Friendshipidity (Chase #3)

By Starine

130K 4.1K 403

Friendship. That was all I wanted to have with my best friend, Sien. Matindi ang pananaw ko na kaibigan lang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
​Chapter 35
Epilogue
Mae: Jealousy Stinks

Chapter 22

2.7K 89 12
By Starine

Chapter 22
Stupidity

Hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon dahil sa dulot na kabusy-han ng pagaaral. Ngayong gabi ay may party kina Aria dahil sa pagkapasa namin nina Jesca sa battery exam. Halo halong friends at schoolmates namin ang narito.

Malaki ang bahay nina Aria kaya't hindi naging problema ang accommodation sa maraming tao. I think I saw some people from our High School, hindi ko lang maintindi dahil sa dami ng tao. I think most of them have plus ones. And speaking of plus one...

"Jescapits! Buti nakarating ka!" Ten greeted Jesca who arrived fashionably late. Talagang kumukurba na ang katawan nito, ah!

"Duh. I'm the MedTech student here?"

Hindi ako lumapit sa dalawa nang makita ko ang pamilyar na pigura sa bandang likod ni Jesca. He's wearing the jeans he usually wears on the nights we ate dinner together. Ang buhok niya ay ganoon pa rin. It's been a while.

Nagmamasid masid pa siya na parang may hinahanap. Awtomatiko akong napaatras dahil muntik na niyang mahagip ang gawi ko. Isang babae ang naatrasan ko.

"I'm sorry!" Inalok ko kaagad sa kanya ang panyo ko dahil tumapon ang kaunting inumin mula sa basong dala niya.

"Ayos lang," mabait na sagot ng babae. Itinulak niya pabalik sa akin ang kamay kong may hawak ng panyo.

Binalik ko ang tingin ko sa pwesto ni Gage kanina ngunit ibang tao na ang naroon. Siguro ay nakahanap na siya ng crowd na pakikihalubian. Inalis ko ang isip ko roon at dumating si Ten sa tabi ko.

"Kung hindi ako nagkakamali, you were checking out Gage?" Pinanliitan niya ako ng mata. "Alam ba 'to ni Sien? Naka-move on ka na ba sa kanya? Balita ko hindi pa! Ang sabi ng iba ay good terms na raw kayo at may nabubuo na..."

Kinurot ko ang pisnge ni Ten kapalit sa makahulugan niyang ngiti. Napangiwi siya.

"Alam mo ang dami mong alam. Nasaan na ba sina Elaine? Si Jesca saan pumunta?"

"I don't know. Hanapin natin."

Iginiya niya ako para ilibot sa bahay. Sa loob ay dim ang mga ilaw para magbigay ng kakaibang aura, habang sa pool area naman ay iba't ibang kulay ng ilaw ang sumasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtugan kaya't enganyong enganyo ang mga nagsu-swimming at mga nagiinom sa gilid ng pool.

Ilang kakilala na ang nakausap namin and there are still no signs of our friends. Pinakilala ako ni Ten sa mga nakilala na niya noong wala pa ako rito, habang ganoon din ang ginawa ko kapag nakakakita ako ng schoolmate namin sa Summerridge.

"Sigurado ka bang hinahanap mo sina Jesca? Baka naman iba ang nasa radar mo, Mae! Please control yourself," malakas na tumawa si Ten. She angled my face into the direction of someone who seemed to be engrossed on watching us... me... roam around.

I awkwardly introduced myself to a bunch of people who probably won't even remember me later.

"Nagle-level up ka na, hindi na si Sien lang ang gusto mo. Gume-Gage ka pa. Ang tuh-ray!" Sinundot ni Ten ang gilid ko.

"Ten, alam mo konting konti na lang ay ihahagis na kita sa pool."

"Pero hindi mo magagawa 'yon kasi kailangan mong maging magpakababae sa mata ni Gage. Talandi talaga!" Humagikhik pa ang bruha! "Kailangan ko itong i-share sa kanila. News flash! News flash!"

"NO! Ten, manahimik ka dyan!"

Mas lalo siyang nagtatalon noong nakita niya akong mag-panic. Daig pa nito ang lasing! Ihulog ko na kaya talaga ito sa pool nang mahimasmasan?

"Hindi ko naman sasabihin..."

Nakahinga ako nang medyo maayos. I don't want my friends to know what happened because it's stupid.

"...na si Gage ang target mo. Bibigyan ko lang sila ng hint na nagdadalaga ka na!"

Hinampas ko ang braso niya. "Shut your mouth, Pristine!"

"What? Uy tawad na 'yon ah! Floor price na iyon. I'll tell, but no name." Kumindat siya.

Hindi ko siya pinansin. Mabuti ay may tumawag sa kanya na kakilala from Aria's university yata. Balak pa sana niya akong ipakilala ngunit wala na akong interes.

Ang selfish ng ginawa ko kaya't ayoko ng ipamahagi ang kwento. Hindi ako natatakot na mahusgahan ng mga kaibigan ko. Madalas naman akong nagsasabi ng problema sa mga kaibigan para sabihan ako kung ano ang tama o mali at para magbigay ng payo. Ngunit si Gage na rin iyong nagsabi na itago na lang namin. I know he said that for a reason. And I wouldn't know how he'd feel if I tell the story. Iyon na nga lang ang hiling niya, hindi ko pa ba pagbibigyan?

