Highschool Confession

By jungxzy

45K 2.1K 345

Liskook Fanfiction Story More

Prologue
HC1:First day of school
HC2:RED TEAM.
HC3:CRUSH
HC4:Coincidence
HC5:Chismosa
HC6:Clover
HC7:HHWR
HC8:Plan
HC9:Foundation Day!
HC11:Clinic
HC12:The Day
HC13:The Day 2
HC14:Ms.Pakwan
HC15:Chocolates and Flowers
HC16:No effect
HC17:2 years later..
HC18:Chat
HC19:Confession Pt.2
HC20:Missing
HC21:Bestfriend
HC22:Move-on
HC23:Hangin
HC24:Still InLove
HC25:Hope
HC26:Stare
HC27:Andrea
HC28:Official
HC29:Iwas
HC30:Birthday
HC31:Kylie's Point of View
HC32:Someone's Jealous
HC33: Lei's Feelings
HC34:Aristotle
HC35:Letter
HC36:Meet Up
HC37:Confrontation
HC38:Admirer
HC39:Hate
HC40:Kylie's Birthday
HC41:Courting
HC2NDHalf-Teaser
HC2/43:Sana
HC2/44:Official
Epilouge
Thank You!+ NEW STORY

HC10:Takbo!

860 46 13
By jungxzy

Dumating ang kinabukasan at mas naging excited pa ako dahil simula na nga festival sa school at punong-puno ng palaro.

Pagkabangon ay agad kong inayos ang pinaghigaan ko tsaka pumunta sa banyo para maligo.
Maaga kaming pupunta ng Tropa sa School para iwas ang pila sa mga booths at para mas maaga namin maenjoy ang mga palaro.

Ngayong araw lang ako makakapag-enjoy dahil sa susunod na araw ay balik practice na kami para sa dance category at kailangan na naming makatapos dahil malapit na ang araw ng kompetisyon.

"Anak!Nandyan na mga kaibigan mo." Sigaw ni Mama mula sa labas ng banyo.Ang aga naman ng mga yun.

"Sige po!Malapit na akong matapos!" Sigaw ko pabalik tsaka mas binilisan ang pag-ligo.Masyado namang excited yung mga yun.Makikikain na naman yung mga yun dito.

Pagkatapos maligo ay isinuot ko na ang P.E. uniform ko at kinuha ang bag ko tsaka bumaba na.

"Hahabulin ka na ng suklay." Bungad ni Sarah pagkababa ko.Hindi pa kase ako nagsusuklay,hayaan mo nalang.

"Nakakahiya naman sa mga bwisita na naghihintay." Sarkastikong sabi ko.

"Makikikain sana kami bhes kung pwede." As expected, makikikain nga sila dito.

"Tara na." Yaya ko sa kanila at nauna na sa pagpunta sa kusina.

"Morning ma.Asan si Papa?"Tanong ko ng mapansin na wala si Papa.

"May meeting siya sa Company kasama ang new investors." Sagot ni Mama."Pakainin mo na din dito yung mga kaibigan mo habang mainit-init pa tong ulam."

"Salamat po!" Sigaw ni Drew at nauna na sa pag-upo.Basta pagkain talaga noh!

"Bhes paabot nga nung kanin." Pakiusap ni Angel.Grabe,nauna na sila sa akin magsi-upo.

"Oh." Sabi ko at inabot sa kanya.Umupo naman ako sa tabi ni Juliana.

"Magkakasama na naman kayo ah!Ang aga niyo naman yata pumasok?" Nakangiting tanong ni Mama.

"Opo,ekshayted na po kami pumashok." Sabi ni Drew.Puno pa bibig nyan ah.

"Sige,mag-enjoy lang kayo dahil malapit na kayong mag-highschool.Bibihira na kayo magkita at magkaroon ng free time." Sabi ni Mama at umalis na.

"Ang bait ng mama mo Bhes." Sabi ni Yesha.Nginitian ko nalang siya.

