Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 20 ♬ Battle of the Bands

68.2K 1.2K 91
By wistfulpromise

CHAPTER 20 - BATTLE OF THE BANDS 

SERENE


Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Walang iba kundi ang Battle of the Bands!

Maaga akong bumangon ngayong araw na 'to dahil kailangan daw nasa school na kami ng saktong 7:00 am. Kailangan pa raw naming magpractice para sa mga pyesa na kailangan naming kantahin. Magsisimula ang Battle of the Bands mamayang 5:00 pm kaya mayroon pa kaming mahabang oras para gawin ang lahat ng kailangan naming gawin.

"Ate Desi papasok na po ako!" Paalam ko sa kanya. Nagmadali akong lumabas ng pinto. Naroon sa garahe ay ang naghihintay na si Manong Raul.

"O, sige hija. Ingat at good luck sa'yo!"

"Sige po. Salamat!"

Alam ni Ate Des ang tungkol sa Battle of the Bands na sasalihan namin. Sobrang saya nga niya at todo ang suporta noong nalaman na kasali ako roon. Parehas sila ni Manong Raul na todo rin ang bati sa akin. Sabi nila masaya raw sila para sa akin dahil sa wakas kumakanta na ako ulit.

"Serene hija, aba ang ganda natin ngayon ah." Binuksan ni manong ang pinto para sa akin. Kaya pumasok na ako agad doon sa likod kung saan ako madalas umuupo. Hindi ko mapigilang matawa sa pahayag niya. Nahihiya man ay nagpasalamat pa rin ako.

"Kailangan ko pong mag-ayos eh. Siyempre ayoko naman po silang mapahiya sa akin." Pagkagising ko ay inayusan ko na ang sarili. Inilabas ko ang mga make-up ko sa labas na matagal ko nang hindi nagagalaw. Ang tagal na rin noong huling panahon na ginawa ko ito. Mabuti na lang hindi pa rin expired 'yung mga make-up ko dahil kung hindi baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

"Sa'yo pa ba naman mapapahiya sila? Naku kapag nakita ka nila siguradong magugulat sila. Ayos mo pa lang pati na ang damit mo. Grabe. Hindi na talaga bata ang alaga namin ni Desi. Dalaga na."

Pinagmasdan ko saglit ang suot kong damit. Alam kong hapon pa naman ang mismong Battle of the Bands ngunit nag-ayos na ako para magrere-touch na lang ang gagawin ko mamaya. Puwede kaming magsibilyan ngayon dahil hindi naman kami papasok sa klase. Diretso lang kaming lahat sa band studio bago didiretso sa event.

Nakasuot ako ng puting sando at itim na 3/4 long sleeve cardigan. Itinerno ko pa rito ang isang black leggings at black leather combat boots. Pinalitan ko ang black sport wristband na palagi kong isinusuot sa pulsuhan upang matakpan ang gclef tattoo ko ng itim na punk and rock bracelet.

Binuksan ko ang dalang compact at pinagmasdan ang sarili. With my perfect thin winged eyeliner, white and maroon eye shadow combined with my favorite burgundy lipstick, I totally look like a rockstar. Like the old me.

"Hi Serene Lopez. It's been a long time." Hinaplos ko ang repleksyon ko sa salamin. Ang mga mata ko ay marahang nangingiti dahil sa pagkasabik at pagkamiss sa sarili na muntik ko nang kinalimutan. Masyado akong abala sa pagbabago, sa pagiging mabuti sa takot na mapahamak ang mga tao na nasa paligid ko. Hindi ko namamalayan na unti-unti ko na palang kinakalimutan ang dating ako. 'Yung palaban. 'Yung palaayos. 'Yung matapang at walang kinakatakutan.

Pagdating namin sa tapat ng school ay ngumiti pa sa akin si manong. "Galingan mo hija ha? Alam kong kaya mo 'yan. Nandito lang kami ng ate mo at palagi ka naming susuportahan. Mahal ka namin anak. Proud na proud kami sa'yo. At alam kong kung nandito man ang mga magulang mo, iyon din ang sasabihin nila sa'yo."

Hindi maiwasang manlambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mukha, puno ng pasasalamat at saya na hindi ko alam kung paano sasambitin. Hinawakan ko si Manong Raul sa balikat at hinawakan niya ang kamay ko. Konti na lang at iiyak na ako ngunit pinigilan ko ito. Ngumiti siya sa akin at tumango ako. Binuksan ko ang pinto sa gilid ko bago isinuot ang dala kong shades.

"Aalis na po ako."

"Good luck sa'yo hija!"

Pagkalabas ko pa lamang ng kotse ay pinagtinginan na ako ng mga schoolmates ko na papasok na sa loob ng gate. Isinukbit ko sa balikat ang maliit na black body handbag na dala at sinimulang maglakad.

Taas noo akong naglakad papasok ng gate kung saan naghihintay ang isang security guard upang i-check ang bag at ID namin. Meron kasing 'No ID, No Entry' policy sa school kaya noong makita akong hindi naka-uniform ay binigyan pa ako ng tingin. Ibinaba ko ang suot na shades at ngumiti kay kuya guard.

"Battle of the Bands po. Exempted kami sa band kaya pwede kaming magsibilyan." Paliwanag ko sa kanya. Wala sa sarili siyang ngumiti sa akin pabalik. Nakatulala ang mga mata niya sa isang pagbati na hindi masambit. Ilang beses niyang pinabalik-balik ang tingin sa ID at sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya. Matapos makita ang ID at bag ko ay pinapasok na rin niya ako sa loob.

Alam kong mukhang iba ang itsura ko sa ID dahil naka-clip ang bangs ko sa taas na madalas tumatakip sa mga mata ko at hindi rin makapal ang eyeliner ko katulad ng normal kong ginagawa. Maaliwalas ang mukha ko puwera na lang sa suot na shades. Bukod pa roon, kinulot ko rin ang buhok kong palaging nakatali. Ngayon ko lang napagtanto na ang haba na pala ng buhok ko dahil umabot ito hanggang bewang. Sino man ang makakita sa akin ay maninibago talaga. Iba ang nagagawa ng hairstyle at simple make-up sa isang tao.

I held my head high while walking inside the familiar hallway of Princeton Academy. Sa bawat yapak ng mataas na heels ng combat boots ko sa semento, sa bawat ngiti at sulyap sa mga estudyanteng nagsisitinginan sa akin, sa malakas na dating at aura na alam kong ramdam nilang nangagagaling sa akin, talaga namang agaw pansin ako sa bawat galaw na ginagawa.

