Masasabi ko na nitong huling araw eh mas naging strong ang bond ng barkada namin. Hindi nila ako iniwan kahit kelan. Siguro nga mas okay narin yun kasi at least kahit papaano, nakayanan kong tumayo ulit at tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Yun nalang siguro ang best, for now.
“Yo, Andy.”
“Ikaw pala. bakit?”
Umupo siya dun sa tapat ko. Nasa may gym kami ngayon, practice kasi ng volleyball. Next week na kasi championship.
“Wala lang, nangangamusta lang.”
Nginitian ko naman siya habang nag-aayos ng knee pads.
“Wala na kayong laban?”
Bihira ko nalang kasi talaga makitang nagpapractice yung varsity ng boys eh.
“Wala na. Sad to say, nasa 3rd place lang tayo. Sa boys division.”
“Ahh, ayos lang yan.” inayos ko naman yung suot ko nun tapos tumayo na. “Ah, sige pala. Practice na kami eh.”
“Andy saglit.” nilingon ko naman siya. “Bukas, kelangan kitang kausapin.”
“For what?”
“Basta..”
O-K. Ang weird niya. Tumango lang ako sa kanya tapos nun eh nakijoin na sa practice namin.
Todo training talaga kami hanggang gabi nun. Paguran kung paguran talaga. Gusto kasi namin maging champion eh. for 3 years kasi eh 2nd lang kami. This year, gusto naming baguhin.
Pagtapos ng practice naligo naman ako kaagad. Grabe, feeling ko masyadong nabugbog ang katawan ko. Sino ba namang hindi mabubugbog, eh magrecieve ka ba namang ng 5 spikes sunud sunod tapos kapag hindi mo nasalo eh magpupush ups ka o kaya maglalaps ka. Wow, pamatay talaga.
Pagkaayos ko ng gamit eh lumabas na ako ng court. Medyo natakot pa nga ako nun kasi gabi na. magpapasundo pa pala ako kay manong.
Kinuha ko naman phone ko nun tapos nagtext na.
“AHHHHH!!!” napatalon talaga ako nun kasi may bigla ba namang lumabas mula sa may madilim na part! Pagkatingin ko…anak ng tipaklong naman oh! Si Kit lang pala!
Wait, si Kit?! Anong ginagawa niya dito?
“Ang lakas mo tumili.”
“Bwisit ka! Tinakot mo ko!” pinalo ko siya nun tapos siya eh ngumiti lang. Napahinga lang ako ng malalim nun tapos naglakad na ulit.
“Saan ka?”
“Malamang uuwi na!”
“Bakit ang sungit mo?”
“Kasi nanggugulat ka!”
“Ganoon ba?”
Bwisit na ito ah! Ang kulit! “Ano ba kelangan mo?”
“Ihahatid kita”
Nilagay ko naman yung kamay ko sa harap niya para patigilin siya sa paglalakad. “No thanks. May sundo ako.” nagulat nga ako kasi bigla lang siyang napatingin sa kamay ko. Tinignan ko rin naman yung tinitignan niya tapos saka ko lang narealize, yung ring. Hindi ko pala suot.
Tinago ko kaagad naman yung kamay ko sa likod ko tapos naglakad na. Hindi na niya ako sinundan pa pagkatapos nun. Mabuti narin yun. I think.
*****
The next day maaga ako nagising. Ewan ko ba, excited rin siguro ako dun sa sinasabi ni Omar na may kelangan siyang sabihin. Weird nga eh.
Maaga naman akong nakapasok ng school at pinuntahan kaagad siya sa room niya. Hindi rin halatang atat no?
Pagdating ko naman dun eh wala pa siya. Bumalik nalang ako sa room namin tapos nakipagchikahan nalang sa classmates ko.Hanggang sa magbell eh hindi ko parin nakakausap si Omar. Ano na kaya nangyari dun?
Lumilipad isip ko nung klase. Partly worried kung anong meron kay Omar at partly naman excited dun sa kung ano man yung sasabihin niyang iyon. By lunch time, ako nga siguro yung pinakaunang lumabas. Diretso naman ako sa classroom nila.
“Ikaw Andy ha. Kanina ka pa pabalik balik dito.”
Aba, nang-asar pa ang loko. “AY nako. Asan nga kasi?”
“Ewan ko rin eh. Hindi kasi siya pumasok kanina. Masyado naman yatang late na para maghalf day siya. Siguro absent.”ganun? Nagthank you lang ako sa kanya tapos dumiretso dun sa canteen.
Nagtaka talaga ako. Sabi niya may kelangan siyang sabihin pero mag-aabsent lang pala siya. Naku naman, ano ibig sabihin nun?!
Hindi ko na siya masyadong pinroblema pa. baka maimbyerna lang ako kapag masyado kong inisip eh. Siguro mamaya ko nalang aalamin.
Mabilis lang lumipas yung oras. Puro activity kasi eh tapos syempre, gawaan na ng mga project. Ang saya rin no? Not.
Nung dismissal eh tuwang tuwa ako kasi tapos na ang pagpapahirap sa amin. Saka syempre, malalaaman ko narin kung anong nangyari kay Omar.
