Liars Catastrophe

By RenesmeeStories

3.5M 92.6K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... More

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 41: The Last Ride

42.5K 1.1K 378
By RenesmeeStories

The Last Ride
Princess Light's POV

Natawa na lamang ako noong katahimikan ang mamayani matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Napatindi ang pagkakayukom ng kamao ko at saka tuluyang nag-igting ang aking mga panga.

Ang paghinga ko ay mas lumalim kaysa kanina, at nakaramdam ako nang matinding panginginig sa aking buong katawan. Nararamdaman ko sa aking lalamunan ang pagkakalapat doon ng patalim na hawak mismo ng kakambal ko.

"Sumuko ka na. Kamatayan mo na lamang ang kulang sa labanang ito." Madiing wika ni Catherine Servilla na animo'y pikon na pikon sa bigla kong pagtawa. Isang ngisi ang hinandog ko sa kaniya, kaya naman nakaramdam ako ng mahapding sensasyon sa may leeg ko dahil sa patalim doon.

Muli kong tiningnan ang sariling repleksyon—hindi, hindi ko repleksyon ito. Ito mismo ang kakambal ko. May nararamdaman akong kakaibang koneksyon sa kaniya. Nasisigurado kong napakamalapit niya sa puso ko.

Marahan kong inangat ang aking kamay papunta sa matalas na bahagi ng espada. Tila kumislap pa iyon sa mga mata ko dahil sa linis noon. Tiningnan ko sa mata si Ate Gloom, ngunit wala akong mabasang kahit anong ekspresyon sa kaniya. Nakatitig lamang siya sa akin.

Ang kabog sa puso ko ay walang kapantay, at nagsimula nanaman manlabo ang mga mata ko dahil sa tubig na namumuo doon. Is she really alive? Siya ba talaga ito? Patuloy at paulit ulit na tanong ng isip ko. Hanggang ngayon parang panaginip pa din.

May isang paraan para malaman kung nanaginip ba ako o hindi. Ang kamay kong pinapakiramdaman ang kinis ng talim ng espada, ay bigla ko na lamang inihawak doon ng madiin. At inalis ang patalim na iyon sa leeg ko.

Matinding sakit ang naramdaman ko, isang pahiwatig na gising ako, at hindi ito basta panaginip lamang. Napatawa ako ng peke dahil doon. "Totoo, pala talaga. Hindi panaginip." Parang isang biro na saad ko, kahit sa katotohanan ay namamangha ako sa mga nangyayari ngayon. Biruin mo nga naman, hindi pala talaga susugod ang mga Servilla ng walang laban.

They've used my mother, father, and my grandfather just to pin down. Matalino. Nagawa nila. Sa buong panahong ito, nililimitahan ko pa ang kilos ko. Nililimitahan ko pa ang mga ginagawa ko. Tinatantiya ko pa sila, at sa kung hanggang saan ang kaya nilang gawin. Pero walang kwenta pala ang ginawa ko, dahil mas matindi pa sa sukdulan ang magagawa nila.

Ngayong nasa harapan ko na ang pinagsimulan ng lahat, marahil ay imbis na mas lalo akong masadlak sa paglilimita sa aking sarili, ay nakawala na ako sa lahat ng rehas na kanilang itinali sa akin, dahil sa wakas... Natapos na ang paghihirap ko sa napakadaming taon.

"You..." Malamig na simula ko.

Nakatingin ako sa kamay kong may hiwa habang umaagos doon ang dugo. Hindi ko na maramdaman ang hapdi doon, ang nararamdaman ko na lamang ay ang gaan ng loob, na nawala na sa aking dibdib.

Hindi ko akalain na silang nagbigay ng pasakit sa buong buhay ko, ay sila ding magtatanggal noon. Mali... Hindi nila tinggal pero naglagay sila ng bagay na maari kong magamit para ako na mismo ang magtanggal noon.

Mula sa pagkakaluhod at itinayo ko ang aking sarili. Dahan dahan kong itinaas ang aking mukha para magkatapatan kami ng hitsura ni Gloom. "Gloom Smith." Mabagal at seryosong pahayag ko.

Nakita ko ang pag-atras ng mga paa niya dahil doon. "You... You've never been my weakness." Nakangiting saad ko. Ngiti? Ngiting mala anghel? Mali. Kabaliktaran. Ang ngiting sumisilay ngayon sa aking pisngi, ay ang pinakamapaglarong ngiti na inalay ko sa isang tao.

Agad kong nilingon si Catherine at nakita kong may baril na siyang hawak at nakatutok na iyon sa akin. Pakiramdam ko ay kating kati na siyang iputok iyon mismo sa ulo ko. Kasunod kong tiningnan ang anak niyang si Cassidee Servilla, ang galit at walang katumbas na inggit sa mga mata niya ay basang basa ko. Bumababa ang tingin ko sa kaniya at doon ko nakita ang umbok sa kaniyang tiyan. Napangisi na lamang ako.

Hindi ko akalain na ganyan na siya kadesperada, na ganiyan na siya kawalang respeto, na ganyan pala ang nagagawa nang matinding galit at inggit. An innocent child... Isang inosenteng bata ang ipinapasok niya ngayon sa matinding gulo na magreresulta sa kamatayan.

Is she even kidding? If... If that's Gabriel's child, she would fucking protect it with all her life, but she's walking in the tiger's den. I don't really get the way she thinks.

Humakbang ako paabante sa kakambal ko. Tiningnan ko siya nang mata sa mata. Hindi siya umiwas ng tingin bagkus ay ginantihan niya iyon ng tensyonadong sulyap. Nakaramdam ako ng pagkulo ng matinding pagkasabik sa aking dugo.

Dahil sa nararamdaman kong iyon, ay mabilis akong umikot at saka itinuon ang isang kamay ko na walang hiwa sa may sahig at pilit inangat ang katawan, at saka tinira mula sa ilalim ang aking kakambal, dahilan para lumipad ang espada pataas.

Napansin ko ang bahagyang pagkagulat niya pero agad siyang nakakilos para mabalanse ang sarili ay mabilis na tumalon para siya ang makakuha ng espada, hindi ko siya hinayaan na magawa iyon nang panandalian. Agad kong pinalipad ang baril na hawak ko kanina, para mawala sa tamang lagpak ang espada, at noong pababa na si Gloom mula sa pagkakatalon, ay agad akong tumalon, para ako ang makakuha ng patalim.

Nagtagumpay ako dahil doon pero hindi ako hinayaan ni Gloom, mabilis niya akong sinugod gamit ang espadang hinagis sa kaniya ni Cassidee. Walang alinlangan niyang hinampas ang katana sa akin, at agad kong nasalag iyon.

Doon marahang sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mukha, at kasunod noon ay ang mabilis at mabibigat niyang atake na mabilis kong nasasalag. Ang kilos niya ay napaka-pino, na kung hindi ako makakaiwas ay paniguradong magkakaroon ako ng hiwa.

Napapatalon at napapaikot ako dahil sa walang humpay niyang mga pagsugod, at noong nakakita ako ng tamang pagkakataon ay agad kong binago ang nagiging agos ng laban, at ako ang nagsimulang umatake. Nararamdaman ko pa ang hapdi sa kabila kong kamay dahil sa hiwa doon, kaya naman doon lamang sa kanang kamay ko ang ginagamit ko.

I attacked her non-stop, and her defense was swift. Nakakasabay siya sa ginagawa ko, pero wala pa iyon sa gitna ng kakayahan ko. Mas binilisan ko ang tempo ng mga atake na ginagawa ko, at hindi din siya nabigong sundan ang aking bilis.

Halos tumatalon at napapayuko na ako para lamang lituhin siya sa mga galaw ko pero ang taglay niyang natural na depensa ay talagang mapapahanga ka. Ang mga kalansing ng patalim, ay hindi natitigil sa buong paligid. Para itong sumisigaw dahil sa labanang nangyayari.

