The Chase

By AngelMelay

184K 4.7K 588

"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong na... More

The Chase - Prologue
Chasing 1
Chasing 2
Chasing 3
Chasing 4
Chasing 5
Chasing 6
Chasing 7
Chasing 8
Chasing 9
Chasing 10
Chasing 11
Chasing 12
Chasing 13
Chasing 14
Chasing 15
Chasing 16
Chasing 17
Chasing 18
Chasing 19
Chasing 20
Chasing 21
Chasing 22
Chasing 23
Chasing 24
Chasing 25
Chasing 26
Chasing 27
Chasing 28
Chasing 29
Chasing 30
Chasing 31
Chasing 32
Chasing 33
Chasing 34
Chasing 35
Chasing 36
Chasing 37
Chasing 38
Chasing 39
Chasing 41
Chasing 42
Chasing 43
Chasing 44
Chasing 45
Chasing 46
Chasing 47
Chasing 48
Chasing 49
Chasing 50
Chasing 51
Chasing 52
Chasing 53
Chasing 54
Chasing 55
Chasing 56
Chasing 57
Chasing 58
Chasing 59
Chasing 60
Credits
Sequel 3

Chasing 40

2.3K 72 4
By AngelMelay

CHASING 40

ANG PARUSA

"LIZZIE!!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Whimper.

Napalingon si Lizzie. Pero paglingon niya ay naout balanced siya. Napaupo siya sa lupa habang si Whimper ay napasubsob sa harapan niya. Nadampot kasi ng kumag na napaluhod niya kanina ang kahoy at pupukpukin sana siya sa ulo. Pero sinalag ito ni Whimper kaya sa kamay nito tumama ang malakas na hampas ni Kumag.

"Whimper! Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Whimper para magtama ang paningin nila.

"Masakit.." Nakangiwing daing nito.

"Teka lang." At iniupo niya sa gilid si Whimper. Pailalim niyang tinitigan si Kumag at tumayo siya habang marahas ang paghinga.

"Huwag. Lizzie!" Awat sa kanya ni Whimper. Salo-salo nito ang isang kamay na nabali na ata dahil sa pagkakapalo ng kahoy.

"Teka lang!" Singhal niya dito. Hindi naman siya galit dito, pero medyo nasigawan niya lang dala ng pagkakataon.

Hinarap niya ang last kumag standing. "Huwag kang lalapit." Sabi nito habang patuloy siyang inaatake ng kahoy. Mabuti na lang at naiilagan ni Lizzie. Ilag siya ng ilag habang papalapit dito. Ito naman ay atras ng atras.

At sa huling palo ni last kumag standing, nag-round house kick siya kaya nabalin ang kahoy na kapit nito sa dalawa! Nagangatog na nabitawan tuloy nito ang kahoy habang panay ang suntok at sipa na nailagan naman niya. 

Nagngalit ang ngipin ni Lizzie. She can't hold back! Sinipa niya ito sa pisngi. Wala siyang pakialam kahit na naka-shorts siya at baka masugatan ang kanyang makikinis na binti.

Magkabilang side ang sipa niya ng paulit-ulit. dumugo na ang labi nito sa lakas ng mga sipa niya. Akmang aatakihin na naman siya nito ng suntok ng makailag siya at sinapak niyang kamay ang mukha nito. Galit na galit siya!

Sinunod-sunod ni Lizzie ang pagsapak. 

Left.

Right.

Left.

Right.

At tuluyan na itong napahiga sa lupa. Hindi pa nasiyahan si Lizzie. Kinubabawan pa niya ito at sinapak-sapak ulit ang duguan nitong mukha.

"Lizzie, tama na!" Sigaw ni Whimper. 

Napalingon siya dito habang marahas ang paghinga. Taas-baba ang alon ng dibdib niya sa sobrang galit. 

"Tama na, Lizzie.." Sabi ni Whimper sa nakikiusap ng tono. Napangiwi ito at muling napaupo ng tinangka nitong tumayo para lapitan siya.

Doon na natauhan si Lizzie. Agad siyang umalis sa ibabaw ng binugbog sarado niyang kumag, at agad na dinaluhan si Whimper.

"Kaya mo bang umupo sa bench?" Tanong niya habang timutulungan itong tumayo.

Naiupo niya sa bench si Whimper ng bigla niya itong itulak pahiga!

"LIZZIE!" Sigaw ni Whimper.

Napahawak siya sa kanyang batok at dumudugo iyon! Napalingon siya sa likod at nakita niyang nakatayo na si Ben at binato siya ng malaki at matalas na bato!

Tinakbo niya ang pagitan nila ni Ben at binigyan ito ng flying kick! Round house kick. Side kick. Subsob ito sa lupa. Hindi pa siya nasiyahan. Pinilipit pa niya ang kamay nito na nagtangkang hilahin ang kamay niya.

