanilang daddy baka kung ano nang nangyari sa kanyang kapatid. Sa nakikita pa naman niya, para itong isolated na lugar. Kapag may ginawang hindi maganda ang grupo ni Arq sa kanyang kapatid o kapag nagkamali ng initiation, baka itapon na lang ang malamig na katawan ni Pearl sa bangin.

Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan sa naisip na posibilidad.

Nasa ibaba pa lamang sila ng burol ay kapansin-pansin na ang malaking bahay na nasa tuktok dahil sa mga strobe lights na nagpapaliwanag doon. Sino namang matinong tao ang magpapatayo ng bahay na halos nasa kanto na ng isang bangin? Sa mga random pictures sa internet lang niya nakikita ang mga ganong klase ng bahay at hindi niya lubos maisip na talaga palang may taong walang takot ang magpapagawa ng bahay nito malapit sa bangin.

Arq must be really that insane.

Mula sa magarbong entrance gate na mukhang ten minutes pa mula sa napakalaking bahay, kapag nilakad, hanggang sa mismong tapat ng napakalaking bahay ay nakaparada na ang mga magagarang sasakyan. Aakalaing may car show at doon pa lang ay alam na niyang hindi pipitsugin ang mga taong kasali sa sorority.

Is this an Elite Society gathering?

Base sa layo ng entrance gate at sa taas ng kanilang kinalalagyan, sakali mang may dalhin dito kapag initiation at gustong tumakas ay wala ng kawala agad. Naisip niya ang sitwasyon nilang tatlo. Hindi naman siguro sila itatapon sa bangin sakaling mainis sa kanila ang sisterhood na kakaharapin?

°Paano na lang kung murderin kayo? Walang nakakaalam na dito kayo pumunta.°

Humugot siya nang malalim na hininga. "A-alam naman ni Yuan na dito tayo pupunta, di ba?" Paniniguro niya.

Tatango-tango si Andy habang inaayos iparada ang kotse nito. Sa itsura nito mukha namang panatag ito at tila ba hindi nag-iisip ng mga bagay na iniisip niya— na baka hindi na sila makakalabas pa ng buhay sa lugar na pinuntahan.

Nang maayos nito ang pagparada ay pinatay na nito ang makina ng sasakyan. "We're here. Sigurado kang kaya mo?" Kaagad nitong tanong sa kanya.

Nilipat niya ang paningin sa kapatid na tahimik lamang na nakaupo sa backseat. Blangko ang mga mata nitong nakatingin sa kanya subalit halatang natatakot rin.

She lets out a long sigh. "Nandito na tayo, and I have no choice." She voiced out in annoyance.

It takes her several breaths in and out before climbing out of the car.

Pero bago pa siya makababa nang tuluyan, ay pinigilan siya ni Pearl na hindi naman malaman kung anong sasabihin kundi ang simpleng, "Thank you."

"Don't thank me, yet. Wala pa akong nagagawa." Masungit na sagot na lang niya bago tuluyang bumaba.

Bumaba rin sa sasakyan si Andy. Umikot ito papunta sa kinalalagyan niya. "So, this is it. Inside that elegant mansion, lurking an untamed monster. Do you want me to come with you?" Andy offered.

As much as she loves to, she doesn't wanna drag Andy into something that could also make her life miserable. Andy is an incredibly good friend and she doesn't want to implicate her peaceful life because of this. She shakes her head in refusal. "No. I can handle this." She assured with enough conviction, she thought, on her voice.

Andy smiles a little as she taps her shoulder. "Brave, huh? Good luck. Sigaw ka lang, papasok kaagad kami."

Tumaas ang isang sulok ng kanyang kilay. "Sa laki ng mansion na 'yan? Maririnig mo ba ang sigaw ko sakaling kinulong na ako sa isa sa mga kwarto?"

"Trust me." She then winked at her.

Napailing na lamang siya at napagpasyahan nang pumasok sa loob ng napakalaking bahay. Pagtapak pa lamang niya sa front porch ay aware na siyang pinagtitinginan siya ng mga naroroon. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kanya?

