I Married the Ice King (Publi...

By taleswithelle

7.9M 94.5K 4.2K

PUBLISHED UNDER LIB. BOOK 1-3. More

Chapter 0.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15 - How to Break Sandy's Heart
Chapter 16 - The Passage to Revelations
Chapter 17 - Revelation Part 1
Chapter 18.
Chapter 20 - The revelation part 2.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25 - Danger Zone
Chapter 26 - The Captive.
Chapter 27.
Chapter 28 - Getting Her Back.
Chapter 29 - The Other Story
Chapter 30 - What Happens now?
Chapter 31 - He loves me, He loves me not?
Chapter 32 - What Happened in New York part 1.
Chapter 33 - What Happened in New York part 2.
Chapter 34 - What Happened in New York Part 3.
Chapter 35 - What Happened in New York part 4
Chapter 36 - The First Lady.
Chapter 37 - A New World.
Chapter 38 - The Necklace.
Chapter 39 - This Means War?
Chapter 40 - The Sad Story + A Prelude To The Truth
Chapter 41.
Chapter 42 - Next To The Truth
Chapter 43 - The Jealous Husband Part 1.
Chapter 44 - The Jealous Husband Part 2.
Chapter 45 - Eight Years [FLASH] Back.
Chapter 46 - Hide And Seek.
Chapter 47 - When She Smiles
Chapter 48 - The Reunion?
Chapter 49 - Hello Cruel World
Chapter 50 - She Is
Chapter 51 - Another Problem.
Chapter 52 - Just Like Yesterday
Chapter 53 - Warzone Part 1.
Chapter 54 - Warzone Part 2.
Chapter 55 - My Husband Did Not Go Home Tonight.
Chapter 56 - The Ice King Was Kidnapped.
Chapter 57 - Sandy's Way.
Chapter 58 - The Final Score Part 1.
Chapter 59 - The Final Score Part 2.
Chapter 60 - I'm The Wife Of The Ice King.
Chapter 61 - Chances.
Chapter 62 - Just "LIKE" Married.
Chapter 63
Chapter 64 - Mind Games.
Chapter 65 - Officially Dating.
Chapter 66 - The Party.
Chapter 67 - War With Who?
Chapter 68 - Blood is Thicker Than Water
Chapter 69 - That Girl.
Chapter 70 -
Chapter 71 - Almost.
Chapter 72 -
Chapter 73 - Who?
Chapter 74 - Sacrifice Part 1.
Chapter 75 - The Sacrifice Part 2.
Epilogue (Finale)
IMTIK SELF PUB IN 2024

Chapter 19.

114K 1.4K 40
By taleswithelle

Halos lumuwa ang mata nang limang babaeng kasama ni Renz nang makita nang mga ito ang bago nyang itsura at syempre, ang kasama nya na si Prince.

Kinikilig na nakipag kamay ang mga ito sa lalaki. Si Prince naman ay tila bata na nahihiya pa. Agad naman nitong sinasagot ang mga tanong nang mga kaibigan nila.

"Grabe ka, Sandy. Ang ganda ganda mo na lalo ngayon. Ang gwapo na nga nang asawa mo at mayaman, close mo pa si Prince Montreal." Kinikilig na sabi ni Beatrice, ang class valedictorian nila nang sandaling umalis si Prince upang magbanyo.

Ngumiti lang sya. Alam pala nang mga ito na nag-asawa na sya. Sabagay, sikat ang pamilya ni Aled kaya malamang ay alam nang karamihan. "Sinwerte lang." Sinwerte nga ba? Bawi na tanong nang kabilang utak nya. Nagkibit balikat sya.

"Oo nga, Sandy. Ano ba ang sikreto mo?" Si Rose Anne naman iyon. Dati itong tahimik pero ngayon ay out going na.

"I share mo naman, huwag kang mag damot, Cassandra." Natatawang sabi pa ni Clara. Isa ito sa mga close nya noon. Nawalan lang sila nang communication.

Natawa sya sa mga ito. "Hoy, ano ba kayo. Wala ako'ng sikreto, no."

"So, kamusta ang married life plus a hot celebrity as a close friend?" Si Beatrice ulit iyon.

