Highschool Confession

By jungxzy

45K 2.1K 345

Liskook Fanfiction Story More

Prologue
HC1:First day of school
HC2:RED TEAM.
HC3:CRUSH
HC4:Coincidence
HC5:Chismosa
HC6:Clover
HC7:HHWR
HC8:Plan
HC9:Foundation Day!
HC10:Takbo!
HC12:The Day
HC13:The Day 2
HC14:Ms.Pakwan
HC15:Chocolates and Flowers
HC16:No effect
HC17:2 years later..
HC18:Chat
HC19:Confession Pt.2
HC20:Missing
HC21:Bestfriend
HC22:Move-on
HC23:Hangin
HC24:Still InLove
HC25:Hope
HC26:Stare
HC27:Andrea
HC28:Official
HC29:Iwas
HC30:Birthday
HC31:Kylie's Point of View
HC32:Someone's Jealous
HC33: Lei's Feelings
HC34:Aristotle
HC35:Letter
HC36:Meet Up
HC37:Confrontation
HC38:Admirer
HC39:Hate
HC40:Kylie's Birthday
HC41:Courting
HC2NDHalf-Teaser
HC2/43:Sana
HC2/44:Official
Epilouge
Thank You!+ NEW STORY

HC11:Clinic

827 61 6
By jungxzy

Dedicated sayo toh!Masyado akong natuwa sa comment mo sa previous chapter hahaha!
~~~~

Kinabukasan nagising ako nang 11 o' clock.Grabe,ang haba nang tulog ko.Biruin mo 11 ng madaling araw na ako natulog tapos nagising din ako nang 11 tanghali.13 hours akong tulog.

Nakipag-chat pa kase ako kanila Drew at puro reklamo sila dahil hindi ko sila sinama sa pagtago kaya nahuli sila.Nakapagpiyansa yung tatlo habang yung tropa ayun,mga dakilang PoorKid kaya nagtiis sila ng Isang oras sa loob.
 
"Morning."Sabi ko ng makita ko sila Mama na kumakain na ng lunch.Hindi natuloy ako nakapag-breakfast,magising ba naman ng tanghali eh.

"Kain ka na!" Sabi ni Mama kaya umupo na ako para kumain.

"Anong oras pasok mo ngayon?" Tanong ni mama habang kumakain kami.

"Ala-una po.May practice po kami ng sayaw." Sabi ko.

"Musta naman pala yung event?Ikamusta mo ako sa ninang mo ha!" Sabi ni Mama."Namimiss ko na yun eh!Tsk!Imbitahin ko nga sila dito pag may time noh Karl?"

"Oo nga noh?As soon as possible.Magse-set na ako ng date." Sabi naman ni papa at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Ilang oras pa ay natapos na akong kumain ay umakyat na sa kwarto para maligo at mag-ayos para maka-alis na ako.Mas mabuti na yung maaga ako makadating tsaka mahirap mapuno ang tricycle ng ganitong oras.

"Ma!Pa!Alis na po ako!" Sigaw ko dahil nasa kusina pa sila. Gumagawa na naman siguro ng bagong recipe si Mama.

"Geh!Mag-iingat ka ha!Ikamusta mo ako sa ninang mo!" Sigaw din ni Mama.

Umalis na ako at sumakay na ng tricycle.Inabot din ako ng Labin-limang minuto bago makadating sa school.Dumiretso naman ako kaagad sa room pero pagdating duon ay walang tao.Nasaan yung mga yun?

Tinignan ko muna ang orasan ko.12:05 palang pala.Marami pa akong time para hanapin sila.Habang naglalakad ay nakadinig ako ng ingay.Kahit maingay sa paligid alam ko pa din ang ingay nila.Yung ingay na pang-abnormal.

Nakita ko naman sila sa isa sa mga room sa building B.As always, nagkakagulo na naman sila.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko.

"Tayo daw ang gagawa ng Horror Booth sabi ni Ma'am." Paliwanag ni Angel.Kaya pala may mga paagiw-agiw pa sila.Akala ko normal na kalat lang nila.

"Mukhang patapos na kayo ah?"Puna ko.May mga takip na yung bintana,may mga nakasabit na sinulid at may mga bulak pa.Naka-ayos na din yung mga upuan nila.

"Hindi pa,lalagyan pa namin ng make-up yung iba." Sabi ni Angel.

"Wag niyo nang lagyan ng make-up si Jake.Ngumiti lang yan, nakakatakot na eh." Sinadya ko talagang lakasan para madinig ni Jake.

"Tawagin ko kaya si Xiz!" Reklamo niya.

"Gawin mo!" Sigaw ko pabalik.Ako pa talaga hinamon niya ah!

"Sige!" Sabi niya at lumabas.Hayaan ko nalang yun.Lalabas lang yun.

