My Pervert Housemate [ IN REV...

By ohyeahiknow

842K 11K 814

Paano pag isang araw titira ka sa isang bahay kasama ang isang hot, sexy,playboy, mayabang at PERVERT na lala... More

PROLOGUE
MPH 2
MPH 3
MPH 4
MPH 5
MPH 6
MPH 7
MPH 8
MPH 9
MPH 10
MPH 11
MPH 12
MPH 13
MPH 14
MPH 15
MPH 16
MPH 17
MPH 18
MPH 19
MPH 20
MPH 21
MPH 22
MPH 23
MPH 24
MPH 25

MPH 1

46.6K 571 30
By ohyeahiknow

1st CHAPTER


Megan

Andito na naman ako. Naka tayo sa gate ng napaka ma sosyalan na boring na paaralan na ito. Minsan eh iniisip ko nga kung bakit dito ako nag aaral. Eh puro naman mga santa at berhen ang nag aaral dito. Oh i forgot, my father owns this school. well damn. 

Ayoko nang magtagal dito sa labas. Mas mabuti pang pumasok na. Ni swipe ko na yung I.D ko at pumasok na agad. 

Ay nakalimutan ko nga palang magpakilala sa sarili. Ako si Megan Ellane Cruz.

Yun lang. wala na akong masabi pa. tinatamad ako. Di naman kayo si Queen Elizabeth para bigyan ng magarang intro. Maka pasok na nga sa lecheng school nato.

Pagkapasok ko palang sa hallway, agaw atensyon na naman ako. Pinag titingnan na naman ako ng mga tao dito. hahay. Buhay sikat nga naman?

Nag catwalk nalang ako with my chin up habang naglalakad. Bahala sila kung pag nanasaan nila yung katawan ko. 

Habang naglalakad ako, napansin kong may mga clown na palapit sa akin. clown kasi puno ng kulay yung mukha. 

Paglapit nung tatlong babae, nalaman kong walang iba kundi yung kapatid ko lang pala. ay sorry hindi pala. si step sister pala. Ano namang atraso ko sa clown nato.

"Hoy ikaw Megan! Hanggang kailan kaba susunod sa rules dito sa school?! Bakit hindi ka parin naka uniform?! Hindi kaba nahiya? anak ka ng may ari tapos gumaganyan ka lang?!" Sigaw nitong clown sakin.

Aba agaw atensyon na naman. Nakiki chismis na naman tong mga tao dito sa paligid.

"Bakit ikaw? hindi kaba nahiya? anak ra rin ng may ari tapos ganyan ugali mo? Kung tutu usin, ex anak lang nga ako tapos ikaw ang present anak." Pagsagot ko naman. Balak ko sanang huwag na patulan ang isang 'to pero ang kati  kasi ng bibig ko eh ayan tuloy. Aba hindi ata to magpapatalo. Lalo na diyan sa walang kalaban laban na clown nayan.

"Palibhasa kasi iniwan kayo mag ina! Kaya ganyan ugali mo! My God Megan nagseselos ka sakin no? kasi ako yung anak ngayon." Pa smirk niya pagkasabi. Yung mga back up niya naman nag apir sa isa't isa. 

"Excuse me bitch, kung iniisip mo na nagseselos ako sayo. What the fuck. Hinding- hindi ako magseselos. Kayo nalang? pagseselosan ko? Isaksak mo sa baga yang daddy mo!" Sigaw ko. nababadtrip na ako. 

"Daddy mo rin sya tanga!" Sigaw niya naman.

Nagbubulungan na yung mga tao dito. jusko para namang hindi nila naririnig tong mga linya namin araw- araw. ganito naman kami palagi. 

"Alam mo? nabwi- bwiset na ako. maiba nga. May show ba na magaganap sa school ngayon? Kase bakit may clown sa harapan ko. At parang sasayaw pa nga eh kasi may back up dancers pa!" Pag sigaw ko.

Tumawa naman lahat ng mga studyante. 

"Nakakainis ka na!" Sigaw niya sabay sabunot sa buhok ko. 

Sinasabunutan ko rin siya habang sigaw siya ng sigaw.

Maya-maya parang may umawat na samin kasi lumayo na si clown. Pagtingin ko, hawak- hawak na pala siya ni Jester sa braso, At ako naman eh hawak- hawak ni Lance.

Pero kahit na inawat na nila kami, di parin napigilan ni clown.

"PESTE KANG DEMONYITA KA!!! LECHE KA ANG SAMA NG UGALI MO KAYA PALA HINDI KA MAHAL NI DAD KASI SA UGALI MO!" Sigaw nito sa akin.

