100 DAYS?!?

By whenimetyou

305K 2.3K 204

We’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we... More

100 DAYS?!?
Prologue
chapter 1
Chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 59
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
Epilogue

chapter 9

3.5K 26 1
By whenimetyou

Bakit ko ba sinabi sa kanya na kaya kong gawin yun?! Anu ba naman yan Andy, anong plano mo ngayon?

Tumingin ako dun sa kitchen ng mga manuals or cookbook kaso nga lang wala akong nakita. Sinubukan ko namang tawagan si Mama para humingi ng tulong kaso wala daw sa bahay. Ang malas naman

Okay Andy, wala ka naman mapapala kung magrereklamo ka kaya magsimula ka nalang! Tama, balatan muna natin yung kalabasa.

Kumuha ako ng kutsilyo mula sa lalagyanan at nung tinry kong ipangbalat sa kalabasa eh walang epekto. Hay, ang tigas naman ng balat nitong kalabasa na ito. Kumuha pa ako ng ibang kutsilyo at sinigurado kong mas matalas at mas malaki yun kaya lang…

“ARGH! Ano ka bang kalabasa ka bakit ayaw mo magpabalat?!”

“Oi, Andy…ayos ka lang diyan? Kelangan mo ba ng tulong?”

Darn! Hindi niya pwedeng malaman na wala akong alam sa pagluluto. Dumiretso naman ako kaagad at nagtatakbo paakyat. Tamang tama, kalalabas lang niya ng kwarto. Pinatalikod ko naman siya at tinulak papasok ng kwarto niya.

“Ano ka ba! Sabi ko naman sa iyo diba ako bahala dito?”

Tumingin siya sa akin ng may pagsususpetsa at tumango lang. Hay, ligtas ka ngayon Andy.

“Pag kailangan mo ng tulong eh tawagin mo lang ako…”

Tumango naman ako nun at nung sarado na yung pintuan niya eh saka lang ako nakahinga ng maluwag. Muntik na ako dun…buti nalang nakalusot. 

Bumaba naman ako kaagad. Hindi pa pala tapos problema ko. Hay, ano kayang pwede kong gawin sa iyo para lumambot ka? Alam ko na! Pakukuluan nalang kita.

After 30 minutes…

Hay, okay na kaya ito? 

“OUCH!” Ang bobo mo Andy! Malamang mainit yan eh pakuluan mo ba naman ng 30 minutes eh. Hmf! Nakakaasar naman ito. Awts, sakit talaga ng daliri ko…huhuhu.

“Oi ayos ka lang? Teka anong---eh?”

Hay, no use, nasilip na niya. Nakita kong tumaas yung dalawa niyang kilay sa gulat niya. Ganoon ba talaga kalala yung ginawa ko?

“Fine, I admit, wala akong alam na kahit anong pumpkin dish na pwedeng lutuin. Actually, hindi ako marunong magluto. Sige, tumawa ka na.” Yumuko lang ako nun at hinihintay yung mapang-asar niyang halakhak pero walang lumabas. Tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakangiti sa akin. Whoa, totoo ba itong nakikita ko?

“Bakit hindi ka kaagad nagsabi? Sana natulungan kita…”

Alam kong pinipigilan lang niya yung tawa niya pero inaappreciate ko yung effort niyang gawin yun. Nginitian ko siya tapos tumingin ako dun sa nilulutuan ko kanina. Hay, sayang lang pala yung kalabasa, hindi man lang nagamit ng maayos, paborito pa man din ito ni Kit. 

Kukunin ko na sana yung pinaglutuan ko para itapon na yung laman kaso hinawakan niya yung kamay ko.

“Anong ginagawa mo?”

“Itatapon ko na ito. Order nalang tayo sa Mcdo or something.”

“Ano ka ba? Pwede pa iyan no.” nanlaki naman yung mata ko dun sa sinabi niya tapos nun eh nginitian lang niya ako. Teka, bakit ngiti yata siya ng ngiti ngayon?

“Una muna nating gagawin eh balatan ito. Andy, kumuha ka ng kutsilyo tapos chopping board. Maghanda ka narin ng kawali at magpakulo ka ng tubig.” sumunod naman ako sa lahat ng inutos niya. Syempre, ano pa bang magagawa ko eh wala naman akong alam sa pagluluto diba?

Na-amaze talaga ako sa kanya nung mga oras na iyon. Biruin niyo, may talento rin pala itong lalaking ito sa pagluluto? Sabagay, paborito niya yan at malamang ginusto niyang matutong lutuin yan. Hay, buti pa siya marunong. Samantalang ako eh kababae kong tao wala akong alam diyan. 

Natapos din kami magluto nun at inihain na namin sa mesa lahat ng pagkain. 

“Ang sarap! Paano mo natutunan ito?” hindi ko alam kung anong klase yung luto nung kalabasa pero ang sarap talaga. 

Tumawa lang si Kit sa comment ko at sinabi na nagpaturo daw siya sa lola niya dati nung bata siya. Mahilig daw kasi siyang makitingin sa kusina nila nung maliit pa siya eh. Aba, pang cooking master boy pala itong si mr. SC president ah. Sosyal.