"Okay naman. Nasasanay na ako nang buhay may asawa." Kaswal na sagot nya.

"So, ginawa nyo na ba? I mean, baby, you know.." Si Leslie naman iyon. Ito ang pinakapilya sa mga kasama nila nang gabi na iyon.

Nanlaki ang mga mata nya. "Hoy, grabe ka. Hindi pa no. Bata pa ako."

Nagtawanan ang mga ito.

"Hay nako. Tigilan nyo na si Sandy, parating na si Prince. Behave." Singit naman ni Renz.

"Did I missed something?" Nakangiting tanong ni Prince nang maka upo na ito sa tabi ni Sandy.

"Medyo. We we're asking Sandy kung nagawa na ba nila nang husband nya yung alam mo na. Pag gawa nang baby." Si Leslie ulit iyon.

Naghagikhikan ang mga ito. Si Sandy ay na aamuse sa mga ito. Tinampal ni Renz ang kamay ni Leslie na katabi nya lang.

"Umayos ka nga Leslie. Hindi pa nga daw diba?" Bagamat ay natatawa rin si Renz.

"Hoy, wag nyo naman ako'ng pag tripan. Pag kayo nag asawa na, kayo naman ang pagtitripan ko, sige" Nakangiting sabi ni Sandy.

Si Prince naman ay hindi na lang kumibo.

Nang matapos ang pagkain nila ay si Sandy na ang umako nang bill, na ikinatuwa nang mga kasama nila. Katwiran nya ay minsan nya lang malilibre ang mga ito kaya hayaan na nang mga ito.

Sina Rose Anne, Leslie at Clara ang sumabay sa kotse ni Renz samantalang sila Beatrice at Maizy naman ang sumabay kila Sandy at Prince sa kotse nang lalaki. Nag convoy na lamang sila papunta sa club.

Madali silang nakapasok dahil nasa guestlist naman sila. Ipinalista sila ni Renz na kakilala ang may production nang gabi na iyon. Kaagad silang inassist at nakaupo sila agad. Umorder na sila nang alak at pulutan. Kaunti pa lamang ang tao, mamaya pa raw dadagsa sabi ni Renz.

Umagaw nang pansin ang pagpasok nila dahil kasama nila si Prince. Polite na nakikipag 'hello' at 'hi' ang lalaki kapag may pumapansin rito. May iba pa na sinasadya ito sa upuan nila para kunan nang picture ang lalaki.

"My God. Ang daming kinikilig sayo dito." Sandy exclaimed.

Tumawa si Prince. "Iisa lang naman ang may hawak nang puso ko eh." Sabi nito.

Nagulat si Sandy. "May girlfriend ka na?" napabalikwas ito nang upo.

"Ah, h-hindi. Wala. May gusto lang ako'ng babae. I mean, mahal ko na. Matagal na pero hindi nya alam." Tila pinagpawisan ito nang malapot.

Tumango tango si Sandy. "Hindi mo man lang binabanggit. Kilala ko ba? Bakit hindi mo ligawan?" She asked. Nang dumating na ang inorder nila ay nagsimula na silang uminom.

"Torpe ako eh. Tsaka taken na yun, noon pa kaya wala ako'ng magagawa." Sagot lang nito.

"Ah, okay. Mag move on ka na sa babae na yan kung ganoon. Heto naman mga highschool classmates ko eh. Single pa yang mga yan." Sabi nya sabay hagikhik.

Natawa na lang din si Prince.

Nagsimula na silang magsaya. Nagkwentuhan sila about sa mga nangyari noong highschool sila, si Prince naman ay nakikisali rin sa usapan at hindi nagpapahuli sa mga jokes kaya naging masaya talaga ang usapan.

Ilang sandali pa at nagka ayaan nang sumayaw sa dancefloor. Alas diyes na at madami nang tao. Maingay na ang paligid at may mga tipsy na rin sa mga sumasayaw.

Si Sandy naman ay nagpaiwan lang. Hindi nya talaga hilig ang sumayaw. Si Prince at Renz naman ay pinalibutan nila Beatrice. Maingay at todo sayaw naman ang mga ito. Si Prince ang talagang stand out dahil mahusay talaga ito mag sayaw.