Binalak kong lumabas papuntang pool side ngunit natigilan ako nang tawagin ako ng isang boses.

"Hi, Mae. Long time no see."

Mabagal akong lumingon.

"Gage..."

May sinabi siyang kung ano pero hindi ko narinig. Isang grupo ng mga lalaki ang dumaan sa likod ko at naghihiyawan. Dumiretso sa pagtalon sa pool ang iba habang ang natira ay nagkakantyawan. Maingay na ang music, but they're louder! Agh!

Inilapit ako ni Gage sa kanya. Inalok niya ang inuming hawak niya. I think it's just juice. Kasama niya si Jesca ngayong gabi at posibleng siya ang maghahatid dito pauwi kaya bawal talaga siyang uminom.

Kinuha ko ang baso sa kanya at tumawa siya. May konting alcohol pala na halo ito. Halos hindi ko naman naramdaman dahil sa dami ng yelo at lasa ng juice.

"Kamusta ka? Hindi ka manlang nagpaalam..."

May nag abot sa kanya ng transparent na baso. Tumango siya doon sa lalaki at tinapik ang likod nang umalis. The drink is color blue. Parehas na kaming may inumin ngayon. Iyong kanya ay may mataas na halo na yata. Napapapikit siya sa bawat inom niya habang ako ay chill lang sa inumin ko.

"Good byes s ucks." Tumawa siya. "I'm not good at it. Plus, I wouldn't know what to say anyway."

"Simpleng paalam lang okay na. Naging magkaibigan naman tayo, diba? Text text lang sana, ganon. Piso lang naman kada text, di ka na lugi."

He chuckled before taking a drink on his cup.

"Let me ask you, if you were in my place how would you say goodbye?" he challenged.

Tinaasan ko siya ng kilay. Aba't ang isang ito.

"Easy! Dahil hindi magaan iyong huli nating pagkikita ay given na iyong hindi ko feel makipagkita. Pwede kitang tawagan, that would suffice. We were friends for a short time but it meant something. And I treasure all the friendship I have with all of my friends. Isa ka roon, Gage. And I know that what happened between us wasn't just... friendship... you know."

Umiwas siya ng tingin. Napakagat ako sa labi ko. Hinintay ko siyang magsalita. For a moment ay nagpapakiramdaman lang kami. May nasabi yata akong mali.

Tumingin siya sa akin ngunit mabilis na lumihis ito ng landas. Tumagos iyon sa akin at sa may likuran ko na nakatuon ang pansin niya. Binaling ko ang ulo ko patalikod. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ko si Sien. His face was expressionless while looking at me. From the looks of it, tila kanina pa siya naroon sa kinatatayuan niya. Dahil kung kakakita niya lang sa akin ay paniguradong maayos ang mood nito at inasar na ako sa una pa lang.

Naglakas ako ng loob at hinayaan lang siya roon. Bumalik ako kay Gage. Noon lang siya napatingin sa akin mula sa pagmamasid sa likuran ko. I know he knows Sien.

"Please, Mae, stop. Stop yourself before you can say something else that will make me hope and hope for even more. If you say another word, no matter what it is may start the reconstruction of the bridge that I'm working so hard to burn. Heck, I might not even care if I'm hoping for something that's never going to happen."

"Hindi mo naman kailangang..."

"Mae, please..."

I sighed and nodded.

"I'm gonna be okay, Mae. If later you'll see me then you'll see me happy. I promise that."

Tumahimik ako at hinayaan na lang ang ingay na sapawan ang nararamdaman namin ngayon. I truly wanted to console him but I don't know how. Ako iyong nanakit, ako pa iyong tutulong sa kanyang gumaling? Ang iprokrita!

Lumalim ang gabi at nagawang ibaling ng mga kaibigan ko ang atensyon ko sa iba. Panay ang tawanan at kantyawan namin nang pilitin naming mag-suot ng swim wear si Jesca para mag-swimming. Hindi naman ako nagtagal sa pagpaligo dahil ang daming tao sa pool. But I enjoyed the balloons there!

"Aria, pagamit ng kwarto mo, shower na ako," nanginginig kong sabi. Gabi na at malamig. Hindi ko pa alam kung saan napunta iyong hinanda kong bathrobe sa sun lounger. May kumuha malamang!

"Go ahead."

Basang basa akong naglakad papasok ng mansion. Walang pakialam ang ibang napapadikit sa akin dahil miske sila ay kakagaling din sa pool. Iyong isang babaeng nabasa ko mula sa pagkakabunggo ay dumiretso na rin sa pool.

Yakap ko ang sarili ko habang umaakyat ng hagdan. Pagkataas ko ay nagkaroon na lang bigla ng tuwalya sa aking likuran. Mabilis akong hinarap ng lalaki sa kanya. Inangat niya ang mukha ko para makita ako.

"Your lips are trembling."

Tinikom ko ito sandali, "Malamig kasi."

