Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 16 ♬ In Search of the Voice

65.9K 1.1K 52
By wistfulpromise

CHAPTER 16 - IN SEARCH OF THE VOICE 

SERENE


Bakit ba ang dami kong problema? Hindi na naubos-naubos, nadagdagan pa nga yata sa bawat araw na lumipas. Una, 'yung surpresa sa akin nila Reece (well hindi naman talaga siya problema, pero prinoproblema ko lang. Excited na kasi ako eh. Hahaha!). Pangalawa, malapit na ang exam namin! Pero sa totoo lang, ayos lang naman sa akin 'yun kasi wala naman akong pakialam sa school. Alam ko na rin naman ang mga lessons namin pero ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha 'yung proper equation sa Math. Huhu. Kahit naman sinong pinaka matalinong tao may kahinaan pa rin. Pangatlo, napagalitan kami ni Mr. Valdez dahil bakit daw namin hinayaang mag-quit si Clarisse lalo na at malapit na ang competition. Kaya ngayon ang bagsak, no choice kundi magpa-audition ng bagong girl vocalist. At higit sa lahat ang pang-apat, lumipat na ng school si Abby. Noong una nagulat din ako, hindi man lang nagsabi ang lukaret na 'yun. Biglaan daw kasing nadistino ang trabaho ng papa niya sa ibang lugar kaya naman pati sila kailangang lumipat. Nakakalungkot talaga. Tinawagan niya lang ako nitong linggo na hindi na raw siya makakapasok ng school.

At ngayon naman pagpasok pa lang ng school maraming bubuyog ang nagchichismisan at nagkalat. Marami ring poster na nakakalat sa buong school tungkol sa audition ng magiging new girl vocalist.

In Search of "The Voice"

If interested, go to the theater after school for audition.

Audition starts from 4:00 to 6:00 pm.

Monday till Wednesday before the competition.

See Mr. Raziel Valdez for more information.

Narinig ko ang sigawan ng mga babae pagkatapos mabasa ang announcement na nakasabit sa bulletin board. Noong mapadaan ako sa kanila ay nagsimula na naman silang magsalita.

"Sali tayo!"

"Oo sige! Para makita natin sina Niel at Shane! Oh my gosh!"

"Sino kaya ang mapipili 'no? Napakaswerte!"

"Bakit naman?"

"Bakit? Aba, palagi niya lang naman makakasama ang mga Prinsipe natin!"

Naglalakad ako roon noong mapansin ko na pinapasadahan nila ako ng tingin. Lahat ng mga mata ay tila ba sa akin na nakatuon. Pasimple man at hindi nagpapahalata, alam ko na ako ang pinag-uusapan nila. Saan mang sulok ng school ito ang naririnig ko magmula pa kanina. Bukod sa audition ay mukhang ako pa ang second popular topic ngayon.

"Siya ba 'yung girl?"

"Oo siya raw 'yung bagong member ng band."

"Talaga? Section D? Haha! Nagbibiro ka ba?"

"Wala sa itsura niya ang may talent sa music."

"Tama. Nakikita mo ba ang kapal ng eyeliner niya? Mukha siyang emo girl."

"Korak. Palagi pang nakasuot ng itim. Hindi kaya parte 'yan ng isang kulto?"

"Ay katakot naman. Kaya pala freak ang tawag sa kanya ni Clarisse kasi may pagka-witch."

Magmula noong umalis si Clarisse sa banda, the news spreads like wild fire. Hindi na ako magtataka kung saan nanggaling iyon. This is Clarisse way of showing revenge.

"Ano naman ang ginagawa niya roon? Kasi kung siya ang pumalit kay Clarisse eh 'di sana hindi na sila nagkakandaugaga na magpa-audition ngayon hindi ba?"

"Ewan. Clown siguro gano'n?"

"Baka naman saling pusa lang."

"O baka naman binayaran niya lang si Mr. Valdez para maipasok siya."

"Paano naman 'yun? Eh ang alam ko scholar lang iyan dito, mas mahirap pa sa daga."

"O baka kumakapit sa mga Prinsipe natin para may pangtustos sa buhay."

"Haha! Desperada."

Ang iba sa mga babae ay nagsimulang magtawan matapos sabihin ito. Hindi ko na pinansin ang mga ito at mabilis na lamang na naglakad. Wala naman silang alam. Puro lang sila salita.