"Sino siya? Artista ba 'yan?"

"Syet ang ganda naman. Ang hot niya pare!"

"Bago bang estudyante? Ano kayang grade?"

"Miss ang ganda mo!"

Napakarami kong bulong-bulungan na naririnig sa paligid ngunit hindi ko na sila inabalang pansinin pa.

"Miss, wanna go out with me tonight?"

May humarang sa akin na isang lalaki. Napakalaki ng ngiti sa kanyang mukha. Ramdam na ramdam ko ang kayabangan sa presensya niya. Napaismid ako. Dyan naman sila magaling. Alisto agad porket may maganda lang na babaeng nakita. Napapailing na lamang ako sa sarili. Mga lalaki nga naman talaga minsan o. Inirapan ko siya bago nilagpasan. Ngunit bago pa man makalayo, nahawakan niya ang braso ko at muling iniharap sa kanya.

"Teka lang miss." nakangisi nyang sambit na tila ba nainsulto sa ginawa ko. "Alam mo bang wala pang babae rito ang tumanggi kapag ako ang nag-alok?"

Binigyan ko siya ng tingin at nakita na kulay royal blue ang suot niyang stripe sa may balikat. Ibig sabihin Grade 11 na siya.

Nagpumiglas ako upang bawiin ang braso palayo sa kanya. "Puwes, sabihin na lang natin na ako ang una."

"Kilala mo ba ako?" Taas noo nitong tanong sa akin. "Ang bago-bago mo rito pero kung sino-sino na ang binabangga mo."

Hindi ko siya kilala pero nakikita ko na siya rito sa school matagal na. Isang mayabang at aroganteng lalaki na walang ibang ginawa kundi magpaiyak ng mga babae, waldasin ang pera ng magulang niya sa mga walang kwentang bagay at isang kilalang fuckboy.

Ano kaya kung bigyan ko 'to ng leksyon? Isang aral na hindi niya makakalimutan habang buhay.

"Huwag ka na kasing pakipot." Nangingiti pa niyang tudyo. Hinila niya ako papalapit sa kanya at saka inakbayan. Para akong masusuka sa kindat na iginawad niya. "Huwag kang mag-alala. Akong bahala sa'yo."

Tinanggal ko ang napakamanyak niyang kamay sa balikat ko na dahan-dahang humahaplos pababa. Hinawakan ko ang kamay niya ng napakahigpit sabay pihit nito ng walang pasabi.

"Wala akong panahon para sa mga katulad mong walang modo. Ano kaya kung baliin ko 'tong mga kamay na 'to? Makapang bababae ka pa kaya?"

Binigyan ko siya ng isang nanlalamig na tingin. Halos mamilipit siya dahil sa sobrang sakit. Hanggang dito ay naririnig ko ang paglagatok ng mga nababali niyang daliri. Nasisiyahan man dahil nakabawi ako sa kanya, binitawan ko rin agad ang kamay niya bago itinulak palayo sa akin. Pasalamat talaga siya at wala ako sa mood para tuluyan siya ngayon.

Halata sa mukha niya ang galit at inis dahil sa pagpapahiya ko sa kanya sa harap ng maraming tao. Nasa amin na ang tingin ng lahat ng nasa paligid na tila ba hinihintay kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.

Hindi ako kumurap nang makita kong itinaas niya ang isang kamay para saktan ako. Nakatayo lang ako roon, naghihintay, handang handa na para sanggain ang kamay na papalapit sa akin. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagulat ako sumunod na nangyari. May biglang kamay na dumating at sinangga ito para sa akin.

Hinawakan siya nito ng napakahigpit hanggang sa narinig ko na lamang na sa pangalawang pagkakataon, umaaray na naman ang lalaki sa sakit.

"Pumili ka ng mga kasing laki mo, hindi 'yung pumapatol ka sa babae." Sa pagkakarinig ng boses na iyon, hindi ko mapigilang mapapitlag sa kinatatayuan. Hindi ko akalain na darating siya o kung sino man lalo na siya para tulungan ako.

"Jace,"

"Na susunod na hawakan mo pa siya ulit. Papatayin kita. And I will make your death as painful as I could. As gruesome as I could. And as bloody as I could." Sa talim at lamig ng boses niya ay halatang takot na takot na ang lalaki sa kanyang harapan.

Matapos ang tila ba magpakailanman, itinulak ni Jace ang lalaki palayo sa kanya at halos madapa-dapa itong tumakbo palayo sa amin.

Napapikit-pikit ako. Hindi makapaniwala sa natunghayan. Meron sa mga mata ni Jace na sa isang tingin lang ay matatakot ka na palayo. Lahat ng nasa paligid ay lumalayo makita lang ang malamig niyang ekspresyon.

"Nakita mo ba 'yun? Pinagtatanggol siya ni Jace!"

"Sino ba siya? Sila na kaya?"

"Ewan. Baka?"

"It's the first time Jace ever did it. He does not care to anyone, until now."

Pinagmasdan ko lamang si Jace. Kahit ako ay hindi pinapansin ang mga bulong-bulungan sa paligid. Magmula kahapon ay hindi ko na siya kinausap at pinansin kaya hindi ko talaga inakala na bigla siyang darating upang tulungan ako. Alam kong kahapon niya pa ako gustong kausapin ngunit palagi ko siyang iniiwasan. Ngayong nalaman na niya ang isa sa mga sikreto na mayroon akong private room dito, ayoko nang may malaman pa siyang iba tungkol sa akin.

Bago pa man makapagsalita ay nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay. Sa bawat mahahaba at mabibilis na hakbang, hinigit niya ako palayo sa harap ng mga mapagdududang mata ng mga tao sa paligid. Palayo... sa kanilang lahat.

"Sila na ba? Aww taken na pala si Jace. Kainggit!"

"Ang gwapo na nga ni Jace ang ganda pa ng girlfriend!"

"Wala na yata tayong laban girls. Give up na." Malungkot pang bulungan ng mga babae sa paligid. Mapagkamalan ba naman kaming magsyota? Isa yata iyong pagkakamali. Gayunpaman, kahit saan kami dumaan kami na ang pinagbubulungan.

"Hoy! Hoy! Girls tingnan n'yo!"

"Waah! Meron ng girlfriend si Jace? Nooo!!"

"Ang sweet! Perfect sila!"