Nung matapos kaming kumain eh kanya kanya na kami ng landas. Exagge, well si Kit eh umakyat na sa kwarto niya. Ako kasi yung nagvolunteer na maghugas syempre kasi siya na yung nagluto. Pagkatapos ko naman maghugas eh naglinis ako ng kusina tapos nagpatay na ng mga ilaw sa baba at syempre, naglock narin ng bahay. Late narin nun nung makaakyat ako ng kwarto ko at makaligo. Pagkabagsak na pagkabagsak ko sa kama eh knock out kaagad ako.

*****

“Oh, kamusta naman ang alone time mo with Mr. SC President?” 

Tumingin ako kay Cheeky at halatang naghahanap na naman ng chismis tong kaibigan ko.

“It’s not that bad.”

“OH?! Eh paano yung meals niyo?”

“Umagahan kinain namin yung left overs, lunch, kumain kami sa KFC and dinner, nagluto---”

“WHAT?! Nagluto ka?! Cheeky! Check mo nga kung pumasok si Kit!”

“Pumasok siya. Nakita namin siya kanina sa SC Office.”

Aba, exagge naman itong mga ito! 

“WILL you let me finish?” nagnod lang sila sa akin tapos nakinig ng mabuti. “Nagluto si Kit.”

“Whew,” 

Pinalo ko naman sila pero tinawanan lang nila ako.

“Am I really that bad?” Umakbay sa akin si Vince.

“Well, let me put it this way. Last time na nagluto ka para sa barkada eh na food poison kaming lahat.”

Awts naman. Ang sakit naman nun. Kumalas ako sa akbay ni Vince tapos umupo sa sahig at inakap yung legs ko.

“Ang sama niyo…” may luha effect pa ako nun kaso nga lang eh binatukan ni Cheeky ang drama ko. 

“Losyang ka, at least sa amin mo na nalaman at hindi sa iba” 

Well, may point naman siya dun. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa nangyari dun sa “mahiwagang” araw ko at yun nga nakwento ko naman na magaling magluto si Kit. Syempre, hindi ko na sinabi yung tungkol sa kalabasa na favorite niya, feeling ko kasi ayaw niyang ipasabi yun.

Natapos naman yung araw na yun ng normal lang. Walang masyadong nangyari maliban lang sa lesson at practice para sa varsity. May laban kasi kami sa Friday and this time, makakasama na ako. Kaya nga ba iniiwasan ko ang gulo eh, lalo na yung Keri na iyon.

Ganun rin naman ang mga nangyari nung mga sumunod na araw hanggang sa mag Friday. Plain and boring. Ganoon pala ang feeling kapag nagpapaka-good girl ka no?

“May we request everyone to please settle down, the match is about to begin.”

Nagsimula kaming magwarm up at syempre si Coach eh nagbigay ng few words na pampainspire. Pagkatapos nun eh nagwhistle na yung referee at ayun, nagsimula na yung game. 

Ang hirap din palang kalaban ng Southside High. Magagaling sila saka ang lalakas nilang magspike. Kaya nga ba nung first set eh natalo kami by 5 points. Nung 2nd set naman eh nakabawi kami kahit papaano. Nalaman na kasi namin yung style nila, I-seset yung bola tapos mukhang spike pero tip pala. Kaya ayun, kami naman nanalo sa kanila. 

“Okay, pagod na sila kaya pwede na kayong magpakitang gilas.”

Ngumiti naman kaming lahat. Ganoon kasi yung tactics namin eh. Papagurin muna namin yung kalaban tapos saka lang kami magsasaya sa paggagawa ng mga kanya kanya naming style. Pagtapos ng 3rd set, kami nanalo. Sobrang hiyawan yung students ng school namin tapos nun eh kaming mga players eh magkakaroon ng celebration. Sosyal nga eh, akala mo naman nanalo na sa championship, pero hayaan mo na.

Dumaan muna ako ng locker nun kasi may iuuwi pa akong gamit. Magsisimula na pala akong gumawa ng reviewer kasi next next week na yung exams. Pagkatapos kong kumuha ng gamit eh syempre, dumaan ako ng art room. May bagong painting na naman at…

“No way…”

Nanlaki yung mata ko kasi dun sa painting eh may babaeng parang nasa kitchen tapos nun eh hawak niya yung kamay niya na mapula tapos naluluha yung mata niya. Wait, parang ganyan ako kahapon ah? Wag mong sabihin…stalker yang Mr. Artist na iyan!?

“Tara na.”

“KIT! Tignan mo oh! Ako yan eh!”

Gumilid yung ulo ni Kit at parang nagtitle sideways. Tapos nun eh tinignan niya ng maige yung painting. 

“Hindi ah. Mas maganda yung nasa painting.” at pagkatapos nun eh umalis na siya. Aba! Ang kapal niya! Di hamak na mas maganda ako no! Hmf!