"HINDI MO BA NARIRINIG YANG MGA SINASABI MO!? PARANG NAG INTRODUCE KA LANG SA SARILI MO PUNYETA KA!!!"Sigaw ko naman pabalik.

"Tama na Meg" Pag awat ni Lance sakin.

Maya -maya pa ay nakita namin yung isang instructor na naglalakad patungo sa amin.

"What is the meaning of this? Again? Paulit ulit nalang kayo Ms. Megan Cruz at Ms. Natasha Cruz! "

"WAG KANG MAKE ALAM DITO KUNG AYAW MO MATANGGAL SA SCHOOL NATO!" Sigaw ni Natasha sa kawawang instructor.

"Pinapatawag kayo ng Dad niyo. Now. At kayong mga chismoso at chismosa magsi-alis na kayo dito!" Sigaw niya. At nag si-alis narin yung mga estudyante. Pati sina Lance at Jester.

I just rolled my eyes at the stupid clown, at yun din ginawa niya. Shit. Another day with the brat making another fuss. Kailan ba ako lulubayan ng clown nato.

Pagdating sa office of the President, agad nagtanong si Dad kung ano na naman ang nangyare.

"Dad si Meg na naman ang nag simula, siya yung unang umatake sakin sa hallway" Pag convince niya kay dad. 

"Sino kaya yung unang lumapit sa akin kasama ang mga back-up dancers niya na para bang sasayaw! ha?" Hinarap ko siya.

"Tumigil nga kayo. Pati ba naman sa harapan ko nag babangayan kayo? Jusko wala na kayo sa grade school!" 

"Ah basta dad siya yung nagpa simula. Inaway niya nga ako kasi hindi daw ako yung unang anak kaya wala daw akong karapatan" mangiyak iyak niyang pagka sabi.

Ako? wala lang. Para bang walang nangyare. Pa nguya nguya lang ako ng bubblegum dito habang sitting like a boss.

"Totoo ba yun Megan?" Pagalit na pagkasabi ni dad.

"Nasa inyo kung pinaniniwalaan niyo." Sabay irap ko sa kanila. Napa hilamos nalang si dad sa kamay niya.

"Ano kaba naman Megan!? Bakit kaba nagka ganyan?! hindi ka naman ganyan namin pinanganak ng ina mo! Wala kang respeto!" 

"Whatever." Sabay irap ko. Napa tingin nalang ako kay clown at nag text-text lang ang loko. 

"Ok I have decided. Makinig kayong dalawa!" Sigaw ni dad kaya agad kaming napalingon sa kanya at nakinig narin si clown.

"Hindi ito magagawa na magkapareho kayo ng school. Napag desisyunan ko na may lilipat sa ibang paaralan para mabawasan ang kabangayan niyo."

Napa taas ako ng kilay habang si clown naman ay lumuwa yung mata sa gulat. Lilipat ng school? So ibig sabihin lilipat din ng course. What a waste of time.

"Sino naman ang lilipat?" Pa bored ko na pag tanong. Sure ako na iiyak yang si clown pag nalaman niyang aalis- 

"ikaw

Wait. What?

"Ako? Hindi pwede! Saan naman ako lilipat?!" Pasigaw ko. hindi ko ma-take. Paano na yung mga barkada ko dito?!

"Sa ALFEA UNIVERSITY OF ARTS  kana mag-aaral simula next week."

What?! where the fuck is that school?
Napa smirk si Natasha at sabay tayo.

"Oh my god. I'm so excited. Bagay lang sayo Meg. Doon ka. Mga walang manners yung mga nag aaral doon" Sabay irap niya at tuluyan nang umalis sa office.

Napatayo narin ako at sabay balabag ng pintuan. 

I DON'T WANT TO TRANSFER SCHOOL!

"UGH!! NA IINIS AKO! FUCK ALL THE PEOPLE IN MY LIFE! FUCK MY DAD! FUCK YOU ALL!" Sigaw ko.

"Anyare sayo?" Tanong ni Lance sabay higa sa couch.

"Na iinis ako!" 

"Uhm. na iinis ka nga" Sabay roll eyes niya.

Nagtataka siguro kayo kung nasaan ako. Andito kami ngayon sa isang Clubhouse malapit sa school. Kami lang magbarkada ang pwede makapasok dito. 