Teka nga, anong sweet dito? Kung makakaladkad nga sa akin sa sobrang bilis niyang maglakad kulang na lang mapasubsob at halikan ko na ang sahig! Kaya anong sweet doon? Gusto ba nilang magpalit kami ng puwesto? Kung ganu'n, sige sila na!

"Wait nga Jace! Pwede mo na akong bitawan!"

Awkward na kasi ng sobra. Napapansin ko nasa amin na nakatuon ang lahat ng mata sa paligid. Okay lang sana kung katulad kanina ako lang ang mag-isa. Pero hindi. Kaming dalawa na ang higit na napapansin.

'Bagay sila', iyan ang bukambibig nilang lahat. Kahit nga mga teachers kinikilig.

Sandali kong sinulyapan ang mukha ni Jace para makita ang reaksyon niya. Siguradong hindi niya magugustuhan ang mga naririnig. Badtrip na nga siya kanina tapos baka mas lalo pa siyang mabadtrip. Kapag nagkaganu'n naku lagot na talaga!

Subalit sa sandaling sulyap na nakita, natigilan ako bigla.

Bakit sya nakangiti na tila ba masaya sa mga naririnig?

"Bagay sila! Oh em gee!"

"New loveteam ng school! Woohh!!"

Hindi ko napansin na nasa harapan na pala kami ng band studio. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka muling hinila papasok sa loob kasama niya.

"O nandito na pala si Ja—" Pagkakita sa akin ni Rico ay lumaki ang ngiti sa kanyang mukha. Tumayo siya bigla sa kinauupuan at saka madaliang lumapit sa amin na para bang isang bata na sabik na sabik sa kung saan man. "Pare! Sino 'yang kasama mo? Ang ganda! Pakilala mo naman!"

Matapos itong marinig ay nagsitinginan ang lahat ng mga kabandmates ko sa akin. Halata ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Aayusin ko sana ang buhok noong bigla kong maalalang isinuot ko pala ulit ang shades na tinanggal ko kanina habang hinihila ako ni Jace. Wala rin ang pamilyar kong bangs dahil itinali ko ito patagilid upang itirintas. Sa suot na malaking shades, combat boots na may takong na nagpadagdag ng height ko at ayos na hindi nila madalas na nakikita sa akin, hindi na nakapagtataka kung hindi nila ako bigla makilala.

Pero si Jace sa isang sulyap nakilala ka.

Napakunot-noo ako. Bakit nga ba?

Katulad ni Rico, sumunod na lumapit si Nathan. Tinapik niya sa balikat si Jace at saka ngumiti ng nakakaloko.

"Ikaw Jace ah. Hindi mo sinasabi may pinopormahan ka na pala!"

Si Niel naman sa ikalawang banda ay parang walang gaanong interes sa mga kaganapan sa paligid niya dahil abala siya sa hawak na gitara. Nilingon lang din ako ni Shane pero pagkatapos nu'n, ipinagpatuloy niya ang pagpa-practice sa harap ng mga drums. Sabi sa inyo, snob din siya. Minsan nga naiisip ko, magkapatid kaya sila ni Jace? Parang pinagbiyak na bunga, parehas na parehas ng ugali.

May kung anong ngisi ang sumilay sa mga labi ni Jace sabay iling sa pinagsasabi ni Rico sa kanya. Isang ngisi na tila ba gusto niyang sabihing 'nahihibang na kayo'.

"Hello miss," sabi ni Nathan sabay kindat sa akin. "Akin ka na lang, wala kang mapapala riyan kay Jace eh. Boring siyang tao. Dito ka na lang sa tabi ko, papasayahin kita ng todo."

Tinulak ni Rico palayo si Nathan sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na nakipagshake hands.

"Miss! Rico here! Wag kang makinig sa pinagsasabi niyan, babaero 'yan eh. Delikado ka sa mga kamay nyan, nakakalason, nakakamatay. Mas ligtas ka sa piling ko. Sa akin, hindi ka malulumbay."

"'Yun eh! Bigyan na 'yan ng jacket!" Narinig kong pang-aasar ni Niel sa dalawa. Kumaway si Rico na tila ba gustong-gusto niya ang atensyon na parang pang Miss Universe. May patango-tango pa siyang nalalaman.

Napuno ng tawanan sa paligid, kahit nga kami ay natatawa na rin. Pumipick-up line ang peg nu'ng dalawa. Grabe, hindi ko akalaing ganyan sila.

"Babaero? Ako? Sinungaling. Baka ikaw?" depensang saad ni Nathan. Humarap sa kanya si Rico.

"Psh. Sino ba sa atin ang dose-dosena ang syota? Di ba last week kayo ni Rhea tapos nakita ko kanina kasama mo si Dina at 'yung... " Hay buhay, heto na naman ang dalawa. Nagsimula na silang magbangayan sa harap ko, nagtatalo kung sino nga ba ang pinakababaero sa kanilang dalawa. Kung ako ang tatanungin? Iisa lang naman ang sagot ko.

Equal. Tie. Parehas lang sila. Tinatanong pa ba ang obvious?

"Si Serene 'yan." Sabi ni Niel na nagpahinto sa bangayan ng dalawa. Ngumiti sa akin si Niel, 'yung sinserong ngiti. Katulad ni Jace ay mabilis niya akong nakilala. Bilib ako sa talas ng mga mata nila.

Tinanggal ko ang suot na shades at masayang kumaway sa kanila.

"Grabe kayo ha. Isang gabi n'yo lang akong hindi nakita, hindi n'yo na ako nakilala? Mga F-Pwet talaga kayo."

Nanlaki ang mga mata nina Rico, Nathan at kahit pa si Shane na dagliang napalingon. Nakita ko pa kung paano niya tinanggal ang headset na suot. Pareparehas silang tatlo na hindi mapigilang mapanganga. Hindi ko mapigilang matawa sa mga reaksyon nila.

"Serene?!"

"Of course, the one and only." Kindat ko pa sa kanila.

"Hala! Anong nangyari sa'yo?" Hinawakan ako ni Rico sa magkabilaang balikat at saka niyuga. "Babae ka na babes! Congrats! Congratulations! Mabuhay! Buhay buhay buhayyyy! Gano'n talaga para may kunwaring echo. Payakap nga, naiiyak ako eh." Niyakap ako ni Rico.

"Anong naisip mo babes at bigla kang nagpaganda? Dapat hindi mo ginawa 'yun! Mas lalo tayong pagkakaguluhan eh." Hinila ni Nathan si Rico palayo sa akin at saka ako inakbayan. "Gwapo ka, maganda ako. 'Di ba and perfect natin?" Inilapit niya sa akin ang mukha at natatawa ko itong tinampal palayo.

