Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka S...

Von pringchan

1.6M 30.4K 4K

"Now suddenly, everything has changed." -Musika Mashima A SECOND book of "Pag Ako Pumayat, 'Hu U?' Ka Sakin... Mehr

PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two - BONUS Chapter
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50: THE FINALE
EPILOGUE...
Author's Corner

Chapter Twenty Five

17.9K 383 31
Von pringchan

Musika's POV

"Nung nakaraang linggo ka pa malamig sakin, pansin ko lang. May problema na naman ba tayo?" Tanong ni Trystan.

Sasabihin? Hindi sasabihin?

Hindi sasabihin o sasabihin?

Oo o hindi? Musika! Ano na?!

"W-wala 'to---"

"Anong wala? Eh nanlalamig ka na sakin tapos sasabihin mong wala?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Ano ngang meron? Sabihin mo naman kaagad, kin. Pinapalala mo naman yung sitwasyon eh..." Bumuntong-hininga siya. Hindi ako makapagsalita at nakayuko lang. Nakaupo kami sa kama niya ngayon. Gusto ko siyang yakapin pero nagdadalawang-isip ako dahil naalala ko yung nangyari samin.

"Ano ba? Ganito nalang ba tayo lagi? Mika, pagod ako. Pagod na pagod pa 'ko galing sa skwelahan tapos ganito pa mangyayari?"

Napatingin ako sa kanya.
"Pagod ka pala eh. Sana di mo nalang ako niyaya dito." Napahiga siya at tiningnan lang ako. Sumenyas naman siyang tumabi ako sa kanya.
"Ayoko."
"Ayaw mo nang katabi ako ngayon?"
Hindi ulit ako umimik.
"Mika," bumangon siya at tinabi ang buhok kong nakaharang. "Ano nga kasinf problema?" Hahalikan niya na sana ako sa pisngi pero umilag ako.

"Trystan, please. Naiilang ako."
Napatigil siya at tumayo. Lumuhod siya para tingnan ang mukha ko.
"Naiilang ka na ba dahil sa nangyari?"
Tumango lang ako.

"Mika--- hindi ko sinasadya yung---"
"Ba't mo ginawa?"
Napapansin kong kabado na siya.
"Kasi lalaki ako at---" hindi ko na siya pinatapos. "Ginawa mo lang ba yun kasi naturn-on ka?"

Sana hindi.

sana hindi...

"Syempre---"
Ah. Okay.
"Syempre?" Di ako makapaniwala.
"Mahal na mahal kita, okay? If-- If alam mo na, kung sakali man. Hinding-hindi kita papabayaan. Pananagutan kita, Musika. Alam mo 'yan." Hindi ako makapagsalita. Nakayuko lang ako.

"Ginusto naman nating pareho yun, diba?"

Ginusto ko nga ba? Oo.
Kasi yun rin ang nararamdaman ko.
"Trystan..."
"Ano?"
Hinawakan niya ang pisngi ko.
"Hinihintay ko ang period ko. Tsaka sinabi ko kila Joyce--"
"What?!" Napapikit siya at umupo.
"Sana hindi mo muna sinabi. Ayoko namang makadamay ng tao, kin."
"They're my friends, okay? Akala mo ba madali lang para saking isarili ang ganitong bagay? Kin, uuwi na rin si Papa this week. Nadagdagan pa lalo ang problema ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko...."

"Hindi kita iiwan, okay? Handa akong harapin ang consequences, Mika. Basta kasama kita." Napasandal ako sa balikat niya at umiyak.

"Kailan ba dapat first day mo? May stock na PT si Mama sa kwarto niya. I'll try to sneak in. Mas safe pag dito mo gamitin."
"Bukas dapat. Naka mark sa calendar ko yung date eh. Pag wala raw bukas, after a week daw akong mag PT sabi nila Joyce. Med students naman sila kaya alam nila."

"I'm so sorry, Musika. I'm sorry kung ang daming problemang dumadating satin." Napaisip ako sa sinabi niya...

Hindi kaya... di talaga kami para sa isa't-isa?

