In Love With A Stripper

By kathrineotani

19.7K 365 50

Based on T-Pain song of the same title... No Pagerism intended @copyright 2013 More

Meet the Dancer
Anthony Flores Ocampo
Glimpse of Her
They Meet
Fate or Disaster
Bad mood
The Unexpected Stripper
They Meet Again
Date gone wrong
Give me a chance
Date 101
In The Club
In The Club 2
Music for Love
Dress shopping
Trouble
Problem

Wedding Date

704 12 0
By kathrineotani

Pasensya na sa ud.. Na-run out of ideas ako kaya medyo... Kayo na bahala mag-judge :(

Natasha's POV

Every guess here at the wedding are having a good time. I've met some of Anthony's friends and aquaintances kanina sa simbahan. They seem nice people naman, though may mga iba na ang tataray. Ganyan yata talaga mga rich people halos eh. I've met the bride and the groom also. I've met Anthony's friends before sa bachelors party, hindi nga lang pormal dahil agad akong nag-walk out that time. They are all good looking people, feeling ko nasa red carpet ako na napapaligiran ng mga artista. They had a beautiful wedding. Parang fairytale lang at ang garbo, parang tulad ng nakikita ko sa mga teleserye.

Anthony's friends recognized me from the bachelors party at formal naman na nagpakilala sila sakin. Medyo naiilang pa ako sa kanila, hindi nga siguro talaga ako sanay sa ganitong environment. Nanatili lang akong tahimik the whole time. Good thing though ay nasa tabi ko lang si Anthony.

It's past 8pm na at halos tapos na ang reception at unti-unti na rin nag-uuwian ang mga bisita. Sa sa Milan, Italy raw mag-honeymoon ang bagong kasal at dederesto na sila sa flight nila later on.

Iniisip ko nga kung papasok pa ako sa trabaho o deretso na lang akong uuwi para may kasama naman kapatid ko sa bahay.

Nanatili lang akong nakaupo sa table habang si Anthony ay abala na nakikipag-usap sa ibang mga bisita at aquaintances niya.

"Bakit nag-iisa ka rito?" That male voice starled me. When I turned to look kung sino yon ay nagulat ako.

"Kenneth?" I was quite surprised. Isa siya sa mga friends ni Anthony na pinakilala sakin kanina sa simbahan. He's good looking too and all. Two inches taller than Anthony at medyo mestisuhin na chinito ang mga mata. Mukha nga lang mayabang at babaero for me dahil sa tindig. "Nagulat naman ako sa'yo." Medyo nasapo ko dibdib ko.

"Mukhang malalim ang iniisip natin ah." He noticed at kumuha ng chair then umupo sa tabi ko. Nginitian pa niya ako na para bang... Hindi ko maintindihan. Sa lahat yata ng kaibigan ni Anthony eh dito lang ako sa Kenneth na 'to medyo naiilang. When we shook hands kanina I really felt uncomfortable. "Bad trip ba?"

Umiling ako at dumeretso ng tingin kung saan natatanaw ko si Anthony na may kausap na mag-asawang medyo may edad na.

"May gusto ka ba sa kaibigan ko?" Deretso niyang tanong sakin.

Napalingon ako sa kanya agad-agad. Gulat at nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?" Bakit niya ako tinatanong ng ganyan? "Bakit mo yan tinatanong?"

"So that I'll know kung may chance ako sa'yo?" He stated in a straight forward manner at mataman akong tinititigan sa mga mata.

This is not good.

I stared at him blankly.

Nakakaloka naman ang situation na 'to!

Then he suddenly burst out of laughter. "I'm just kidding." He said matapos ang nakaasar niyang tawa. "Anthony is my best bud and we're like brothers kaya hindi ko siya aagawan ng chick."

Somehow I felt relieved but at the same time eh naasar. "Hanep ang joke mo pare ah." Pabiro kong sabi.

"Ako nga joker ng barkada." He stated with a laugh.

Di ko na rin napigilan ang matawa.

"What are you two laughing about?"

I turned to see na si Anthony pala yon. Hinila niya yung upuan at tumabi na sakin.

"Pinapatawa ko lang itong date mo dahil napansin ko na kanina pa mukhang seryoso." Kenneth explained. Tatawa-tawa pa siya.

"Are you still gonna work tonight?" He asked then checked the time at his wrist watch. "It's almost 8:30 already."

"Hindi na yata." I said. "Medyo late na eh, bawi na lang ako sa susunod. Hindi muna siguro ako kukuha ng night off."