Hindi nila ako kilala.

Pagdating sa locker ko dumaan ang ibang members ng fans club ng banda at isa-isa nila akong binigyan ng masasamang tingin. Hindi pa sila nakuntento dahil pagbukas ko ng aking locker ay may sumabog na kung ano at namantyahan ang uniform ko. Kulay pula sya pero malagkit. Dumikit ito sa buhok ko.

Narinig ko ang sabay-sabay nilang tawanan bago umalis na parang walang ginawang anumalya. Humigpit ang pagkakahawak ko roon sa bag na kinuha ko sa loob. Dali-dali akong pumunta sa banyo upang magpalit. Buti na lang at lagi akong may dalang extra uniform. Girl's Scout yata ito! Namiss ko tuloy si Abby. Siya lang kasi ang ka-close ko sa room namin. Malungkot akong sumandal doon sa loob ng stall ng banyo. Sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam ko mag-isa na naman ako.

Tumunog na ang bell at magsisimula na ang klase. Malapit na ang exam kaya todo ang ginagawa naming pagre-review. Halatang kinakabahan ang lahat ng mga kaklase ko sa darating na eksaminasyon kaya laking ginhawa nila nang sinabi ni Ms. Christina na bawat isa sa amin ay magkakaroon ng kanya-kanyang tutor. Mula raw sa mga higher sections kaya naman ang iba kong mga kaklase ay nagtilian. Syempre higher section means Section A.

"Oh my gosh! Sana isa sa band members ang magtuturo sa akin!"

"Kahit si Jace lang masaya na ako! O kaya si Rico my loves!"

"OMG! Makakasama natin sila dito? Hindi na ako makapaghintay!"

Bukas na magsisimula ang tutorial session which means, pupunta ang mga taga Section A dito. Bawat lower sections ay may kanya-kanyang higher section na nakadistinong magtuturo sa kanila. Naswertehan lang siguro na ang Section A ang napadpad sa amin kaya sobrang saya ng mga kaklase ko. Tulad ng dati, lesson at lecture lang ang ginawa namin sa buong klase. Bago mag-bell na maghuhudyat ng uwian, isa-isang tinawag ang mga pangalan namin para malaman kung sino ang naka-assign na magtuturo sa amin bukas. Noong dumating na sa pangalan ko... Serene Lopez.

Napakunot na lamng si Ms. Christina sabay taas ng kilay sa akin.

"Ms. Lopez? I'll talk to you after this." Ang tangi niyang sinabi bago ipinagpatuloy ang naudlot na pagtatawag niya ng mga pangalan sa iba ko pang mga kaklase.

Ano kayang meron? Siguro wala akong partner. Nakakalungkot man pero hindi bale, ayos lang 'yun. Magseself study na lang ako sa Math kahit nahihirapan ako. Pagkatapos magtawag ni Ms. Christina sa mga pangalan ng mga kaklase ko, tinawag na rin niya ulit sa wakas ang pangalan ko.

"Yes po ma'am?" tumayo ako sa tapat ng mesa niya.

Bumuntong hininga muna siya bago humarap sa akin.

"Paano ba 'to? Kulang tayo ng magtu-tutor sa iba pang mga estudyante." Problemado niyang pahayag, pero wala sa akin ang tingin habang sinasabi ang mga ito.

"Ayos lang po magseself study na lang ako."

Tinaasan niya akong muli ng kilay. "I'll just fix this, you can go home now."

Matipid ang ngiti na ibinigay ko sa kanya bago tuluyang umalis. Dumiretso ako sa school theater. Pupunta pa sana ako sa rooftop para magpaturo pa ng ilang bar chords kay Jace kaso nagbago ang isip ko. Ngayon kasi magsisimula ang audition para sa magiging kapalit ni Clarisse kaya naman napag-isipan namin sa banda na manood na lang. Wala kasing praktis ngayon.

Walang gaanong tao noong pumasok ako sa loob ng theater. Bilang lang sa kamay ang mga nanonood kasama na roon ang mga invited judges kasama si Mr. Valdez na nakaupo sa harap ng stage. Isa ang Battle of the Bands sa pina-prioritize ng school kaya hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang kakulangan ng isa pang vocalist.