Bumuka ang bibig niya para sana magsalita ngunit sinara niya lang ulit iyon. Binigyan ko siya ng kaunting oras para magdesisyon kung may sasabihin pa siya. Pero noong nakita kong parang wala na ay tumalikod na ako.

Ayokong magkasakit ano! Ang lamig lamig kaya.

"Ang dami kong kaagaw sayo."

Papasara na ako ng pinto ngunit nahinto ako. Mahina lang ang boses niya pero narinig ko iyon. Hindi ko na sana papansinin pero pinigilan niya ang pinto para tuluyan itong masara.

"Ano ba, Sien. Kailangan ko ng magpalit."

Hinanap niya ang mata ko.

"So you had a boyfriend already. Nice," mapait siyang tumawa.

"Sien, ano ba!"

"What? Hindi mo ishe-share sa best friend mo? Dapat honest tayo sa isa't isa, dapat updated sa mga balita. But that one didn't reach me. I wonder why."

Ang pait pait ng boses niya ngayon. Hindi ko nagustuhan. Parang bang ipinaparating niya na may kasalanan ako sa kanya.

"Kasi matagal na tayong disconnected?" umirap ako, "Wala ka ng sense, alam mo ba 'yon?"

"Magkaibigan na ulit tayo ngayon, we just have to be back to the usual."

I seriously have no time for this. Tinulak ko siya para maisara ang pinto ngunit iba ang nangyari. Ako ang napaatras. Muntik na akong mawala sa balanse kung hindi lang dahil sa kanyang braso na sumuporta sa baywang ko. Isinara niya ang pinto patalikod gamit ang paa niya.

Nang makakawala ako ay diniretso ko ang bathroom ng kwarto para maligo. Binuksan ko ang heater at tinimpla ang tubig sa kalmadong temperatura. Nagtagal ako sa loob. Halos makalimutan ko na nasa labas si Sien.

Mabuti sa loob ng bathroom na ako nakapagbihis.

"Pwede na ba nating pagusapan ang tungkol sa first boyfriend mo?"

Tinutuyo ko ang buhok ko. Kinuha ko ang hairdryer ni Aria at ginamit iyon para hindi ko marinig ang kung anong sinasabi ni Sien.

"I guess hindi pa," rinig kong sabi niya. "I'll wait."

Kung pwede lang sanang hindi matuyo ang buhok ko, eh! Talagang hinihintay niya akong matapos. Matutuyo na ang buhok ko at nandito pa rin siya.

Kinapa ko ang buhok ko para maghanap sana ng parteng basa pa, pero wala na. At doon nangialam si Sien. Kinuha niya ang dryer at tinanggal iyon sa pagkakasaksak bago humarap sa akin.

"We'll talk now."

Nainis ako. Ano bang gusto niyang mangyari?

"Sien, nakakainis ka na. You're acting like a jealous prick!"

"Bakit ayaw mong mag-kwento? Nagpapakwento lang naman ako," sabi niya at tumawa pa siya.

"Kasi wala namang dapat ikwento. If I had boyfriends already, what is it to you? I don't think I need to update you with what had happened in my life."

"I just want to be aware of all the other guys. Hindi patas kung hindi ko alam kung ako na lang ba ulit o may iba pa."

Wala akong ideya sa sinasabi niyang kaagaw niya but just this once I'm gonna own the moment.

"Dati wala! Ni Isa wala! Don't you think that maybe if you just tried to invest some feelings in me then you wouldn't have to worry about all those nonexistent competitions right now?!"

"So is it now my fault, Mae? Dahil hindi kita pinansin noon?" mahinahon niyang tanong.

Umiwas ako at bumulong ng napakaraming mura.

"What we are now, what we have right now is stupid!"

Halatang halata sa mukha niya ang pagtigas ng ekspresyon. Ginulo niya ang buhok niya dahil sa frustration.

"No! What isn't right is holding yourself back from what you really want. Alam kong gusto mo rin ito pero natatakot ka na masaktan kita ulit. But let me remind you, Mae. Hindi ko ginustong saktan ka noong una. You were the one responsible for that first heart break, I'm not. We've established friendship and only that."

Hindi niya ako binigyan ng oras para makapagsalita. Humakbang siya palapit at nagtuloy sa sinasabi.

Nanghihina ako. He has a point. Ako lang iyong laging mali. Kasi ako naman ang unang umasa. He's right when he said that I was the one responsible for my heartbreak.

"But know this, I'm sorry if I was giving you mixed signals back then. Those were my attempts in knowing if I had a chance with you, but every time I try... you reject me. What was I supposed to feel? I'm scared to lose our friendship! Mas uunahin ko pa ba ang feelings ko at ipursige iyon kahit na ang bunga ay ang posible mong pagkawala? I'm not that stupid."

"Maybe you're not. Maybe what's really stupid is our friendship," I said in a small voice.

"Hindi sa ganon. Mae, please..."

Kinuha ko ang gamit ko at lumabas. Was that a fight? Agh! I don't know!

Continue Reading

You'll Also Like

326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1M 33.1K 57
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Cyr...
14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...