Nag-ikutan kami matapos ko siyang atakihin. Nasisiguro kong may ilang daplis siya na hindi ganoon kalalim, at nararamdaman ko din ang ilang punit mula sa jacket na suot ko, at maging sa pantalon ko.

Kapantay ng aking labi ang hawak hawak kong katana at ito ay nakapaharang, samantalang ang kaniya ay nakatayo at handa na akong atakihin. Sa isang iglap ay kaniya na akong sinugod, at ako naman ay agad na gumawa ng depensa. Nagkatitigan kami sa mata ng mas malapitan, at saka ko napansin ang nanunubig niyang mga mata.

Agad akong napalayo sa kaniya dahil doon. At noong pagkakataong iyon ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar, at halos makita ko yata ang bala na lumilipad patungo sa kinauupuan ni Skyler.

Agad akong pumunta doon, at saka hinarang gamit ang espada iyong bala. Nagawa ko iyon, pero tumalbog ang patalim mula sa aking kamay. Dahil sa nangyari ay naging alerto akong muli dahil muntik ko ng makalimutan na nandito pa nga pala ang dalawang Servilla.

Panandalian ko silang nakalimutan dahil naaliw ako sa pakikipaglaban kay Gloom. Walang duda, ang kakayahan niya ay lubhang nakakahanga, na maaring tapatan ang akingking galing ng nga lider sa Apocalypse.

Mabilis akong kumilos at agad na kinuha ang baril sa sahig na ginagamit ko kanina. Agad kong pinaputukan ang kadena kay Skyler upang makawala siya at saka mabilis na sinunod ang kadena kay Gabriel.

Tumayo na din si Kurt mula sa kinauupuan at marahang pumunta papunta sa akin.

Doon lumabas ang dalawang pigura sa dilim na kasama nina Cassidee. Nakita ko doon si Reid Servilla, kasama nilang katayo doon ang kakambal ko at si Catherine. Apat laban sa apat.

Naramdaman ko na nasa likod ko na din si Gabriel at si Skyler.

"Nakalimutan ko." Nangungutyang sambit ko. Kumunot ang noo ng mga Servilla dahil doon. "Salamat..." Nang-aasar na dugtong ko at saka ko sila binigyan ng isang ngiti.

"Salamat sa pagpapakita sa akin ng kakambal ko, dahil ngayon, magsisimula na ang huling laban." Seryosong at mariing saad ko at saka ako mabilis na kumilos upang sugudin silang apat.

"Cassidee." Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay narinig ko na ang baritong boses ni Gab Gab. Natigilan ako at saka napaharap sa kaniya. Doon ko nakita kung paanong napakadilim ng kaniyang ekspresyon, at kung paano ko naramdaman ang kakaibang takot mula sa kaniyang awra.

Ni minsan hindi ko nakitang ganito kagalit si Gabriel. Ni minsan hindi ko aakalain na halos ako ay matatahimik sa aking awtoridad na nagagawa ng tinig niya. Kung ako ay natigilan sa pagsugod...

Ang apat naman na nasa harapan namin ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi makapagsalita si Cassidee, nakaawang ang kaniyang bibig ngunit walang kahit anong himig ang lumalabas mula doon. Parang tumigil ang oras namin dahil sa isang katagang iyon.

"Ibang usapan kapag nagselos ang asawa ko. Pero ibang usapan din ang sasagadin mo ang natitirang pasensya ko sa iyo." Nang sabihin niya iyon, ay nagulat ako noong parang may hangin na dumaan sa aking unahan, na halos hindi na siya nasundan ng aking mag mata at ang tanging nakita ko na lamang ay kung paano nasasakdal ngayon si Cassidee sa pader, habang ang kamay ni Gabriel ay nakapalibot sa kaniyang leeg.

"Anak ko?" Halos humalakhak ang kaniyang tinig.

"N-N-Nate... A-anak n-natin..." Nanginginig na sambit naman ni Cassidee.

Napa-iling iling na lamang ako sa kaniyang sinabi. Hindi ako naniniwala kay Cassidee, kahit alam kong hindi imposible ang bagay na iyan. At nasa gitna kami nang isang laban. Makikipagtuos ako sa kaniya tungkol sa dinadala niya, kapag natapos na ito. Hindi kaya ng konsensya ko na madamay ang isang walang muwang sa mundo.

"Paano?" Ang tinig ni Gabriel ay napakalalim ngunit hindi nangunguwestiyon. Ang tinig na iyon ay sigurado at walang pagaalinlangan. Sobrang kabaliktaran noong reaksyon niya kanina, marahil ay nakabawi na sa matinding gulat noong magbigay ako ng oras sa kaniya.

Kinalaban ko talaga ang kakambal ko ng kusa, para bigyan ng oras sina Gabriel, Kurt at Skyler sa matinding pagkayanig nila sa sinabi ni Cassidee at maging ang paglitaw ni Ate Gloom.

Unlike me who's already almost... Used to all the explosive revelations of the Empire. They are not. Hindi pa sila sanay sa kung gaano kalaki ang mga tinatago ng Empire. Halos kalahati yata ng buhay ko ay ito na ang kinakaharap ko, kaya ngayon ay mas mabilis na akong nakakaahon mula sa mga bigla nilang pasabog.

"Y-You were dr-drunk t-that night an-and..." Napapikit ako sa naririnig.

Selos. Galit. Pagkapikon. Nararamdaman ko na ang mga iyon. Gusto ko ng ibaon sa lupa si Cassidee dahil doon. Bago pa man niya matuloy ang sinasabi ay ako na ang nagsalita.

"Huwag mong babalaking ituloy, Cassidee. Binabalaan kita." Walang kaemoemosyong sambit ko.

"Huh!" Singhal niya sa pagsabat ko. "May nangyari sa amin! Anak ni Nathaniel ang nasa sinapupunan ko! Kaya makipaghiwalay ka na sa kan—"

Hindi na naituloy ni Cassidee ang sinasabi noong biglang suntukin ni Gabriel ang pader sa tabi ng kaniyang ulo. Nanginginig siya napatingin sa kaniya dahil doon.

"She told you to keep your mouth shut, and you must learn how to obey my queen." Nakaramdam ako ng matinding pagkasindak sa pahayag niyang iyon. Halos kaming nanunuod sa eksena nila ay hindi makakilos, dahil sa mga sinasabi ni Gabriel. Maging ako ay parang nahihipnotismo at nanatili na lamang sa kinatatayuan ko.

"Sabihin na nating anak ko nga iyan—"

"Anak mo!" Umiiyak na saad ni Cassidee. "Maawa ka na Nate. Magalit ka na sa akin, ipamukha mo na harap harapan na hindi mo ako mahal, hindi ko man makuha ang puso mo, tanggapin mo ang anak natin!" She beseeched helplessly.

Napatungo ako dahil doon. Hinihingal ang tinig ni Cassidee habang umiiyak. "H-Huwag mong p-pagkaitan n-ng ama ang anak n-natin... Bigyan m-mo s-siya ng maayos na buhay... M-Makipaghiwalay ka na kay P-Princess..." Pagmamakaawa pa niya.

Makipaghiwalay? Napantig ang tainga ko dahil doon. Gusto ko na sanang lumapit sa kanila kung hindi lamang nagsalita si Gabriel.

"You are one of a heck selfish woman." Nanggagalaiting saad nito. At saka pumorma ang kamao at saka ito unti unting itinaas.

"Tapos na ba!?" Sigaw ni Gabriel na halos magpatalon kay Cassidee sa kinatatayuan. "Tapos mo na bang sirain ang buhay ko!?" Halos pumiyok siya sa matinding galit. At noong lalapat na sana ang kamao niya sa mukha ni Cassidee, ay agad na nakakilos si Gloom upang salagin iyon.

Napapikit ng matindi si Cassidee. Agad ding kumilos si Gloom, para balibagin si Gabriel, at mailayo sa kaniya si Cassidee. Kahit pa nasa sahig na si Gabriel ngayon ay natatawa na lamang siya sa mga nangyayari.