Si Lance ay kaibigan ko simula noong bata pa kami. Kilala siya ng magulang ko at kilala ako ng magulang niya. Lahat- lahat alam ng mga magulang namin kung anong mga nagaganap sa amin. But one thing na hindi nila alam,

Is, We are dating. 

Yup Boyfriend ko si Lance. Hindi ba halata? Hindi lang namin sinabi sa mga magulang namin kasi siguradong pag nalaman ng mom ko, kinabukasan siguro patay na si Lance,  just kidding. Kasi simula noong hiniwalayan ni dad si mom, ayaw na niyang pag- uusapan ang mga lalaki, and she always tells me that i should enter into a serious relationship when i finish my studies or when i am stable na para hindi ko ma experience yung nangyare sa kanya. Eh ayoko namang mag chikahan ni mom about boys kasi takot ako.

"Bat ka naiinis?" Tanong niya.

"Eh kasi palilipatin ako ni Dad ng school!" Pagdadabog ko habang umupo sa may tiyan niya.

"A-aray! tumayo ka nga! Tsaka ano!? lilipat ka?!" Sigaw niya. Tumayo ako at nag cross arms sa harapan niya.

"OO! I have to move to another school! And so i have to adapt to another shitty environment with shitty people! Tapos may posibility na mag shift din ako ng course! I fucking hate it!" Sigaw ko. nababadtrip ako.

"Eh kasi bat palagi ka nalang nakikipag away dun sa natasha na yon! pwede mong awayin kahit sino pero alam mo naman na pag dating sa dad mo siya parati yung panalo." Sabi ni Lance.

"EH WALA EH! NABABADTRIP AKO KANINA! AT ABA, MALAY KO BA NA LILIPAT PALA AKO! EH AYOKO LILIPAT KASI PAANO NA ANG BARKADA!?WALA NA KAYONG QUEEN SIGE KAYO" Sigaw ko.

Tumayo si Lance at humarap sakin at sabay lagay  niya sa dalawang braso sa beywang ko.

"Wag ka ngang sumigaw, umagang umaga nababadtrip kana. At tsaka, hindi ka namin iiwan. kahit saan kapang planeta ma lipat" Kalmado niyang sabi.

Tumawa nalang ako ng konti. This is why I love this guy. 

"Talaga? paano tayo?" Tanong ko. Eh paano na kami? hindi ko na siya makita araw- araw.

"Wag kang mag alala" sabay ngiti niya. Ayan na naman yung dimples niya!

Hinalikan ko siya sa lips. Yung smack lang ha? tapos hinalikan niya ako ulit, smack lang din. 

Napatawa nalang kaming dalawa.

"Eheem! Get a room you two" Napatingin kami sa nagsasalita, Si Jester lang pala.

Si Jester eh kaibigan rin namin. May pagka bopols din yan. Gabi - gabi kasi nasa bar, at kahit sino nalang maging girlfriend niyan.

"Selos ka lang! kasi wala kapang jowa!" Sabi ko. Nag pout lang si Jester at umupo na dun sa bar stool. Si Lance naman pumunta sa ref para kumuha ng drinks. Humiga nalang ako sa couch. 

"Ano yung narinig ko Meg? Lilipat ka ng school? Kailan?" Tanong ni Jester habang kumakain ng chicharon.

"Peste pa ulit ulit talaga!? narinig mo naman diba!" Sigaw ko dito. Natawa lang si Lance. Sanay na kasi siya sa mga kilos ko eh.

"Eto naman umandar ka na naman
Sorry na. Kailan ka lilipat?" Tanong ulit ni Jester.

"Next week daw." Sagot ko.

"Saan ka naman lilipat?" Tanong niya habang puno yung bibig nang chicharon. ew.

Na aala ko kung saan ako lilipat, nandidiri ako. Ayoko dun!

"Sa Alfea University Of Arts " Pa bored ko na pag sagot.

Narinig ko nalang na nabilaukan si Jester sa kinain niya at pag tingin ko, ayun nagkalat ang chicharon sa sahig.

Si Lance naman eh natapon niya yung softdrinks na ininom niya. At nabilaukan din.

"SURE KA DOON KA!?" Sigaw ni Lance.

-

Megan is on the screen.

Krystal as Megan
Jessica as Natasha
Lay as Lance
Chen as Jester

VOTE AND COMMENT! thanks for reading! mwa ♥

-revised

Continue Reading

You'll Also Like

27.1K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
1.2K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
1.1K 26 23
Mikha Lim lost her memories from a car accident. Desperate to regain her memories, she finds herself attracted to her lover's older sister, Aiah Arce...
175K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...