Kapag pagod na ang mga ito ay bumabalik ang mga ito upang magpahinga at muling uminom. Kahit ano ang pilit nang mga ito ay hindi talaga sya tumayo. Mag aalas dose na nang makaramdam sya nang pag babanyo. Nagpa alam sya sa mga kasama nya.

Samantala, wala pang ilang segundo mula nang umalis si Sandy nang mapansin ni Prince ang isang pamilyar na bulto sa entrance nang club. Si Aled! Paling-linga ito na tila may hinahanap. Sinulyapan ni Prince ang daan patungo sa c.r nang mga babae. Papasok pa lamang si Sandy. Muli nyang nilingon si Aled. Naglalakad na ito patungo sa c.r nang mga babae.

"Shit!" Mura nya at agad syang tumayo. "I'll be back, guys." Paalam nya sa mga kasama at dire diretsong naglakad patungo sa c.r

Nakapasok na si Aled sa c.r kaya halos takbuhin nya na ang pagpunta roon. Nang makapasok sya ay nakita nya na hawak na ni Aled ang kamay ni Sandy. Ini lock nya ang pinto nang c.r at tumayo sya sa likod ni Aled.

"What's going on? Aled, ano ba? Bitawan mo ako sabi eh!" Pumupiglas na sabi ni Sandy sa asawa.

"Aled, bitawan mo si Sandy." Mahinahon na sabi rin ni Prince. May dalawang babae na palabas nang cubicle pa ang naroroon. Agad na lumabas ang mga ito.

Binitawan ni Aled ang asawa at mabilis na nakabunot nang baril bago humarap kay Prince, na mabilis rin na bumunot nang baril at itinutok kay Aled.

Nanlaki ang mga mata ni Sandy nang makita na may baril ang dalawa at nagtututukan na ang mga ito. Halos tumalon na mula sa dibdib nya ang kanyang puso sa kaba. Kaagad nyang nilapitan ang mga ito at dahan dahan nyang kinukuha ang mga baril nito.

Huminga sya ng malalim ng hindi na pumiglas ang dalawa at tila ipinaubaya ang mga hawak na baril sa kanya.

"Ano ba?! Magpapatayan ba kayo rito?!" Binuksan nya ang kanyang pouch at inilagay ang dalawang baril doon. Lumapit sya kay Prince at humarap sa asawa. "What are you doing here?" Salubong ang kilay na tanong nya dito.

Hindi nagalita si Aled. Mataman lang sya nitong tiningnan, pati na rin si Prince.

"P-pwede ba, Alejandro? Wala kaming ginagawang masama. I am here with my friends."

"It's not what I came for." Matigas na sagot nito. This time ay kay Prince na ito nakatingin.

"Then, what did you came here for?" This time ay sumagot si Prince at naglakad palapit sa asawa nya. Agad syang sumunod at pumagitna sa dalawa.

Bago pa magkasagutan ang dalawa ay magkabila nyang hinila ang dalawa palabas nang c.r. Pinagtitinginan sila habang hila nya ang dalawa palabas nang club. Ang iba ay tumigil pa sa pagsasayaw. Nang makalabas ay pagalit na binitiwan nya ang mga ito. Wala na syang pakealam kung marami pa rin ang tao.

"Alejandro, ano ba? Bakit ka ba pumunta dito?" Agad na tanong nya ng makalabas na sila.

"Uuwi na tayo. Ngayon na. Sumunod ka sa kotse ko at ayoko nang pinaghihintay." Imbes ay matigas na sabi ni Aled bago tumalikod at iwan ang dalawa.

Tigalgal naman ni Sandy sa ginawa nito. Si Prince naman ay tiningnan ang pag alis ni Aled at luminga-linga. Agad na linapitan ni Sandy ang kaibigan. Inakay nya ito papasok ngunit pinigilan sya ni Prince.

"I think kailangan mo nang sumama sa asawa mo." Si Prince iyon.

Umiling si Sandy at pinilit ngumiti. "No. Hayaan mo sya."

"Hindi, Sandy. Kailangan mo nang sumama kay Prince." Kita na ang pagka uneasy sa mukha nang lalaki.