"I promise, hindi kita iiwan. Haharapin ko lahat para sayo, Mika. Mahal na mahal kita. Please, be strong... For us."
Ibinaon ko ang ulo kay Trystan dahil hindi ko na napigilang umiyak.

"Kinakabahan talaga ako, Trystan. You haven't seen Papa kung pano siya magalit. At si Mama, masasaktan siya pag nangyari yun... Malaki ang tiwala niya satin. All this time, lagi niya tayong pinagtatanggol kila Papa at Kuya..."

"I know, I know. Kaya nga sinisigurado ko sayong hinding-hindi ako susuko, diba? I'm willing, kin. Kahit di pa 'ko ready, kakayanin ko. Maghahanap agad ako ng work kung-- kung sakali man. Gagawin kong lahat para sayo. Mahal na mahal kita, okay? Don't worry too much."

Hinalikan niya ako at pinunasan ang mga luha ko.

***

"Mika-chan!"

Isang pamilyar na boses ang tumawag sakin at nakita ang bola sa gilid nang maiwasan ko ito. Inis na nilingon ko kung saan ito galing at nakita na naman si Russel Tanaka na tumatakbo at tumatawa.

"Gomen, ne!" (Sorry ha!)

Badtrip! Sinasadya niya bang tamain ako ng bola every time nandito ako sa park?
Kainis na Russel!

"Mag-isa ka lang ba? Nasan si Tantan?"
"Di ko alam."
"Boyfriend mo tas di mo alam?" Naglakad na 'ko pero sumunod siya.
"San ka pupunta?"
"Dyan lang sa tabi-tabi--"

"TANAKA! NAGLALARO PA TAYO EH!"

Napalingon kami sa team mate niyang sumigaw. "Ah sige, maglalaro na muna kami. Ingat ka, Mika."

Mukhang bumait ah.
"Ikaw din."
"Sige." Nagpaalam siya't tumakbo pabalik sa mga kalaro niya.

Tagal na din pala naming di nagkita. Sa dinami-dami ng araw, ba't ngayon pa?
Pumara ako ng taxi at pumunta sa isang mall. Kakain nalang akong mag-isa. Minsan kailangan rin nating mapag-isa eh. Ni ayoko muna makipag-usap sa mga tao ngayon.

Pumili ako ng isang restaurant at umorder nang umorder. Biglang tumunog ang phone ko at nakitang nagtext si Joyce pero di ko na muna pinansin dahil busy pa 'kong kumain.

Napansin ko pa yung katabi kong table na titig na titig sakin kaya tinitigan ko rin siya ng isang anong-pake-mo!-look.

Bigla na namang tumunog ang phone ko at nakitang nagtext si kuya Shun at tinanong kung asan na ba daw ako. Tinext ko siya na pauwi pa ako kaya tinawag ko na ang waiter at para ibigay ang bayad.

Ayoko pang umuwi. Ayokong makita nila sa bahay na malungkot ako. Alam ko na. Pupuntahan ko si Melody!

Dapat everyday ko na siyang puntahan magmula ngayon. Hindi pa ako nakakabisita simula nung makauwi kami galing Japan dahil naging busy sa school. Dadalhin ko siguro dito si kuya Shun next time para ipakilala siya 

"Chi..."
Umupo ako sa harap ng puntod niya't nilapag ang bulaklak at chocolate drink.
"Sobrang miss na talaga kita. Sorry ha, ngayon lang ako nakadalaw. Busyng-busy kasi eh. Tsaka..."
I sighed then wiped my tears.

"Ang laki ng problema ko ngayon. Sana mapatawad mo na ako sa mga kasalanan ko sayo. Sana gabayan mo 'ko, chi. Ang bigat sa pakiramdam eh. Gusto ko ko lang namang sumaya at maramdaman yung may nagmamahal sayo pero--- pero bakit parang tutol ang mundo? Parang kahit anong pilit ko para sumaya, sakit at lungkot rin ang kapalit? Ganito ba talaga pag nagmamahal ka, chi?" Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang lapida niyang medyo maalikabok.

Binibisita rin ba siya lagi ng pamilya niya? Kamusta na kaya sila Tita...

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ko kasi makausap si Melody. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong marinig kung anong naiisip niya ngayon, kung anong sasabihin niya sakin.