"Oo nga,bagets na bagets pa din ang itsura.Parang hindi tumatanda." Puna naman ni Sam.Pagngiti lang daw ang sikreto ni Mama atsaka iwas stress.

~~~~

"Woooohhh!!" Kanya-kanyang sigaw nila pagkapasok ng school.

Meron nang mangilan-ngilan na students na nagkalat at nagsimula nang maglaro sa mga booths na nakahanda.Pero may mga booths na nakasara pa,mukhang masyado kaming dumating ng maaga.Tatambay na naman muna kami sa room.

"Tara na!" Yaya ni Drew.

"Kayo nalang muna.Mas maganda kapag madaming maglalaro,mas mae-enjoy ko." Nakangiting sabi ko.

"Geh,sama ako sa kanya." Sabi ni Juliana at nauna na kami sa room.

"Kylie!" Tawag sa akin ni Jake.Tinanguan ko nalang siya tsaka umupo sa upuan ko.Alas-otso palang ng umaga pero pawis na pawis na ako.

"Umalis nga kayo sa tapat ng aircon!Bumabaho eh!" Reklamo ni Juliana.Nakaharang pa naman ang dalawang may kakaibang amoy sa room.Si Rick at Jake,pawisan pa sila.Mukhang na-enjoy na nila ang mga nakabukas na booths ngayon.

"Wew!Nehiye nemen keme seeye he!" Depensa ni Jake.Nababaliw na naman.

"Nakainom ka ba ng gamot mo?" Nang-aasar na tanong ko.

Ilang oras pa ang lumipas at nilamig na kami at madami na ding tao sa room kaya lumabas na kami.Madami-dami na din siguro ang tao sa labas.

"Sa tingin mo nasaan na yung nga yun?" Tanong ni Juliana habang pababa kami ng hagdan.

"Sa canteen." Obvious na sabi ko.Yung mga yun pa.

"Hahahaha!"

"Epic!"

"Laughtrip!"

"Ahahaha!"

Ingay yan ng mga makakasalubong naming students.Sa tingin ko ay mga highschool na,speaking,baka nandyan si Xiz.

"Kylie!" Sigaw ni Ate Lei.Kasama pala siya sa mga makakasalubong namin. Nakangiti ko siyang kinawayan.

"Nandun siya sa may canteen, kasama yung mga kaibigan mo." Sabi niya at tinapik ang balikat ko bago umalis.

"Ano yun?Ikaw ha!" Nang-aasar na sabi ni Juliana.

"Wala,sinabi niya kang na nasa canteen sila Xiz este sila Drew." Nadulas pa ako.

"Yieee!Xiz daw!" Nang-aasar na naman siya.Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa Canteen.

"Shh!" Saway ko sa kanya.

"Kylie!" Kaway sa akin ni Drew.Kasama nga talaga nila sa table si Xiz.Kinabahan naman ako bigla.Baka kase may sinabing kung ano sila Yesha sa kanya.

"Dito ka oh!" Turo ni Sam sa tabi ni Xiz.Hindi ko nalang siya pinansin at diretsong pumunta sa tabi ni Elle.

"Sorry,wala ng space." Naka-peace sign na sabi niya kaya lumipat ako sa tabi ni Angel.

"Sorry,masikip na dito." Naghanap naman ako ng pwedeng upuan pero yung sa tabi lang talaga ni Xiz ang meron.

Arggh!Pinagkakaisahan nila ako!

"B-bibili lang ako." Nasabi ko nalang tsaka umalis na duon.Bibili muna ako ng pagkain.

Bumili ako ng clover at binayadan ko na din at pumunta sa table.Bago makalapit sa kanila at huminga muna ako ng malalim.

"Okay,act natural lang bhes."

"Akala ko tatakas ka na." Sabi ni Yesha pagka-upo ko.

"B-bakit naman ako t-takas?"

"Bakit ka nauutal?" Tanong ni Sam.Syete!Pingkakaisahan na naman nila ako!

"H-hindi ah!Gutom lang t-talaga ako!" Palusot ko.

"Pahingi naman!" Puna ni Elle sa Clover ko.Inilapit ko naman toh sa kanila para makakuha.Dibale na,dalawa naman yung binili ko eh.

"Oh?Bakit hindi mo binigyan si Xiz?" Napalingon naman ako sa likod ko atsaka ko nakita si Ate Lei kasama si Kuya Jacob.

"Oh!Kumuha ka!" Sabi ko at inabot yung clover sa kanya.Cool lang bhes!

"Siga!" Natatawang sabi ni Sam habang katabi si Ate Lei na katabi si Kuya Jacob.

"Lakas mo maka-gangster ah!" Dagdag ni Juliana.

"Baliw!Na-inspired lang ako ng wattpad." Sabi ko sa inyo eh!Act natural lang mga bhes!

"Haha!Ginawang inspirasyon yung gangster,diba Bad Influence yun."Natatawang sabi ni Elle.

"Okay na yun,gwapo naman." Nakangising sabi ko.

"Tara na guys!Sa room tayo,may announcement daw si Ma'am." Sabi ni Angel na hindi ko napansin na umalis pala.

"Sige Ate Lei,una na kami!" Paalam ko at kumaway na sa kanila tsaka nauna sa Paglalakad.

"Ano yung announcement?" Tanong ni Juliana.

"Ang alam ko sasabihin ni Ma'am yung schedule for the whole week." Sagot ni Angel.