They are all dressed up fashionably while she only clads in plain clothes. Obviously, her varsity jacket is bragging about the large logo and name of her previous university.

Nasamahan na rin ng pagbubulungan ang mga tinging iyon. Nais niyang unti-unting masanay ang sarili sa ganong bagay lalo pa't ganon din naman sa loob ng RDGU. Titingnan ka ng kakaiba at pagbubulungan ka pa. Hindi na lang niya iyon pinansin at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.

The low sound of a classic melody is dominating as she enters the foyer. Everything seems to be suited to say that the girls inside are really Classy. It's not the typical party where loud music booms that could severe eardrums. Not the kind of party she used to go to. She would give a huge point to the ladies for pulling off such an event.

Mukha man siyang nawawalang nilalang, wala siyang pakialam. Patuloy lang siyang naglalakad patungo sa direksyong wala namang katiyakan. Nang mapalinga siya sa hagdaan, naisip niyang magandang ideya kung aakyat siya sa itaas. Posible rin na naroroon ang kanyang hinahanap.

There must be something up through those spiral stairs.

Sa tingin niya ay wala naman siyang mapapala sa ibaba kung saan siya naglalakad ngayon kaya umakyat na siya. Walang nagaganap na komosyon sa ibaba gaya ng palaging nangyayari kapag nasa paligid lamang ang Savage. Nang makaakyat siya'y wala ring katao-tao sa hallway. May ilang kwarto siyang nakita sa second floor at meron ding mini entertainment area. Mukhang restricted area ang second floor kaya kahit na crowded na sa ibaba ay wala man lang nagtatangkang umakyat. Mukhang siya lang ang tanging naglakas-loob kaya naisip niyang tila hindi magandang ideya ang kanyang ginawa.

The fact that nobody even bothers to stop her is also dicey.

°But who knows what's happening beyond those closed doors?°

Mariin niyang iniling ang kanyang ulo para maalis sa kaisipan ang plano na katukin ang bawat silid na nakasara. Ayaw niyang gawin. Ano bang malay niya sa makikita niya sa bawat silid kapag nabuksan ang mga iyon? Hindi siya nag-iisip nang hindi maganda ngunit may mga posibilidad na kailangan niyang isaalang-ala. Ganonpaman, hindi iyon ang ipinunta niya sa lugar. Kaya nang maramdaman niyang wala na siyang mapapala sa second floor, kahit napakalaki nito para sana maglakad pa siya at maghanap, ay nagpasya na siyang bumaba.

Ngunit sadyang malikot ang kanyang mga mata kaya nahagilap pa ng kanyang paningin ang hagdanang nasa sulok ng mini sala.

May third floor pa.

Ngunit nagdadalawang-isip na siyang umakyat pa. Kung wala nga siyang napala sa second floor, sa third floor pa kaya? Pero dahil napakakulit niya at dala na rin ng kuryosidad ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa hagdanan. Kung sa unang hagdan ay spiral, ang hagdan naman sa second floor ay gawa sa kahoy na nakakahilo ang disenyo dahil parang nagbibigay ng ilusyon ang pagkaka-align ng bawat hakbang.

She couldn't say that she wouldn't trip on her way up. Hence, she takes extra caution in every step.

Bawat hakbang niya paakyat ay nadadagdagan din ang kabang kanyang nararamdaman. Hangga't naririto siya sa lungga ng napakabangis na taong kailangan niyang harapin ay hindi mawawala ang kabang iyon.

On her last step upstairs, she halts and quickly went astounded, seeing the beauty of the entire Georgetown suffused by the sparkling night lights.

Rooftop.

Nasa rooftop na siya at nawala saglit ang kabang kanyang nararamdaman sa view na bumungad sa kanya.

The air is so cool that instantly blows the fear away from her. How she wished she could just stay there and waste her time sightseeing.

Simula nang dumating sila Georgetown ay halata namang nagkandaletse-letse na ang buhay niya, lalo na nang pumasok na siya sa RDGU. Napakagulo. 'Yan ang naisip niya sa lugar na ito, hindi man literal na gaya ng sa siyudad.