Agad akong dumalo sa kaniya at inabutan siya ng kamay. Walang alinlangan niya iyong tinggap at saka niya ako diretsong niyakap. "Have faith in me..." Mahinang bulong niya na halos mawalan na ng lakas.

Napangiti ako doon. Kailan? Kailan ko pa ba siya pinagdudahan? Nang araw na ibigay ko sa kaniya ang oo ko, nang araw na ibigay ko sa kaniya ang puso ko. Tinggap ko na ang lahat ng kamalian niya, at magiging pagkakamali pa niya. Dahil sa araw na iyon, ako ay siya, at siya ay ako.

"Saranghae..." Mahinang sagot ko sa kaniya.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga dahil doon at saka mabilis na humarap sa kalaban namin. Napansin kong tumungo sa isang silid si Gloom at Cassidee. At noong balakin kong puntahan sila, ay agad na humara ang mag-asawang Servilla.

"Mamatay ka muna sa mga kamay ko." Pinal na banggit ni Catherine.

"Kung kaya mo." Maangas na tugon ko.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinugod agad siya. Kagaya ng inaasahan ay nasalag niya lahat ng suntok ko. Samantalang si Reid Servilla ay agad ding nakipaglaban sa tatlong lalaki.

Napangisi ako dahil doon. Walang abala. Walang aabala sa magiging laban ko kay Catherine Servilla. Masyadong masikip ang lugar na ito para sa akin, kaya naman habang nakikipaglaban kay Servilla ay naghanap ang mga mata ko ng labasan dito.

May nakita akong isang pinto sa isang banda. Hindi iyon ang pinto na pinasukan kanina nina Cassidee, kaya't maaring iyon ang labasan. Agad kong tinadyakan si Catherine, at saka mabilis na sinipa sa may bandang puso. Napaatras siya dahil doon, at saka mabilis na bumunot ng baril.

Napaismid naman ako dahil doon. Akala ko pa naman makakapunta na ako sa may pinto, kapag napaatras siya. May ganito pa pala siyang alam. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya, at bago pa man niya makalabit ang gatilyo ay mabilis ko nang nailagay ang kamay ko sa may baril at saka tinggal ang lalagyan ng bala noon.

Nanlalaki ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Tila hindi makapaniwala sa bilis ng kamay ko. Matakot na Servilla. Hinding hindi mo na makokopya ang mga galaw ko simula ngayon, dahil hindi ko na lilimitahan ang sarili ko.

Agad kong itinaas ang aking isang paa, at agad na umikot para masuntok ng paa ko si Servilla sa mukha, hindi pa ako nakuntento doon at mabilis siyang sinuntok sa may sikmura at ibinigay ang isang tira ng paa sa may bandang hita.

Halos mapaupo siya sa aking ginawa pero agad ding nakabawi, sinimulan niyang gayahin ang galaw kong iyon kaya't natawa na lamang ako. Hindi niya magagamit sa akin ang mga galaw kong iyan, dahil lahat ng iyan ay espisyal. Dahil ang mga galaw na iyan ay nagagawa kong gawin, pero magagawa ko ding salagin.

Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat noong lahat ng mga galaw ko na itinira sa kaniya ay hindi man lamang yata ako nadaplisan o kahit isa man lamang ay hindi tumama.

Dahil sa pagkaasar sa mga galaw ko ay mas binilisan niya ang tempo noon. Talagang inangkin na niya ang mga iyon. Tss. Sa kanya na. Hindi ko naman binabawi. Napangisi ako para asarin siyang lalo at saka ko mabilis na umiwas.

Sinugod ko siyang muli, at saka tinira sa mga lugar na hindi niya makikita. Halos matumba at masuka na siya ng dugo sa mga kumbinasyon na ginagamit ko kaya't pakiramdam ko ay mas lalo akong ginanahan makipaglaban.

Agad kong kinuha ang kamay niya at saka pinilipit iyon, at habang hawak iyon ay tumalon ako at saka ko siya ibinalibag paikot. Halos mamilipit siya sa kit dahil sa nangyari. "Hanggang diyan ka na lang?" Natatawang sambit ko, at saka ko na naramdaman ang patalim na palipad sa akin mula sa likod ko.

Umiwas ako doon, at saka binago ang daloy ng paglipad noong patalim. Saktong tama noon ay sa may pader na malapit sa mukha ni Catherine. Tumalbog pa iyon, dahil sa bato ang pader. Natawa na lamang ako at saka ako lumingon sa kung saan galing iyon.

Doon ko nakita si Reid Servilla na halos magwala sa galit dahil sa ginawa ko. Susugod sana siya sa akin pero naharangan siya ni Kurt at saka mabilis na pinalibutan ni Gabriel at Skyler. Sumenyas ako doon sa tatlo na sila na ang bahala sa Servilla'ng iyon, dahil kami ni Catherine ang magtutuos.

Habang hindi pa nakakabangon si Catherine sa ginawa ko ay mabilis akong nagtungo sa pintong iyon, ngunit nakakandado iyon. Napatiim bagang na lamang ako at saka sinipa iyon ng pagkalakas lakas. Noong una ay hindi gumana, pero noong ihampas ko ang katawan ko at saka mabilis na sinundan iyon nang malakas na tadyak ay bumukas na iyon.

Tama nga ako, labasan iyon. Doon ay nakita ko na ang gubat na kung nasaan ako kanina, at saka ko narinig ang malalakas na pagsabog mula sa abandonadong nayon. Agad akong tumingin muli sa loob, at napansin na patayo na si Catherine upang sundan ako. Agad kong inihaya ang kamay ko, senyales na gusto ko siyang palapitin pa sa akin.

Halos nag-iigting ang mga panga niya habang nagmamartsa patungo sa kinalalagyan ko at noong makalapit na siya ay mabilis niya akong sinugod, kaso ay nakatakbo na ako papalayo nang kaunti, para tuluyan nang makalabas.

Hindi kadiliman ang lugar dahil sa napakaliwanag na buwan. Halos wala ding ulap sa langit, at napakaraming bituin doon. Ang gandang gabi, hindi ganoon kainit, at may pagkamalamig. Lalo na at nasa kakahuyan kami. Ang tingkad ng buwan ay walang kapantay, bilog na bilog ito na animo'y may lobong aalulong na lamang bigla.

Walang alinlangan akong sinugod ni Catherine, nakakaiwas ako sa kaniya at nagtatago sa may mga maninipis na mga punong kahoy, pagkatapos ay aatake siya ng walang humpay at ako naman ay iiwas sa pamamagitan ng pagtalon o hindi naman kaya'y pag-kapit sa mga punong kahoy, upang magkaroon ng pansalag.

Nagsisigaw siya habang pasugod sa akin. Inilalabas lahat ng kaniyang galit at sama ng loob. Naririndi ako sa totoo lamang. Ang ayaw ko sa lahat ay ang maingay na kalaban, kaya naman agad ko siyang sinugod, at siya naman ngayon ang umiilag.

Lumambitin siya sa may isang sanga, at noong pabalik na siya sa akin ay sinipa niya ako sa may tiyan, hindi ako nakaiwas doon, kaya naman napagulong gulo ako sa lupa at mga tuyong dahon.

Nang patayo na sana ako ay agad niya akong dinamba at saka ihinaya sa akin ang isang balisong. Agad siyang napigilan ng kamay ko, at dahil iyon ang kamay kong may hiwa, ay nakaramdam ako ng kirot doon.

Malapit na ang dulo ng matilos na bagay na iyon sa may mukha ko, kaya't gamit ang lakas ko ay gumulong ako para baliktarin ang tayo naming dalawa. Ako naman ang nasa ibabaw niya pero sa akin parin nakaharap ang patilos at dulong bahagi ng balisong.

Nanginginig ang kamay niya sa matinding depensa laban sa akin. Ngunit hindi ako mapapataob nang ganiyan lamang. Agad kong inuntog ang sariling ulo sa ulo niya. Natawa pa nga ako, dahil sa lakas noon ay nakaramdam ako nang panandalian liyo, at siya naman ay nakita kong dumudugo ang ulo. Tss. Matigas pa din pala ang ulo ko kaysa sa kaniya.