"Lizzie! Tama na!" At hinila siya patayo ni Menchie.

Nagulat na lang si Menchie ng puntahan siya ng ilan sa mga college admirers ni Dave. Sinabing may nang-bubully daw kina Lizzie. Nakita daw ng mga ito ng mapadaan sila na may tatlong humarang sa pinakilal noong Intrams Night na bunsong apo ng may-ari ng school.

Kaya kahit busy ito sa booth nila, tinakbo niya kung saan sina Lizzie. Ang kaso sa pagmamadali niya, dahil narinig niyang nasa panganib sina Lizzie, nalimutan niyang itanong kung saang parte ng school.

"Anong nangyari dito?" Galit na tanong ni Menchie sa kanya hbang inililibot nito ang paningin sa buong mukha niya. Tinitingnan kung may sugat siya.

Hindi niya sinagot ang tanong ni Menchie. "Ate, tumawag ka sa clinic. Papuntahin mo dito ang school doctor. Kailangang magamot si Dave at Whimper." Pakiusap niya sa kanyang Ate.

Walang ilang minuto ay rumaragasang dumating ang sasakyan ng kanyang Mama. Ang driver nila ay tinulungan silang isakay sina Whimper at Dave sa sasakyan.

"Ito pa." Turo ni Menchie sa tatlong kumag.

Napailing na lang si Lizzie ng magkatulong ang driver, nurse at si Doc na itayo ang tatlong kumag para isakay din sa sasakyan.

"Tulungan mo kami!" Sigaw sa kanya ni Menchie. At dahil matalim na ang titig ng mga ito sa kanya ay napilitan siyang tumulong. First time niya kasing nakitang galit sa kanya ang kanyang Ate.

Ginamot silang lahat sa clinic. Mabuti na lamang at mayaman ang school nila. Kumpleto ang gamit sa kanilang clinic. Si Whimper ay nilagyan ng bandage ang kamay. Hindi naman daw ito nabalian, napilayan lang sa pagkakasalag ng kahoy.

(Later..)

Ipinatawag silang lahat sa Office of the President. Ang tatlong kumag ay kinick-out ng Mama niya sa school. Hindi lang dahil ang anak nito at mga kaibigan niya ang ginawan ng masama, kundi dahil baka gawin din ng mga ito iyon sa iba pang estudyante. Bukas na bukas din ay pinapatawag ni President Ria Choi-Zacarias ang mga magulang o guardian ng tatlo.

Naiwan silang apat sa opisina ng kanilang Mama. Sila ng Ate niya ang nasa kaliwang side ng lamesa nito, at sa kanan naman ang magkapatid na Becher.

"Monaliza!" Opps! Alam niyang galit talaga si Mama niya kapag iyon ang tawag sa kanya. "Sinong maysabi sa iyong mangbugbog kang babae ka?" Galit na galit na sabi ni Ria.

"S-sorry po. Sila naman po ang naunang mangbastos sa kanya." Singit ng nakatungong si Dave. Pero siya ay nanatiling tahimik lang.

"Naandun na nga tayo. Pero alam na alam mo, Monaliza na iniiwasan naming gamitin mo ang galing mo sa taekwondo!" Galit pa ding sabi ni Ria. Nanatili pa ring sarado ng maigting ang bibig ni Lizzie.

"Nawalan lang po siya ng choice kasi duguan na po ako." Magalang na salo sa kanya ni Dave.

"Attorney ka ba ng anak ko?" Galit na baling ni Ria kay Dave.

"Sorry po, Tita. Pinapaliwanag ko lang po." Sagot pa din ni Dave sa mahinang boses.

"Sige. Sige. Sabihin na natin na ipinagtaggol lang ninyo ang sarili ninyo. Pero tama ba namang halos patayin mo na ang mga gag*ng iyon?" Inis pa rin si Ria.

"Ma, kasalanan naman nila. Babae si Lizzie at binastos nila." Singit ni Menchie.

"Oo nga babae. Pero hindi ka ordinaryong babae, Monaliza! Alam mong kayang-kaya mong pumatay!" Singhal pa rin ni Mama nila sa kanya.

"Tita, kung hindi po sila binugbog ni Lizzie, baka kami naman po ang napatay." Singit naman ni Whimper.

"Oo. Naiintindihan ko naman eh. Pero tama ba namang halos bawiin mo na ang hininga nila? Dapat Monaliza, noong subsob na sila ay tinigilan mo na sila! Pero anong ginawa mo? Subsob na ang kalaban mo, binugbog mo pa na halos malagutan ng hininga? Tama ba iyon?" Napahinga ng marahas ang halos mamalat ng Mama nila kakasigaw sa kanya.