Nangunot ang noo ni Sandy. "H-ha? Why?"

"J-just go. Ako na ang magsasabi kila Renz na sinundo ka na nang asawa mo. It will be for your best, Sandy. Sumunod ka na kay Aled." Sabi pa nito. Iniwas nito ang mga mata nito sa babae.

"P-pero.."

"Just go, Sandy. Trust me, okay?" Muli ay sabi ni Prince. Hinawakan nito ang dalawang balikat ni Sandy at ihinarap sa daan patungo sa pinuntahan ni Aled.

Napalunok si Sandy. Lalo syang nalilito.

"S-sige na Sandy. Puntahan mo na si Aled. Ako na ang bahala kila Renz." Sabi nito at tumalikod na. Pumasok na ito sa club.

Wala nang nagawa si Sandy kundi ang umuwi na nga. Madami na namang tanong sa isip nya. Nang makita nya si Aled ay nakasandal ito sa gilid nang kotse nito at naninigarilyo. Ito ang unang beses na nakita nya itong naninigarilyo.

Nang makita na sya nito ay itinapon nito kung saan ang sigarilyo nito at sinulyapan sya bago sumakay sa driver's seat. Nagmadali na syang maglakad at sumakay sa tabi nito. Isinuot nya ang seatbelt.

Agad iyon na pinaharurot ni Aled.

"Ano ba ang problema mo? Bigla ka na lang susulpot sa mga lugar na pinupuntahan ko." Inis na sabi nya. Sya na nga ang umiiwas rito, ito pa ang biglang magpapakita.

Imbes sumagot ay inilagay ni Aled ang ear phones nang cellphone nito sa tenga nito. "Speaking. Ano'ng progress?"

Nilingon ito ni Sandy. May kaba na naman sa dibdib nya na hindi nya maipaliwanag.

"Hanapin nyong mabuti at pagsalitain nyo. Kung matigas pa rin, dispatsahin mo na." Sabi nito bago tanggalin ang ear phones sa tenga nito.

Tumaas ang balahibo ni Sandy sa narinig. Bigla ay nanginig ang kanyang tuhod. Hindi naman siguro sya sasaktan nang pisikal ni Aled.

Wala nang imikan hanggang sa makarating sila sa mansion. Bukas pa rin ang ilaw nang living room na ikinagulat ni Sandy. Pagpasok nya ay gising na gising pa sila Lisa at Aileen. Puno rin nang mga armadong lalaki sa palibot nang mansion. Hila hila sya ni Aled papasok. Natatakot syang magtanong sa lalaki dahil baka lalo lang itong magalit.

Binitiwan lang sya nito ng makapasok na sila sa mismong veranda ng mansion. Huminga sya ng malalim bago nagtanong dito.

"Ano ba'ng problema mo? Hindi na kita pinapakealaman, why the hell are you like that?!" Salubong ang kilay na sabi nya.

Mataman lang sya nitong tiningnan. God, this man is the exact opposite of her husband for the last two weeks they've been together. Totally opposite. Hindi na ito ang snob na si Aled. He became the dangerous Aled. Hindi nya mabasa kung ano ang sinasabi ng mga mata nito but she is sure na hindi natutuwa ang lalaki sa mga nangyayari.

Sa pinaghalong inis at galit ay tumalikod sya at nagsimulang maglakad patungo sa staircase.

Continue Reading

You'll Also Like

444 98 34
Ciara is the doctor who has a violet eyes pero ang lalaking may ari nang pinag tatrabahoan ay patagong gusto siya. Until nalaman niya at umamin ang...
69.6K 2.3K 34
"H-hi," mahinhin kong sinabi at ipinakita ang hawak na cellphone. "Mecho, uhh.. ...kiss or slap?" Nag-palpitate iyong makakapal niyang kilay, sabay n...
186K 5.4K 68
Matrimonio Arreglado Series #1 (BOOK 1 of 2) Highest Rank Achieved #1 Two young individuals in the world full of violence and power we call Gangster...
4.8K 141 23
[Matured Content] May mga bagay sa mundo na mahirap paniwalaan at mapanindigan, isa sa mga bagay na ito ay ang tinatawag nila na mga kathang-isip at...