100 DAYS?!?

By whenimetyou

305K 2.3K 204

We’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we... More

100 DAYS?!?
Prologue
chapter 1
Chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 59
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
Epilogue

chapter 38

3K 21 2
By whenimetyou

Sa bahay na namin ni Kit ako umuwi ngayon. Wala na kasi akong uniform dun sa bahay eh kaya mahirap na. Kung maglipat naman ako eh baka isipin nila na may problema. 

Ang weird siguro ng feeling na maging invisible no? Andiyan ka nga tapos hindi ka naman pinapansin. Galit pa nga siguro siya sa akin obviously. Hindi nga siya makatagal ng kasama ako sa isang place eh. Paano, nung dumating ako at andoon siya sa may sala eh bigla ba namang umakyat sa kwarto niya. Now tell me, sinong hindi maiinsulto dun?

Hindi ko na siya masyadong pinansin pa at sa kwarto ko nalang ako dumiretso. Wala akong assignment nun kaya nagonline nalang ako. Kelangan na kelangan ko ng mabubuhusan ng sama ng loob. At right timing naman si mr. Cuteboi.

cuteboi: Hey.

sassygirl: hey..

cuteboi: msta?

sassygirl: e2…naguguluhan.

cuteboi: oh bakit naman?

sassygirl: hai…ewan.

Pati ako naweirduhan sa sagot ko. Hindi narin ako nagtaka na no comment siya dun. Pwede ko kaya siyang pagkatiwalaan?

sassygirl: can I trust u?

cuteboi: of course.

sassygirl: okay..

Hindi rin naman niya ako kilala so wala rin magiging problema yun diba? Anyway, sinabi ko sa kanya ng mga lahat ng nangyari. Syempre hindi ako nagbanggit ng names. Hind rin naman niya kasi kilala yung mga taong involved eh.

The next day, Friday, wala paring pagbabago. Gusto ko siyang kausapin pero siya na mismo yung lumalayo sa akin. Diba dapat maintindihan naman niya na hindi ko alam na hindi pala siya nagcecelebrate? 

Sobrang lumipad yung utak ko buong araw. Wala na nga akong maintindihan sa mga tinuturo sa amin eh. Nung uwian, hindi ko na nakayanan kaya umalis ako ng walang nakakaalam. Dumiretso ako dun sa park na hindi pag-iisipan ng iba na pupuntahan ko. Dun sa park sa village nina Kit.

Malayo layo rin yun. Kinailangan ko magjeep at trike para makarating dun. Ayos lang, worth it naman kasi walang makakagulo sa akin.

Maghapon akong hindi umuwi. Gulung gulo talaga yung isipan ko sa mga nangyayari. Paano hindi magiging ganoon eh ilang araw na rin ang nakakalipas at hindi parin matanggal sa isipan ko yung mga nangyari nung birthday ni Kit. Pakiramdam ko eh total stranger ang dating ko sa kanila. Hindi ko nga maintindihan eh pero nalulungkot ako dahil wala man lang akong alam kay Kit. Pero…bakit nga ba gusto kong meron?

Napatingin ako sa paligid ko habang nagsiswing. Walang tao. Napabuntong hininga naman ako tapos tumingin lang sa langit.

Siguro pinaghahanap na nila ako ngayon. Hindi kasi ako nagsabi sa barkada ko or kina mama na dito ang punta ko. 

Narinig kong tumunog yung cellphone ko pero pinatay ko lang siya. Wala ako sa mood para makipag-usap nung ma oras na iyon. Gusto ko lang, mapag-isa.

*****

“uy si Ate oh!”

Ano ba naman iyan, ang ingay. Ow, ang sakit ng ulo ko, bakit ba ang tigas ng kama ko ngayon? Ano ba ito, gawa sa bakal? 

Natauhan naman ako bigla. Hindi naman ako umuwi kanina diba? Dinilat ko yung mata ko, madilim na pero buti nalang may ilaw. 

Teka, diba sina Thammy at Thor ito? “Thammy? Thor?”

“Sabi sayo kuya Thor eh maaalala pa niya tayo.”

Napangiti naman ako sa kanila tapos lumapit na sila pareho. Tinanong ko naman kung bakit gabing gabi na at lumabas pa sila. Ang sagot lang nila eh dahil may binili daw sila sa tindahan.

“Kaw po Ate? Bakit dito po kayo natutulog? Ala ka po ba bahay?”

Napatawa naman ako tapos umiling. “Meron.”

“Bakit po dito kayo natutulog?”

“Nakatulog lang ako.”

“Ah ganun po ba? Sa susunod po ate wag kayo dito matulog. Delikado po dito, baka kidnappin kayo ng masasamang tao.”

