100 DAYS?!?

By whenimetyou

305K 2.3K 204

We’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we... More

100 DAYS?!?
Prologue
chapter 1
Chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 59
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
Epilogue

chapter 40

3.2K 22 1
By whenimetyou

Am I dreaming? Totoo ba talaga itong nakikita ko? Nilapitan ko yung painting tapos mas lalo akong nagulat. Halu halong emosyon yung mga naramdaman ko. Tuwa, pagtataka at pagkagulat. Grabe, bakit siya magpipinta ng ganito?

Nasa canvas sa harap ko eh 2 taong nakatalikod at magkaakbay. Hindi mo makikita yung mga mukha nila pero sigurado akong kami yan nung nasa sementeryo palang kami. 

Napatingin naman ako sa parang post it dun sa gilid ng canvas. May message?

“We must take risks in order for things to happen. Don’t wait for that important thing for you to disappear before you take action. Life is too short. We must not hide what we truly feel nor live on those ‘what if’s? alone’.”

Naks naman. Sosyal naman niyang message na iyan. Ano kayang gusto niyang iparating?

Umupo muna ako dun sa harapan ng painting. Kakaiba yung naramdaman ko nung mga oras na yun. Feeling ko bumalik yung hindi ko maintindihang pakiramdam. 

Lumabas na ulit ako ng art room. Hindi ko na talaga nagugustuhan itong nararamdaman ko. Hindi siya pwede. Hindi. Imposible talaga. 

Diba? :’(

Pumunta ako sa classroom namin at iniwan yung bag ko dun at lumabas muli. Dumiretso ako sa fields para makapag-isip isip rin naman. Umupo ako dun sa ilalim nung isang malagong puno at isinandal yung ulo ko. 

Hay, bakit ba ganito? Bakit ba kelangan maging kumplikado ng buhay ko? Oh baka naman ako lang ang gumagawa ng kumplikasyon? Ah ewan! Hindi ko na talaga maintindihan.

*****

May naramdaman akong biglang gumalaw sa tabi ko. Teka, anong meron? Dinilat ko yung mata ko tapos medyo nasilaw pa ako kasi ang liwanag na. 

ANO?! Maliwanag na?! Bigla naman akong napaayos ng upo at tumingin sa paligid. May mga nagsosoccer na mga lalaki dun sa fields. Whew, akala ko lagpas bell na. 

“Did you know na naghihilik ka pala?” naman, bakit ba lahat nalang nagsasabi na naghihilik ako? Baka nga totoo? No!! impossible!

“Omar?!” ngumiti siya sa akin tapos nun eh nag lean.

“Ganda naman ng extension ng bedroom mo. May touch of nature pa. Pati ako nadamay at naging unan.”

Napatawa lang ako sa kanya nun. Pero teka nga, wala naman siya kanina diyan ah?

“Wala ka naman dito nung nakatulog ako ah?!”

“Wala nga. Pero sa tingin mo ba eh hahayaan kitang tulog diyan at defenseless mula sa mga masasamang elemento sa paligid mo?” asuuu…may elemento pa siyang nalalaman. If I know ha!

“Yeah sure. Anong oras na?”

“It’s 6:30 a.m. Grabe ka ah. May pagkaearly bird ka pala. Naabutan kita dito eh mag 6 palang. Anong oras ka ba pumasok?”

“Dunno, 5:30 yata?”

Umiling iling naman siya nun tapos pinalo ko lang siya. Sabay naman kami nung umakyat kami papuntang classrooms. Nagkatinginan nga yung mga tao sa amin eh. Naku, mga tsimoso. Naghahanap na naman siguro ng itsitsismis. 

“Ge, una na ako.” aalis na sana ako nun kaya lang hinigit niya bigla yung kamay ko.

“Hep, ano ka? Ihahatid kita no.”

“ngek. As if naman may mangyayari. Wag na no! babalik ka pa dito ulit niyan. Kaya ko na,”

“Nope. Hindi ako papayag.” napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga bang choice ko? 

Nagkatinginan sa amin lahat ng taong nadadaanan namin. Yung iba eh mag-uusap pa, akala siguro hindi maririnig. 

“Wag mo nalang silang pansinin.”

Tumingin naman ako kay Omar at tinaasan siya ng kilay.“Hindi naman eh.”

“Good.”

Finally, nakarating rin kami sa classroom namin. Umalis narin naman na si Omar nun at ako eh diretso lang sa may upuan ko. 

“Andy, nanliligaw pala sa iyo si Omar?” bigla naman napatigil sa mga ginagawa nila sina Vince at Marla.

“HINDI NGA?!” napatingin pa nga sa amin yung mga kaklase namin pero syempre, dedma lang. bayaan mo sila. 

“eH?!? Hindi ah! Ano ba kayo! Kung may manliligaw man lang sa akin eh malamang kayo una makakaalam.”

“Saka nga diba mga sis, taken na yang si Andy. Nakaset na ang future niya diba?”

