Diary ng Assumera (Completed)

By ellesanity

53.7K 1.5K 340

(Completed) Halina't makichismis sa buhay ni Zyra, ang babaeng assumera! More

Diary ng Assumera
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Entry #14
Entry #15
Entry #16
Entry #17
Entry #18
Entry #19
Entry #20
Entry #21
Entry #22
Entry #23
Entry #24
Entry #25
Entry #26
Entry #27
Entry #28
Entry #29
Entry #30
Entry #31
Entry #32
Entry #33
Entry #34
Entry #35
Entry #36
Entry #37
Entry #38
Entry #39
Entry #40
Entry #41
Entry #42
Entry #43
Entry #44
Entry #45
Entry #46
Entry #47
Entry #48
Entry #49
Entry #50
Entry #51
Entry #52
Entry #53
Entry #54
Entry #55
Entry #56
Entry #57
Entry #58
Entry #59
Entry #60
Entry #61
Entry #63
Entry #64
Entry #65
Entry #66
Entry #67
Entry #68
Entry #69
Entry #70
Aftermath
Author's Note

Entry #62

435 14 1
By ellesanity

Entry #62


Dear Diary,

Sabado ngayon pero kailangan kong pumasok ng school dahil sa pageant na sasalihan namin. Umaga pa lang, umalis na akong bahay dahil 9 am magsisimula ang practice namin.

Pagdating kong school, dumiretso agad akong gym dahil doon gaganapin ang practice namin. Medyo maaga akong nakarating kaya kakaunti pa lang ang mga taong nadatnan ko ru'n. Nagulat ako nang lapitan ako ni Jewel, classmate ko noong third year. Siya yata ang representative ng 4th year section 2.

"Hey!" she greeted, "I didn't know na ikaw pala ang female representative ng section 1."

"Hey! Ikaw pala 'yan, Jewel! Sinong partner mo?" I asked with a smile.

Sakto naman, biglang dating iyong sinasabing partner niya. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Naglakad ang nasabing lalaki at lumapit sa amin.

"Uy!" bati nito, "kasali ka rin pala, Zyra. I didn't know you're into pageants."

I smiled and said, "hindi naman, Byron. Napilitan lang ako. Napagkaisahan ng mga kaklase, e."

We both laughed.

"Maganda ka naman, Zyra, kaya hindi na ako magtataka," ani Byron.

Oh, shoot. Mejo awkward.

Kung hindi niyo naaalala, siya 'yung nanligaw sa akin kamakailan na ni-reject ko.

"By the way, kamusta na, Zyra? Balita ko nanliligaw raw sa 'yo si Lloyd Castillo?" Jewel told, "siya ba iyong partner mo?"

"Si Lloyd Castillo?" gulat namang sabi ni Byron, "hindi nga?"

Napanganga ako sa sinabi niya.

Kanino niya naman narinig iyon?!

"What? No! Hindi siya nanliligaw sa akin," I denied, "at hindi rin siya ang partner ko."

Hindi na siya manliligaw kasi binasted ko na. Wala naman na akong magagawa. Hindi ko na siya gusto.

"Hindi siya? E 'di si Klein?" she guessed.

"Hindi, e."

"Oliver?"

"Hindi rin."

"Sino?" Byron asked.

Magsasalita na sana ako nang umalingawngaw ang isang boses mula sa speaker.

"Candidates, please assemble yourselves. We will start the practice in five minutes. Thank you."

"O sige, Zyra! Mamaya nalang ulit!" paalam ni Jewel sabay hatak sa kasama, "let's go, Byron."

Pumwesto na rin ako sa may unahan at umupo sa isang monoblock kahanay ng mga candidates.

Nagsimula nang magsalita ang event organizer sa unahan at pinaliwanag sa amin ang mechanics ng pageant, pati na rin ang magiging flow ng buong program.

The program consists of 16 candidates, tigdalawang pares  bawat year level. May opening act, introduction, swimwear and formal attire act, talent portion and most of all, question and answer portion.

"The pageant will be held on friday night, at the last day of foundation week. So that means you still have twelve days to prepare yourselves. Mayroon pa kayong labindalawang araw para mag-practice at maghanda para sa pageant, so better make use of your time efficiently and effectively," Lalaine, the student council secretary, told, "by the way, I would like to introduce Miss Denice Fabian. She would be your choreographer for the pageant. She's a dancer and professional model. Graduate siya ng school natin and currently, she's in her fourth year of college. I hope you guys treat her well. That's all."

After that, pinasa niya kay Miss Denice ang microphone. Nasimula itong magsalita about sa magiging theme ng pageant, about sa dance number naming mga candidates and the like. After a couple of minutes, pinatayo niya na kami at pinapila sa unahan. Kinakabahan na ako kasi wala pa rin ang partner ko, anak ng tupa! Kaya dinukot ko ang cellphone mula sa bulsa at nagtipa ng mensahe.

To: James
Magsisimula na ang practice. Asan ka na ba?

Subukan niya lang talaga akong indyanin, malilintikan siya sa akin!

"Bakit 15 lang kayo? Sinong wala?" ani Miss Denice at saka lumapit sa akin, "ikaw, hija? Asan ang partner mo?"

Pinagpawisan ako nang malamig. Lord, help me!

"Ah, e. Paparating na r-raw po. Mali-late lang daw po siya n-nang kaunti," palusot ko.

Lagot ka sa akin mamaya, James! Napilitan akong magsinungaling dahil sa 'yo!

"Don't tell me inindyan siya ng partner niya? Kawawa naman," narinig kong sinabi ng isang lower year female candidate.

Tapos...