Nakaramdam ako ng konting ihip ng hangin. "I-Ikaw ba 'yan, chi?"
Para akong t*ngang nagsasalita dito. Diba, sabi nila pag nasa sementeryo ka tapos kinakausap mo yung patay, pag may hangin ka raw na nararamdaman, ibig-sabihin nandyan yung kaluluwa?

"Chi, gusto kitang yakapin. Sana katabi kita ngayon. Miss na miss na kita."
Para akong batang umiiyak dito. Kumukurot na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman.

"Ang dami kong pagkakamali, chi. Ang t*nga kasi talaga ng friend mo eh. Kinakabahan ako ngayon, sobra. Siguro kung buhay ka pa, malamang binatukan mo na ako ng pagkalakas-lakas."
Napatawa nalang ako.

"Namimiss ko mga sermon mo sakin, Medy. Ang mga pang-aasar at compliments mo sakin. Namimiss kong gumala ng mall na kasama ka. Ngayong payat na ako at magkasing-pareho na tayo ng katawan, hindi mo man lang ako nasamahang mag shopping. Ang saya sigurong mamili ng mga damit na kasama ka..." Biglang humangin ulit sa labas at nakaramdam ako ng malamig sa leeg. I felt goosebumps dahil ako lang rin mag-isa dito..

"Ch-Chi, wag mo naman akong takutin. Ikaw naman, hahahaha! Ikaw ha!"

Napatitig ako sa pictures niyang nakasabit sa pader. Ang ganda niya talaga. Ano kayang naging hitsura niya noh ngayong college na kami. Mas lalo siyang gumanda, panigurado.

"Mag gagabi na chi, uuwi na ako. Sana dumalaw ka sa panaginip ko... I love you, I miss you." Hinalikan ko ang kamay ko at idinampi ito sa kanyang lapida. 

***

"Nga pala," natawa ako.
"Nagkita kami ni Russel kahapon sa park tapos nag-usap saglit."

"Ha?!"
Ang OA talaga ni Joyce.

"Nagkita kami ni---"

"Narinig ko, narinig ko! Pero--- Ha?!" Napakunot ang noo ko sa naging reaction niya. "Gumala akong mag-isa at dumaan sa park eh. Muntik ba naman ulit akong tamaan ng bola nila tapos ayon, kinausap niya 'ko. Pero sandali lang talaga yun."

Nakatingin lang sila sakin.
"OMG. Third wheel na 'yan!" 
Sinapok ko nga siya. "Aray naman!"
"G*ga. Third wheel kaagad?" -Joyce

"Paano kaya 'no kung kayo ni Russel ang magkatuluyan sa huli?"
Tumawa si Chaldea.
"Nako, wag te. Wag lang talaga."
Ewan ko dito sa mga kaibigan ko.

Pinuntahan nila ako sa school ngayong lunch time dahil nag-aalala daw sila pareho sakin. Malapit lang naman kasi ang Med School nila dito sa campus.
"So..." Hinihintay nila ang update ko.

"Wala parin talaga..."
Nag hysterical na naman si Joyce.
"Oh, God. Sana talaga wala lang 'yan... Let's wait until next week, ha? Tsaka sabi mong may PT sa baya ni Trystan?"
Tanong ni Cha. "Oo, kay Tita."
"Alam mo, maswerte ka parin kay Trystan kasi he's willing to do everything for you. Unlike sa ibang lalaking mga walang b*yag!" Sabi pa ni Joyce.

Biglang umingay ang paligid kaya napapalingon kami sa mga nagsisitakbuhan.

"May artista ata," sumilip kami sa likod kung saan naririnig namin ang mga tili ng mga babae at--

Nakita ko si kuya na kasama si kuya Shun.

"OMG." Kinikilig na naman si Joyce.

Lumapit sila sa table namin at tumabi.
May dalang bento si kuya Shun!
"Kore wa atashi no tamedesu ka-- (Para sakin ba 'yan)
"Hai, hai! Isoide tabete. Dozo!"
(Oo, bilisan mo at kumain ka na. Dali)
"Uwa~! Arigato, Sachi!"
"Ore wa Michan no tame ni sore o tsukurimashita." (Ginawa ko 'yan para sayo) Nakangiting sabi niya sakin.
Binuksan ko ang bento at ang cute ng pagkaka arrange ni kuya Shun sa mga pagkain. Ginawan niya pa ng mukha ang kanin na may mga gulay.