Magsisimula na ang audition kaya nagsimula na akong maghanap ng mauupuan.

"Psst!" Napalingon ako at hinanap kung saan nanggagaling 'yun.

"Serene!" Isang mahinang sigaw mula sa gilid ang muli kong narinig. Nagpalinga-linga akong muli hanggang makita ko kung saan ito nanggagaling. Nakita ko si Niel na nakatayo, tinatawag ako. Samantalang si Rico sa ikalawang banda, ay kumakaway sa direksyon ko. Napangiti ako at kumaway pabalik. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanila. Naroon din sila Nathan at Shane na ngumiti nang makita ako.

"Kanina pa namin kayo hinihintay rito." sabi ni Niel na humusog ng konti para makadaan ako sa uupuan ko.

"Kayo?"

"Oo pati si Jace wala pa." sagot naman niya. Tumingin ako sa kanila at saka sila binilang. Kulang nga. Wala pa si Jace.

Napakamot si Rico sa ulo bago upo sa kinauupuan niya. "Nasaan na naman kaya nagpunta 'yun?"

Hindi kaya, nasa rooftop pa rin sya hanggang ngayon? Doon ko kasi siya laging nakikita. Magmula noong marinig ko siyang kumanta lagi na akong tumatambay doon at lagi ko rin naman siyang nadadatnan. Noong una pinapaalis pa niya ako at laging sinusungitan sa tuwing naroon ako. Kung hindi pa niya siguro ako tinuruan na tumugtog ng gitara, baka hindi na ako nakabalik doon. Minsan naman kapag nagkukwento ako at tinatanong siya, sumasagot din siya. Minsan naman kapag hindi niya ako tinuturuan ay tahimik lang siyang tumutugtog at humihimig. Pinapaalis man niya ako ay nanatili pa rin ako. Naroon lang ako, nakaupo at tahimik na nakikinig. Parating may malayong agwat sa pagitan namin. Siguro mga three feet to five feet? Haha! Ang sungit kasi. Ayaw kong mahawa sa nakakahawa niyang sakit. Noong medyo napapadalas na ako roon, hindi na niya ako pinapansin. Siguro nagsawa na rin na itaboy ako kasi walang nangyayari. Kung sabagay, wala rin naman akong ginagawa kundi umupo at makinig lang sa kanya. Hanggang sa nakakausap ko na rin siya kahit papaano. Nagdyo-joke ako palagi tapos bigla na lang siyang tatawa. Wala namang kuwenta minsan 'yung mga joke ko kaya nabibilib ako dahil nage-gets niya. Natatawa ako sa kabababawan niya kaya nakikitawa na rin ako. Sa totoo lang 'yung tawa niya ang gandang pakinggan. Tawa pa lang parang musika na. Sana lagi na lang siyang gano'n at hindi 'yung nakasimangot.

"Sshh! Huwag na kayong maingay magsisimula na." Pang-aawat ni Shane sa kaingayan namin. Nagsenyasan pa kami nila Rico at Nathan bago nagsimulang tumahimik. Pagkatapos ay umupo na kami ng maayos upang manood.

Unang sumabak ang isang babae na hindi ko alam ang pangalan. Maganda siya, mahaba ang buhok at ayos naman ang boses kaso noong dumating sa high notes ay medyo pumaltos. Sumunod ang isa sa mga miyembro ng fans club nila Niel. Natatandaan ko ang itsura niya dahil isa siya sa mga babaeng tinawanan ako kanina sa may locker. Maayos sana 'yung kanta kung hindi niya gaanong dinadagdagan ng ka-artehan, naging O.A kasi ang kinalabasan. Ang pangit pakinggan. Marami pa ang nangahas na sumali at naroon lang kami nakikinig. Para kaming nanonood ng sine, nagtatawanan sa loob at nakasandal sa upuan habang kumakain ng popcorn. Nagulat nga ako noong bigla na lang nila akong inabutan nito. Pero hindi na ako nagtaka kung sino ang nagdala. Sino pa bang aasahan n'yo pagdating sa mga pagkain na ganyan?

Syempre si Rico.

Tawa pa rin kami ng tawa sabay subo ng popcorn sa mga bunganga namin. Panay din ang palitan namin ng opinyon at komento. Kahit sina Shane at Niel ay nakikisabay sa mga kalokohan naming tatlo nina Rico at Nathan. Para kaming nakapanood ng free comedy movie. Sobrang saya!