May isang humahangos na lalaki ang lumapit sa amin. Nakasuot siyang plain oversized white shirt na mejo gusot-gusot pa and skinny jeans paired with old sneakers. He's still wearing his thick glasses and ganun pa rin ang hairstyle niya. Pero shete, bakit ang gwapo niya sa paningin ko? Ganito yata talaga pag gusto mo ang isang tao. Lahat nang bagay tungkol sa kaniya, pangit man, gumaganda sa paningin mo.

Tumigil siya sa pagtakbo at humingang malalim.

"Good morning po! Sorry, I'm late," James greeted, "I'm her partner," sabay akbay sa akin.

Lahat ay napatingin sa amin. Nakarinig akong sari-saring bulungan tungkol sa aming dalawa.

"Sino iyan?"

"Ayan na ba ang makakapartner niya? Really?"

"He looks like a nerd. He doesn't look bad, though. But he's still a nerd."

"God! Look at that hairstyle! And those braces! Ang baduy tingnan."

"Ayan na ba ang makakalaban natin? Ano ba 'yan, sisiw!"

Hindi ko napigilang mapairap. Damn those bastards! How dare them talk like that? Sino sila para laitin si James? They don't even know him! Mga tao nga naman. Komo hindi pasok sa beauty standards nila ang isang tao, lalaitin at mamaliitin na. Nakaka-disappoint.

"Mabuti at nakarating ka, hijo," Ma'am Denice told, then she looked at him from head to toe, "no offense, ha. You don't look that bad naman at all. You have a good posture and a nice face. But since you are joining a pageant, mas maigi sana kung ipapaayos mo iyang hairstyle mo. At saka, mas mabuti kung magko-contact lense ka nalang. And! Wear more fashionable clothes. Sayang ang tangkad mo."

"Yes, Ma'am. I'll keep that in mind," he replied.

"Since you are late, hindi ka na-orient regarding some things about the pageant. Itanong mo nalang sa partner mo iyong mechanics and flow ng program. If you have questions, you can approach me. Maliwanag ba?"

He just nodded.

That bitch.

Pwede naman niyang kausapin si James in private about that. No need na pagalitan at ipahiya siya in front of other candidates!

Nagsimula na ang practice pagkatapos nu'n. Tinuruan niya muna kami kung paano ang magiging formation namin tapos saka niya dinemonstrate kung paano kami rarampa sa stage. Buong umaga ay iyon lang ang pinractice namin. Pagdating ng hapon, iyong steps naman para sa dance number ang itinuro niya. Apparently, may part pala kung saan magsasayaw ang candidates together with their partner. Kaya sobrang kinabahan ako nang gagawin na iyong part kung saan iikutan naming mga babae ang partner namin habang sumasayaw. Tipong dapat sensual and medyo seductive kami, with paghawak sa dibdib ng partner namin and whatnot. Tapos kung makatitig pa itong partner ko. Lechugas. Imagine niyo nalang. Wala pang isang minuto 'yun pero sobra akong pinawisan. 

Maikli lang naman iyong dance number. Mga five minutes lang. Ang nagpahaba lang talaga ay iyong pagrampa pagkatapos sumayaw.
Bandang 4 pm nang matapos ang practice namin. Nagsialisan na ang iba pero naiwan kami ni James malapit sa entrance ng gym.

"Walangya ka! Di ka manlang nagsabi na mali-late ka kanina!" I told him habang nagpapahinga kaming dalawa sa may bleachers.

"Sorry na, na-late akong gising," aniya.
"Akala ko iindyanin mo na ako," bulong ko, sabay tingin sa malayo.

"Asus. Kahit naman ayaw ko sa mga pageant, hindi kita magagawang iwan sa ere," natatawa niyang sagot.

"Talaga lang, ha? Baka napipilitan ka lang."

Lecheng 'yan, 'di ko tuloy napigilang ngumiti.

"Hindi, ah! Basta ikaw, handa akong sumabak sa pageant kahit mapahiya pa ako. Malakas ka sa akin, e."

Putek naman. Ayan na naman 'yung mga linya niyang pa-fall.

"Masabi mo!"

Itinaas niya ang kanang palad niya sabay sabing "apir!"

At dahil isa akong dakilang hokage, nakipag-apir ako, mahawakan lang ang kamay niya.

Bago kami umuwi, dumiretso kaming McDo sa bayan para magmiryenda. Dahil late siya kanina, libre niya ang foods. Siyempre, nagchikahan pa kami bago umalis. Pinag-usapan na rin namin iyong gagawin namin para sa talent portion ng pageant, pati na rin ang mga costume at attire na isusuot namin sa event.

"James!" tawag ko sa kasama pagkalabas naming McDo.

Sa puntong ito, ito na iyong part kung saan maghihiwalay na kami ng landas kasi magkaiba kaming daan pauwi.

"Ano 'yun, Zy?" nakangiti niyang sabi.
Huminga akong malalim at humugot ng lakas bago nagsalita.

"Pa'no kung sabihin ko sa 'yong gusto na kita? Anong gagawin mo?"

Kasabay ng mga salitang ito, ay ang malakas na tunog nang mga dumaang sasakyan.

Lumapit siya sa akin kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Anong sinabi mo?"

Napailing ako.

"Sabi ko, see you sa Monday! Thank you ulit sa libre!"

Hayszx, Diary. Kailan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob?

- Zyra.

***

Continue Reading

You'll Also Like

45.6K 2.9K 39
Life after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet...
333K 11.3K 76
Subaybayan ang Storya ng SNSD at EXO. Nagsimula sa isang bangayan at awayan mauwi kaya sa pagmamahalan at dumating sa punto na mabago ang buhay nila...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
5.8K 246 75
Francine Perez, a former Zion Lapaz's fan and personal assistant, but now a superstar and a new blossoming celebrity. What will happen if she crosses...