"Hindi ba't ang turo sa iyo ay salagin lang ang atake sa iyo? Ang turo sa iyo, huwag na huwag kang mauuna? Pero bakit ganoon? Suko na ang kalaban mo, hindi mo pa daw sila tinigilan?" Dagdag pa ni Ria.

"Sorry po! Nagdilim lang po ang paningin ko ng makita kong dumudugo na ang batok kong may bandage na ngayon." Sa wakas ay paliwanag niya.

"Ok. Pero mali pa rin ang halos pumatay ka na kahit dapa na ang kalaban." Giit pa din ni Ria.

"Whimper, Dave, ihatid ninyo ang paghingi ko hng paumanhin sa magulang ninyo dahil sa nangyari. Dahil hindi nakontrol ng school namin ang ganitong pangyayari. Dapat siguro ay maglagay ako ng lima pang dagdag na guwardiya." Baling ni Ria sa magkapatid.

"Menchie, ikaw na muna ang manghiram ng notes para kay Lizzie at i-uwi gabi-gabi sa bahay." Utos naman nito sa Ate niya.

"At ikaw, Monaliza, suspended ka sa school for 1 week. Bawal kang lumabas sa bahay. Dahil baka mamaya gumanti sa iyo ang mga gunggong na iyon. Sina Whimper at Dave at ang iyong Ate ay palagi kong pamamatyagan ang kaligtasan sa mga guwardiyang kukunin ko."

"Opo, Ma." Tanging sagot niya.

"At bawal ka ring tumanggap ng bisita sa bahay. Kailangang matuto kang magpahalaga sa buhay ng kapwa mo. Hindi porket galit ka, hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo. Self-discipline, Monaliza! Tandaan mo iyan."

"Pero Ma, bakit naman kailangang ikulong mo for 1 week si Lizzie sa atin?" Protesta ng Ate niya at pinisil pa ang kamay niya. Alam niyang kahit paano ay kakampi niya ito.

"Hindi mo ba narinig ang paliwanag ko. Menchie? Ikaw na kaya ang maging Ina?" Singhal ni Ria sa panganay nito.

"Sorry, Ma!" Hingi ng tawad ni Menchie.

"Sige na. Umalis na kayo. Ipahahatid ko na muna kayo, Whimper at Dave. At ikaw, Monaliza, ipahahatid na din kita. Day 1 na ng pagkukulong sa iyo sa bahay. You may all go now!" May diin na sabi ni Ria.

Tumayo na si Ria at lumabas. Hinabol naman ito ni Menchie. Gusto niyang bawasan naman ng Ina nila ang parusa sa kanya.

Laglag ang balikat na nauna ng lumabas si Dave. Pero bago ito lumabas ay niyakap siya. Yakap na naging dahilan para umiwas ng tingin ang nagseselos na si Whimper.

"Mababago naman siguro ang batas ng Mama mo. Cheer-up." Sabi nito habang yakap siya bago ito tuluyang lumabas.

Nagkatitigan naman sila ni Whimper ng tumayo na ito ng upuan kanina. Sandali itong huminto sa harap niya. Inantay tuloy ni Lizzie kung may sasabihin ito. Pero wala namang sinabi. Lumabas na rin ito ng kwarto.

Malungkot na sumunod na rin si Lizzie palabas. Tinitigan ang buong campus bago tuluyang sumakay sa kotseng maghahatid sa kanilang apat.

'One week akong hindi pwedeng tumapak dito.' Malungkot na realization niya ago sumakay.

SA TAPAT NG BECHER RESIDENCE:


"Salamat kanina, Lizzie! Huwag kang mag-alala, tatawagan kita palagi para hindi ka mabore sa kwarto mo." Sabi ni Dave. Niyakap pa siya bago tuluyang bumaba ng sasakyan nila.

Nagkatitigan sila ni Whimper ng makababa na ito. "Mamimiss ka ni Kuya. One week kang mawawala." Nakangising sabi nito bago pumasok ng bakuran nila.

She was left dumbfounded! 'Anong pinagsasabi ni Whimper na mamimiss ako ng Kuya niya? Siya siguro kasi hindi ako mamimiss.' Malungkot na muni-muni niya ng pauwi na sila ng driver nila. Kung alam lang ni Whimper na ang mamimiss niya ng sobra ay ito mismo, at hindi ang kung sino-sinong sinasabi nito.

___________________________________________

A/N: 

Vote, Comment and Follow. Thank you po! Pang-bawi ko sa inyo dahil kanina lng ulit me nakapag-update dahil sa date. 

Continue Reading

You'll Also Like

Terrified By Leo

Mystery / Thriller

3.6K 149 28
Damon grew up living in fear of darkness, it was his worst childhood experience that brought him into trauma up to his life today. Not until, he met...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
326K 975 2
People describe me as a cold and heartless bitch. I always wear my poker face. I am rich and powerful that everyone is wishing to be in my position. ...