Infinite Eyes (Book 1 of Eyes...

By VentreCanard

19.4M 628K 130K

What is the happiest and saddest part of my life? Happiest was the moment he opened his beautiful eyes on me... More

Prologue
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue

Chapter 25

237K 8K 992
By VentreCanard

Thanks @Jahmcrisian9189  :)


Chapter 25


Buong akala ko ay manlalaban pa sa akin ang grupo ni Ditzy pero mukhang nalinawagan na ang kanilang mga utak sa pagkakataong ito. Tanging si Ditzy na lamang ang gustong pumatol sa akin pero dahil nabahag ang mga buntot nang kanyang mga alipores ay hindi na sila lumaban pa sa akin.

Mas mabuting pinili nilang umatras at umismid na lamang sa lahat ng mga sinabi ko, dahil hanggang sa pinaka katiting na salitang binitawan ko para sa kanila ay walang halong biro. Kung anumang ibinato ko sa kanila kanina ay maaaring tumama sa kanilang mga mukha kung lalo nilang sinagad ang aking pasensiya. Hindi nila ako masisisi, hindi magandang pag initin ang ulo ng isang Hidalgo.

May mga pagkakataong kaya kong masikmura ang mga masasamang salitang ibinabato nila sa amin ni Florence pero sa pagkakataong ito, mukhang hindi ko na ito kayang sikmurain. Lalo na nang marinig kong ginamit ko lang daw si Florene para lamang mapalapit kay Tristan Ferell.

What the hell is that?



Kanina pa silang nakalabas ng biology room habang ako ay nanatili dito. Sinimulan ko na rin pulutin ang mga piraso ng bugbog ng nabasag na beaker na kanina ay ibinato ko sa kanila. Pasalamat sila dahil hindi ko ito pinadaplis sa isa sa kanila sa kabila ng init ng aking ulo.

Habang namumulot ako ng basag na piraso ay naramdaman kong may nakatitig na sa akin mula sa aking likuran. At dahil hindi na ako bago sa kanyang presensiya lalo na sa pamilyar niyang pabango ay hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagpupulot nang mga basag na bubog.



"What happened here Lina?" nanatili akong hindi lumilingon sa kanya habang panay pa rin ako sa paglimot ng bubog.



"Something unnecessary" maiksing sagot ko.



"Like? Do you mind explaining it to me?" saan naman kaya niya agad nasagap ang balita?

Bago ako tumayo ay inalagay ko na sa panyo ko ang mga basag na piraso ng beaker.



"Just some cat fights Tristan, natural na 'yon hindi ba? Saan mo naman agad nabalitaan ang nangyari?" natatawang tanong ko sa kanya.



"Ditzy and her gang are now complaining at discipline's office. Baka magcommunity service ka na naman. Hindi mo ba sila pwedeng iwasan Lina? Huwag mo na lang patulan ang grupo nila, they're all here to mess up those girls happened to be prettier than them. Ikaw ang talo kung papatulan mo pa sila" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tristan Ferell. Nagpunta ba siya dito para pagalitan ako? Hindi niya ba alam ang sinasabi niya? Bakit ko hahayaan ang mga babaeng 'yon sa mga kalokohan nilang pinaggagawa para sa kaibigan kung kaya ko naman silang pigilan? Hindi lang si Florence ang sinasabihan ng masasama, kahit ako ay kung ano na ang ibinabato sa akin. Masasanay silang manira ng ibang tao at kung walang kikilos para bigyan sila nang leksyon. At kung hahayaan ko lang sila, maaaring hindi lang kami ni Florence ang mabiktima sa kakitidan ng mga utak nila.



"Sinasabi mo ba na hayaan ko na lang silang dalhin nila sa lugar na ito ang kaibigan ko? Can't you see? This place is full of black mannequins. Alam kong ikaw ang mas higit na nakakaalam kaysa sa akin kung bakit hindi maaaring makarating dito ang kaibigan ko" kumpara sa nalalaman ko, alam kong mas higit na maraming nalalaman ang mga Ferell sa nakaraan ni Florence. And I can't act like a goddamn dumb friend pretending that I don't know anything about my friend's real situation.