Napatingin naman ako kay Kat nun at napansin na parang lumungkot yung mukha niya. Kelangan ko talagang ituloy na itong plano ko. 

Buong araw eh hindi ako nakinig sa teacher. Bait kong bata no? Well, masyado kasi akong busy sa pag-iisip ng plano para sa operation KitKat ko. Syempre, ngayon eh dapat mas maingat na ako. Hindi na pwedeng gawin yung same mistakes nung nagawa ko nung si Myka palang yung minamatch make ko. 

Umabot na ng dismissal at wala parin akong matinong naisip. Badtrip nga eh, pero ayus lang, siguro itatake ko nalang yung mga chances na nakalahad sa harap ko instead of planning. Minsan kasi talagang sablay mga plano ko eh.

“Yo, Andy.” napatingin naman ako dun sa may pintuan at nakita na andoon si Omar. Ano na naman kelangan nito?

“Uy, andiyan ka pala.” inayos ko na yung gamit ko tapos tumayo na at lumapit sa kanya. “Anu kelangan mo?”

“Wala lang. nakikisabay lang.” Natawa naman ako. Bakit siya sasabay eh mas malapit nga yung stairs sa room nila kesa sa amin na nasa dulo eh.

“Nyak, bakit naman? Mas napalayo ka nga sa stairs niyan eh.”

“Wala lang.” tapos nag grin naman siya sa akin. Naku, ang weirdo nitong taong ito. 

Naglakad naman na kami nun. Nagpasama ako sa kanya sa locker kasi may nakalimutan pa akong kunin na gamit ko.“Pahawak naman oh.” tapos inabot ko sa kanya yung bag ko. Hindi kasi ako makakilos ng maayos eh kasi mabigat.

Kinuha naman niya yun tapos binuksan ko na yung locker ko. Marami rin akong kinuha na notebooks at books, bakit ba kasi hindi ko pa ito inuwi nung isang araw eh. 

“Oh, akin na. Ayos na.” kukunin ko na sana yung bag pero bigla naman niyang nilayo mula sa akin.

“Hep. Ako na magdadala nito. Marami kang dala oh.”

“Asus, para namang hindi ko kaya eh. Akin na nga.”

“Ayaw.”

“Akin na.”

“No.”

“Akin na.”

“No.”

“Akin na.”

“No.”

“Akin na.”

“No.”

UGH!! ANG KULET!

“Dali na Omar..”

“Ayaw ko nga eh.”

“Bahala ka nga..” at pagtapos nun eh naglakad na ako. Hindi niya bibigay bag ko? Fine. 

Nakaabot rin naman siya sa akin tapos sabay kaming naglakad. Nagdadadaldal pa nga siya dun eh pero syempre dedma ko lang. Galit yata ako diba?

“Huy, pansinin mo naman ako.”

“...” yeah, that’s right Andy. Give him the silent treatment.

“Look, hindi naman yata tamang tignan kasi na marami dala mo tapos hindi man lang kita tutulungan so wag ka na magalit okay?”

Tinignan ko lang siya tapos nagpuppy dog face pa kaya naman natawa ako. Ang pangit niya! Wahahha. “Wag ka ngang gumanyan. Ang pangit mo eh.”

“Ouch naman Stripes! Ako? Pangit? Tagos yun ah!” nag-inarte pa siya tapos hawak hawak niya yung dibdib niya. Asus.

“Arte mo!” pinalo ko naman siya ng malakas.

“hindi mo lang ako sinaktan emotionally, pati physically! Naku, para kang amazona, ang sakit mo mamalo!”

Tinawanan ko lang siya nun. Pagkarating namin sa may gate eh napatigil ako sa nakita ko. Nanlaki pa nga yung mata ko eh kasi…ewan. Hindi ko rin maintindihan.

“Oh bakit ka tumigil?” nilayo ko yung tingin ko para hindi malaman ni Omar yung dahilan pero too late na.“Mukhang..mukhang bumabalik yung spark nila ah…”

Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ito ang nararamdaman ko? Diba nga dapat mas maging masaya pa ako? Bakit…bakit angsakit?

“Tara…bigyan na natin sila n-ng privacy.” feeling ko anytime eh maiiyak ako. Nakakainis talaga. 

Bakit ba ako nagkakaganito?!

Continue Reading

You'll Also Like

92.9K 2.5K 25
Naniniwala ba kayo sa signs? Sa tadhana? May pag-asa ba talagang magkatuluyan ang dalawang tao dahil dito? SIGNS | Vicerylle [Completed] Written By:...
234K 4.9K 47
We met through facebook, knew each other through chat. Could this be love? Jhobea fanfic. 🌻 Thank you for helping me reach the top spots/ranks of t...
559 132 18
hindi ikaw ang magiging paksa kung wala kang ginawa, hindi ikaw ang magiging paksa kung walang nakikita't nadarama iyan, ikaw, siya, at sila ay maari...
61K 3.4K 32
A story of family, friendship and unexpected love. This is an AU story. The main characters that will be used here are: RJ Faulkerson Maine Mendoza J...