Doon ko nakuha ang pagkakataon, para mamanipula ang balisong na hawak niya kaya naman sa isang iglap ay nasa may lalamunan na niya iyon nakatutok. Nanlalaban pa din siya at nagawa niyang pagbaliktarin muli ang tayo namin, at saka mabilis na sinuntok ang mukha ko gamit ang isang kamay.

Dahil sa ginawa niya ay hindi niya nakontrol ang kamay niyang may balisong kaya't agad kong kinuha iyon mula sa kaniya, at mabilis na gumulo at saka iyon itinarak sa may hita niya.

"Aah!" Malakas na palahaw niya dahil sa mabilis na kilos ko.

Agad akong tumayo, at saka niya binunot ang kutsilyong nasa hita niya at ibinato sa akin iyon. Subalit masyadong mabagal ang galaw na iyon para sa akin, at bago pa iyon tumama sa may bandang puso ko ay nahawakan ko na iyon nang walang kahirap hirap.

Kahit iika-ika ay hindi ko siya kinakitaan ng panghihina. Bagkus ay mas lalo pa yata siyang naging determinado para labanan ako. Ngayon lamang ako nagkaroon ng kalaban na ganito. Hindi sumusuko.

Pasensyahan na lamang tayo. Kahit siya pa ang pinakamalakas sa lahat ngayon, kahit siya sa ang ituring na reyna ng diablo ngayon, wala akong paki-alam. Magbabayad siya sa lahat mg buhay na kinuha niya mula sa akin.

Tita Sab. Tito Peter. Dennise. Vianca.

Lahat sila. Nawala ng dahil sa kaniya. Tita Sab's accident was not really an accident. It was all set up by them. Noong malaman nila na bumalik na si Tita sa paaralan ay nagplano na agad sila kung paano ito papatayin. Hindi nila ito agad napatay dahil sa proteksyon ng lolo ko.

Pero nang gabing iyon. Doon sila nakakuha ng pagkakataon, at pinalabas pa nila na isang aksidente ang lahat. Kahit ang totoo naman binangga nang halos limang sasakyan ang kotse na sinasakyan nila ni tito.

Tita protected Tito Peter in her last breath, kaya naman nakaligtas si Tito Peter mula sa matinding aksidente na iyon, kahit pa naputol na ang paa niya sa tindi nang nangyaring banggaan.

Every single piece of evidence was fabricated. Even the witnesses were all controlled by the Yobbo Empire. Kaya walang hustisya na nakamit si tita. Na lahat ay nagbulagbulagan at sinabi na si tita ay namatay lamang sa banggaan.

Namatay na nga lahat lahat wala pa din bang karapatan mabigyan ng maayos na katarungan? Nakakawasak ng puso ang nangyari kay tita. Naalala ko pa kung paanong halos magwatak watak ang mga buto niya dahil sa matinding pinsala.

Nakaramdam nanaman ako ng matinding pihit sa dibdib dahil sa naalala kong mukha ni tita noon at kung paanong nagpaalam siya sa amin nina Alyx noon. Marahil ay matanggal nang handa si tita na mamatay. Dahil alam niyang hindi siya titigilan ng Yobbo.

My lolo was devastated with Tita's death. Parang anak na niya si tita, tapos nasa kamay na ng proteksyon niya. Nawala pa din. I could not even face my own grandfather for being useless because I could not protect her.

Idagdag mo pa si Uncle Peter. He was alive. Nasa coma lamang siya, pero buhay siya. Pero anong nangyari? They used Timothy to kill him. Inutos nila sa kanila na kailangan niyang ihack ang ospital, hindi niya alam na kapalit pala ng nagawa niya ay ang buhay ni tito. Huli na ang lahat noong malaman niya na naging parte siya sa pagkamatay nito.

Hindi lamang siya ang huli... Ako. Nahuli ako sa pagprotekta sa kaniya. He used to be my father. He was like a father to me. Tapos ni katiting na proteksyon hindi ko nagawa. Kaibigan ko pa ang isa sa kasangkapan. Halos mamatay ako nang ilang ulit dahil sa nangyari sa kanilang dalawa.

Tita did everything she could, just to protect him, she even gave her life... But... Hindi ko man lamang naipagpatuloy ang ginawa niya. Pakiramdam ko tuloy nauwi sa wala ang pagproprotekta ni tita kay Uncle Peter.

"Catherine Servilla! Hayop ka!" Hindi ko na napigilan ang matinding galit na namumuo sa dibdib ko habang naalala ang mga bagay na iyon, kaya naman mabilis kong sinugod si Servilla.

Nagdilim amg paningin ko. Wala tigil ko siyang pinagsusuntok, walang tigil ko siyang binigyan ng malalakas na sipa at tadyak. Nakakaramdam ako ng balik tira niya, nakakaramdam ako ng malalakas na ganti niya, pero hindi ko hinayaan na malamangan niya ako sa pinasala.

Pinagpatuloy ko ang walang humpay na pagsugod ko. Wala siyang nagawa dahil doon. Halos hindi ko na makita nang maayos ang mukha niya dahil tumutulo ang dugo mula doon. Halos maging kulay pula na iyong lahat. Ang kaniyang buhok na halos basa na dahil sa pawis ay nakadagdag pa sa nakakatakot na hitsura niya ngayon.

Hanggang sa maramdaman kong bigla ang pagbaon ng matalas na bagay sa may bandang braso ko. Madiing kong inusal ang isang mura, at saka tinggal doon ang kamay niya, at saka siya mabilis na sinipa.

Noong mapaupo siya at mapahampas sa may isang puno kahoy, ay tinggal ko ang kutsilyong itinarak niya sa braso ko. Susugudin ko na sana siya at ibabaon na iyon sa mismong noo niya noong bigla na lamang may humarang sa dinadaanan ko.

"L-Light..." Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo. Napatitig ako kay Gloom.

"Tumabi ka, Gloom." Madiing wika ko.

"She... Her fucking family killed you, tita, tito, Dennise, and Vianca!" I yelled at her faced with full of range.

"No!" Natigilan ako sa biglang sinigaw niya. Halos mawala yata ako sa katinuan dahil sa matinding emosyon ng isang katagang iyon.

"She did not! They did not! The Gangster Empire did!" Kung halos mawala na ang tinig ko sa pagsigaw ko sa kaniya kanina. Siya naman ay halos pasukuin ako dahil sa kaniyang winika.

She was fooled by that lie... Nilason nila ang utak ng kapatid ko! Mga demonyo talaga sila! Hindi na sila nakuntento sa matinding pagpapahirap sa akin. Hindi na sila na kuntento sa paggamit ng mga mahal ko laban sa akin... Ngayon naman ito!? Are they even real? Ginagamit nila ngayon ang kapatid ko para maniwala ako sa kahangalan na iyon!?

No... Gangster Empire did not even touched Gloom back then.

All the challenges for Gabriel-thing? It was a fucking lie! My grandfather was fooled by the Yobbo Empire right from the start! Ginamit nila ang katotohanang may tradisyon nga ang mga Evans na ganoon, pero hindi iyon ginawa ni Philip kay Gabriel!

Gagawin dapat nila... Pero hindi na natuloy dahil sa katangahan na nagawa ng Yobbo na naisama pati ang inosenteng si Gabriel para patayin ako. At para mabura na sa landas nila ang Hoodlum.

Pagkatapos isusunod nila ang Gangster. Para sila na ang mamahala sa lahat. Mga ganid sa kapangyarihan, sa pera, at hindi sila marunong makuntento!

Lahat ng plano nila lahat iyon naging palpak, dahil nabuhay si Gabriel. Sa totoo lamang? Balak na din yata nilang tapusin si Gabriel noon, kung hindi lamang dumating ang tulong sa kanila ni Ate Gloom.

Kahit katangahan ang ginawa nila, maganda pa din ang pwedeng resulta noon hindi ba? Kasi... Nandoon na din si Gabriel. Nandoon na din ang isang pakay pa nila. It's hitting two birds with one stone.