Sa tuwing nakatalikod siya, dito ko siya natutulungan. Dahil hindi ako ang tipo ng tao na kailangan pang ipinapangalandakan ang mga bagay na ginawa para mapatunayan lamang ang salitang 'kaibigan' I can always help her and pretend that I didn't do anything. Because I believe that flaunting your good deeds is a kind of hypocrite act.

Nakita kong bahagyang iginala ni Tristan ang kanyang mga mata para makumpirma ang mga sinabi ko.



"Pero hindi mo kailangang manakit Lina. Wala silang laban sa'yo. You know that they are all weaklings compared to you. Just don't mind them" lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit minsan ay hindi ko pa nasasabi sa kanya na bihasa ako sa mga bagay na hindi normal para sa isang babae.



"What do you mean Tristan?" namulsa siya at nanatili siyang nakasandal sa hamba ng pinto.



"I have seen that room Lina. Hindi dancing ang sinasabi ni Ace na training noon hindi ba? Nahaplos ko na rin ang ilang parte ng katawan mo. That's why I did confirm that the mirror room is not just for your brother but also for you. Your body is too firm for a normal girl Lina. At alam kong maaari mong mabalian nang buto ang mga babaeng 'yon, na ayokong gawin mo" kung ganoon ay napasok niya ang training ground ng bahay namin. Sa papaanong paraan?



"Wait? Pinasok mo ba ang kwartong 'yon Tristan? How?" papaano siya nakapasok sa kwartong 'yon? Tanging fingerprint lang ng pamilya namin ang binabasa nang pintuan nito.



"Nakabukas?" sagot niya sa akin. Kailan pa naiwang bukas ang training room na 'yon? He's lying.



"That room is not just worth a million. Mukhang mas mayaman pa pala kayo sa pamilya namin" napaismid na lang ako sa sinabi ni Tristan. Kailan pa kami yumaman nang higit sa mga Ferell?

Magsasalita pa sana ako nang magsalita muli si Tristan Ferell.



"Anyway, just listen to me"



"Pinapagalitan mo ba ako Tristan? Hindi ko naman sila sinaktan. Tinakot ko lang sila, bakit kung makapagsalita ka sa akin ang laki na nang kasalanan ko. Nagrereklamo ba ako sa'yo kapag napapaaway ka?" iritadong sabi ko sa kanya.



"Hindi kita pinapagalitan Lina. Sinasabihan lang kita ng tama. You can't be aggressive like this, they might notice yo--" hindi na naituloy ni Tristan ang sasabihin niya nang mukhang may naalala siyang hindi dapat sabihin sa akin.



"Notice me by whom?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Nadulas siya sa sarili niyang bibig.



"Alright. I think I need to go Lina. Mag aaway lang tayo" mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa ibabaw ng aking ulo.



"Hindi muna kita maihahatid ngayon. May dadaanan lang ako" tumango na lang ako sa kanya bago siya umalis ng biology room.



Isa lang ang masasabi ko sa relasyon namin ni Tristan Ferell. Punong puno ito ng mga katanungan na hindi ko alam kung papaano ko sasagutin.



Tulad nang inaasahan, uuwi nga ako mag isa dahil walang maghahatid sa akin. Hindi ko rin naman pinupwersa si Tristan na lagi akong ihatid sa pag uwi dahil nakakauwi naman akong mag isa noon. Hanggang sa makarating ako sa bahay, laman pa rin ng isipan ko ang mga sinabi ni Tristan. Sinong makakapansin sa akin? Papaano niya nalaman ang kwartong 'yon ng bahay namin? Hindi ba at kwarto ko lamang ang pinasok niya nang gabing 'yon?



"Lina, kung ano na naman 'yang iniisip mo mamaya mo na isipin. Kumain ka muna utang na loob, tulalang tulala ka kapatid. Nawawalan ako nang ganang kumain" ismid na sabi ni kuya bago ito muling sumubo ng pagkain. Nawawalan ng gana huh?



"Is it okay if I borrow your car kuya? Aalis ka ba ngayon?" tanong ko kay kuya na nangunot ang noo sa akin.



"Where are you going?" mabilis na tanong niya sa akin.



"Sa mall? Madali lang ako kuya, may bibilhin lang ako" pamimilit ko sa kanya.



"Sasamahan na lang kita" napairap na lang ako.