Sumunod rin naman ako kaagad sa kanya tapos nun eh ilang sandali lang nakauwi narin kami ng bahay. Dumiretso naman ako kaagad sa taas kasi gagawa pa pala ako ng reviewer ko. Oo nga’t hindi ako taga-star section pero worth it rin naman kung mag honor ako this year eh. at least may medal pagdating ng graduation diba?

Nung natapos ako eh napatingin naman ako dun sa orasan. WAH! 10 na pala? 

*KUROKUROKURO*

At naku! Gutom na pala yung alaga ko sa tiyan ko. Hmf, teka nga, bakit wala man lang tumawag sa akin? 

Bumaba na ako nun ng kwarto tapos pagtingin ko dun sa dining area eh may isang plato nalang na nakataob dun, that means…ANG SAMA NIYA!! Hindi man lan niya ako inimbitahan na kumain ng hapunan?

Umakyat naman ako kaagad at kumatok ng napakalakas dun sa kwarto niya. Ilang sandali lang eh binuksan na niya kaagad yun.

“ANO?”

“bakit hindi ka man lang nagtawag na kakain na pala?”tinaasan niya ako ng kilay tapos nun eh umirap. Hmf! Ang sungit talaga nito.

“May paa ka naman diba? Bakit? Hindi mo ba kayang bumaba mag-isa at tignan kung kakain na?”

Nagulat naman ako dun sa inasal niya. Teka nga, may nagawa ba ako sa kanya? Bakit parang mas masungit yata siya ngayon!? Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung napaglalabasan ng sama ng loob kahit wala akong kasalanan o ginagawa.

“UGH! Vous êtes incroyable! (You’re unbelievable!)”

At pagkatapos nun eh umalis na ako. Hindi ako bumaba para kumain kasi nawalan ako ng gana. Dumiretso ako ng kwarto ko at dun nagmumukmok. ArgH! Nakakabanas siya aH! Wala naman akong ginagawa sa kanya tapos susungitan niya ako ng ganoon? Hmf! Kung may problema siya wag niyang ilabas sa akin yun! Binuksan ko yung stereo ko tapos nagpatugtog ng malakas.

*TOK! TOK! TOK!*

Hindi ko binuksan yung pinto kasi wala ako sa mood para humarap sa ibang tao. Kumuha ako ng jacket mula sa closet ko tapos nun eh binuksan ko yung window dun sa dulo tapos lumabas ako. Grabe, nakakalula siya pero desidido akong umalis ng bahay. Pagkababa ko sa may 1st floor eh takbo kaagad ako sa may gate at lumabas ng bahay namin. Isang place lang naman ang balak kong puntahan ngayon eh. Yun ang playground.

Di katulad dati na ilang minutes lang eh nakakarating na ako dun, ngayon eh kelangan ko pang magtrike. Gabi narin kasi saka nakakatakot naman kung lalakarin ko yun wala pa naman masyadong ilaw sa street namin. 

Pagdating ko dun eh umupo kaagad ako dun sa swing at nag-isip isip. Ganyan ako pag sobra akong naiinis. Aalis ako ng bahay at pupunta ng playground para makapag-isip. Matagal ko narin kasing ginagawa yun eh. Sanay na sa akin mga parents ko na kahit gabing gabi eh aalis. Alam naman kasi nila kung saan ako hahanapin eh.

Hay, ano kayang problema nung Kit na iyon at ganun nalang yung pagtrato niya sa akin kanina? Sure naman ako na wala akong masamang ginagawa sa kanya or anything. Kahit nga sa school eh hindi naman kami nagpapansinan at napakaimpossible naman na magalit siya sa akin ng dahil lang dun sa comment ko tungkol sa painting. Naku kung yun yung dahilan makakatikim siya ng malakas na batok at flying kick. 

“Miss, bakit parang nag-iisa ka yata?”

Napalingon naman ako sa lalaki sa harap ko. Nakaamoy ako ng alak nun kaya natakot ako. Tumayo ako mula dun sa swing at naghandang umalis kaso may humarang sa akin, amoy alak din.

“Miss gusto mo sa amin ka muna sumama habang hinihintay mo kasama mo? Sigurado masisiyahan ka kasama namin…”

Hinawakan niya ako sa braso pero kumalas ako.

“Ayokong sumama sa inyo!”

Tatakbo na sana ulit ako kaso nahila ako nung unang lalaking kumausap sa akin.

“Masaya kaming kasama miss, wag kang matakot. Magsasaya tayo ngayong gabi”

Pumikit ako nun dahil takot na takot ako. Please sana may makakita sa amin. Mama…Papa…Ate Cass…Herc…

Ang higpit ng hawak nila sa akin nun tapos nun eh dinadrag na nila ako dun sa may damuhan sa kabilang side. Ramdam ko na umiiyak na talaga ako nun at tinatry ko paring kumalas pero ang lalakas nila. 

Cheeky…Vince…Marla…Cheska…Stephen…

“BITAWAN NIYO KO!!” …Kit…

“BITAWAN NIYO SIYA!”

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
1.8M 124K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
58.2K 1.1K 97
[Completed] [-TAGLISH-] Finding for hugots and pick up lines? You're in the right book! Lol! For those who unfortunate, Abandoned, beaten and dece...