Ngunit hindi lahat ng plano aayon sa ginusto mo. They failed. Gabriel lived.

Kaya ang ginawa nila? Gumawa sila nang napakadaming kasinungalingan. Gumawa sila nang mga bagay bagay na maaring bumitag sa mga nagiimbestiga sa kung ano ba talagang nangyari noon. They prepared well. They did sooo fucking well. Kaya nga kami nalokong lahat hindi ba?

Philip Evans? I was so fucking mad at him because he fucking turned a blind eye. Nalaman niya ang lahat tungkol sa nangyari sa aming Hoodlum. Guess what? Instead of revealing it... He covered it. Nakakatawa lamang. Kaya nga hirap na hirap kaming maghanap ng ebidensya ni Gabriel, dahil sa kaniya. Kaya hindi ako makatapak sa Hoodlum para bawiin ang pamilya ko dahil sa kaniya. Ang sama niya para ipagkait ang lahat sa akin at sa sarili niyang anak.

And now? Lian stated that he killed her mother? Lalo lamang nadagdagan ang galit ko sa kaniya noon. Pero...noong mabaril ko siya. He knew... He fucking knew I was there. He fucking knew, I was aiming for him. For him to die... But that one glimpse from him stopped me.

He needs to live. He needs to... Because he will be the key for the Yobbo's entire downfall. And... After all his wrongs... He is still the father of Gabriel... And now, Lian.

Ayoko namang pagkaitan ng mga sagot sa tanong niya si Lian. Ayoko naman na ako ang papatay sa ama ng pinakamamahal ko. Kaya nga hindi ko masabi sabi sa kaniya kung bakit galit na galit ako sa ama niya, dahil ayokong masaktan siya. Ayokong maranasan niya ang sakit na dinanas ko. Tama nang ako na lamang ang sumalo ng lahat...

Kaya naman mas tumindi ang galit ko sa Yobbo Empire. Them... They are powerful... Powerful than the Gangster and Yobbo. Simula nang mangyari ang insidenteng pagkamatay kuno ng kakambal ko. Naging mas makapangyarihan sila kaysa sa dalawang dibisyon.

At ang resulta? Pati ang ibang mafia na kalaban ng Empire noon ay kinuha nila, para maging kaalyansa nila.

Kaya nga noong gagamit na sana ako nang maayos na hustisya sa Diablo ay nakandaletche letche na hindi ba? Kasi ang reyna pala nila si Catherine Servilla na. Everything! Halos lahat nang ginawa ko... I was fucking one step late.

At ngayon... Tama na. Ayaw ko nang mahuli. Lalong lalo na at nakawala na ako sa hawak nila. Tatapusin ko na itong lahat.

"You have no idea how this world works, Gloom." Madiing banta ko sa kaniya.

"Stop this, Light. Hindi na ako si Gloom. I'm not your weak twin anymore." She stated firmly. Nakikipag-ikutan siya sa akin ngayon. Humahanap ng tamang tiyempo para simulan ang laban.

"I know." Maikling saad ko. "You were never weak. Ikaw na, nalabanan mo nga dati iyang bala sa utak mo, mahina pa ba ang tawag diyan?" Mahinahong sambit ko. Umaasang mapapakiusapan ko ang aking kapatid. Ayaw ko siyang saktan, pero kung aabot kami sa isang punto, baka gumamit ako ng panlaban sa kaniya.

"No." Malalim na wika niya. "Someone needs to die." Nakaramdam ako ng hilab sa dibdib. Ang sakit palang marinig iyon sa kakambal mo. Sobrang sakit, na pati yata salitang maaring magpaliwanag doon ay naubos na. Ako naman kasi ang tinutukoy niya.

"W-Why?" Nabasag ang tinig ko nang hindi ko naasahan. Dahil sa isang pangungusap na iyon, ay nanakit na ang lalamunan ko.

"Because... Those who are supposed to be dead, must be buried." Halos magtindigan yata ang mga balahibo ko sa aking batok sa sinabi niyang iyon. Nagkaroon ako ng maliiit na malalamig na pawis sa aking noo, at ang mga kamay ko ay namamawis habang nanlalamig.

Those who are supposed to be dead must be buried...

Am I really supposed to be dead back then? Dapat ba talagang namatay na lamang ako nang tuluyan sa mga kamay ni Skyler noon?

"Ani." (No.) Mabilis na sambit ko at saka umiling.

"You and I can both live..." Mahinang imik ko. Nakaramdam ako ng hampas ng malamig na hangin sa balat. Pagkatapos ay nakarinig nanaman ako ng malakas na pagsabog. May kung anong kamalian akong nararamdaman sa paligid. Tiningnan ko si Ate Gloom.

Palihim akong nagmasid para matukoy sa kung saan at kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong presensya.

Kikilos na sana ako dahil mayroong tao sa may bandang likod ko, pero nagulat ako sa kasunod na nangyari. Imbis na ako ang manganib ay halos matigil nanaman ang oras ko noong tutukan ni Catherine Servilla ang kakambal ko ng baril sa ulo.

Damn! This traitor. Hindi lamang iyon, napansin ko din ang pag-ngiwi ni Ate na tila nasaktan kaya't napatingin ako sa may bandang hita niya, at doon ko nakita na inaksak pala siya ni Catherine doon.

"Damn you!" Malakas na sigaw ko. "Pakawalan mo siya!" Nanggagalaiting pahayag ko.

"Kakampi mo siya hindi ba?" Sambit ko pa.

"Kakampi?" Humahalakhak na imik niya. "Kakampi oo, pero pwede ding gamiting bitag laban sa iyo." Nakangising sambit niya na nakapagbigay ng kakaibang tensyon at kilabot sa aking sistema. Dala na din ng nakakatakot na hitsura niya ngayon na ang mukha ay punong puno ng dugo.

"Hindi mo siya magagamit laban sa akin. Hindi siya magiging kahinaan ko kahit kailanman." Wika ko sa kaniya at saka tinantiya kung paano ko makukuha si Ate sa kaniya nang hindi ito manganganib.

"Nakuha mo pang mag-alala sa kakambal mo, ngayong dapat kang mag-alala sa sarili mo?" Natatawang banggit ni Catherine na aking kinakunot-noo. At saka ko naramdaman ang presensya sa aking likod.

Ngunit huli na ang lahat dahil noong marinig ko ang kalabit revolver na hawak ni Catherine ay mas pinili kong hindi na kumilos dahil isang babala iyon. Doon ko naramdaman ang malamig na nguso ng baril na nasa gilid ng aking noo.

Postura pa lamang sa kung sino ang nasa likudan ko ay kilala ko na. Si Cassidee. Napangisi ako dahil doon. Buntis siya pero ang lakas ng loob niya na magtungo dito? Lalo akong kinukutuban kung anak ba talaga ni Gabriel ang batang dala dala niya.

"Maglaro tayo..." Natatawa nitong wika.

Wala akong panahon makipaglaro sa iyong babae ka. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang aking sarili at imbis na makisakay sa sinasabi niya ay nagsimula na ang sarili kong isip na gumawa ng taktika laban sa mag-inang ito.

"Bibigyan namin kayo ng pagkakataong mabuhay. Ngunit isa lamang dapat ang matitira. Dahil salot ang kambal..." Kakatwang pahayag pa ni Catherine, halatang halata sa tinig niya na natutuwa siya sa nangyayari ngayon.

Magpakasaya ka na Catherine Servilla, dahil ang buhay mo sa mundong ito... Ay bilang na lamang.

"Both of you. We will hold the gun for you... Paunahan na lamang kayo sa pagkalabit ng gatilyo. Ang mauna, mabubuhay. Ang mahuli..." Pagkatapos noon ay ang bigla na lamang niyang paghalakhak na para bang ito ang pinakamasayang laro sa buong mundo.

Pakiramdam ko ay nag-init ang dugo ko dahil sa galit ko sa kaniya. Nangyari na ito noon... Halos kumawala na yata ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa matinding pagtibok nito.

