Killing Him [COMPLETED]

Par LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED Plus

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

THIRTY FOUR

22.8K 639 42
Par LetMeBeThatGirl

THIRTY FOUR

"Max, I can't just live here. Hindi ko kayang tumira malapit sa kanya. Hangga't alam kong ilang kwarto lang ang pagitan namin, hangga't hindi pa ako nakaka-move on... Hindi ko kaya, Max." hinawakan ni Maxine ang kamay ko at hinigit ako para panandaliang maiupo sa sofa.

I was hysteric when she arrived. Kanina ko pa sya hinihintay na makauwi. I thought I'm going to lose my mind. Simula palang ay alam ko nang hindi magandang desisyon ang pananatili ko rito kay Maxine.

Ngunit wala sa lawak ng aking imahinasyon na maliit ang mundo't magkikitang magkikita pa rin kaming dalawa ni Kei kahit anong iwas ang gawin ko.

"Can you calm down for a bit, Chlo? Ano bang nangyari? Sabihin mo muna sa akin ng mahinahon." tumabi sya ng upo sa akin at tinignan ako ng matiim sa mata. I can see how tired she was from her work. Ngayon ay ganito pa ang isasalubong ko?

Bigla akong nagdalawang isip kung sasabihin ko ba ang problema o hindi. I just want to cry but I'm too tired to do that. Walang gustong lumabas na luha sa aking mata. Nang mahimasmasan ako ay roon lang ako nakapag-isip ng matino.

"I'm sorry, Max." mahina kong sambit. "This is about Kei again. Sa tingin ko ay maiging umalis nalang ako rito sa condo mo. I can book a hotel. O di naman kaya'y kina Chlerie nalang muna ako titira. I don't want to be a burden to you dahil dito sa problema ko."

Napahinga ng malalim si Maxine. Inilingan nya ako ng ilang beses bago inalis ang mga tingin sa akin. "Is that the only solution you could think of, Chlo? Pwede ka namang sumama sa akin sa trabaho. Dalawang araw nalang at Sabado na, kung gusto mo ay aalis tayo rito ng Sabado at Linggo."

Masyadong lutang ang utak ko para makapag-isip pa ng mabuti. Hindi ko na talaga alam ang dapat gawin at sa hindi. Hindi ko na alam ang tama sa mali. Bakit ba sa lahat nalang ng ginagawa ko ay parang may nasasaktan akong tao?

"I'm so glad that you're my friend, Max. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka rito." inismiran nya lang ako at tumayo na para magtungo sa kusina.

Inayos nyang kaunti ang kanyang buhok at binuksan ang refrigerator para kumuha ng mga sangkap sa iluluto ngayong hapunan. "Lalake lang iyan, Chlo. Huwag mong masyadong ipahalatang apektado ka kundi ikaw ang talo."

Inalala ko ang nangyari kanina. Paano ako hindi ma-apektuhan sa ganoong klase ng mga salita. His words are so painful. Punong puno iyon ng sakit at paghihinagpis.

Parang sinasabi nito na umpisa palang iyon ng mga gusto nyang sabihin sa akin sa loob ng ilang taon kong pagkawala rito.

Matapos magluto ni Maxine ay naghapunan na kaming dalawa. Hindi ko na sinabi pa ang napag-usapan naming dalawa ni Kei. Pinangaralan nya lang ako at sinabihang huwag ko nalang pansinin si Kei.

And now that I think of it, hindi kaya lumalapit sya sa akin para gantihan ako? Para iparamdam sa akin kung gaano ako ka-tanga noong mga panahong iniwan ko sya rito?

Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Itinulog ko ang mga naglalaro sa aking utak. Tomorrow will be a solid day. Naisip kong puntahan sina Herritt sa kanilang hotel kaya naman nang gumising si Maxine para pumasok sa kanyang opisina ay naisipan ko na ring umalis para dumayo ng dalaw sa mag-nobyo.