"Magtigil na nga kayo! Para kayong mga baliw." Napuno pa ng kulitan at tawanan sa pagitan namin. Nakisali pa sina Shane at Niel sa amin. Samantala, si Jace ay natatawa na lamang na napailing doon. Noong makita 'yon ng mga kaibigan ay nagulat din sila.

"Tumatawa si Jace." Nanlalaking mga matang itinuro ni Rico si Jace. Akala mo nakakita siya ng isang multo. Isang aparisyon na hindi niya akalaing makikita pa niya.

Heto na naman si Mr. Baliw.

"Hala! Toto ba 'yan pare?" Inakbayan siya ni Nathan. "Teka palakihin pa natin." Ginamit niya ang dalawang daliri at pilit na pinalaki ang ngiti sa mukha ni Jace.

"Gago. Ang alat ng kamay mo Nathan, lumayo ka nga sa akin!" Itinulak siya nito palayo at ngunit natatawa na lamang na umilag si Nathan sa dapat sanang matatanggap niyang suntok.

"'Sus! Kapag natikman mo ang halik ko pare, baka ma-inlove ka sa tamis!" Ayan na naman ang tawa niyang nakakaloko, halatang nang-aasar.

Pinipigilan man ay hindi maitago ni Jace ang pagtawa.

"Siraulo."

Patuloy pa ang pang-aasar ni Nathan kay Jace tapos sumabay pa si Niel na nauwi na nga isang malakas na tawanan. Habang pinagmamasdan ang pagtawa ni Jace ay hindi ko mapigilang mapatitig. Nakakapanibago na makita siyang ganito. He had always been so serious and reserved. Ngayong nakikita ko siyang relax na nakikipagbiruan at nakikipagtawanan kasama ng mga tinuturing niyang kaibigan, may kung anong saya akong naramdaman dito sa aking dibdib. Kung pwede lang siyang maging masaya palagi katulad nito. Hindi ako magsasawang pagmasdan siya.

"Simulan na natin." Mayamaya ay narinig naming alok ni Shane sa amin. "Serene, 'yung mic." Inabot niya ang mikropono sa akin at hindi ko mpaigilang mapapikit-pikit. Kanina noong hindi niya pa alam na ako ito ay halos hindi niya ako pinapansin. Ngayong alam na niyang ako ang nasa harapan niya ay hindi na mapunit ang ngiti sa kanyang mukha. Mukha magkakaiba man silang tatlo nina Niel at Jace ng ugali, may isang bagay kung saan sila magkakaparehas. Kapag hindi nila kilala ang isang tao ay hindi nila pinapansin. Pero kapag kilala ka na nila, doon lumalabas ang tunay na sila.

Pumunta na kami sa kanya-kanyang mga puwesto ngunit sina Nathan at Rico ay mukhang wala pa rin sa mundo dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagdedebate at pagbibiruan nila.

"Mga babes! Ano pang ginagawa n'yo riyan? Tara na practice na tayo!" Turan ko sa mga gulat at hindi makapaniwala nilang mga mukha. Siguro hindi nila akalaing itatawag ko rin sa kanila ang 'babes' na ibininyag nila sa akin. Ngunit noong nakita nila ang pagtawa ko ay biglang lumaki ang ngiti sa kanilang mga labi at saka lumapit sa amin.

Sabik na itinapat ni Niel ang mga labi sa mikropono. "Battle of the Bands na mamaya! Rakrakan na!"

Sabay-sabay kaming lahat na nagsigawan bilang suporta sa kanya at sa ikalawang pagkakataon ay napuno ng tawanan sa paligid.

Siguradong magiging masaya 'to! Sana lang hindi nila ikapahamak ang pagbabagong bihis na ginawa ko dahil alam kong maraming tao riyan sa paligid, nagmamasid at naghihintay ng pagkakataon na pabagsakin ako.

"Hurry guys! Sigurado akong ayaw n'yo namang ma-late 'di ba?" Tawag sa amin ni Mr. Valdez. Kasalukuyan naming inaayos ang lahat ng mga instrumento na kailangang dalhin sa main venue ng competition. Doon kasi kami didiretso kapag natapos kami rito.

"Yes sir!" Pabiro akong sumaludo sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng ngiti.

Binuhat ko ang isang malaking speaker gamit ang dalawa kong kamay para isakay sa kotse. Mabigat oo pero kaya ko 'to! Paiisa isa akong humakbang.

Ayan na...

Kayang kaya mo yan.

Malapit na.

Konting hakbang pa...

Pakiramdam ko biglang gumaan ang mga binubuhat ko. Bigla na lang kasing may kamay na sumulpot at kinuha ang binubuhat ko palayo sa akin.

"Hoy, hoy sandali. Sa akin yan eh!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Binuhat niya ang kaninang dala ko ng walang kahirap hirap at ipinasok sa likod ng kotse. Pagkatapos masiguro na nailagay niya ito ng maayos, kumaway siya sa diresyon ko.

"Sakay na!" anyaya niya. Bakas ang pinaghalong saya at sabik sa kanyang boses. Imbes na matuwa sa ginawa ay inirapan ko lang siya. Tumingin ako sa paligid at muling naghanap ng ano man na pwedeng buhatin.

"Kapag inagaw mo pa talaga sa akin 'to Niel babatukan na kita."

Una kong binitbit ang gitara na nakita ko sa sulok. Ang kaso, pagkabuhat na pagkabuhat pa lang ay agad na itong kinuha ulit palayo sa akin.

"Jace!" Kulang na lang ay mapadabog ako ng paa sa kinatatayuan. Bakit ba ang titigas ng mga ulo nila? Kaya ko naman. Nag kibit-balikat lang siya na akala mo walang narinig. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng iba pang mga gamit ng hindi ako binibigyan ng isa pang tingin.

Sa totoo lang kanina pa sila ganyan. Ayaw nilang magpatulong. Sa tuwing nagbubuhat ako ng kahit ano, agad nila itong inaagaw sa akin. Nakasimangot kong itinupi ang mga braso sa dibdib. Ayokong umupo lang diyan sa tabi at panoorin silang magpakahirap na magbuhat kung alam ko namang kaya kong tumulong.