Hanggang sa gumawa ako ng galaw na hindi ko pa naiisip nang sobra at hinayaan ko ang katawan ko na gawin ito. Mabilis iyon at napakapino. Kahit hindi ko iyon plinano ng mas maayos ay pakiramdam ko ay nagtagumpay ako.

Hinawakan ko ang nguso ng baril, at saka iyon pilit na itinaas, at saka ako umikot sa likod ni Cassidee. Sinipa ko din ang hawak niyang baril sa kamay at dahil nga buntis siya at hindi pa siya makakilos ng mas mabilis ay ako na ang nakasalo sa baril.

Isang ngisi ang napinta sa aking mukha dahil doon, at saka marahang inikot ang revolver sa baril, at itinutok iyon sa ulo ni Cassidee.

"Ha! Ha... Ha..." Ang tawa ni Catherine Servilla ay naging peke at nahihimigan mo doon ang kaba at takot.

"I've already given you a thousand hints, that you can never use my twin against me. Because she'd never been my weakness." Malamig na wika ko sa kaniya at saka ko idiniin sa gilid ng noo ni Cassidee ang baril.

Pilit siyang kumakawala sa aking kakakahawak sa kaniya, pero as idiniin ko ang baril, at agad na pinaputok iyon sa isang punong kahoy, kaya't halos mapatalon siya. Parang umuusok pa ang nguso noon dahil sa pagpapaputok ko pero agad kong inilapat muli iyon kay Cassidee.

"Ngayon, Catherine Servilla. Kapag nagkagalos pang muli, o hindi naman kaya't kapag kinanti mo pa ako. Ulo ng anak mo ang sasabog dito." Pagbabanta ko sa kaniya sa pinakamapanganib na paraan.

"H-Hindi m-mo..." Kabadong kabado na siya dahil nagpuputol putol na ang sinasabi niya. "M-Mauunahan kita..." Nagbabantang imik pa niya. Napatawa naman ako dahil doon. Nakikipagbiruan ba siya?

Walang alinlangan akong nagpaputok ng baril sa may bandang hita niya, at tili niya ang aking narinig. "H-Hayop ka!" Sigaw pa ni Cassidee sa akin, noong halos matumba sa kinatatayuan niya si Catherine dahil sa daplis ng pagpapatama ko sa kaniya.

"Subukan mo Catherine. Magkakamatayan talaga tayo dito." Walang takot na babala ko.

"No! Don't!" Mangiyak-ngiyak na tili ni Cassidee. "D-Don't hurt my mom!" Halos mabasag na ang boses niya sa pagsigaw noon habang ngumangawa. Kaya naman, mas idiniin ko sa kaniyang ulo ang nakatutok na baril.

"Papatayin ko itong kakambal mo—" Hindi na naituloy ni Catherine ang sinasabi niya noong sumigaw si Cassidee.

"Huwag, mommy! Please! Oo magagawa mong patayin si Empress, pero mommy, mawawala ka sa akin! Hindi ko kaya, mommy. Parang awa mo na, huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo!" Hindi magkaintindihang palahaw nito sa ina.

Natigilan si Catherine dahil doon. Tila nabato siya sa kinatatayuan. Iyon naman ang pagkakataon ko para magbunyi sa aking panandaliang saya. Mabuti pa itong si Cassidee, mabilis makaintindi ng babala. Hindi katulad ng ina niyang akala mo walang makakatalo pero ang totoo lugmok na lugmok na.

Nanatili ang katahimikan sa pag-itan namin. Hindi pa din ibinababa ni Catherine ang baril sa kakambal ko. Tahimik lamang si Gloom. Hindi nagtatangkang gumalaw. Mabuti na iyon, dahil alam kong tuso si Catherine, at kapag may maling kilos ang kakambal ko, ay mauunahan talaga ako nitong magpaputok ng bala.

Ang gyera na nagaganap sa nayon ay mukhang patuloy pa din, dahil kahit wala nang ganoong bomba, at patuloy naman ang mga ratratan ng baril. Sana'y ligtas silang lahat doon. May tiwala naman ako sa kanila. Hindi sila puwedeng mawala sa mundong ito ng walang permisyon. Kailangan maging mautak at malakas silang lahat.

Akala ko ay susuko na si Catherine ngunit hindi pa pala.

"Hindi mo kahinaan ang kakambal mo?" Wika niya sa malalim na tinig.

"Puwes, ang tatay mo. Kahinaan mo hindi ba?" Damn it. My mother... My grandfather... My twin... And now? My father? Sa pagkakaalam ko ay ligtas na ang ama ko kaya't hindi ako naniniwala.

He's on his way to mom...

Umiling ako habang kinakabahan. He's on his way to mom... Pag-uulit ko sa sariling isip.

"He's in a safe place..." Sambit ko.

"Safe place?" She mocked laughingly.

"But..." Ang pagpapabitin niya ay sadyang nakakapikon. Kung naibabaon lamang anh baril na ito ay naibaon ko na sana ito sa ulo ni Cassidee, dahil sa matinding inis na nararamdaman sa kaniyang ina.

"Highway is never a safe place..." Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Damn... She knew... She knew... Ibig sabihin...

"Huwag na huwag mong sasaktan ang ama ko!" Sigaw ko sa kaniya. "Ito! Kapalit ng buhay ng anak mo ang kukunin ko, kapag may masamang nangyari sa kaniya!" I yelled furiously, that I almost pulled the trigger.

Kung hindi lanang buntis si Cassidee... I feel frustrated and irritated because of the fact that Cassidee's pregnant and her child is innocent yet the baby is dragged into this messed up war.

"I need a car right now!" Malakas na sigaw ko noong buhayin ko ang earpiece na nasa tainga ko at saka iyon muling pinatay. Baka magtanong sila, at baka may iba pa akong marinig.

Tama na iyong mga banta ni Catherine tungkol sa ama ko, at sa katotohanang nandito ngayon si Gloom sa harap ko na maari ding bawian ng buhay sa ano mang oras. Hindi na ako papayag na may mawalang isa sa kanila.

"Subukan mong sagadin ako Catherine. Mamatay ka, at ang anak mo." I stated ferociously.

"Don't you dare kill my mother!" Ganting sigaw naman ni Cassidee sa akin.

"Manahimik ka." I admonished arduously. Gustong gusto ko nang tapusin ang mag-inang ito sa totoo lamang. Kaya't asar na asar ako na hindi ko kaagad magawa, dahil maari akong mahuli nanaman ng isang hakbang dahil sa kanila.

Halos masiraan ako ng bait sa kahihintay sa sasakyan na pinadadala ko sa lugar na ito. Hindi ako mapakali na halos hindi ko na alam ang gagawin ko habang pumapatak ang mga segundo. Walang nagsasalita sa amin pero ang tensyon ay mas tumataas, mas tumitindi, mas lumalala.

Kung magtatagal pa ang katahimikang ito ay sabay sabay kaming apat na sasabog sa matindi at sa hindi magandang salagimsim.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay lumiwanag sa may isang banda ng kalsada. Hanggang sa tumigil ang sasakyan na iyon sa may kinatatayuan namin. Isang tauhan ng Apocalypse ang bumababa doon.

Hindi pa man ako nakakapagbigay ng utos na umalis na ito doon, ay agad akong may narinig na putok ng baril at ang kasunod na nangyari ay ang pagbagsak ng katawan noong tauhan ko sa kalsada.

Napatingin ako kay Catherine at saka ko nakita na siya ang may gawa noon. Nag-igting ang aking bagang dahil doon. Ngunit wala na akong panahon ngayon para pagtuunan ng pansin ang babaeng iyon.

Agad kong pinapasok si Cassidee sa driver's seat. Lalapit sana si Catherine sa amin pero agad ko siyang binantaan. "Isang hakbang mo pa patay kayong dalawa." Natigilan siya dahil doon.

Sumakay na din agad ako sa may likod noong makasakay si Cassidee. Itinutok ko ang baril sa likod ng ulo niya.