Tatawagan ko na siya dapat nang bigla kong maalala na grounded parin pala siya at yung punishment niya eh sa Friday pa matatapos. Lumapit naman ako sa ibang friends niya sa class at nagtanong kung saan bahay niya. Alam niyo kung anong sagot?
“Bakit? Aakyat ka ng ligaw? Sorry, hindi ko alam eh. Tanong mo nalang kay Kit..” kung hindi yan eh ganito ang sasabihin nila.
“Si Kit tanungin mo. Kaibigan niya yun diba?” So ang labas, no choice rin pala ako.
Hinanap ko naman kaagad si Kit nun at syempre, saan ko pa siya matatagpuan? Eh di sa may SC office. Nakita ko pa ngang nakaabang rin si Kat sa labas eh. Ang sakit nga eh pero syempre, tinry ko nalang na dedmahin.
“Anong ginagawa mo rito?”
Mukhang gulat na gulat pa yata siya na makita ako. Ganoon ba talaga ako kadalang na hanapin siya? Oh, oo nga pala. INIIWASAN ko pala siya.
“Tanong ko lang sana kung saan nakatira si Omar?”
Halata mong nagulat siya nun pero tinry niyang itago. “Bakit?”
“May sasabihin daw kasi siya dapat sa akin eh pero hindi siya pumasok. Nag-alala lang ako.” tumango lang siya nun, yung mukha niya walang kareareaction.
Kumuha siya ng papel tapos nagsimulang magsulat. Pagtapos nun eh inabot niya sa akin yun. Nagthank you naman ako sa kanya tapos ngumiti lang kay Kat.
Agad naman akong umalis na at nagpahatid dun sa driver namin. Medyo malayo layo rin siya kaya inabot kami ng 30 minutes bago makarating dun.
*ding dong*
May sumagot naman kaagad at sabi sandali lang daw. Ilang sandali lang eh bumukas na yung pintuan.
“Ano po yun?”
“Ahm, si Omar po?”
“Ay, si ser Omar? Ano pong kelangan niyo sa kanya?”
“May tatanong lang ako..”
“teka lang hu ma’am ah.”
May parang tinawag pa siyang kasamahan niya tapos pumasok sa loob. Mga ilang minuto rin siguro akong nakatayo dun bago nila ako papasukin.
“Pakiantay nalang po dito si ma’am.”
“Ma’am? Eh si Omar---” pero hindi na ako nakatapos magsalita kasi bigla nang umalis yung babae. Wow, nice one.
Ang laki rin ng bahay nina Omar. Mansyon nga eh. feeling ko tuloy yung tawagan nila dito eh senyorito at senyorita.
“Ikaw ba yung naghahanap sa anak ko?”
Yikes! Nanay pal niya yung ma’am na sinasabi.
Tumayo naman ako tapos tumango lang. pagkababa nung babae eh nginitian lang ako tapos pinaupo ako. “Kaibigan ka ba ni Omar?”
“Ahm…opo.” nag-alinlangan pang magsalita yung mama niya tapos tumingin pa sa gilid. Para bang iniisip na may nakabantay sa amin.
“Sorry hija ha…nagpagsabihan kasi ako ng asawa ko na bawal makipagkita sa kahit na sino si Omar. Siguro sa Friday mo pa siya makakausap.”
Nagulat naman ako dun. Ibig sabihin ba nun eh bawal rin pumsok si Omar?! Grabe naman yun! That’s too much!
“Karugtong po ba yan ng punishment niya? Sana naman po bawas bawasan. Alam ko naman pong grabe yung nagawa niya pero I think that’s too much.”
Ngumiti lang sa akin yung babae tapos humawak sa kamay ko.“Kung ako lang sana ang masusunod sa pamamahay na ito eh matagal ko nang ginawa iyan. Kaso hindi…”
Tumango lang ako nun. Ganito pala kahigpit sa bahay nina Omar. “Ano po bang nagawa niya at nagalit po yung dad niya?”
“Nalaman kasi ng mga kasosyo ng daddy niya yung nangyari sa inyo. Sobrang nagalit ang asawa ko. Pangalawa si Omar sa kanilang 3 magkakapatid. Puro lalaki pa man din. Yung pinakamatanda eh graduate na at may sariling malagong business. Yung mas bata naman eh parating honor. Kaya parating pinepressure ng asawa ko si Omar.”
“Ang hirap pala ng kalagayan niya ngayon...”
May bigla naman kaming narinig na kotse sa labas at mukhang naalarma pa yung mommy ni Omar. “Sige hija, mauna ka na. Baka pagalitan kasi ulit si Omar.” tumango lang ako nun tapos dun na ako sa likod pinalabas. Baka kasi mahuli ako ng dad ni Omar eh. nakakatakot talaga.
Dahan dahan pa akong naglalakad nun, patingin tingin kung andiyan yung tatay. Siguro nga dahil sa sobrang concentrate ko eh hindi ko na napansin yung tao sa likod ko. Nalaman ko lang na meron nang…
*OOOOOMPH*
“Anong ginagawa mo rito?”