Pagdating sa room ay nasa kanya-kanyang upuan na ang lahat pero hindi maayos ang pagkaka-arrange ng mga upuan.Nagrambulan na naman sila.

"Bukas hanggang sa Friday ay 7:00 ng umaga ay pwede na kayong pumasok ng school.5:00 ang uwian kaya mae-enjoy niyo ang bawat booths sa loob ng tatlong araw.Pwedeng magcivilian basta ay hindi niyo kakalimutan suotin ang I.D.Sa saturday ay ang start ng Singing and Dancing Category na magii-start ng 8:00 at magtatapos ng 10:00.Para sa Dancing Category pwede kayong manood at sa Auditorium ang Venue,ang sa Singing naman ay sa Garden kaya wala nang booths dahil pagdating ng 11:00 ay start na ng awardings na magaganap sa Garden kaya make-sure na Team T-shirt at P.E. Pants amg susuotin niyo.Yung lang.Any questions?"

"Wala na ma'am!" Sigaw ng isa kong kaklase.May tanong naman yang mga yan,excited lang talaga silang magbalik sa rambulan.

"Okay mauuna na ako.If you have any questions,you can visit me in the faculty." Sabi ni Ma'am at lumabas na kaya back to  normal na ang lahat.Back to Abnormal,I mean.

"Tara na." Sabi ko at nauna na sa paglabas.

"All P.E. Pants are not allowed. All P.E. Pants are not allowed." Pagkalabas namin ay yan ang bumungad sa amin mula sa speaker.Nanlaki naman ang mata namin nang makita na naka-P.E. pants kami.

Tuwing Festival week kase ay walang ibang gumagamit ng mga speaker kundi ang Jail Booth lamang.Ang booth kung saan ka pwedeng ikulong pagnakitang nilabag mo ang batas nila. Katulad nalang ngayon,bawal ang P.E. pants kaya siguradong may naghahanap na ang staff ng jail booth ng mga pwede nilang ikulong.

Ang init pa naman sa loob ng kulungan na yun,samahan mo pa ng dilim dahil hindi nila pinapayagang buksan ang ilaw.Ang mahal pa ng pampiyansa nila,bente pesos.

"Ayun!" Agad naman kaming nagsitakbuhan ng may makakita sa amin.Dapat pala ay hindi na muna kami lumabas ng room!

"Takbo!" Kanya-kanyang sigawan namin.Bahala na kung maghiwa-hiwalay kami.

"Dito Kylie!" Agad naman akong tumakbo kung nasaan sila Angel.Ang bilis naman nila makapagtago.

"Nasaan na?"

"Hindi niyo nahabol?"

"Humanap nalang tayo ng iba!"

"Lalabas din yung mga yun!"

Nakahinga naman kami ng maluwag ng maramdamang wala na yung nga humahabol sa amin.Mukhang hahanap na sila ng bagong huhuliin.

"Buti na pamg umalis na sila." Hinihingal na sabi ni Yesha.Mahaba-haba din yung tinakbo namin.

"Tara na.Wala na siguro yung mga yun." Yaya ko at naunang lumabas.Naging alerto naman kami habang naglalakad.Baka nandyan pa yung mga nanghuhuli sa amin.Naalala ko tuloy last year,hinabol din kami dahil bawal ang nakapalda.Na-corner pa kami ng magtago kami sa room at nang mahawakan nila ang kamay namin ay kinagat naman namin sila tapos ay nakatakas kami.

"Anong ginagawa niyo?" Napatingin naman kami sa nagsalita.Si Ate Lei,kasama niya si Kuya Xiz.Agad naman kaming napa-ayos ng pagkakatayo. Mukha pala kaming tanga.

"W-wala." Paliwanag ni Drew.

"Ayun sila!" Pagkadinig palang namin nun ay agad na kaming nagsitakbuhan pero this time,kasama na namin sila Ate Lei.Naka-P.E. pants din kase sila.

"Takbo!"

"Wag na kayong tumingin sa likod diretso lang!"

"Bilisan niyo!"

Kanya-kanyang sigawan ng tropa.Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nadadaanan namin.

Habang tumatakbo ay napansin ko na hanggang takbo lang ang gagawin nila kaya lumiko ako ng makitang may pwedeng pagtaguan.Nasa bandang likod nila ako kaya hindi nila ako napansin at wala nang naka-sunod sa akin.Nakaka-pagod tumakbo.

"Hinahabol kayo?" Nagulat ako sa taong nagsalita.Si Sarah lang pala.

"Sila lang.Nakatago na ako eh." Nakangising sabi ko.

"All types of jeans are not allowed.All types of jeans are not allowed."

"May bago nang rule.Pwede ka nang lumabas." Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Sige,una na ako.Hahanapin ko pa sila Drew." Nakangiting sabi ko at umalis na.

Nasaan kaya yung mga yun?

End of Chapter 10
Edited√

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
95.6K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
57.3K 1.6K 77
BTS and Blackpink in their own famous cafés♡☆ COMPLETED.