But tonight, she doesn't expect she would find an amazing place like this, surrounding the lion's den. She finally found a peaceful place that makes her think that Georgetown isn't just a desultory city. She starts wondering where else she could find a spot like this? A place where she could be free from her enemy.

Natigil ang kanyang ilusyon nang may marinig siyang tumikhim mula sa kanyang likuran. Muntik pa siyang mapatalon dahil nataranta siya. Nag-umpisa na namang bumalik ang lahat ng kabang nawala sa kanya sa isang iglap.

Nilingon niya ang pinanggalingan ng tikhim at kahit na alam naman niya kung sino ang pakay niya ay hindi niya inaasahang may igugulat pa pala siya nang makita na mismo ang taong iyon.

°Of course, she'll always give you a heart attack until your heart finally gives in.°

Napalunok siya dahil sa itsura nito.

sa basang itsura nito.

Hindi niya inaasahang may tinatago itong ganda ng katawan sa kabila ng hindi pasadong porma nito para sa kanya. Nakasuot ito ng bikini top kung saan kitang-kita niya ang nakakainggit na kurba ng balakang nito, at ang tyan nitong walang bilbil na tingin niya'y pinaghirapan nitong makamit ang bagay na wala siya— abs. Pero nakita niyang mas lamang naman siya sa dibdib, kaya okay lang. May napansin rin siyang kung anong bagay sa bandang kaliwang bahagi ng puson nito. Tattoo? Kaso kalahati lang ang nakikita niya dahil nakashort shorts si Arq, kaya hindi niya mawari kung ano ang tattoo na iyon. Napatingin siya sa maliliit na umbok ng masel nito sa magkabilang braso na hindi naman masagwa tingnan para sa pangangatawan nito. Lalo itong tumangkad sa kanyang paningin dahil sa exposed nitong mamasel-masel na binti na animo'y hindi bibigay sa dalawang malalakas na palo.

She's fond of seeing girls in bikinis but she finds Arq differently. Arq is utterly attractive that it's hard for her to take her eyes off of the divine sight.

Napakurap-kurap siya nang matauhang pinag-aaralan na niya ang kabuuan ng taong nasa kanyang harapan.

kabuuan ni Arq.

"I bet you didn't get yourself lost in my enclave. Unless you went here on purpose." Malamig na bati nito sa kanya.

Nagsimula nang magtayuan ang kanyang balahibo sa batok. Ang masama pa ay hindi siya nakabanat na gawain naman talaga niya dahil otomatikong sumasagot ang kanyang bibig kapag pinagsasalitaan siya nang hindi maganda. Subalit ngayon, hindi niya kayang mangatwiran kay Arq.

Nakita niyang napaismid lang ito atsaka siya tinalikuran para kuhanin ang robe nito at isuot. Hindi na naman nakalagpas sa kanyang paningin ang burdado nitong likuran.

In other cases, she would find it indecent for a girl to have a lot of tattoos but she undeniably gets amazed by her marks.

Umupo ito sa mahabang upuan, sinuklay nang pagulo ng kamay nito ang mahaba at basang buhok, atsaka siya muling tinapunan ng nakakatakot na tingin. "Ano, nganganga ka na lang ba dyan?" Masungit pang sabi nito.

Ano nga ba dapat ang gagawin niya doon? Hindi dapat ang pagkilatis sa kabuuan ni Arq ang inaatupag niya. Pero anong magagawa niya? Hindi siya bulag para hindi mapansin ang mga bagay na nakakapagpaperpekto sa itsura nito.

Yumuko siya at lumapit nang bahagya kay Arq. Sapat na distansya para hindi sila magsigawan habang nag-uusap.

Pansin niyang mag-isa lang ito kaya kahit na magkainitan sila sa kani-kanilang mga salita ay hindi siya mapapahiya nang bongga— kung magkakainitan man sila. Kaya lang mukhang wala pa man din silang napag-uusapan ay taob na siya. 