"Sugoi~ Ureshi! Domo, Sachi!"
(Ang ganda. Ang saya ko! Salamat!)
"Yokata. Hora, hora!" (Buti naman. Heto).
Tinulungan niya naman akong maghanda.

Naalala kong may mga kasama nga pala ako at nakita sila Joyce at Cha na parang kinikilig samin.

"Kumuha rin kayo, o. Bilis, masarap 'to!"
Tuwang-tuwa akong tikman lahat dahil sa sobrang sarap. "Hmmm! Hontoni oishi~ na!" (Ang sarap talaga!)

"Oi, pahingi ako!"
Kumuha naman siya at tinulak pa ni kuya Shun ang mukha niya.
"Yameru yo kono saru!"
(Tumigil ka na ngang unggoy ka!)
Tinulak-tulak niya si kuya kasi gusto niyang kunin ang isang box.
"Ya, ya, ya!" (Wag, wag, wag!)
Kumuha parin si Kuya at natatawa nalang kami nila Cha. Napalingon pa 'ko sa paligid at may mga nakalabas ng cellphone habang kinikilig.

"Demo! Ore mo onaka ga suite na! Hijo ni fukohei, Sakeguchi! Hidoi yo!"
(Pero nagugutom rin naman ako ah. Ang unfair mo naman. Ang sama mo!)
"Uzaken! Takku..." (Cut the crap! Jeez)
"Jodan janai yo!" (Nagbibiro ka ba?)

"Uy~ ba't parang love is in the air?"
Narinig kong sabi ni Joyce.
"Oo nga eh. Baka silang dalawa ng kuya ko ang magkatuluyan."
Natawa naman sila pareho ni Cha.
"Hindi sila, g*ga. Ikaw!"

"Ha?!"
Napalingon ako na nanlalaki ang mga mata. "Mga baliw!"
"Eh kasi ba't ka naman pagdadalhan ng pagkain tapos pinuntahan ka pa dito sa school. Special yarn? Akala ko ba kuya mo ang best friend." Asar niya pa.
"Hmmmm!"
"Huy, gagi! Parang magkapatid lang kaya kami nyan. Pinagsasabi niyo?"
"Eh ba't iba ang treatment?"
"Sobrang special?"
Sabay na sabi ulit nila at nag appear pa nga. Hala, ano ba 'tong mga friends ko!
"Ang weird niyo. Tumigil nga kayo."
Kumain nalang ulit sila at tumikim sa niluto ni kuya Shun.
"Eh? Nani sore?! Bakit kayo pwedeng tumikim tapos ako, hindi?"
Pagrereklamo ni kuya at umupo sa tabi ko. "Eh kasi best friends ko sila.
"Eh?! Matakku!" (Pambihira)

Napapagitnaan ako nila kuya at tinitingnan parin ako nila Joyce ng mapang-asar. Eish!

Nakasimangot na umalis si kuya para makapag order na rin ng food at naiwan lang si kuya Shun. "Oishi?" (Masarap?)
"Maa~ Hontoni!" (Oo, sobra!)
"Ah, Sachi mo tabemashita ka?"
(Kumain ka na rin ba?)
"Hai. Obasan wa ore no tame ni chushoku o tsukutte kuremashita."
(Oo. Nagluto si Tita ng lunch para sakin)

Nakakatuwa talag pag parehong hindi busy sila Mama kasi gusto niyang siya mismo ang maghanda ng kakainin namin at ayaw itong i-asa sa head chef. Special talaga si kuya Shun sa pamilya namin eh. Hehehe!

Gusto niya din daw makita ang paaralan na pinapasukan namin ni Kuya kaya nagpumilit siyang sumama kahit nag-aalangan siyang baka may makakilala sa kanya at pagkaguluhan siya. Oo nga naman, meron. Marami!

Pinagkakaguluhan nga eh.