"Iyon lang ang gagawin mo?" tanong ni Maxine sa akin habang nagpapatuyo ako ng aking buhok.

"Oo, may kukunin din ako sa kanila. Siguro pagkatapos ko roon ay dadalawin ko naman sina Chlerie. Titignan ko kung anong itsura ng tinitirhan nila ngayon." paliwanag ko at ibinaba na ang blower.

Matapos kong masuklay iyon ng ilan pang beses ay tumayo na ako mula sa harap ng salamin at naghanap ng bag na te-terno sa aking damit.

"Are you done?" sigaw ni Maxine mula sa bukana ng pinto. Tumakbo ako patungo sa kanya at matalas na tumunog ang aking takong sa kanyang sahig. Bumaba ang kanyang mata sa suot ko at tinaasan ako ng kilay. "Mag-gagala ka ng naka-heels?"

"Why not?" ngumuso ako at sumunod na ng labas sa kanya. Hindi na ako nagpahatid sa kanyang sasakyan dahil dyan lang naman sya sa malapit.

"Pasay po." saad ko roon sa driver. Sinabi ko rin sa kanya iyong restaurant na malapit sa hotel nina Herritt. Kailangan akong ibaba roon ng driver dahil baka maligaw ako.

Ilan taon akong nawala rito sa Pilipinas at hindi naman ako masyadong naglilibot dito. Kapag iniliko ako ng driver sa kung saang lugar ay paniguradong hindi ko pa rin iyon malalaman.

Habang nasa byahe ay nagtipa ako ng mensahe para kay Herritt. Kagabi ko pa sya pinaalalahanan na sabay na kaming mag-lunch na tatlo. Sya ang namili ng makakainan kaya kahit hindi ko naman alam iyong sinabi nyang restaurant ay umoo pa rin ako.

"Andito na po tayo, Ma'am." pukaw sa akin ng driver. Tinignan ko muna ang labas. Nakaukit sa itaas ang pangalan ng restaurant. Mabuti at hindi ako iniliko sa iba ni Manong.

"Ito na ho ang bayad, salamat." inabutan ko na sya ng isang libo at nagmadali nang lumabas ng taxi. Mabuti ngayon at may cash na ako. Makakapagbayad na ako para sa sarili ko. Iyon nga lang ay wala nang Euro sa aking pitaka dahil naka'y Maxine nang lahat.

Pagpasok sa restaurant ay agad kong inilibot ng tingin ang aking mata. Sa dulong parte ay nakita ko na agad ang dalawa. Agad tumayo si Herritt at kumaway sa akin.

"Kamusta ang pagsasama nyo?" usyoso ko pagkaupo ko sa kanilang harap.

Humagikhik muna si Herritt bago sumagot sa akin. "Makulay."

Ngumiti ako at tinawag na ang waiter para sa aming pagkain. "And where do you two plan on spending your vacation?" tumingin ako kay Gaston. Ibinigay nya muna ang menu sa waiter bago ako hinarap.

"Palawan, we've heard they got good resorts there. We're flying tonight."

"Already got a ticket." dugtong ni Herritt ng nakangisi.

"Ngayon na pala ang alis nyo patungo roon. Pero iyong kwintas ko ay hindi mo pa binibigay!" singhal ko sa kanya. Tumawa sya sa akin.

"Nasa bag ko, don't worry. Ibibigay ko sa iyo mamayang pagkatapos natin kumain."

Nang dumating ang aming order ay kung anu-anong bagay na ang pinagkwentuhan namin. Naikwento pa nila sa akin na may nakasalubong silang kilalang personalidad sa showbiz doon sa hotel na kanilang pinags-stay'an.

Mabuti at hindi naghinala kung bakit magkasama ang dalawa. Kung hindi ay baka naibalita na kinabukasan sa telebisyon na may relasyon nga ang dalawang ito.