"No kuya, hindi na kailangan madali nga lang ako"



"Baka naman tatagpuin mo na naman ang Ferell na 'yon. I told you, he's not good for you. Kapag naikama ka na ng gago paniguradong mawawala na siya ng parang bula" ngising sabi niya sa akin. Ngayon naman ay ako ang nangunot ang noo.



"Huwag mo siyang igaya sa'yo kuya. Dahil sa pagkakatanda ko, ikaw ang tanyag sa salitang 'hit and run'. Hayaan mo na kuya, tanggap pa rin naman kita kahit ganyan ka" agad inabot ni kuya ang ilong ko at madiin niya itong pinisil.



"You're so cute. Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko. Hanggang eight thirty ko lamang ipapahiram ang kotse ko. Hindi kita titigilan sa kakatawag kapag lumampas ka sa oras" magpapahiram din naman pala. Haist.Nagmadali na akong tumayo at mabilis ko siyang niyakap.



"Thank you so much! Uuwi agad ako" halos takbuhin ko na ang sasakyan ni kuya para makasakay dito. Dahil marunong naman akong magmaneho, hindi na problema sa akin ang driver. I can always drive a car, buti na lang at pinapag aral ako ni Daddy sa isang driving school.

Hindi ko alam kung ano na naman ang naiisipan ko. May kung anong nagtutulak sa akin na magpunta sa mansion ng mga Ferell. Nandito na kaya si Tristan? Pero sabi niya ay may dadaanan daw siya, saan naman kaya 'yon? Alam kaya ng mga pinsan niya kung saan siya pupunta?

Pinili kong iparada ang sasakyan ni kuya hindi kalayuan sa napakataas na gate ng mansion ng mga Ferell. Papasok ba ako? Bakit ko nga ba naisipan na pumunta dito? Dahil ba hindi na ako sanay na hindi ako inihahatid ni Tristan? Akala ko ba okay lang sa akin? Damn.

Halos sabunutan ko na lang ang sarili ko. Naguguluhan na ako sa takbo ng utak ko.



Sa katititig sa kulay itim na gate ng mga Ferell ay hindi ko na namalayan na nakatulog na akong nakasubsob sa manibela ng sasakyan. At nang magising ako ay agad akong naalarma nang makitang sobrang dilim na ng buong kapaligiran. Ilang oras ba ako nakatulog?

Nagmamadali kong kinuha ang telepono ko na may napakaraming missed calls mula kay kuya. At habang nag iisip na ako nang sasabihin sa kanya ay bigla na itong nag ring kaya wala akong pagpipilian kundi sagutin ito.



"God! Ano na ang nangyari sa 8:30 Linnalyn Isabelle Hidalgo?! Mag aalas dose na! Nasaan ka ba? Nandyan ka ba sa mga Ferell?!" galit na salubong sa akin ni kuya.



"I'm so sorry kuya! Nakatulog ako sa sasakyan, wala ako sa mga Ferell promise! Uuwi na ako" nangangatal kong inistart ang sasakyan.



"Umuwi ka na agad! Hahanapin kita sa mga Ferell! Isusumbong na talaga kita kay dad at mom, nakilala mo lang ang Ferell na 'yan natututo ka nang umuwi ng gabi" napapikit na lang ako sa pagmumura sa akin ni kuya.



"Sige na. Uuwi na ako, mamaya mo na ako pagalitan" sisimulan ko na sanang paandarin ang aking sasakyan nang mapansin ko na dahan dahang nabubuksan ang gate ng mga Ferell. May lalabas pa ba nang ganitong oras sa kanila? Dapat ay natutulog na sila, hindi ba?

Nang tuluyan na itong nabuksan ay may lumabas na itim na motor. At nakikilala ko agad ang lalaking nakasakay dito kahit na natatakpan ng itim na helmet ang kanyang mukha. Sa pangangatawan pa lang niya at sa paraan nang kanyang pananamit ay kilalang kilala ko na siya. I have seen this style of his.



"Where the hell are you going Tristan?" natanong ko na lamang nang makitang pinaharurot ni Tristan ang kanyang itim na motor.