"Ako nalang mag-make up sa iba,sino ba yung lalagyan ko ng make-up?" Tanong ko at hindi na inalala si Jake.

"Cass!Fey!Halika kayo!" Tawag ni Angel."Sila yung makakasama mo sa paglalagay ng make-up.Duon nalang kayo banda." Turo ni Angel sa isang sulok. Tumango nalang kami at pumunta na doon.

"Xiz!Pasok ka dali!" Agad naman akong napatingin sa Pinto at kasabay nun ang pagtigil ko sa paglalakad at pagtigil sa paggalaw ng mga tao dito sa loob.

"Hinahanap ka ni Kylie,yun siya oh!" Dagdag pa niya.

Pagkapasok ay napahinto naman siya sa may pinto.Kasama niya sa likod si Kuya Jacob.Napansin din siguro niya ang awkward na bumalot sa buong room.

"Ahh..Hi?" Bati pa nito dahilan para bumalik kami sa ulirat namin.

"Kailangan mo daw ako?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.Bwisit tong si Jake!Sineryoso masyado!

"Hindi."

"Oo,kailangan ka niya.Gusto niya sanang magpatulong,kung pwede." Singit ni Sarah.

"Oo kailangan ka namin!May mga kailangan pang ayusin." Sabi ni Angel na sinang-ayunan nilang lahat.Argghh!Pinagkaisahan na nga ako kahapon,pati ba naman ngayon?!

"Okay lang,wala naman kaming ginagawa." Nakangiting sagot niya na ikinatuwa ng lahat ng kasama ko dito sa loob.

Hindi ko nalang sila pinansin at nakangusong pumunta nalang sa puwestong itinuro ni Angel kung saan kami maglalagay ng make-up.Nawalan tuloy ako ng gana. -_-

"Nawalan ako ng gana." Sabi ko at nakangusong napasandal sa upuan.

"Bakit?Nandyang na yung inspirasyon mo oh!" Natatawang sabi ni Cass sa akin.

"Tsh."

"Saan ba toh ikakabit?" Dinig kong tanong ni Xiz.Akala ko ba make-up nalang ang kailangan?

"Alam ni Kylie kung saan. Tanungin mo nalang." Argghh!Sigurado akong tuwang-tuwa silang naasar ako ngayon.Alam nilang hindi ako sanay kapag nandyan lang ang crush ko sa paligid.

"Kylie,saan ito ikakabit?" Tanong niya.May nadinig pa akong pagtikhim,yung nang-aasar.

"H-ha?" Nauutal na sabi ko.

"Saan daw ilalagay yung puso niya este yung kahon!" Pag-uulit ni Drew.Sinadya pa talagang magkamali ng bruha.

"Sa may.." Takte!Saan ba yun ilalagay!"Dyan sa bunganga nila este sa may tabi."Sorry guys,binabalik ko lang.--,V

"Salamat." Nakangiting sabi niya at inilapag na nga duon ang kahon.

"I love you daw este salamat." Nakangising bulong sa akin ni Fey.

Napatingin naman ako sa orasan ko.12:37,ilang minuto nalang at magi-istart na ang practice namin.Duon na muna ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Juliana nang mapansin akong palabas na ng pinto.

"12:37 na,ala-una ang practice namin.Punta na ako duon." Sabi ko at akmang bubuksan na ang pinto ng magsalita si Sarah.

"Kuya Xiz,nakita ko na yung mga ka-members mo.Magpapraktis na yata kayo.Labas na!" Sabi niya at itinulak si Kuya Xiz.Umilag naman ako para hindi ako matamaan kaya ang resulta.

Ayun,nauntog siya sa pintuan."Wala akong kasalanan,tumabi lang ako." Sabi ko.Bigla naman akong tinignan ni Juliana at inginuso si Xiz na nakasalampak ngayon sa sahig.

"S-sorry." Sabi ko at nagmamadaling tinulungan siya."P-pasensya."

"Okay lang,tara na." Sabi niya at pinauna akong lumabas.

"Pagpasensyahan mo na yung mga kaklase ko ah?Naistorbo ka ata sa ginagawa mo nung tinawag ka ni Jake." Nakayukong sabi ko.Pinipigilan ang tawa.Ewan ko ba.Gusto kong makaramdam ng hiya pero sa tuwing maaalala ko yung itsura niya na nakasalampak sa sahig hindi ko maiwasang matawa.

Nasanay siguro akong nambubully.Peace!v

"Okay lang,mukhang kailangan niyo naman talaga ng katulong kaya mo ako pinatawag." Sabi niya habang hinihimas yun braso niya.

