Diana's Point of View
Mabilis din kaming nakarating dito sa Angeles. Nasa sasakyan pa lang ako ay iniisip ko na kung ano ang magiging reaction ni Zhyna.
"Surprise!' masayang sabi ko kay Zhyna nang makarating kami.
Si Dave naman ay nakita kong nakapulsang naglalakad sa likuran namin at pinagmamasdan ang saya na nararamdaman namin.
"Wow," dinig kong wika ni Zhyna habang namamangha sa lugar na pinuntahan namin ngayon.
Nandito kami ngayon sa isang resort na pagmamay-ari raw ng best friend ni Dave. Actually, si Dave ang may pakana ng pagpunta namin dito dahil gusto niya akong tulungan na mapagaan ang pakiramdam ni Zhyna.
Minsan na akong nakapunta rito ngunit hindi ko pa rin maiwasang mamangha kung paano ito kaganda at kalawak!
Kahit gabi na ay makikita mo pa rin ang kabuuan nito dahil sa nagliliwanag na mga ilaw na mas lalong nagbibigay ng ganda sa paligid.
Mayroong napakadaming magagarang kubo ang nakapalibot sa lugar, tapos mayroon ding mga mamahaling batong hagdan na 'yon ang tangi mo lang dadaanan. May pababang hagdan at may pataas na hagdan na may kaniya-kaniyang direksyon at disenyo ng pagkakagawa na tila sinadya talaga para mas maging maganda ang lugar.
Mayroon din iba't ibang laki ng mga bato na nakadisplay sa paligid. Ang lugar ay pinalilibutan din ng mga magagandang halaman at mga bulaklak na mas lalong nagpapaganda sa lugar. Sabi ni Dave sa pinakababa ng resort nandoon ang mga tinatawag na hot springs.
Nagpunta kami sa isang kakaibang village na nakatayo rito. Sa lahat ng village, ito ang bukod tangi sa lahat. Ilang hagdan pa muna ang inakyat namin para makarating dito. Pagpasok mo ay sasalubong ang mahabang lamesa na gawa sa kahoy at ang mga bilog na upuan na nakapalibot sa lamesa. Marami ring mga magagandang kagamitan ang naririto.
Si Zhyna naman ay mabilis na pumunta sa balkonahe at sinalubong ang simoy ng hangin na ibinibigay ng kalikasan.
Ganoon na lang din ang pagkamangha ko nang makita mula dito sa balkonahe ang kabuuang ganda ng lugar.
This is amazing!
Binangga ko ang katawan ng babe ko. "Ganda pa rin dito!" Nagpipigil na kilig na sabi ko kay Dave.
"Mas maganda ka." Tsaka niya ako hinalikan sa noo.
Aba! Mabilis ka pare, ha!
"Zhyna? What do you think?" Na kay Zhyna na ngayon ang paningin ni Dave.
"Thank you." Halata sa boses ni Zhyna ang sinsiridad sa pagbanggit niya sa dalawang salitang 'yon. Halata rin ang kasiyahan niya nang lingunin niya kami at ibinaling ang atensyon sa paligid para mas lalo itong pagmasdan.
"Nasaan bayad mo?" wika ko kay Zhyna at inilahad ang palad ko. Nagpipigil naman ako ng tawa habang pinagmamasdan siya.
"Utang muna." Tsaka kami nagsitawanang lahat.
Ngayon ko na lang ulit narinig na tumawa ng gano'n si Zhyna. 'Yong tawang walang halong bigat ng nararamdaman. 'Yong tawang masaya at tawang walang halong pagpapanggap.
Kaming tatlo ngayon ay nandito sa balkonahe at sabay-sabay na pinagmamasdan ang napaka-preskong lugar. Everything is greeny. I like the leaves on how it dancing through the wind. It's refreshing and relaxing.
"Who owned this place?" tanong ni Zhyna. Sumulyap pa muna siya sa amin bago ulit ibinalik ang atensyon sa paligid.
"Wow ha! Nakapunta lang sa ganitong magandang lugar nag-english na." Humalakhak ako nang tawa dahil sa sinabi ko.
Pinanlakihan lamang ako ng mata ni Zhyna at ngumiting umiling-iling sa akin.
"Remeber the guy na gusto kong ireto sa'yo, Zhy? Siya ang may-ari nito. He's kind and soft hearted like you, Zhy kaya hindi ko maiwasang hilingin na sana kayo na lang dalawa. You know, that guys is a broken hearted too that's why he's cold like an ice, sometimes. He's actually on moving-on stage pero I think that's impossible for him," nanghihinang sabi ni Dave.
"Aw, sawi rin pala siya sa pag-ibig. Why not accept Dave's offer, Zhy? Baka mag-work," sabi ko.