"I think I better leave the two of you alone." Tumayo na si Kenneth at bago ito umalis ay nagpalitan pa sila ng pilyong ngisi.

I nudge Anthony sa tagiliran. "Ano ibig sabihin ng mga ngising yan ha?"

He chuckled. "It's a guy thing."

"Guy thing pala ah." Pakunwa'y umirap ako sa kanya and he laughs.

"Let's get out of here mabuti pa." He says as he stood up at hinila ang kamay ko patayo.

"Teka magpaalam muna tayo." I said to him habang hinahagilap ng mga mata ko ang mga kasama niya at ang newly weds.

"Nagpaalam na ako kanina pa." He said in a matter-of-fact tone.

I looked at him instanly. "Saan tayo pupunta?" Biglang kumulo ang tiyan ko.

Shit! Hindi pala ako gaano kumain kanina dahil hiyang-hiya ako at kahit anong pilit niya kanina na kumain ako ng marami hindi rin umubra.

He frowned instantly. "Yan na nga ba sinasabi ko, hindi ka kasi kumain masyado, nagwawala tuloy tiyan mo."

"Eh kasi naman po," I explain. "Ikaw kaya ang imbitahin sa wedding event na puro sosyal at ma-poise ang mga bisita at parang ipis lang kung kumain eh natural mahihiya ako lumamon noh."

Bigla siyang natawa. "Gandang-ganda nga sa'yo mga bisita dito kung alam mo lang. THey kept on asking me kung girlfriend ba kita."

Nagulat yata ako don ah. "Ano naman sinabi mo?"

"Nililigawan pa lang kita at hindi mo pa ako sinasagot." He waggled his eyebrows.

"Ligaw ka dyan." I poked him sa ribs.

"Alangan sabihin ko na magkaibigan lang tayo." He held my hand right away. "Pag sinabi ko yon maraming single dito ang poporma sa'yo."

Napalunok ako when his face turned serious.

"Kanina nung naabutan ko kayo ni Kenneth na nagtatawanan I really felt jealous." Walang pakundangan niyang pahayag.

Nagulat nanaman ako sa statement niya na yon.

Napaka-straight forward.

Natameme ako at walang masabi. Kahit gusto kong magsalita eh walang lumalabas sa bibig ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagbilis ng tibok ng puso ko at kaba.

Jealous? Diba meaning non nagseselos? Bakit naman siya magseselos?

"I-I'm really hungry na Anthony." Yan ang tanging lumabas sa bibig ko. Parang gusto ko tuloy mag-vanish sa harapan niya agad-agad pero deep inside me ay nakaramdam ako ng tuwa sa pahayag niya.

He Chuckled lightly as he held my hand firmly. "I know a good place na mabubusog ka."

I felt jealous. Muling nag-echo sa utak ko and I smiled at it.

********

Di ko maiwasan ang magtaka nang dalhin niya ako sa restaurant na eat all you can just outside Makati kung saan ginanap kanina ang reception.

"Eat all you can talaga?" Natawa tuloy ako.

"Mabubusog ka naman kasi eat all you can." He said. "Two hundred pesos lang pwede ka na kumain endless."

I laughed.

"I love it when you laugh." Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya yon and found him staring at me.

I stared at his handsome face.

Eto nanaman po si Heartbeat na bumibilis, baka naman himatayin na ko niyan.

"Ma'am, sir." Pareho kaming nagulat sa boses ng isang staff na babae at napalingon kami agad sa kanya. "Tuloy po kayo." Nakangiti siya samin.

"Thank you." Sabi ko na lang at agad na hinila si Anthony para pumila at kumuha ng pagkain sa buffet table na puno ng pagkaing pinoy at mga dessert.

******

A/N

Bitin! I know! Bawi na lang ako sa next chapter... Medyo na out of ideas ako at sa totoo lang tatlong oras ako na-stock sa harapan ng PC at nag-iisip... Titingnan ko kung makakapag-upload ako ng panibagong chapter later midnght or tomorrow after work... Pasensya na sa kinalabasan ng update.. Kung wala vote or comment ito ok lang sakin... Alam ko rin na ang tagal niyo naghihintay ng update tapos ETO LANG ang kinalabasan..

Pagpasensyahan nio na kung ang tagal ko bago makapg update. Super busy at pagod lagi sa work eh :( Kung di lang need kumita malamang babad ako 24/7 dito sa wattpad.... Hehe!

xoxo

Continue Reading