Hindi naman sa nagiging masama pero natatawa lang kasi kami sa mga reaksyon at trip ng ibang performer. May akala mo kung mag-perform parang pang-opera sa sobrang taas at tinis ng boses, napatakip na lang kami sa mga tenga namin. May kumanta ng children song, may parang tumula lang, may parang nagdeclamation with matching arte sa harap. Meron pa ngang nag-ballet (ewan ko nga kung naligaw lang eh). Samantalang ang iba, pumipiyok at nasisintunado na lang bigla.

Tawa lang kami ng tawa. Halos sumakit na ang mga tyan namin at hindi na makahinga sa sobrang pigil. Nagbabatuhan pa kami ng popcorn kung meron mang isa sa amin ang hindi na talaga mapigilan ang tumawa ng sobrang lakas. Bawal kasi ang maingay sa loob ng theater pero heto kami. Buti na lang at sa likod ang napili nilang upuan kung hindi napaalis na kami kanina pa.

Halatang medyo dismayado ang mga judges sa mga nagau-audition ngayon. Napansin ko kasing napapakamot na lang sila sa ulo sabay masahe sa mga noo nila dahil sa konsumisyon.

Mga bandang five thirty na ng hapon noong mapansin kong dumating si Jace. Saan naman kaya 'to nanggaling? Kung kailan matatapos na doon lang maiisipang manood? Hay buhay. Tuloy-tuloy pa rin kami sa pagtawa hanggang matapos ang first day ng audition. Medyo naalibadbaran na rin kami sa kakatawa kaya tumahimik na ng konti ang paligid.

Itinaas ko ang kamay sa may arm rest at nagulat na may nahawakan akong kamay roon kaya agad ko itong inilayo. Nakaupo na si Jace sa tabi ko.

"Jace, grabe ka namang manggulat." Napahawak ako sa dibdib. Humalukipkip siya at hindi ako pinansin. Ang mata niya ay nakatuon doon sa auditionee sa harap. I made a face, tapos humalukipkip din ako at itinuon na rin ang tingin sa harap. Ang sungit talaga kahit kailan.

Sa may kanang bahagi may narinig akong bumulong sa tenga ko. Lumipas pa ang ilang sandali. Mayamaya ay may naramdaman ako.

"Bakit hindi ka pumunta sa rooftop ngayon?" ang lungkot ng tono ng pananalita niya. Bakit kaya? Noong nilingon ko kung sino nagulat ako na si Jace pala 'yon.

Napapikit-pikit ako roon. Hindi alam kung anong sasabihin. Akala ko ba naiinis siya sa akin kaya bakit... "Akala ko ba ayaw mo ng maingay roon? Wala naman tayong practice 'di ba?" Binigyan ko siya ng mapanuring tingin. Pinapilit na hulihin kung ano ang nais niyang ipabatid sa tanong na 'yon.

Napaayos siya ng upo. There's a look on his face that neither him does not know the answer to my question. Pilit niyang itinatago ang emosyon sa mukha niya. Mukhang kahit siya ay naguguluhan sa sarili.

"Nothing. Just forget what I told you."

Magsasalita pa lang sana ako noong marinig si Rico na tuwang-tuwa roon sa may gilid. "Babes! nood ulit tayo bukas ah! Ang saya!"

Nakipag-high five siya sa akin kaya iyon din ang ginawa ko.

"Oo naman! Grabe talaga enjoy!"

Sa gilid ng aking paningin ay napansin ko ang pag-irap ni Jace. Para siyang naiirita na hindi ko maintindihan.

"Hoy Jace! Nandito ka na pala. Kanina ka pa ba nandyan?" tanong nila sa kanya noong makita siyang nakaupo sa tabi ko.

"Kadarating ko lang."

Inabutan siya ni Rico ng popcorn pero umiling siya.

"Sige na masarap ito!"

"No, thanks."

Sumimangot ng konti si Rico bago nagkibit-balikat at muling umupo sa kinauupuan nya. "Saan ka galing Jace? Sayang ang saya pa naman."

"Oo nga pare. You miss the fun!" tinapik siya ni Nathan sa balikat.