Aambagan na sana ako ng palo ni Zhyna pero mabilis din akong nakaiwas.
"Joke lang naman! Hindi ka mabiro," natatawang sabi ko. Pikon agad, e.
"Ang sarap naman tumira dito," wala sa sarili sabi ni Zhyna.
"It is a private resort dahil sa ganda ng lugar na'to even the services kaya palaging pinupuntahan ng mga turista," pagmamalaki ng nobyo ko.
Makikita mula dito sa itaas ng terrace ang madaming taong naglalakad sa daan papunta sa kani-kanilang destinasyon.
"I want to meet him tuloy, babe, para personally pasalamatan siya for having this kind of beautiful place!" kinikilig na wika ko.
Madalas lang siyang ikuwento sa akin ni Dave pero never ko pa nakita ang best friend niya.
"Nasaan ang best friend mo, babe? Nandito ba siya?"
Umiling lamang ito sa pagtugon. "Nasa Iloilo siya, pumupunta lang siya dito kapag may emergency o kaya naman kapag sinipag bumisita."
Grabe! Sobrang yaman na siguro ng best friend ni Dave dahil nakikita ko kung gaano ka-successful 'tong business niya. Iniisip ko nga kung anong itsura ng best friend niya, e, kung sobrang pogi ba or sakto lang ang kagwapuhan o kaya naman hindi siya gwapo pero malakas ang dating?
Iniisip ko rin kung magugustuhan ba talaga siya ni Zhyna once na nagkita sila dahil todo reto si Dave dito, e.
Natawa pa ako sa sarili ko dahil puro physical appearance ang pinagbabasehan ko kung magugustuhan ba siya ni Zhyna.
Pumasok si Dave sa loob ng village at kumuha ng pagkain at mabilis din na lumabas at inilapag sa mini table na nasa balkonahe ang bitbit na mga pagkain at inumin.
"I've never been in this kind of place," sabi ni Zhyna. Nilingon namin siya ni Dave at hinintay ulit na magsalita.
"Ngayon ko na-realize kung gaano ako nag-focus sa work at never ko nabigyan ang sarili kong pumunta sa mga ganitong kagandang lugar at ang daming araw ang nasayang ko," dagdag pa niya habang nananatili ang paningin sa kabuuan ng lugar at panay ang buga ng mabigat na buntong hininga.
"Ngayon ko lang din na-realize na pwede mo rin pa lang maging taguan ang ganitong klase ng lugar para makalimot." At ngayon ay nakatingin na siya sa amin. "Thank you so much." Namuo ang luha sa kaniyang mga mata.
"Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Iba nga talaga ang koneksyon ng kalikasan sa nararamdaman ng tao. Napakasarap lang sa pakiramdam." Hindi ko maipinta ang saya sa kaniyang mukha kahit na makikita mo pa rin sa kaniyang mga mata ang natitirang kalungkutan.
Ramdam ko kung gaano siya kasaya at kung gaano niya kagustong makalimot sa nakaraan niya. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang makapag-move forward para hindi niya na maramdaman ang sakit na dulot ng nakaraan niya ngunit kahit gustuhin niya 'yon, babalik at babalik pa rin siya sa dati niyang posisyon.
"Ano ka ba, Zhyna! Nandito tayo para maging masaya!" wika ko tila binabawalan siyang umiyak.
"Ang pangit mo na nga, iiyak ka pa," pang-aasar ni Dave.
Tiningnan lang siya nang masama ni Zhyna habang natatawa.
Pinalo ko ang braso ni Dave. Nginitian niya lang ako nang nakakaloko. Pumunta siya sa kinaroroonan ko at hinawakan ang mukha ko ng kaniyang palad at mabilis na hinalikan ako sa labi.
"Wala kang ganon, Zhyna," wika ni Dave pagkatapos niyang halikan ang labi ko. Gulat na gulat naman si Zhyna nang lingunin namin siya. Biglang tumawa nang malakas si Dave na halatang pinipikon si Zhyna.
At ako? Napa-awang ang labi ko dahil sa ginawa niya!
Naisahan ako do'n, ha!
Mabilis kong piningot ang tainga ni Dave na nagpa-aray nang nagpa-aray sa kaniya.
"Gawin mo ulit 'yon mamaya, ha?" kinukunsinti kong wika kay Dave habang pinipingot siya. Mas lalong lumawak ang ngiti ng loko-loko!
Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Zhyna dahil sa ginagawa naming pang-aasar sa kaniya. Bitter ang lola niyo, e!
Tumabi si Dave sa tabi ni Zhyna at nagsalita. "Ayaw mo pa kasi sa best friend ko, e." Nananatili pa rin ang tono ng pang-aasar niya habang loko-lokong ngumingiti kay Zhyna.