"Upo ka nalang kasi babes." Dumaan si Nathan sa harapan ko habang may buhat-buhat na dala. "Baka sabihin nila pinagbubuhat namin ang isang magandang binibini eh. Mahirap na." Bago tuluyang makalayo ay kinurot pa niya ang pisngi ko at saka pinabaunan ng kindat. Tinampal ko ang kamay niya palayo pero tinawanan niya lang ako.

Ganyan na sila sa akin kanina pa. Si Nathan kurot ng kurot, ang cute ko raw kasi. Si Jace lagi na akong inaasar-asar, naging habit na nga niya yata. Si Shane at Niel naman tuwing napapatingin sa akin ngumingiti ng nakakaloko. Nakakapanibago sa totoo lang. At si Rico naman sa ikalawang banda ay bigay ng bigay sa akin ng pagkain, nangangayayat na raw ako.

Ano ba yan. Ang sarap kutusan ng mga lokong 'yun!

I sighed defeatedly at saka umupo roon sa loob ng nakabukas na van. Wala rin naman akong magagawa kung paulit-ulit lang nilang kukunin sa akin ang mga binubuhat ko. Nakapangalumbaba ko na lamang silang pinagmasdan. Sa totoo lang nabibilib talaga ako sa mga lakas nila. Sa lakas ng mga lalaki in general. Ang dali lang nilang nabubuhat 'yung mga mabibigat na bagay na kaming mga babae na maliliit ang katawan ay hirap na hirap pang dalhin. Katulad nu'ng malaking speaker, ni hindi ko nga maiangat kanina pero si Jace isang angat lang nabuhat niya agad.

Grabe. Ang lakas lang talaga. Nakakabilib. Nakakabilib silang lahat.

Matapos ang ilang oras na byahe, dumating na rin kami sa wakas sa venue ng kompetisyon. Mamaya pang 5:00 pm ang Battle of the Bands kaya noong makita na medyo maaga pa, sinabihan kami ni Mr. Valdez na mag-ikot ikot muna raw pampalipas oras.

Habang naglalakad napansin ko na tila ba kinakabahan ang mga kabanda ko. Bigla-bigla na lang kasing tumahimik, which is very unusual since kasama namin ang dalawang loko-loko namely Nathan and Rico. Alam ko kahit hindi sila nagsasalita 'yun ang bumabagabag sa kanila ngayon. Kaya ang ginawa ko, ngumiti ako ng pagkalaki-laki at saka sila sinabihan na enjoy lang! Huwag gaanong isipin ang pressure at kakayanin namin 'to! Go bandmates!

Malaki at maluwang ang lugar, punong-puno ito ng napakaraming tao. Habang tumatagal ay nagsisimula na ring magsidatingan ang ibang mga kalahok sa kompetisyon kaya nagsisimula nang umingay ang buong paligid. Pero napapansin ko habang patuloy kaming naglalakad lahat ng tao sa amin nakatuon ang atensyon. Hanggang sa narinig ko ang mga bulong-bulungan nila.

"Sino sila? Mga artista ba? Ang gagwapo!"

"Ang gandang chicks! Dali! Tingnan mo pare!"

"Hoy tingnan nyo! Kasali rin ba sila sa Battle of the Bands?"

"Oo yata. Naeexcite na ako!"

"Itigil mo nga 'yan Rico!" siniko ko siya sa may tagiliran. Kumaway ba naman sa lahat ng madaanan namin, artistang-artista ang dating! 'Yun nga lang, mas lalo tuloy dumami ang mga taong nagsisigawan at nagtitilian sa paligid dahil sa mga mga babaeng kinikilig-kilig. Nagsitawanan na lamang ang iba kong mga kabanda dahil sa ikinikilos ni Rico.

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa may isang grupo ng mga lalaki ang humarang sa dinaraanan namin.

"Look who's here." nangingising wika ng lalaking nasa gitna. "Siguraduhin n'yo lang na gagalingan n'yo mamaya ah. Huwag n'yo kaming bibiguin. Sisiguraduhin namin na ang grupo namin ang mananalo mamaya dahil uuwi kayong talunan at umiiyak."

Sandali, parang pamilyar ang lalaking ito.

Dahan-dahang tumawa si Nathan ng mahina sa tabi ko. Umiiling-iling pa siya na tila ba hibang na ang taong nasa harapan niya.

"Hindi ka na talaga nagbago Van? Puno ka pa rin ng hangin, mayabang ka pa rin."

Van? Saan ko na ba narinig ang pangalang 'yun?

"Ingat ka lang sa sinasabi mo boy." balik sagot naman ni Van. "Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo sa girlfriend ko noon."

Mas lalong lumakas ang tawa ni Nathan. "Oo nga eh, hindi ko makakalimutan. Hindi ko makakalimutan kung paano ka napabagsak ng isang babae noong araw ring 'yun."

Kulang na lang ay mapapitik ako sa hangin dahil sa reyalisyasyon. Oo! Siya nga! 'Yung lalaking nanutok sa akin ng kutsilyo noon! Akalain mo nga naman oo, buhay pa pala ang hambog na 'to at kasali rin pala sa isang banda. Astig!

Halata sa mukha ni Van ang inis dahil sa pagpapa-alala ng pangyayaring 'yun sa kanya. Agad niyang itinulak si Nathan sa galit.

"Ano bang problema mo ha!"

Napansin ko na agad tumayo sa harapan ko si Jace noong mapansin na nag-uumpisa nang magka-initan ang dalawang nagsasagutan kanina. Nagsisitinginan na rin ang mga tao sa paligid dahil sa nararamdamang tensyon sa pagitan ng mga grupo namin.

"Tama na. Band competition ang pinunta natin dito. Hindi basagan ng ulo." seryoso ngunit mahinahong awat ni Niel sa kanila. Hinawakan naman ng iba kong mga kabanda si Nathan at ganu'n din ang mga kasama ni Van para mapaglayo silang dalawa.

"Bitawan n'yo nga ako!" pagpupumiglas ni Van sa mga kasama. "Umpisa pa lang 'to. Tandaan n'yo yan." Pahabol pa niyang sambit bago isa-isang binangga ang mga kabanda ko noong umalis na sila.

"Akala mo kung sino." iritadong wika ni Nathan noong nawala na sila sa paninin namin.

"Hay naku! Tama na nga 'yan Nathan. Tayo ang napapahamak sa mga kalokohan mo eh!" Binigyan ni Rico si Nathan ng masamang tingin.

Sandali kaming natahimik bigla dahil sa hindi inaasahang pangyayari kanina. Sinundan ko pa ng tingin ang dinaanan ng grupo nila Van.