"Sabi ko na wag nang sumama, ayaw paawat," napakamot nalang si Kuya sa ulo niya at kumain na. Binabantayan ko nga si Joyce kung anong kilos niya kasi kanina pa siya hindi mapakali. Hahaha!

"Hayaan mo na, ayaw mo nun, sisikat ka rin," tumawa ako. "Boku wa yumei ni naritakunai," (Ayokong maging sikat) aniya.
"Ma! Anata wa sudeni arimasu yo ne," (Well! Sikat ka na) sagot naman ni kuya Shun.

Hindi naman sila nagtagal at umalis na at magto-tour pa raw siya dito sa campus. Nagpaalam pa talaga personally si kuya kay Joyce. Grabe talaga! Luma-love life!

"Ang gwapo niya talaga," sabi ni Joyce habang tinititigan silang nakatalikod na at naglalakad.
"Sino? Si Shun o kuya ni Musika?" asar ni Cha sa kanya.
"Crush mo Kuya ko?!" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko, "baka marinig ka! Hindi pa sila nakakalayo, o!"
Tinanggal ko ang kamay niya at tinitigan siya, "Ba't di mo sinabi sa'kin, ha?" Ngumuso siya at iniwas ang tingin ko.

"Crush lang naman eh..."

"Ikaw talaga, puro ka crush! Tapusin mo na kaya muna 'yang assignment mo? Dapat sa bahay mo 'yan ginagawa eh." Pagsesermon sa kanya ni Cha at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kakatapos lang rin naming kumain. Naubos ko nga ang laman ng bento. Naka save pa ng allowance. Hehe!

Pumatak na ang alas tres at magsisimula na ang klase ko in 15 minutes. Umalis na rin sila Joyce at Cha tapos umakyat na ako sa building patungong room.

Magfocus ka na nga muna, Musika.

"Psst!"
"Hi, miss."
"Miss, anong course mo?"

Hindi ko na sila pinansin at umakyat ulit ng hadgan. Unde maintenance kasi ang elevator ngayon eh.

Eh kung mataba parin ako, hindi naman ako papansinin ng mga yun, diba? Ituturing lang nila akong parang isang basurang nasa tabi lang. 

Mga lalaki nga naman... 

*** 


Trystan's POV

Naghihintay ako sa labas ng school ni Mika ngayon para sunduin siya. Gusto ko lang makasiguradong okay siya ngayon.

2 days na raw siyang hindi dinadatnan. Kinakabahan ako, sobra. Hindi ko nga alam kung mapaninindigan ko yung pinangako ko sa kanya. I mean, willing na willing akong i-give up ang lahat para sa kanya. O kung hindi, isasabay  ko ang pagtatrabaho't pag-aaral. Kung palalayasin ako ng step Dad ko, sige. Nay condom naman na ako eh.

Marami naman akong mga gamit na pwede kong ibenta para lang mabuhay ko si Mika. Basta, kahit ano...

Tinawagan ko si Mika pero hindi pa sumasagot. Alam ko na kasi schedule ng mga klase niya at alam kong hanggang 4:00 PM lang siya ngayon.

Now Playing: Antivist by Bring Me The Horizon

Ang tagal niya naman. Okay lang ba siya? Napa-paranoid ako, lintek. Ano kayang gusto niyang kainin?

Teka, wala pa nga eh!

Umidlip na muna ako at maya-maya lang ay may biglang kumatok sa bintana. Nakita kong si Musika ito na. Lumabas ako at pinagbuksan siya ng pinto saka hinalikan siya sa noo.

"Kamusta class, kin?"
"As usual..."
Bakit parang ang tamlay niya? Napatingin ako sa hawak niyang paper bag. "Ano 'yan?"
Nilapag niya ito sa baba.
"Ah, bento box. Bumisita kasi si kuya Shun kaninang lunch eh."

Shun na naman?

"A-Ah, ganun ba..."
Sumandal siya sa balikat ko.
"Selos ka na naman? Baliw..."
"Hindi ah. Ba't naman ako magseselos eh alam ko namang ako ang mahal mo."
Inamoy-amoy niya pa ako at hinalikan ang leeg ko. "H-Huy, g-ginagawa mo?"
Tumawa naman siya.
"Okay ka lang?"
"Amoy baby ka talaga. Kanina ka lang ba dito?"
"Yup. Siguro 20 minutes?"
"Ay, ganun. Sorry, kin ah. May meeting pa kasi sa department eh."