Sa halip na bumalik sa bahay ay pinili kong sundan ang mabilis na pagpapatakbo ng motor ni Tristan. Saan siya pupunta sa ganitong kalalim ng gabi? Ito ba ang dahilan kung bakit lagi na lang siyang tulog?



Dahil hindi rin naman biro ang sasakyang ito ni kuya ay mabilis nitong nahabol si Tristan. Pero nanatili pa rin akong nakadistansya sa kanya para hindi niya ako mapansin. At habang tumatagal ako sa pagsunod sa motor ni Tristan napapansin ko na lumalayo na kami mula sa Leviathan. Saan ka ba papunta Ferell?

Sa kasusunod sa kanya, nakarating ako sa isang hindi pamilyar na lugar na may napakakipot na daan. Maging ang ilaw nito sa bawat poste ay talagang nakakasakit sa mata dahil nagkukulay pula ito. Ilang beses pa akong muntik nang mapasigaw nang mga ilang lalaking lasing na kumatok at nagtawanan sa kotse ko. Akala ko ay dahil tinatakot nila ako, pero napahinga ako ng maluwag nang malamang natutuwa lamang ang mga ito sa kanilang repleksyon sa bintana.



Nang iparada na ni Tristan ang kanyang motor sa hindi kalayuan at bumaba na siya dito. At halos mapanganga at mapahanga kay Tristan Ferell sa paraan nang pagtatanggal niya ng kanyang helmet. Higit pa siya sa mga action star na napapanuod ko sa tv. Damn. Boyfriend ko ba talaga ang lalaking ito?



Nagkalat ang mga taong hindi ko maintindihan ang mga hitsura, may mga nag iinuman sa isang tabi, nagsusuntukan, naglalaro ng balisong at halos ilang beses akong napairap nang may makita pa akong dalawang pares ng babae at lalaki na naghahalikan at mas tama ba na sabihin ko na higit pa dito ang kanilang ginagawa? Wala man lang ba na kwarto dito? Gumagawa sila ng live show.

Anong klaseng lugar ito? Anong ginagawa ni Tristan sa ganitong klaseng lugar?



Nang mapansin ko na tumingin sa sasakyan ko si Tristan ay nagmadali akong yumuko kahit alam kong heavy tinted ito. Fuck. Napansin niya na kaya ako? Hindi pa naman siguro niya nakikilala ang sasakyan ni kuya.



Nang muli akong tumingin ay naglalakad na siya patungo sa isang hindi kataasang gusali na parang anumang oras ay guguho na. Anong gagawin niya sa lugar ito?

Habang naglalakad siya nang nakapamulsa ay nagbibigay daan sa kanya ang mga taong nakakasalubong niya na parang isang malaking kasalanan kung aksidenteng may makabangga sa kanya.

What the hell is this?



Nang tuluyan na siyang makapasok ay ilang beses akong napabuntong hininga. Nag aalinlangan ako kung lalabas ba ako o hindi. Sa hitsura nang mga taong nakikita ko ngayon, hindi malayong may hindi magandang mangyari sa akin kung basta na lang ako lalabas. Pero gusto kong malaman kung ano ang nasa loob ng gusaling ito at kung bakit ang isang Tristan Ferell ay magpupunta dito sa ganitong oras na gabi.

May kinalaman na ba ito sa lahat nang mga katanungan ko? Ang mga nakaitim na lalaking nakita namin sa ilog, ang mga taong mukhang kilala ako at ang hinihintay kong kasagutan mula kay Tristan. Nandito na ba sa lugar na ito ang kasagutan?



Hawak ko na ang handle ng pinto ng sasakyan nang magulat na lang ako nang may kumalampag na napakalakas sa unahan ng aking sasakyan. At halos manlaki ang mga mata ko sa mga matang nakatitig sa akin na tagusan sa heavy tinted windshield ng kotse. Bakit parang nakikita niya ako?



Nakatuon ang mga kamay ni Tristan sa unahan ng aking sasakyan. Fuck. Napakagat labi na lang ako sa kabila nang kaba sa aking dibdib.



Why all I can see is his goddamn hotness?



"Mind showing me your face, sexy stalker?"



--

VentreCanard



Continue Reading

You'll Also Like

916K 99.1K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
79.1M 1.5M 60
"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase...
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
11.4M 426K 47
Mia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start t...