"Mas mabuti pa siguro kung bumalik na tayo. Magsisimula na rin mayamaya ang Battle of the Bands." anyaya ni Niel sa aming lahat kaya muling nabalik ang tingin ko sa kanya. Dulot na rin ng pagod sa paglalakad, nagsitanguan na lang kami bilang sagot at saka naglakad pabalik.

Nandito kami sa isang music room, parehas na parehas sa music room namin sa school. Kumpleto ang mga instrumento sa paligid. Dito kami pinaghihintay ni Mr. Valdez para sa Battle of the Bands na mangyayari mayamaya lang.

Ewan ko kung lahat ng participants ay may sariling private room na katulad ng sa amin. Basta ang alam ko kami meron. Iba na talaga kapag mayaman!

Alam ko na sinabi ko kanina na huwag nilang gaanong isipin ang kaba at dapat enjoy lang. Pero ngayon ako na ang nakakaramdam ng matinding kaba dahil girl vocalist ang unang sasabak na kumanta once na tumayo na kami sa stage mamaya.

Huminga ako ng malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili.

Grabe naman, kasasabak ko lang ulit pressure agad? Dahil paano kung bigla na lang akong maiyak habang nasa stage? Paano kung hindi ko masambit ng maayos ang lyrics ng kanta? Paano na lang kung may makakilala sa akin? Hay buhay. Kinakabahan na talaga ako.

"Serene okay ka lang?" tanong ni Shane sa akin noong mapansin na bigla akong natahimik.

"Ah? O-oo naman! Kaya natin ito! Go!" Kabado akong natawa.

Goodluck na lang talaga sa akin mamaya.

Halos hindi ko mapigilang mapangiti noong makita ko na may hawak siyang softdrink. Kagat labi ko itong itinuro, umaasa na pagbibigyan niya ako sa hiling ko.

"Shane pwede pahingi naman nyan? Naiinom ako bigla eh." Umiling siya sa akin bilang sagot kaya nabura ang ngiti sa aking mukha.

"Ang damot naman. Pahingi na. Sige na. Please?" Pilit kong inaabot ang hawak niyang softdrink pero agad din niyang inilalayo.

"May competition tayo mamaya." matipid nitong sagot.

"Eh bakit ikaw pwedeng uminom tapos ako hindi?" Nakasimangot kong itiniklop ang mga braso. Wala na talaga akong pakialam kung magmistula na talaga akong bata sa mga kinikilos ko ngayon.

"Kakanta ka, ako hindi." bumelat siya sa harap ko bago humarap kanila Mr. Valdez at Niel na kasalukuyan pa ring nag-uusap.

Aba! Tingnan mo 'to! Hindi na nga nag-share tapos may padila-dila pang nalalaman ngayon ah!

"Babes." kalabit ni Rico sa tabi ko. "Gusto mo?" tapos may inabot siyang brownies sa akin. Kulang na lang ay magningning ang mga mata ko noong makita ito. Mukhang masarap! Nagutom tuloy ako bigla.

"Pahingi!"

Kasalukuyan kong inaabot 'yung brownies na inaabot niya sa akin nang biglang may mahinang bumatok sa akin mula sa likod.

"Aray naman!" Lumingon ako sa kung sino man ang may gawa nito habang hinahapo 'yung ulo ko. Oo mahina lang, sa gusto ko ngang mag react eh. Haha! Joke.

"Bawal 'yan." sabi ni Jace sabay hablot ng brownies mula sa kamay ni Rico. Agad niya itong isinubo.

What? How could he eat my brownies!

Bakit ba kasi bawal sa singer ang malamig at matamis? Nakakaiyak.

"Pahingi na kasi." Pilit kong inaabot ang natitirang brownies na kinuha niya kay Rico. Pero kahit anong gawin ko ayaw niyang ibigay.

"Jace naman eh."

"Abutin mo muna."

Masaya akong makita ang ngiti sa kanyang mukha ngunit sa pagkakataong ito ay gusto ko na lamang burahin at suntukin iyon. Kaasar!

Itinataas niya palayo sa akin 'yung huling brownies kung saan hindi ko maabot. Talon lang ako ng talon, siya naman ay taas lang ng taas habang tawa ng tawa. Oo na, oo na. Siya na ang matangkad. At ang saya niya lang na nakikita akong nahihirapan.

"Hmph! Damot!" Huminto na ako sa kakatalon dahil napagod na ako. Kahit naman ano ang gawin ko hindi na niya ibibigay sa akin 'yun.

"Ang sarap nito o." Nang-aasar pa niyang tudyo habang inilalapit lapit ang brownies sa mukha ko. Asar talaga! Pambihira. Kanina pa siya.

"Sa'yo na nga 'yan." sabi ko sabay irap. Bahala siya.

"Gusto mo ba talaga?"

Tumingin ako sa kanya.

"Ikaw lang naman ang ayaw magbigay."

"Hindi kaya."

"Oo kaya."

Tiningnan ko siya ng masama. Sinusubukan yata ako nito ah.

Huminga sya ng napakalalim.

"Ito na. Ibibigay ko na." sabi niya sabay abot sa akin ng brownies na hawak.

Hay naku! Pinahirapan pa ako. Makokonsensya rin pala. Agad kong inabot ang brownies na hawak niya ngunit bago ko pa man mahawakan, agad niya itong inilayo at mabilis na isinubo.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang brownies ko!"

Gigil na gigil ko siyang itinulak-tulak, umaasa na maibabalik niya ang pagkain na dapat sana ay akin. Pero imbis na makonsensya ay tinawanan niya lang ako ng tinawanan. Bwisit na lalaki talaga oo. Bwisit! Gayunman, hindi ko man nasabi pero nagpapasalamaty talaga ako sa ginawa niya kanina. Sobrang na-appreciate ko 'yun/

"Okay guys be ready!" narinig naming sigaw ni Mr. Valdez 'di kalayuan.

Tapos na ang mga nauna sa amin. Kami na ang susunod. Biglang bumalik ang kaba sa aking dibdib.

Binigyan ko na lang ng huling batok si Jace na tawa pa rin ng tawa bago ako tuluyang tumayo.

Heto na...

"Ladies ang gentlemen, let's welcome 'The Princeton Band!'"

Nasa stage na kaming lahat ngayon at kasabay ng pagbukas ng ilaw na nakatutok sa amin ay ang biglaang pagbirit ng iba't ibang instrumento sa likuran ko.