"Start the engine." Pagsasaad ko ng kailangan niyang gawin. Tiningnan niya ako gamit ang rearview mirror. Binigyan ko siya nang isang matalas na tingin kaya naman sinunod niya ang inutos ko.

"Drive. Dalhin mo ako kung saan ang ama ko." Hindi nila ako maloloko, alam kong alam ni Cassidee kung nasaan sila.

Nang makaalis kami ay pinaputukan ni Catherine ang sasakyan. Napangisi ako dahil doon. This car is bulletproof. At siguradong kinakalaban na niya ngayon ang kakambal ko pati na din sina Kurt, Skyler at Gabriel ngayon, habang papalayo na kami ni Cassidee sa lugar na ito.

May pagkamabagal ang pagpapaandar ni Cassidee kaya't sinita ko siya kaya naman binilisan niya. Pasulyap sulyap siya sa akin sa salamin, kaya't tinitingnan ko ang paligid kung may nakasunod ba sa amin pero wala naman. Nakasisiguro ako doon.

"Kung nagbabalak kang tumakas huwag mo nang ituloy." Banta ko sa kaniya. Narinig ko ang pagsinghal niya dahil doon.

"Break up with him." Madiing wika niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ah?" Naliliwanagang saad ko. Natatawa pa sa inusal niya. "I could break up with him, but he would never break up with me, nor allow it." Nakangiting pahayag ko na nang-aasar ang tinig.

Napakagat labi siya dahil doon. "Dala dala ko ang anak niya. Huwag mong pagkaitan ang bata ng magandang pamilya." Napatango tango ako sa sinabi niya. May punto siya. Sa totoo lamang, kung isa akong babae na nadadala sa ganito, baka nasaktan ko na si Gabriel ngayon sa pamamagitan ng pagpapawalang bisa ng kasal namin.

"Give the child to us. I'll raise it like mine." Balewalang imik ko na tila ba isang napakagandang solusyon noon. Kahit sa totoo lamang, hindi ko nga alam king matatanggap ko ang batang iyan kung anak nga iyan ni Gabriel. Just thinking of it... it makes me want to hate an innocent child. Ang hipokrita ko para sabihin sa kaniya iyon.

"No. Him and I should do it." Matigas na sambit niya. Napakibit balikat na lamang ako.

"Hindi ka ba nakokonsensya?" Tanong nito.

"Ikaw ba nakonsensya ka sa ginagawa mo?" Balik pagkwekwestiyon ko sa kaniya.

"You," nakaramdam ako ng bigat dahil sa isang salitang iyon. "You should just die." Walang halo ng kahit anong pag-aalinlangan doon. She wanted me dead for decades. Hindi na bago iyon para sa akin. Bagkus, ay nasasanay na ako.

"You," pang-gagaya ko sa kaniya. "You should just give up, Gab." Seryosong saad ko.

"No!" Mabilis na sagot niya. Napa-irap na lamang ako dahil doon. I'm tired with the same arguments with this woman. I'm tired of her obsessiveness towards Gabriel. I'm tired with her damn redundant selfishness.

Natahimik na lamang ako at saka siya hinayaan na magmaneho habang nakatutok pa din sa likod ng ulo niya ang baril na hawak hawak ko. Mabuti nga at parang kalmado pa ang isang ito ngayon, kaysa kanina.

Patuloy ang taimtim na pagtahak namin sa isang highway. Maayos ang lahat hanggang sa nagtakha ako noong mapansin kong bumilis ang takbo ng sasakyan namin. Masyadong mabilis kumpara noong una.

Halos mabangga namin iyong nasa unahan namin at mabuti na lamang at nakaiwas si Cassidee.

"Michyeosseo!?" Asar na sigaw ko kay Cassidee.

"It's not me!" Sigaw niya na siyang kinabigla ko.

"What the heck are you saying?!" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa may likod niya at tiningnan ang pagkakatapak niya sa pedal. Inangat niya ang paa, patunay na hindi nga siya ang may gawa noong nangyayari.

"Move!" Asar na banggit ko.

"Huh? Darn it! Hindi gumagana ang preno!" Natatarantang imik niya at saka ako tiningnan na hindi magkaintindihan.

"Damn it! Liko!" Mabilis na sabi ko at mabuti na lamang at sumunod siya dahil muntik na kaming mabangga. Mga busina agad nang ibang sasakyan ang narinig namin dahil doon.

"Anong gagawin natin?!" Para akong nahawa sa pagiging taranta at balisa ni Casside, kaya naman agad ko siyang sinigawan. "Move to the shot gun seat!" Asar na wika ko at dahil sa pagkagulat ay agad siyang sumunod, kahit nahihirapan dahil sa tiyan.

Agad akong tumalon sa may driver's seat at saka nimaneho ang sasakyan. Napamura ako nang ilang beses dahil hindi ko talaga makontrol ang sasakyan, at ang pinakamalala, mas bumibilis ang takbo nito.

"Seatbelt!" Sigaw ko kay Cassidee. She's panicking but she manage to buckle up.

Halos magsisigaw siya kapag liliko ako dahil sa matinding impact noon. Wala akong magawa kung hindi lumiko nang lumiko dahil kung hindi ko gagawin iyon ay babangga kaming dalawa.

Halos umiyak si Cassidee dahil sa nangyayari ay hawak hawak niya ang tiyan. Kinakabahan ako para sa bata dahil maaring may mangyaring masama sa kaniya. Kahit mabilis ang takbo namin ay pinilit kong maging maingat para sa kaniya.

We are hacked. The car is hacked. Agad kong binuhay ang earpiece na suot ko para kontakin si Timothy at Lian.

"Princess!" Sigaw ni Lian.

"Incess!" Narinig ko naman si Timothy.

"'Yung sasakyang dinala sa akin. It's hacked!" I declared. Nakarinig nanaman ako ng pagbusina dahil sa bilis ng takbo nitong sasakyan, at sa matinding pagliko liko namin.

"Damn it!" Malutong na mura ni Timothy.

"Try to open up the window." Lian seconded.

Agad kong sinubukan pero hindi iyon nabubuksan. "Not working." Tensyonadong sambit ko at saka ko tiningnan si Cassidee. She's shaking in terror. Darn.

"Shit! I'll tell the intel department about this. Hang in there." Timothy said, then I heard a lot of background noises. Damn. They are in the battleground yet they need to fix this immediately.

"Where are you?" Tinig naman ni Lian.

"Highway 2267." I stated.

"The location of the hacker must be near you. Because they will lose your system's signal in a designated area or meters away." Lian mentioned. Agad kong inilibot ang mga mata ko dahil doon.

At saka ko napansin na mayroong isang kotse na kulay pula na sumusunod sa amin.

Damn. Mukhang nakatunog ang ibang mafia sa paglalaban namin at gagamitin nila itong daan para mapatumba kaming parehas sa gayon ay mawawala nag matindi nilang kalaban.

Patuloy akong umiiwas sa mga sasakyan pero patuloy pa din ang pagbuntot niya sa amin. "This is your fault!" Nagulat ako sa sigaw ni Cassidee, kaya naman natamaan ko ang isang sasakyan.

"Shut up!" I screamed frustratedly.

"Kung hindi mo ako dinala sa sasakyang ito, hindi sana ito—Damn! Kapag may nangyari sa anak ni Nate!" She cried in fright.

"Manahimik ka!" I screeched in vexation.

Ako mismo ang hindi mapakali dahil sa pag-aalboroto ni Cassidee ngayon.

Patuloy ang ginagawa kong pagmamananeho, at ginagawa ko ang lahat para hindi masyadong maalog si Cassidee at ang bata. Hindi kakayanin ng konsensya ko na dahil dito baka malaglag iyon.

"Cassidee's there?" Bakas ang pagkabigla ni Lian.

"Unfortunately. Where's Timothy? Counter that hacker! Damn." I told her trying to calm down. But, even my heart won't allow me to stay put because it's pounding nonstop. My hands are already cold.