"Dyan-dyan lang." Ang maikli niyang sagot. May tinanong pa sina Niel sa kanya at nagsimula na silang mag-usap. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga nag-audition ngayong araw na ito dahil tinatanong ni Jace kung may nakuha na raw ba.

"Wala pa rin eh. Ang saklap nga." Umiling-iling si Niel. "Patay talaga tayo niyan kung wala tayong mahahanap hanggang Wednesday. Kahit sa bahay iyon ang sinasabi sa akin ni dad. Sumasakit na nga rin ang ulo ko sa kakaisip."

"I think I know a perfect voice for this one." Lahat kami ay napatingin kay Jace dahil sa sinabi niya.

"Talaga? Sino?"

Dismayado siyang napailing, "Hindi ko pa siya nakikita pero naririnig ko na ang boses niya. I was waiting for her a while ago kung saan ko siya normally na naririnig na kumakanta pero hindi ko siya naabutan." Bumagsak ang mga balikat namin.

"Pero nandito siya sa Princeton Academy 'di ba?" umaasang tanong ni Niel. Tumango si Jace kaya tahimik siyang napa 'yes!'.

"If you like her voice that much for you to recommend her, that's a big thing. Pihikan ka man din sa mga nagugustuhan mo." Sabi ni Nathan.

"I think it's better for us to find her." Suhestyon naman ni Shane na nagpatango sa amin. "Saan mo ba siya naririnig na kumakanta?"

"In a room upstairs. Sa fourth floor ng main building. Sa isang Private room na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari."

Napanganga ako dahil sa narinig ngunit agad kong tinakpan ang mga labi. Did he just said... Ibig sabihin, nakikinig siya sa mga kanta ko roon ng hindi niya namamalayan?

Nagiging seryoso na ang usapan ng mga lalaki na kasama ko. Desidido na silang mahanap ang sinasabi ni Jace kaya balak na nilang kausapin si Mr. Valdez tungkol dito.

Tumaikod ako sabay lunok. Kinagat ko ang isang daliri dahil sa kaba. Anong gagawin ko?

"Serene, ano pang ginagawa mo riyan? Halika na lumabas na tayo. Mag-aayos na lang sila riyan sa loob eh." Tawag sa akin ni Rico. Naroon na sila sa may pinto ng theater. Hindi ko man lang namalayan ang pag-alis nila. Humabol na ako sa kanila.

Sa labas ng bintana ay nakita kong madilim na ang langit. Sinabi ko na kay manong na gagabihin ako ng uwi kaya okay lang. Basta ang sabi niya i-text ko lang daw siya anytime para masundo ako.

"Serene may sundo ka ba ngayon? Gabi na. Gusto mo bang sumabay na lang sa amin?" tanong ni Niel sa akin mayamaya.

Tumingin ako sa suot na relo. "Quarter to seven na pala. Ang bilis ng oras."

"Gabi na nga babes kaya sumabay ka na sa amin. Delikado na baka may mangyari pa sa'yo." sabi ni Nathan sabay akbay sa akin.

Napansin ko si Jace na tahimik na napasinghal sa tabi sabay irap. Mukha na naman siyang naiirita bigla katulad ng nakita ko kanina. Nauna siyang naglakad kasama si Niel sa tabi niya.

Napakunot-noo ako. Ano naman kaya ang problema ng isang iyon? Ibinalik ko ang tingin kanila Nathan. "Hindi na. Ayos lang ako rito. Hihintayin ko na lang yung sundo ko. Siguradong parating na rin 'yun kaya sige na uwi na kayo."

"Saan ba ang bahay n'yo? Para maihatid ka na namin?" muli ay tanong ni Niel.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Ah?" parang wala sa sarili kong balik-tanong. Naku, kaya ito ang ayaw ko kapag late na kaming umuuwi.

"Sabi ni Niel, saan ka nga ba nakatira?" ulit ni Shane sa tanong ni Niel.

"Ah.. eh. A-ano, malayo." nauutal kong sagot habang naglalakad kasama nila palabas ng theater. "Tama. Malayo pa ang bahay namin dito." Tawa ko pa na halatang kabado.

Kunot-noo akong tinaasan ng kilay ni Jace.

"Ayos lang kahit gaano pa kalayo 'yun! Basta may libre kaming meryenda ah." pabirong tawa ni Rico. Binatukan siya ni Nathan.