"Just go on public already!" sita ko sa kanila dahil hindi madaling magtago ng relasyon. Anytime ay baka mabuko rin ang sikretong ipinakatatago nilang dalawa. And who knows, mamaya ay mabunyag na pala iyon bukas na bukas din.

"Hindi ko pa kaya sa ngayon." mahinang sambit ni Herritt. Nagkibit nalang ako ng balikat. Pati si Gaston ay tumahimik din.

Pagkatapos naming kumain ay ibinigay na sa akin ni Herritt ang aking kwintas. Nasa isang silver na kahon iyon nang inabot nya.

"Nasigurado mo bang maganda ito?" wika ko at tumango sya sa akin. Ipinatong nya ang dalawang siko sa lamesa at pinakatitigan ako habang binubuksan ang kahon.

"Pinaghirapan ko iyan, I'm not famous for nothing." aniya at ngumiti sa akin.

Pagkabukas ko sa kahon ay bumungad sa akin ang pendant ng aking kwintas. Ang itaas ng perlas ay napalilibutan ng ginto na may mga dyamante. The pendant looked like a blooming flower at ang nasa gitna noon ay ang perlas.

Tinanggal ko mula sa kahon ang kwintas at tinignang mabuti kung gaano kapino ang pagkakagawa sa chain. Sa nipis noon ay parang hanging dumapo lang iyon sa aking kamay.

"God, Herritt, this is so beautiful." itinaas ko kaharap ng aking mukha ang kwintas. Hindi mapaglagyan ang ngiti sa aking labi ng lumipat ang tingin ko kay Herritt.

"Magandang klase ng ginto ang ginamit ko r'yan kaya hindi agad iyan masisira. And the little diamonds around the pearl is real. Medyo binawasan ko lang ng kaunti ang perlas para magkasya sa gitna at hindi mahulog."

Muli akong napatingin sa kwintas. I just couldn't believe it. Ibang iba na ito sa simpleng kwintas ko dati. "Thank you so much, Herritt! I love this necklace so much! Napaka-ganda."

"You want to wear it now?" tumango ako ng mabilis sa kanya. He then stood up and walked behind me. Ibinigay ko sa kanya ang kwintas at hinawi ang aking buhok.

Una kong naramdaman ang paglapat ng perlas sa aking balat bago iyon tuluyang nailagay sa paligid ng aking leeg. "You're really a great artist, Herritt." puri ko sa kanya sa huling pagkakataon.

Pagkatapos ng aming tanghalian ay pumunta na ako kina Chlerie. I called her phone to ask the exact location of their house. Medyo malayo iyon mula sa pinanggalingan ko dahil bandang Quezon City pa at medyo may katagalan ang byahe dahil sa traffic.

I arrived just before dinner time. Nagbigay ako ng mensahe kay Maxine na rito ako magpapalipas ng gabi dahil baka maipit na naman ako sa byahe mamayang pag-alis.

"Hi, Samuel!" kinarga ko ang anak nyang gumapang papunta sa akin. Maliit ang kanilang bahay. Dalawang palapag lang iyon at sa tingin ko'y tatlong sasakyan lang ang magka-kasya sa garahe sa harap.

Sa gilid naman ay may maliit na garden at pond. Kahoy ang kulay brown nilang pinto at maliit na hagdan ang bubungad pagkabukas palang ng noon.

"Kamusta ang pags-stay mo sa condo ng kaibigan mo?" tanong ni Chlerie. Wala ngayon ang asawa nya. Sinabing nag-a'apply raw ng trabaho sa isang kakilala naming kompanya.

"Maayos naman. Sa katapusan ng linggo ay mag-gagala kami. Wala pang plano kung saan pupunta pero magiging masaya naman ata iyon." kinarga ko sa ere si Samuel at agad ding ibinaba dahil sa bigat. "Chlerie, palitan mo na ang diaper nya."

Nilingon nya ang anak sa aking kandungan at kinuya iyon sa akin. "Saglit, iaakyat ko lang." ako ang kumuha sa inilapag nyang remote sa babasaging lamesa.

Inilipat lipat ko ang channel ng tv. Ang isang estasyon ay saktong kakatatapos lang ng balita. Ang kasunod noon ay isang palabas na hindi pamilyar sa akin ngunit kilalang kilala ko ang babaeng bida roon. Si Eclaire.

Unang salang ng episode ay hindi ko agad naintindihan ang daloy ng kwento. Mabilis pa iyong pinuputol at biglang lumabas ang patalastas. Medyo nairita ako dahil nabitin. Mabuti nalang at bumaba na si Chlerie at ibinigay nang muli sa akin si Samuel.

"Mabango ka na naman." ngumisi sya sa akin kahit hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Mamam!" aniya at pinaglaruan ang sariling paa. Masyado akong nahumaling sa pagpisil sa pisngi ni Samuel na hindi ko napansing tapos na pala ang patalastas.

"Ano bang istorya nyan?" tanong ko kay Chlerie na okupado rin sa panonood.

"Tungkol iyan sa magkaibigan na nag-kagusto sa iisang babae. Iyong bidang lalake at itong isang lalake ay magkaibigan. Naunang umamin yung isa na may gusto sya roon sa bidang babae pero noong panahon na iyon ay nagkakamabutihan na ng loob yung parehong bida."

Napalunok ako. Parang pamilyar ang ganitong kwento, ah.

"Nag-give way iyong bidang lalake para sa kaibigan nya kahit mahal na mahal nya rin iyong babae. Sayang." dugtong pa nya.

Parang biglang akong nagka-interes panoorin ang palabas. Mukha namang interesante ang plot ng story at magaganda ang acting ng mga artista ngunit napapaisip ako sa sinabi ni Chlerie. Bakit sayang?

"Tama lang iyong ginawa ng bida dahil kung talagang mahalaga sa kanya iyong kaibigan nya, ipapaubaya nya kahit iyong babaeng mahal nya para lang sumaya ito."

For me, friendship should be put first. At hindi na dapat nya ipaalam pa sa kaibigan nyang pareho ang babaeng nagugustuhan nila para wala nang gulo. Kung aamin pa sya ay lalo lang magiging komplikado ang lahat. Mas maganda nang saktan mo ang sarili mo kaysa ang saktan ang iba.

"Talaga? Even if the girl doesn't even love that guy? Ipagpipilitan mo iyong kaibigan mo sa kanya? Sa tingin mo ba ay kung gagawin mo iyon ay mamahalin sya noong babae? Pareho lang silang masasaktan."

Napatahimik ako. Magkaiba kami ng pananaw ni Chlerie. May punto sya at mayroon din naman ako. But I still believe that the guy's idea is the best.

"Paano mo masasaktan iyong kaibigan mo? You already gave way to get the girl he likes. Magiging masaya na sya roon." pagrarason ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip sa palabas na ito at pati sa mga sinasabi ni Chlerie.

"Who would be happy if the one you love is already inlove with someone else?" nilingon ako ni Chlerie at tinaasan ako ng kilay. Unti onti akong humarap sa tv at nakibit balikat.

Sino nga bang sasaya sa ganoon? Kahit ang magkunwaring masaya ay sobrang hirap na.

I find it hard to swallow so I could talk again to answer Chlerie. "Then pretend to be happy."

"Kung gagawin nya iyon ay magkakatuluyan na agad ang dalawang bida. Tapos na ang kwento at hindi na iyan aabot ng limang episodes. Pero dahil tanga iyong bida lalake, ipagtutulakan pa nya iyong babae sa kaibigan nya kaya hahaba pa ang kwento. Kawawa ang isang lalake dahil wala syang alam sa nangyayari at iyong babae dahil pinagtatabuyan sya noong bidang lalake."