Nagpaalam narin sila pagtapos nun, syempre gabi narin eh. Ako naman eh nagdesisyon naring umuwi na. Bago naman ako umalis dun eh binuksan ko cellphone ko. Grabe, tadtad sa text message at mga voice mail (yung parang sa answering machine). Tinignan ko muna isa isa yung message, puro kina Cheeky, Vince, Marla, Stephen, Cheska at Kat lang galing. Halos lahat nga eh parepareho lang yung laman.

Sunod ko namang pinakinggan yung mga voice messages at gulat ako dahil sa iisang tao lang nanggaling ang mga iyon. 

“Hoy, asan ka na?” grabe, matapos ang ilang araw niyang hindi pagpansin sa akin yan ang sasabihin niya?

“Hoy, sagutin mo naman tawag ko.”

“HOY! BUKSAN MO PHONE MO!” walang hiyang lalaki ito. May balak pa yata akong bingihin.

“ANO BA!” nice naman, tumawag siya tapos ganyan lang sasabihin. Hindi rin aksaya no?

“Andy…” bakit ganoon, kapag…siya ang nagsasabi ng pangalan ko eh…kakaiba ang nararamdaman ko. 

“Nag-aalala na si manang sa iyo Andy…” 

“Umuwi ka na Andy, ngayon na.”

“Andy…hindi ka na nakakatawa.”

“Andy ano ba…” sa daming beses niya akong natatawag na Andy…grabe I lost count. Yung dating 6 ewan ko na kung ilan na ngayon.

“Hoy Andy kapag wala ka pa dito ngayon matakot ka na.”natawa naman ako bigla dun. Sunod kong nalaman, tumutulo yung luha ko…pero, bakit?

“Andy pati si Manong alalang alala na sa iyo”

“Yung mga kaibigan mo hinahanap ka na sa akin Andy…”

“Gutom ka na siguro no? Kumain ka na ba? Ako kasi oo. Sarap nga kinain ko eh. may dessert pa. Uwi ka na para makakain ka narin.”tama bang inggitin daw ako? come to think of it, gutom na nga ako. 

Andy si Chester nagwawala na dito..babasahin daw diary mo kapag hindi ka pa bumalik.“”

“Pahiya siya…ala ka daw pala diary.” natawa naman ako bigla. Anak ng, ano bang pinaggagagawa nila?!

“Bumalik ka na kasi. Kapag bumalik ka eh tuturuan kita magluto. Promise rin ng barkada mo na kakain sila ng lulutuin mo. Balik na oh, sige ka isusumbong kita sa magulang mo.” feeling ko ng mga oras na yun nababaliw na ako. Paano, tumatawa ako tapos bigla akong mapapahagulgol. 

“Huy…naman baka naman nasa France ka na ulit niyan.” Sira talaga itong lokong to.

“Stripes…”

“Sasabihin ko kay Sasha na patay na patay ka sa kanya.” teka, how the hell did he know that?! Wag mong sabihin pinagsabi nina Cheeky?! ARGH!!!!!

UMUWI KA NA! ANG DAMING NAGHIHINTAY SAYO!” ouch!

“Andy…pati yata ako nag-aalala na…please…umuwi ka na.”natigilan ako dun. Tama ba talaga yung narinig ko? Sobrang lakas na ng pagtulo ng mga luha ko. Ang pinagtataka ko lang eh bakit ako umiiyak? Bakit ako nalulungkot? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit…?

“Finally, nahanap rin kita.” napatingin ako dun sa harap ko at nagulat kasi nakatayo si Kit dun na mukhang pagod na pagod pa. 

“Kit.” lumapit siya sa akin tapos ako eh napayuko lang. Ayokong makita niya akong umiiyak.

“Pasaway ka talaga.” hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko at napahagulgol na talaga ako. Bakit ba nangyayari sa akin ito?

“Ang sama mo...” lumapit lang siya sa akin ng walang imik. Hindi man lang ba siya magsosorry sa ginawa niya? Hindi lang ba siya hihingi ng tawad para sa inasal niya? Hindi man lang ba siya mageexplain sa mga nangyayari? 

“Andy...”

Tinignan ko siya. Seryoso yung mukha niya. Walang bakas ng emosyon. Wala talaga.

“I think it’s time na...”

“...ipakilala kita kay Kleo.”

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
58.2K 1.1K 97
[Completed] [-TAGLISH-] Finding for hugots and pick up lines? You're in the right book! Lol! For those who unfortunate, Abandoned, beaten and dece...
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
17K 381 36
A story created out of boredom in midst of the pandemic. Not really sure where will this story go. Have a read, I guess? :) Started: August 11, 2020 ...