Huminga ako ng malalim. Ilang beses kong ginawa iyon. Sa tulong noon ay kahit papaano ay nawawala ang kaba ko. Kahit papaano ay nagiging maayos na muli ang pag-iisip ko na hindi katulad kanina.

Tiningnan ko ang GPS. Pasasalamat ko na lamang noong walang likuaan sa mga kasunod na dadaanan namin at pawang dirediretso lamang. Tiningnan ko din ang gas at hindi iyon full tank, at maari kaming mawalan ng gas. Kahit papaano ay nawala ang kaba ko dahil doon o... Hindi?

"Aahh!" Sigaw ni Cassidee noong may bumangga sa likod namin. Damn! Iyong sasakyan na sumusunod sa amin ang bumabangga sa amin! Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko ng sasakyan.

Mabuti na lamang at ang bagay na iyon ay maari kong makontrol pa.

"Are you happy now?!" Nagtakha ako sa isinigaw ni Cassidee. "Maybe this is you fucking plan to get rid of me!" Napahawak ako ng mahigpit sa manibela dahil doon. Is she serious? Iyon pa ang naiisip niya?

"Bakit ang sama sama mo sa akin?! Lahat na lamang inagaw mo! Simula noong dumating ka sa school noon, lahat ng atensyon napapunta sa iyo, ako na lamang ang lumalabas na sama dahil sa iyo! And you stole Nate from me!" Tantrums. Is she a chold to throw these tantrums in the middle of chaos?!

"Tumahimik ka!" Asar na babala ko sa kaniya. At saka mabilis na umiwas sa nasa unahang sasakyan. Lumipat nanaman ako ng lane dahil sa mga nasa unahan ko. Idagdag mo pa ang naghahabol na buntot namin.

"Ibangga mo na! Ibangga mo na! Patayin mo na lamang ako!" Halos mamaos at mawalan na siya ng boses dahil sa kakasigaw pero hindi pa din siya tumigil kaya't sumigaw na din ako, kahit pa nasasaktan na ang lalamunan ko sa tindi nito.

"Puñeta, Cassidee!" Malutong na mura ko sa kaniya. Ayaw ko sanang magmura ng ganoon pero hindi ko na mapigilan. "Gustong gusto kitang patayin sa totoo lamang! Pero, hindi ko idadamay ang batang nasa sinapupunan mo!"

"Hindi ako kasing babaw mo na kailangan man damay ng inosente. Demonyo ka! Huwag kang mag-alala marami ka pang buhay, kaya't manahimik ka diyan!" Nanginginig na wika ko at saka muling lumipat ng lane.

Natahimik siya pero ang pag-iyak niya ay umaalingawngaw sa apat na sulok ng sasakyan na ito. Rinding rindi na ako sa kaniya subalit tiniis ko. Ginawa ko ang makakaya ko para hindi siya maalog nang sobra. At para makalayo sa sasakyan na humahabol sa amin.

Hanggang sa... napansin ko na bigla na lamang sa GPS ang isang mapanganib na daan. Sharp curve going to sky way. Damn! Kahit nanginginig ang buong sistema ko ay nag-isip ako ng paraan para maging maayos ang pagliko namin, kahit alam kong napakalaki ng posibilidad na malaglag kami sa daang iyon, dahil sa bilis ng sasakyan na ito.

Tinanggal ko ang paa ko sa may baba umaasang babagal ang sasakyan, ngunit hindi iyon nangyari. At sa maximum speed pa napunta ang lahat. Napalingon ako sa likod at nakasunod pa din sila.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na wala kahit isang sasakyan sa daan ngayon at hindi na ako magpapalipat lipat ng lane. O maiiinis ako dahil maaring katapusan na namin.

"Lian! Timothy!" Aligagang tawag ko sa kanila.

"Shit shit shit. Calm down, Princess. We are doing our best. Saglit lamang." Hindi magkaintindihang pahayag nila.

Papalapit na kami nang papalapit sa likuaan, at hinanda ko na ang sarili ko. Lumipat ako sa pinakaligtas na lane para sa pagliko namin. Akala ko iyon lamang ang problemang kinakaharap namin subalit hindi!

Sarado ang kalsadang ito! Kaya naman pala walang ibang sasakyan na nagtungo dito kanina lamang. Argh! Napapikit ako ng madiin. Madaming nagkalat sa daan na mga nakarahang na cone at iba pa. Iyong nasa tuwid na daan na mga hara ay nagawa ko pang iwasan pero hindi ko na ito maiiwasan kapag nasa paliko na kami.

"Ano, Princess?! Anong mangyayari sa atin?!" Nagsimula nanaman si Cassidee.

"Mamatay na ba tayo?!" Mamatay kang magsolo mo kung gusto mo! Nais ko sanang isigaw iyan sa kaniya. Pinigilan ko na lamang ang sarili ko at saka ko muling kinausap sina Lian.

"Give us five minutes!" Wika nila.

Damn. Five fucking minutes is too long. We are already approaching the sharp curve.

Wala na akong magagawa. Inihanda ko na ang sarili ko. Pumunta na ako sa pinakamaayos na lane, at saka tinanggal ang seatbealt ko nang pagkakataong iyon, ay tila napakabagal ng lahat.

"Anong ginagawa mo!" Cassidee yelled in terror. Almost out of breath.

I'm shaking in fear. Pero nilakasan ko ang loob ko. Maging ako ay halos hindi na makahinga sa nangyayari.

I gave Cassidee a smile. A genuine one. That's the first time, I guess. Nagtatakha niya akong tiningnan.

"W-Why?" Parang gripo ang kaniyang mga mata, walang tigil ang nagbabagsakang luha doon.

Almost few meters, away from the curve. "Bakit?! Are you going to save me?!" She cried.

"Huwag! Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa iyo! You are my enemy!"

"Nahihibang ka na ba!? Hindi porket parehas tayong nasa panganib ngayon ay magiging maayos na ang lahat dahil lamang sa pagpapakitang tao mo!"

"Just kill me, you bitch!"

Patuloy niyang pag-aalburoto sa akin.

"You..." We are near... so near...

"You need to be safe, for that child..." Nanghihinang saad ko, nagsisimula na akong maluha.

"Dapat galit ka sa batang ito! Dapat mas gugustuhin mong mamatay na siya! Dapat hahayaan mo kaming dalawang sa kotse na ito! Dapat dapat—" Napailing iling siya, halos mabaliw at mawala sa katinuan dahil hindi malaman kung alin ang unang sasabihin.

"Ikaw na ang nagsabi, anak iyan ni Gabriel. At ako? Proprotektahan ko ang mga mahahalagang tao sa buhay niya, kahit buhay ko pa ang kapalit..." Mahinahong sambit ko, kahit nangangatal ang boses ko.

"No! No! No!" She screamed vehemently. "Dapat dapat— Ikaw ang gustong pumatay sa amin hindi ba? Dapat gustuhin mong mawala na kami sa mundong ito—" She's too redundant even in this situation...

"You need to... Dapat ganun ka..." Humina na ang tinig niya habang humihikbi.

Saktang pagdating ng likuan ang mga huling katangang sinabi niya, at noong mailiko ko ng ayos ang sasakyan ay halos lumipad ito dahil sa matinding bilis. Then I threw myself to Cassidee to protect her child...

Gabriel's child or not... An innocent child should not pay for the sins of those who surrounds him or her...

While protecting her I heard Cassidee whispered...

"You need to hate me, you need to hate this child, you need to abandon us, you need to stop pretending like you care... And you should not show me that pure smile again... because in that way... I can... I can hate you freely..."

Matapos kong marinig ang bagay na iyon, isang malakas na pagsabog na lamang ang kasunod na aking narinig...

***

Continue Reading

You'll Also Like

602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...
1.5M 40.1K 25
[This story will become free again on AUGUST 30, 2021] After Natalie escapes death, she finds a silver feather, phone messages from an unknown sender...
207K 4K 21
Revamped version completed
7M 146K 58
[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits...