A Man's Life

By aKo_Narcisso

368K 6.8K 1.2K

Lalaki ako. Yun. Period. Bago kayo mag-isip ng kung ano pa man, lalaki po ako. So clear all your misconceptio... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine ~END~
To be published under Life is Beautiful
FAQ

Thirty-one

5K 95 7
By aKo_Narcisso

Nang mag-third year kami, nangailangan ang partido nina kuya Mason ng panibagong candidates para sa Student Council dahil grumaduate na mostly yung dating officers. One of which is their president. Dahil ata nasa position na si kuya Mason, siya ang magiging successor. Siya ang tatakbong president.

Ako, gusto ko sanang sundan ang mga yapak ni kuya Mason. Yaman din lamang at naiinvolve na ako sa politics dahil ako nga yung laging nagiging president ng section namin, gusto ko sanang i-push sa next level. Kaya lang, na-chi-chicken out ako.

Ewan ko nga din eh. I have no doubt naman sa influence ng mga bestfriend ko sa school upang magkakuha ng supporters. Pero there’s a part of me na… how can I prove myself, my worth kung iaasa ko sa kanila yung status ko for candidacy if ever diba? Ayoko namang masabihang nanalo lang ako dahil sa impluwensya nina Charlie at Louie. Gusto kong manalo dahil nakita ng mga constituents ko na deserving ako.

At isa pa, baka mamaya wala ng slot sa partido nina kuya Mase. Mapahiya pa ako diba? Sa mga ganitong sitwasyon, isa lang ang pinupuntahan ko. Salon. Eh kasi duh! Pag-aari yun ni tita Charlene. At gusto ko siyang makausap kaya naman pupunta ako dun. Besides, paubos na ang BB Crème ko. Kukuha nalang ako sa supply ni tita ng BB Crème kesa naman sa gusmastos pa ako sa pagbili sa Etude House.

Buti nalang at hindi puno ang Salon ni tita kaya hindi siya ganoon ka busy. Yung mga tauhan lang niya ang umaasikaso sa mga customers niya. At dahil konti lang ang customers, hayun, nagpapapedicure siya.

“Hi tita!” bati ko sa kaniya habang papalapit sa upuan niya.

“O, Chan-Chan baby! Napadalaw ka?” sabi niya habang nakikipagbeso-beso.

“Magpapa-foot spa po. Libre naman eh,” sagot ko saka pumuwesto sa katabing upuan niya.

“Naku! Ito talagang pamangkin ko,” sabi ni tita tapos ngumiti. “Lottie!”

“Yes achi?” sabi ng isa sa tauhan ni tita Charlene nang lumapit ito sa amin.

“Paki-asikaso naman ng pamangkin ko. Foot spa and massage tapos pakilinis na din ng toenails niya,” utos ni tita.

“Sureness!” sagot naman ni Lottie. “Ay! Fairnez te, gwapo.”

“Hay, inggit naman akez. Maanda ka na may fez pa. Di ka na mahihirapan,” sabi ni Lottie. Napakunot naman ang noo ko. Ano na naman to? “Sayang nga lang.”

“Ang alin?” di ko na napigilang magtanong.

“Hay naku! Ganyan din ako noong una. Hindi ko din tanggap. Siyempre inisip ko ang future. Kelangan kong kumayod para lang magka-fafa. Ganyan naman halos lahat eh! Kung ala kang datung, al aka ding lovelife,” paliwanang ni Lottie.

Nakakunot lang ang noo kong nakatingin sa kaniya. Na may halong pagtitimpi. I think I know where he’s getting at. And NO! You just thought I am but NO! a big NO!

“Hay, kung may choice akez mas pipiliin ko ding maging straight! Pero wala tayong magagawa eh! Just spread your wings and learn how to fly!”

NO COMMENT! Naiirita lang ako. Imbis na marelax ako naku! Di ko nalang pinansin ang mga pasaring niya. Tsaka hindi man lang ako pinagtanggol ni tita! How could she not? Ay, oo nga pala. I should have known. Nakaklungkot lang na sila pa mismo ang nagtutulak sakin. Hay.

Buti nalang talaga at confident ako. Never in my life na magiging ano ako. I’ll prove to them na lalaki talaga ako. I’ll make them believe na lalaki talaga ako. Bakit ba kasi lagi nilang binobrought up ang issue nay an na hindi naman talaga dapat maging issue kasi nga hindi naman talaga.

Imbis na mag-coconfide ako kay tita Charlene, hindi ko na nagawa. Kaya after kong ma-foot spa at makakuha ng panibagong supply ng BB Crème, lumabas na ako ng salon niya. magda-Dance Central nalang muna ako sa Timezone para maralax ko utak ko at para makapag-isip ako ng maayos.

Pagkatapos ng limang sayaw ay nagpahinga muna ako. Mamaya na ulit ako sasayaw. Dance Mania ang isusunod ko para makapagpahinga ng konti.

“Pwedeng makilaro?” Paglingon ko, si Diana pala.

“Uy! Kaw pala. Sige ba!” sagot ko.

Ini-swipe ko ulit ng isa pang beses ang card ko para magkaroon ng credit para sa second Player. Ako na rin ang pumili ng mga kanta at nag-ayos ng settings. Limang medyo madadaling kanta muna ang pinili ko: I Will Follow Him, Dooh Daah, Locomotion, Tubthumping, tsaka In My Heart. Ginawa ko ng Wild kasi doon ako sanay. Napindot ko na ang start ng maalala ko na may kalaro pala ako.

“Ay Yana. Ok lang ba na Wild?”

“Haha, nai-start mo na eh! Hahaha!” sagot naman niya.

Ngumiti nalang ako bilang paumanhin. Pero mukhang ok lang sa kaniya. At magaling siya. Kaya niya akong sabayan.

“Magaling ka pala ha! Di mo man lang sinasabi,” puna ko nang matapos ang first song.

“Haha, hindi ka naman nagtanong eh!” sagot niya at nagsimula na ang second song.

“Sabagay. Nga pala, pansin ko lang, lagi kitang natitiyempuhang gumagala sa mall mag-isa ah!”

“Ah, wala kasing magawa sa bahay eh.”

Naglaro pa kami ng dalawa pa. Yung last batch ng song na pinili namin ay yung may kahirapan: Dam Dariram, Butterfly, Mad Blast, Happy Hopper at Quickening. Pagkatapos ay pumunta na kami sa Dance Central. Sayaw ulit. Doon ko nakitang magaling ding sumayaw si Diana. Andaming nanonood samin. Nakita ko yung iba nag-video pa. Talented rin pala tong si Diana.

Nag-dinner nalang kami after naming mapagod. Akalain niyong parehas kaming sa KFC gustong kumain? Tapos parehas pa kami na gustong Sprite ang drinks? Habang tumatagal talagang magkasama kami ni Diana napagtanto ko na marami kaming napagkakasunduan. Marami rin kaming common ground.

“Tatakbo ka ba sa Student Elections?” tanong niya sakin habang nagpapahinga kami sa bench.

“Hindi ko alam eh. Gusto ko pero…”

“Tumakbo ka na! I’m sure marami ang boboto sayo. Sa supporters palang nina Charlie at Louie—”

“Kaya nga parang ayaw ko eh. Ayoko kasing sila lang ang magiging dahilan kung bakit ako nanalo. Ayokong masabihan na nanalo lang ako dahil sa impluwensiya ng mga bestfriend ko. Ayokong lumabas na parang ginamit ko lang sina Louie at Charlie,” sabi ko.

“Alam mo Basti, wag mong isipin yun. Nakikita naman namin na magaling kang estudyante eh. Sa lahat ng students sa section natin ikaw lang ang nakakasabay kay Louie pagdating sa academics. Tsaka, hindi iisipin ng mga bestfriend mo na ginagamit mo sila. Siyempre bestfriend mo nga sila diba? Susuportahan ka nila. At kung kailangan nilang gamitin ang impluwensiya nila sa mga students para manalo ka, gagawin nila yun dahil naniniwala sila na kaya mong gampanan ang tungkulin bilang representative ng mga students,”paliwanag ni Diana.

Buti nalang at may isang Diana sa ganitong pagkakataon.

“Salamat Yana ha!” sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya at may tipid na ngiti.

Bigla namang iniwas ni Diana ang tingin niya. At… nagba-blush ba siya? Hindi siguro. Baka namalikmata lang ako. Parang imposible naman.

“W-wala y-yun! T-tsaka, parang wala kang fans club ah! Dami ko kayang nakikitang mga studyante na naglalagay ng love letter ,” sabi pa niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sabagay. Kahit papaano may mga love letter akong nakukuha sa locker ko. Pero mas konti compared kina Louie at Charlie. “Baka mamaya isa ka sa kanila ha!” biro ko sa kaniya.

“H-hindi ah!”

Continue Reading

You'll Also Like

24.3K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.4K 128 9
Scam Series #1: Chasing Agonies | On-going We are living in a universe where a lot of circumstances happened and still happening. A universe full of...
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
8.3K 381 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...