Umiling iling pa si Chlerie. Ilang mga panlalait pa ang sinabi nya roon sa bidang lalake. Napaka-torpe raw at hindi marunong lumaban ng patas. Takot daw masyadong ipaglaban iyong babae at kung anu-ano pa.

Basta para sa akin, the guy did the right thing. Ano ngayon kung torpe sya? Hindi na kailangan pang malaman ng iba ang damdamin nya para sa babae dahil lahat ay magagalit sa kanya. Pati ang kaibigan nya ay lalayuan sya dahil makasarili syang tao.

"Nakakainis ang istoryang iyan! Matutulog na nga ako!" tulog na rin naman si Samuel sa aking bisig kaya naisipan kong ako nalang ang magdadala sa kanya sa higaan.

Kinabukasan ay maaga akong dumaan sa restaurant ni Maxine. Sumaglit lang ako ng dalaw roon hanggang sa abutin kami ng tanghalian. Umuwi na rin ako sa condo dahil sa pagod at saglit na naidlip.

Nagising ako matapos ang isa't kalahating oras. Pagkalabas ko sa condo ay dumiretso ako sa elevator para makabili ng makakain sa malapit na grocery ngunit pagkabukas ng pinto noon ay agad bumungad sa akin sina Eclaire at Kei. Magkahawak pa ang mga kamay at matiim na nakatingin sa akin.

"Going down, Ma'am?" tanong noong operator. Doon lang ako nahimasmasan at napatango't mabilis na pumasok sa loob. Sumara ang pinto at ilang mga tao pa ang pumasok galing sa ibang palapag kaya't naurong ako sa bandang likod katabi nila.

"Saan ang punta mo, Chloris?" tanong sa akin ni Eclaire. Hindi ako makatingin sa kanya. Her face in her story is always popping in my head. Napaka-ganda ng image nya roon, hindi makabasag pinggan.

"Grocery lang." I said maintaining my straight face. Mabuti nalang at nakapag-ayos ako ng medyo presentable. Kahit maganda si Eclaire ay hindi naman ako nagmumukhang kawawa kapag itinatabi sa kanya.

My Mom is gorgeous at gwapo rin naman si Daddy. Iyon nga lang ay lamang sya sa akin dahil may kakaibang lahi na nahalo sa kanyang dugo.

"Bibili rin kaming rekado para sa iluluto kong afritada. Want to come with us?" Eclaire put her hand on my shoulder. Dahil doon ay lumipad ang mata ko patungo sa kanyang direksyon.

"Hindi na. Baka makaistorbo lang ako sa inyo." they're both wearing casual clothes. Mukha talagang pupunta lang din sa grocery. But I'm thinking of actually buying bread or cup noodles. Iyon lang ang idadayo ko sa grocery store.

"Of course not! Sa condo ka ni Maxine nags-stay diba? Mamaya pang alas sais ang uwi noon. Why not join us for dinner? Sakto ang tapos ng luto pagkarating nya." iiling pa sana ako nang lingunin ako ni Kei. Napatayo ang lahat ng balahibo ko at mabilis humalukipkip sa gilid.

It took me just one stare to make my mouth shut. Just what is wrong with me?!

"Ma'am, first floor?" nilingon ako noong kuyang operator. Napakagat ako sa aking labi. Gusto ko nang lumabas ngunit... Damn, I can't walk!

"Kuya, diretso na sa car park." mahinang wika ni Eclaire sa kanya at sumarado na ang pinto. Pagkarating namin sa car park ay hinawakan ako ni Eclaire sa kamay. Sya ang humila sa akin patungo sa sasakyan ni Kei.

Third wheel na nga ako kay Herritt at Gaston tapos hanggang dito ay ganoon pa rin ang role ko?! Damn it!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

15.3K 689 34
One tragic event may changed someone's perception in life. That's what happened to Aladdin. It changed him. He's scarred for life that no one can eve...
27.7M 370K 55
The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own path, but because of a ONE NIGHT'S MISTAK...
1.2M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
9.2K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...