Lumilipad ang musika sa paligid. Ang sarap pakinggan. Noong una, kinakabahan pa akong kumanta at patingin-tingin lang sa iba ko pang mga kasama. Napakarami ko pang pag-aalinlangan at mga tanong na 'paano' at 'ano' pero ipinagkibit-balikat ko na lang ang lahat ng mga ito at nagsimulang umawit mula sa puso.

Pwede bang kahit ngayon lang.

Ako lang at ang musika...

Wala ng iba.

Nagsimula nang maghiyawan at magtilian ang mga tao. Sumasabay sila sa awitin na bumabalot sa paligid. Nakikisabay na rin sila sa kanta na kinakanta namin sabay patalon-talon na umaawit. Bigla ko na lang naramdaman na may luha sa aking mga mata. Subalit sa pagkakataong ito mas nangibabaw ang luha ng kaligayahan kaysa sa luha ng kalungkutan.

Ang saya. Ang saya-saya.

Ang tagal kong hindi naramdaman ito. Ang kumanta sa isang entablado at umawit sa harap ng maraming tao. Maingay. Masaya. Mga taong nakikisabay sa bawat kanta sabay fist pump ng kamay sa ere.

"Oh my gosh! Si Serene ba 'yan?!" narinig kong tili ng isang babae 'di kalayuan. Gayunpaman, ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkanta.

"Hindi n'yo ba siya kilala?! Oh my gosh! Number one fan niya ako! Serene my idol! I love you!"

Kumalabog ng napakalakas ang aking dibdib. Sana mali ako sa iniisip ko.

Noong dumating ang oras para sa duet namin ni Niel, nagsimulang magsitilian ang lahat ng mga babae sa paligid. Ang ganda kasi ng boses niya, walang kakupas-kupas. Parang sa bawat araw na ginagawa naming pagpapraktis ay mas lalo siyang gumagaling. Maraming nagsisigawan pero syempre hindi magpapatalo ang fans club nila galing sa school. Sigaw sila ng sigaw sabay wagwag ng mga gawa nilang banner sa ere. Maraming tao sa paligid ngunit tila ba ang boses nila ang nangingibabaw sa lahat. Kapansin-pansin na hindi nila kasama si Clarisse. Masama pa rin siguro ang loob niya tungkol sa nangyari hanggang ngayon. Pero anong magagawa ko? Siya ang naglagay sa sarili niya sa posisyon na iyon.

Masayang natapos ang performance namin at pagdating namin sa backstage, masaya kaming nag-apiran at nagbatian sa isa't isa. Buti na lang at natapos na rin.

"Good job everyone!" masayang bati ni Niel sa amin na sinegundahan naman ni Nathan.

"Yes guys. Congrats sa ating lahat! Iyon na yata ang pinakamagandang musika na nagawa natin. Astig!"

Nagsimula na kaming magsiupuan sa backstage at hinihintay na lang matapos ang mangilan-ngilan pang magpeperform bago sabihin ang resulta. Todo ang panalangin namin na sana manalo kami.

"Niel and Jace." tawag ni Mr. Valdez sa kanila. "I need to talk to you about something."

Sandaling nagkatinginan sina Niel at Jace, iniisip kung ano nga ba ang dahilan kung bakit sila biglang pinapatawag. Naguguluhan man, tumayo at sumunod din sila sa kanya.

"Wow babes! Ang galing mo kanina!" Umupo si Rico sa tabi ko. Abalang-abala siya sa pagnguya ng hawak na tsokolate. Hanggang ngayon talaga ay nahihiwagaan ako kay Rico. Hindi ba siya nauubusan ng baon na pagkain? Kahit saan siya magpunta ay palagi siyang may dala.

"Hindi ka ba napapagod kakanguya Rico?" kunot-noo kong tanong. Puno ng kyuryosidad sa aking tinig. "Pumili ka na lang kaya ng ibang hobby. Mamaya masira pa ang ngipin mo riyan."

"Eating is my hobby. Kakain ako ngayon. Kakain ako bukas. Kakain ako magpakailanman." Nguya pa rin siya ng nguya na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. "Gush-tso mo?" Tanong niya pa sa akin habang nakakagat sa labi niya ang binubuksan na bagong plastic ng tsokolate. Inabot niya sa akin ang isang plastic pero tinanggihan ko.

"Hay Rico. Maswerte ka dahil hindi ka tabain. Kung ganyan lang siguro ang katawan ko, mas matakaw pa ako 'di hamak sa'yo."

Ngumiti siya sa akin ng pagkalaki-laki, labas ang ngipin na punong-puno ng tsokolate. Tumawa ako dahil sa nakita.

"Rico! Nasaan na naman ba 'yung cellphone ko?" Narinig naming sigaw 'di kalayuan kaya napalingon kami rito. Papalapit sa amin si Nathan na mukhang badtrip.

"Rico, 'yung phone ko!"

"Hays! Ano ba 'yan ako na naman. Si Nathan talaga kahit kailan. Sige babes wait lang ah." Paalam niya sa akin bago tumayo upang magtungo sa direksyon ni Nathan.

Huminga ako ng napakalalim. So, mag-isa na naman tayo Serene ganu'n talaga. Kakausapin ko na lang yata ang sarili ko pampalipas oras.

"Serene!" Napalingon ako sa tumatawag ng pangalan ko. Sino naman kaya iyon—

Halos nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Siya 'yung babae na tili ng tili sa stage kanina!

Hala. What to do? Kailangan kong magtago kundi lagot na!

"Serene! Oh my gosh! Ikaw po ba talaga 'yan? As in Serene Lopez ng 'The Intricate'?!"

Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan ako na para bang kapag hindi niya ginawa 'yun ay maglalaho na lang ako bigla sa paningin niya. Talon siya ng talon habang niyayakap ako. Para siyang nangingisay sa sobrang saya at sabik. I helplessly smiled at her. Kahit na ba sa utak ko, sumisigaw na ito ng 'Warning! Warning!' Anong gagawin ko?!

"OH. EM. GEE. Ikaw nga! Oh my gosh, Oh my gosh. Alam n'yo po ba number fan n'yo po ako pati na rin ng pinsan kong nasa Canada. Ako nga po pala si Alyson at ang galing-galing n'yo po talaga walang kupas!" Tuloy-tuloy pa niyang tili sabay yakap sa akin at pa-picture.