"Edi sana may humahalik na rin sa'yo," dagdag pa nito sa tono ng pag-aasar na mas lalong nagpa-awang sa aking sariling bibig. Si Zhyna nakita kong aambagin na sana si Dave kaso mabilis itong nakaalis sa kaniyang lugar.
Loko-loko ka talaga, babe!
Maghapon kaming nasa resort at nagpakasaya. Pumunta rin kami sa ipinagmamalaki ng resort na ito, ang napaka-elegance na hot springs!
Panay ang pang-aasar ni Dave kay Zhyna dahil sa pagiging heart broken niya, panay din ang banggit niya sa pangalan ng best friend niya, panay din ang pag-iinggit ni Dave kay Zhyna sa relasyon namin kaya naman panay din siyang iniismiran ni Zhyna at sinisigawan na tumigil na sa pang-aasar.
Wala kaming ginawa kundi ang tumawa lang at magpakasaya.
Zhyna's Point of View
Mabilis na lumipas ang araw. Dumating na rin ang matagal ko ng pinaghahandaan. Kasalukuyan kaming nasa meeting ngayon kasama ang C.E.O namin na si Mr. Sanchez, ang mga coordinators, stuffs and mga directors. Narito rin si Ms. Vanessa Chu at si Diana.
Hindi mawala sa isip ko ang lalaking panay banggit ni Dave kamakailan. Hindi ko maiwasang maramdaman na siguro ay parehas kami ng bangkang sinasakyan. Wala rin kaya siyang pamilyang katulad ko? Nawalan din kaya siya ng minamahal?
Teka? Bakit ko nga ba siya iniisip?
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagdi-distribute ng mga folders na naglalaman ng mga plano ng aming management team sa aming mga directors and stuffs.
"Everything is settled now from buttom to top..." pag-uumpisa ko.
Nagpakita ako ng powerpoint presentation kung saan nagpapakita ng mga documents na may pirma ng mga pumayag na bilhin namin ang lupa para pagtayuan ng bagong branch. Ipinakita ko rin ang lugar kung saan itatayo ang branch at ang blueprint mismong ng structure ng restaurant. Nakarinig naman ako ng pagkamangha mula sa mga directors namin and stuffs. Nakikitaan ko rin ng interest si Mr. Sanchez.
"Iloilo is a province of the Philippines which is also one of the major urban centers in the Philippines," pagpapakilala ko sa lugar kung saan namin i-e-extend ang aming branch.
"And it is also known as 'The Heart of the Philippines,'" pagmamalaki ko.
"Isa sa mga source kung bakit nagugustuhan ng mga taga-Iloilo ang iba't ibang klase ng pagkain sa lugar nila ay dahil nagmumula ito sa puso ng mga taong naroroon..."
"At ganoon ang gusto natin mangayari para sa branch natin. We want to bring our hearts to them especially sa mga turista and we will introduce the amazing cuisine of our alma matter which is the Capampangan cuisine." I looked at them while smiling on them. Ipinapakita ko sa kanila ang kasiguraduhan.
"And syempre, maglalagay rin tayo ng menu na madalas din kainin ng mga taga-iloilo. Bibigyan lang natin ng kaunting twist ang lasa para maging kakaiba naman siya sa ordinaryong kinakain nila."
"What is our target market there?" tanong ni Mr. Sanchez.
Masaya naman akong ngumiti. "As I said a while ago that Iloilo is one of the major urban in the Philippines. We decided that our target market are the middle class, sir para lahat afford ang ating food chains."
Nakikita ko naman sa kanila ang pagsang-ayon.
"Paano naman kung hindi kumita?" tanong ni Ms. Chu.
Tiningnan ko siya ng matagal. She just rolled her on eyes on me.
"We cannot avoid to experience losses but we will make sure that it will no longer than the usual experiences."
Tumahimik na naman agad siya at nagkibit-balikat na lang.
Nakitaan ko ng interest ang lahat ng mga nakikinig. Miski nga si Ms. Chu na todo sira ng araw ko ay nakita kong nag-j-jot down ng mga informations wherein hindi niya usually ginagawa. Sa tagal ko siyang nakakasama sa ganitong project never niyang ginawa 'yon. Bagamat nakikita ko sa mukha niya ang pagiging mataray ay nandoon ang active participation niya.
Nakakapanibago talaga si Ms. Chu. Todo palakpak naman nang mahina si Diana dahil sa ginagawa kong presentation.
Malaki talaga ang naitulong ng lugar na pinuntahan namin ni Dave at Diana kamakailan.
»»»»» to be continued..