"Nandito ako para sa kapatid ko." Simula niya. "Supposedly... i.. initiation niya ngayon. P-pero, hindi siya pwedeng sumali sa ganito. Neither one of us... A..aatakihin sa puso ang parents namin once na malaman nilang isa samin ay kasali sa.. sorority." Kinakabahan niyang pahayag.

Lalo siyang kinabahan nang wala man lamang itong itinugon sa kanyang sinabi. Nang sulyapan niya ito ay wala itong reaksyon habang sumisipsip sa straw ng iniinom nito at nakatingin lang sa kanya.

She unconsciously cocks her head to one side.

Kung kanina ay natatakot siya sa paraa  ng pagtitig nito, ngayon naman ay parang naaaliw siyang pagmasdan ang insosente nitong mga mata.

Those amethyst-colored eyes are not in rage tonight, and it could be one of the most beautiful views that she would never take her eyes off.

Arq puts her drink back on the table. "Pearl should know better. Do you have any idea about CLL?"

Gosh. Kilala na niya si Pearl.

Marahan siyang umiling.

Though Andy already said that it's impossible to just turn back and run away from CLL because it is not a typical kind of sorority, she still couldn't tell if what she knows is enough. The abbreviation itself is still a headwork for her.

Paano niya masasagot ng maayos si Arq?

"Oh, Lord!" Anito sabay irap sa kanya.

Napanganga siya nang bahagya. Para sa kanya ang cool ng pag-irap nito na hindi niya kinaramdaman ng takot.

°spell W-E-I-R-D?°

Humalukipkip ito at pinag-cross din ang mga binti. Dahil  naka-robe ito ay na-expose ang mapuputi at makikinis nitong binti. Bagay na hirap niyang maalisan ng tingin.

Huminga ito nang malalim. "I just want to tell you this one thing that CLL valued the most. Words. If you dared make a promise in front of a CLL member, you should do it... No turning back."

"P-pero—"

"Where is your sister?"

"Uhmm..." She stuttered.

"Well, you don't have to tell me, though. Since you're in my place, it's not impossible for me to know where your sister hides." Sabi nito atsaka tumayo.

Maagap siyang lumapit kay Arq para pigilan ito. Alam niyang aalis na ito para hanapin ang kanyang kapatid kaya humarang siya sa daraanan nito. Hindi niya hahayaang makanti nito o ng grupo nito si Pearl.

Napahinto ito at walang emosyong tumingin sa kanya.

"No. Please... A-ako na lang..." She pleaded.

Ang hinangaan niyang maamong mata nito na nakita niya kanina ay siya namang kinatatakutan niya sa kalagayan nilang iyon. Nawala ang ningning ng mga mata ni Arq at niningkit nang bahagya habang nakatitig sa kanya.

°Get ready, risk-taker.°

"No. I need to see your sister." Pinal nitong sabi.

Binangga siya nito nang malakas nang sa gayo'y tuluyan na itong makaalis. Mabuti na lamang at napahawak siya sa sandalan ng isang upuang naroroon kaya hindi siya tuluyang natumba. Mukhang hindi magdadalawang-isip si Arq na pisikalin siya— silang dalawang magkapatid. Ang nakakakonsensya pa ay baka madamay si Andy na wala namang ibang hangad kundi ang masamahan lamang sila at siguraduhing ligtas. Hahayaan na lamang ba niyang mangyari ang mga hindi magagandang bagay na naiisip?

Dahil mahahaba ang legs ni Arq ay inilang hakbang lamang nito ang pagpunta ng hagdanan, bago ito tuluyang nawala sa kanyang paningin.

** ** **

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 58.7K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
247K 5.1K 30
Book Two Nina Cortez has been in love with Marco Dela Rosa all her life pero that's her greatest secret that even her Trinity sisters don't know. How...
339K 10.8K 40
Shea Astrid Fernandez - Isang babaeng maganda na ang hanap din ay maganda. A gender bender at tipong parang damit kung magpalit ng babae. Talo pa niy...
2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...