Tumingin ako sa kanan at kaliwa kung may tao bang nakarinig sa kanya. Matapos na makasiguro na wala nga, agad ko siyang pinaupo sa tabi ko at nag 'sshh' sign sa kanya. Sabi na nga ba. Ito ang ikinakatakot ko, ang may makakilala sa akin.

"Oh my gosh! Hinawakan ako ni idol! Kinikilig ako. Wait lang po. Ang hirap kumalma pero hindi lang po talaga ako makapaniwala! The famous Serene Lopez ng pinakapaborito kong banda nasa harapan ko na! It's like a dream come true!" sabik na sabik pa niyang pagpapaalam sa tabi ko na tila ba hindi napapagod sa kakatili ng tuloy-tuloy.

Pero ano bang gagawin ko? Kilala niya ang Intricate Band. Kilala niya ako! At alam niya rin na galing ako sa Canada!

Serene kailangan mong mag-isip. Dali!

"Alyson!" may sumigaw ng pangalan niya 'di kalayuan. "Aalis na tayo nandito na sina Vana! Si Enzo hinahanap ka na rin. Halika na!"

Dismayadong tumingin si Alyson sa direksyon na 'yun.

"Hay buhay. Si Ate Kristi talaga killjoy. Naku! Yung ate ko talagang 'yun!" nakasimangot niyang reklamo. Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Ah Ms. Serene pwede pong pa-autograph?"

"O-oo naman." Kinuha ko ang inabot niyang ballpen at notebook at saka ito pinirmahan.

Papalapit na ang Ate Kristi niya sa amin. Bigla akong naalarma. Kailangan ko nang makaalis dito sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, baka mapunta ako sa alanganin.

"Ahm, ano. Alyson?" mahina at pasimple kong bulong.

"Yes po? Anything Ms. Serene!"

"Pwede bang secret lang natin 'to? Na nakita mo ako rito?" Marahan kong pakiusap sa kanya. Umaasa na sana pagbigyan niya. Kailangan ko talagang gawin ito. Ayoko ng gulo. Gayunpaman, halata ang tanong at pagtataka sa mga mata niya.

"Alyson! Nandito ka lang pala. Hay naku! Kanina ka pa namin hinahanap eh." Isang babae ang bigla na lang lumitaw sa tabi namin. Lumapit siya kay Alyson at tumingin sa akin. Ito siguro ang Ate Kristi niya. Ngumiti siya sa akin. "Sino sya?" tanong niya pa sa kapatid.

Ito na. Ito na ang moment of truth! Napatingin na lamang ako kay Alyson na may kaba sa mukha. Please lang. Please. Tahimik kong panalangin sa utak ko.

"Ah wala ate, kakilala ko lang galing sa ibang school." Ngiti ni Alyson sa kapatid bago ngumiti sa akin. Pasimple niya akong kinindatan na tila bang nagsasabi na 'your secret is safe with me'. Dahil doon, nakahinga ako ng maluwag. Puno ng pasasalamat sa aking mga mata. Mabuti na lang.

May dumating na isa pang babae. Yumuko na ako. Mukhang hindi naman siya fan dahil abala siyang kausap ang kapatid ni Alyson.

"Kristi kain tayo sa lugawan ni Mang Chito pagkatapos nito mamaya ah."

"Oo naman! Libre ko pramis. Basta 'yung shift ko sa restaurant kukunin mo ah."

"Grabe naman. May kundisyon talaga lahat ng bagay?"

"Vana, it's what you called life. You give and receive. Simple."

Nagtama ang mata namin no'ng babaeng tinawag niyang Vana ngunit agad ko rin itong inilayo. Mukha namang hindi niya ako kilala kaya okay lang.

"O siya, halika na dahil naghihintay na ang sundo natin. Alyson, halika na." tawag sa kanya ng ate niya. Nagsimula na itong tumalikod at lumakad palayo kasama ang kaibigan. Parehas silang nagtatawanan sa isang usapan na hindi ko na narinig.

Malungkot na sumimangot si Alyson. Nagpabalik-balik ang tingin niya mula sa akin pabalik sa kapatid. Bumuntong hininga sya ng napakalalim. Hindi man bukal sa dibdib niya ay tumayo na siya sa kinuupuan at muling tumingin sa akin.

"Idol last na. Pa-autograph naman po sa damit ko."

Sinsero akong ngumiti at pinirmahan ang puti niyang damit sa likuran. Mabuti na lang at hindi niya ako ibinuko. Salamat talaga sa kanya.

Bago siya tuluyang umalis ay binigyan pa niya ako ng isang huling sulyap. Ginawaran niya ako ng ngiti na hindi ko makakalimutan habang buhay.

"Thank you, Ms. Serene Lopez."

Tumango ako at sinuklian ang ngiti niya. Mayroong saya sa dibdib ko na hindi ko maipaliwang. Kakawayan ko pa sana siya ng paalam ng may isa na namang boses ang tila ba tumatawag sa akin.

"Babes! Tawag ka raw ni Mr. Valdez!" Si Rico lang pala, akala ko kung sino na.

"Okay sige. Papunta na ako!"

Gusto ko na ring umuwi. Pakiramdam ko kasi parang may mangyayaring hindi maganda ngayon. Pagkatayo ko, nakalimutan kong may dala pala akong maliit na bag. Nalaglag tuloy ng 'di oras. Madali ko itong pinulot ngunit hindi ko namalayan na nakabukas pala ito kaya biglang nagsihulugan ang mga gamit ko kaya nagkalat ito sa aking paanan. Mabuti na lang at kokonti lang ang laman dahil kung hindi baka inabot na ako ng siyam-siyam sa pagpupulot.

"Ay teka nasaan yung phone ko?" Kinapa ko ang bulsa at hinanap rin ito sa loob ng bag na dala pero wala akong makita.

"Is this what you're looking for?" narinig kong boses na nanggagaling sa isang babae mula sa likuran.

Paglingon ko, isang malakas na sipa ang tumambad sa akin. Bumagsak ako roon sa lupa ng hindi inaasahan. Tumama pa ang braso ko sa isang bato na nagdulot ng pagkasugat ko rito. Nakaramdam ako ng hapdi. Napaismid ako sa sakit.

"G-Clef... we meet again." nangingisi nitong sambit. Ang cellphone ko ay nasa kamay niya.

Napailing ako sa sarili. Sabi na nga ba. Gulo na naman ang napasok ko.


© G. J. Dion (wistfulpromise) 

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 322K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
14.2M 432K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
231K 6K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...
439K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)