"Ano... Tara na?"
Tumango siya kaya nagmaneho na ako.
"May gusto ka bang kainin? Fastfood?"
"Hmmmm..."
"Ano?"
"Di pa naman ako gustom, kin eh. Namiss ko muffins ni Tita. Yung una mong binigay sakin."
Napangiti akong nilingon siya.
"Talaga? Sige, sasabihan ko si Mama na magluto bukas. Para baon mo."
"Ginawa mo pa akong baby."
"Bakit? Baby naman talaga kita ah."

Kinilig tuloy ang baby ko. Hahaha! Tae, nababading na naman ako dito.

"Malapit na tayo sa condo, kin."
"Hmmm..."

Parang ang tamlay nga talaga ni Mika ngayon. Pagod siguro sa school.

Nakapasok na kami sa condo unit ko at naghanda ako ng tubig para mainom niya. Baka kasi dehydrated, eh hindi pa naman mahilig uminom ng tubig itong girlfriend kong 'to.

"Kin," inabot ko ang baso sa kanya at bumangon siya para inumin ito.
"Okay ka lang ba talaga, kin?"
"O-Oo. Stressed lang ako sa school works. Ang dami kasing pinag memorize samin kanina eh."
"Ganun ba... Anong gusto mong dinner?"
"Kahit ano, kin. Wag lang isda."
"Okay..."

Binuksan ko ang ref at buti nalang may manok pa. Chicken curry kaya lutuin ko? Kaso kailangan pa ng gata yun eh... May mga patatas sana, o.

"Kin, okay lang ba kung mamalengke muna 'ko saglit? Kulang sa ingredients yung lulutuin ko eh."
"Okay, wag kang magtatagal please."
Hinalikan ko siya sa noo at umalis na.

May malapit naman na supermarket dito kaya okay na. Actually, hindi ako sanay mamalengke eh. Pero bahala na. Sumakay ako ng kotse at umalis na. Siguro makakauwi agad ako in less than 30 minutes.

Kaagad na bumaba ako at nagtanong kung san yung bentahan ng gata at agad kong pinuntahan ito.

"Pogi, pogi! Anong hinahanap mo?"

Anak ng-- nakakahiya tuloy. Nagmadali na akong bumili kakailanganin ko at muntik ko pang makalimutang wala nga pala akong curry powder kaya nagtanong-tanong uli ako.

"First time mo sigurong mamalengke, pogi noh?" Tanong nung Ale.
"Ah, opo. Ganun na nga."
"Halata kasi sa hitsura. Siguro mayaman ka." Nakakahiya talaga, tae.
"Nako, hindi naman po ganun."
"Ah... Ano bang lulutuin mo?"
"Chicken curry po sana eh."
Binigay niya naman ang sukli ko.
"Nako, sariwa ang mga patatas ko dito. Heto, o." Tinuro niya ang mga ito.
"Ah, meron na po sa bahay. San po ba dito yung fruit stand?"

Lumabas siya at tinuro sakin ang dulo.
"Dun tapos kumaliwa ka. Baka mamaya, maligaw ka ha." Natawa tuloy ako at nagpasalamat na.

Nahanap ko yung mga fruit stand na sinasabi nung Ale kaya pabalik na ako ng parking lot.

"Teka... San na nga ba yun."

Hayop, nawawala nga ata ako. Tumingin ako sa relo at lagpas 30 minutes na nga ang itinagal ko. Sana tulog pa si Mika. Baka magtampo na naman yun. Ang dami ko pang napagtanungan, nagmumukha tuloy akong pusang gala. Dapat masanay na 'ko simula ngayon! Malayo pa kasi yung mall eh.

At least na-try ko nang makapasok ng public market. Hehehe!

"Kuya Trystan?"
Napalingon ako sa tumawag sakin at hindi ako pamilyar sa kanya kaya parang ewan akong nakangiti lang.

"Ako ito, si Millicent!"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1.8M 60.2K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...
801K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...