"Hindi naman ako ang tumawag sa'yo.Nagulat nga ako ng makita ka namin pumasok." Paliwanag ko.

"Pinagtripan lang pala ako ni Jake.Pero okay lang,nakatulkng namansa inyo di'ba." Nakangiting sabi niya.Ang bait naman niya.Kung ako siya,pag-uupakan ko na yung mga yun.

Nasa gitna kami ng paglalakad ng makita kong may umaagos na kaunting dugo sa braso niya.Yung part na kung saan yung impact dahil ayun yung nauna nung sumalampak siya.

"Dumudugo yung braso mo!"

"Okay lang yan.Hihinto din yan mamaya."

"Hindi,punta muna tayo sa clinic.Marami pa namang oras." Sabi ko at hinila siya papuntang clinic.

"Anong kailangan nila?" Tanong nung Nurse.

"Nasugatan po kase tong kasama ko." Sabi ko.May kinuha naman yung nurse sa Cabinet at tsaka inabot sa amin ang isang maliit na first aid kit.

"Kayo nalang yung gumamot, maliit na sugat lang naman.May kailangan pa kase akong ibigay sa faculty eh." Sabi nung Nurse."Mauuna na ako."

"A-ah?O-okay po.Salamat." Sabi ko sa Nurse."Gagamutin na kita."

"Ako nalang,nakakahiya sa'yo.Mauna ka na dun,ako na bahala sa sugat ko."Tanggi niya.

"Hindi,ako nalang.Pambayad ko na dun sa ginawang kalokohan ng mga kaklase ko."Sabi ko at kunuha ang bulok at betadine sa Kit.

Sinimulan kong dampian yungsugat niya ng paunti-unti.Hindi ako sanay na gumawa ng ganito.Pang-mayaman lang tong mga ganitong gawain eh.Kaming mga PoorKid,kumuha lang ng halamang gamot sa halaman ng kapit-bahay tapos lawayan tsaka ilalagay sa sugat okay na eh!

"Hindi mo naman ako ginagamot.Hindi man lang dumadampi yung bulak sa balat ko." Natatawang sabi niya.Pahiya ako dun ah.

"Pasensya na.Hindi ako sanay." Sabi ko at pinagpatuloy ang paggagamot pero this time, sinigurado kong dumampi yung bulak sa balat niya.

"Ang diin naman,mukhang hindi ka sanay.Ganito yan oh." Sabi niya at inalalayan ang kamay ko.Pucha!Gusto niya ba akong mamatay?!

"O-okay na siguro yan,lagyan na k-ko na ng band aid." Sabi ko at mabilis na kinuha ang kamay ko.Hinihingal na naman ako. Agad kong kinuha ang band aid sa may kit at inilagay toh sa sugat.

"Tara na." Sabi niya at pinauna na akong lumabas."Salamat."

"O-okay lang." Sabi ko.

Pagdating sa room ay may nakita na kaming nagpapractixe kinabahan naman ako bigla.Baka na-late na ako pero ng pumadok ako sa loob ay nagpapratice pala sila para sa Singing.

"Kylie,asan si Sarah." Taning niya sa akin pero ng makita niya kung sino yung nasa likod ko ay nanlaki ang mata nya.Hindi niya siguro ini-expect na si Xiz yung kasama ko.

"M-magkasama kayo?" Tanong niya.

"Ahh..Oo,hinatid niya ako."Paliwanag ko.Umupo naman ako sa tabi niya.

"Ikaw ah!Anong meron sa inyong dalawa?" Bulong niya,nang-aasar.

"H-ha?H-hinatud niya lang ako.Pupunta din kase siya sa practice room nila sa kabilang room kaya nagkasabay kami." Paliwanag ko pero yung tingin niya,hindi naniniwala."Oo nga!"

"Weh?Pero namumula ka.Yiee!"

"Oo nga!Hinatid niya muna ako dito,galing kami ng clinic."

"Bakit?"

"Nagkasugat siya,tinulak ni Sarah."

"Ha?Inasar ka na naman nila noh!"Sabi niya,tumango nalang ako.

"Kawawa naman si Xiz.Dapat sinalo mo." Natatawang sabi niya.Nagkibit-balikat nalang ako.

End of Chapter 11

Don't forget to vote and comment !Follow me also!

P.s.Sorry for the typos and errors!

Continue Reading

You'll Also Like

131K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
10.5K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
7.5K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
6.2K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...