"Loko ka talaga Rico!"

"Aray naman! Grabe ka naman pare biro lang eh!"'

"Teka maiba nga tayo Serene, 'di ba transferee ka rito last year?" tanong ni Shane sa kanya

"Ah, parang gano'n." agad ko namang sagot. Sa katunayan niyan last few months ng Grade 8 ako dumating rito. Anong grade na kami ngayon? Grade 10 na. Pero kapag sinabi ko sa kanila iyon ay baka mas lalo silang maghinala.

"Saan school ka galing?"

Napalingon si Rico at Nathan sa amin habang naglalakad. Palabas na rin kasi kami ng school at silang dalawa na ang nauunang maglakad samantalang ako si Niel, Shane at Jace ang nasa likod.

"Oo nga, matagal ko na rin gustong malaman 'yun babes." sabi ni Rico.

Hindi ako nakasagot agad. Gusto ko sanang ibahin ang usapan ngunit halatang naghihintay sila sa sasabihin ko.

Ngumiti na lang ako sa kanila. Itinatago ang kaba ko roon. "Ah.. ayun ba? Malayo rin eh."

"Ano ba yan? Lahat malayo?" kamot pa ni Rico sa ulo nya. "O sige, kwento ka na lang! Favorite hobbies?"

"Tumutugtog ka rin ba ng instruments?" dagdag pang tanong ni Niel.

"O kaya kumakanta ka rin ba? Subukan mo kayang mag-audition." Tanong ni Shane sa akin na nagpatango sa kanilang lahat.

"Ah.. kasi a-ano," panimula ko pero bigla ulit nagsalita si Niel. Hindi maitago ang saya sa kanyang mukha.

"Oo nga. Subukan mo! Mas masaya kung ikaw ang makaka-duet ko sa competition."

Muling sumang-ayon ang lahat at nagsitanguan.

"Bakit hindi mo subukan? Walang mawawala sa'yo." Nagulat ako noong sinabi ito ni Jace. Nitong mga nagdaang araw ay nakikisali na rin siya sa mga usapan namin sa banda. Isang bagay na hindi naman niya ginagawa noon. Kahit nga sina Niel ay naninibago sa kinikilos niya. He had always been an observer not a talker.

"Tama! Mas masaya yun!" pagsasang-ayon ni Rico sa sinabi niya.

"Huwag kang mag-alala susuportahan ka namin kahit pa pumiyok ka rin katulad nang ibang auditionee." Sabi pa Niel na may kasamang tawa.

Siniko-siko siya ni Rico noong bigla na lamang siyang tumahimik. "Hoy, Serene. Ano? Anong masasabi mo roon?"

Muli ay kabado akong natawa sabay kamot sa likod ng aking tenga. Anong meron at parang bigla silang nagkaroon ng interes sa buhay ko?

Hindi pa rin ako makasagot ng maayos hanggang sa makalabas kami ng school. Papunta na sana kami ng parking lot ng may biglang humintong sasakyan sa harapan namin. Laking pasasalamat ko noong makita ang pamilyar na asul na kotse na minamaneho ni Manong Raul.

"Ayan na pala yung sundo ko! S-sige! Kita-kits na lang bukas!" kaway ko pa sa kanila bago tumakbo papunta sa loob ng kotse. Dali-dali akong pumasok doon ngunit bago ko pa maisara ay narinig ko ang usapan nila.

"Anong problema ni Serene?"

"Napansin n'yo rin ba 'yun?"

"Baka naman nahihiya lang. Kayo talaga."

Sabi ko kay Manong Raul na tara na kaya mabilis na niya itong pinaandar palayo. Sa likod ng kotse ay sandali ko pa silang pinagmasdan. Papunta na kanya-kanya nilang mga kotse. Palayo na sila ng palayo sa paningin ko.

Umupo na ako ng maayos at huminga ng malalim. Napahawak ako sa suot na g-clef pendant. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe muntik na ako roon.

Nakatakas ako sa mga tanong nila... sa ngayon.

Sa oras na sinabi ko kung saan ako nag-aral noon, malalaman na nila ang lahat tungkol sa akin. At hindi nila dapat malaman iyon. Mas maganda na wala silang alam dahil baka ito lang ikapahamak nila.

Yumuko ako at napunta ang tingin sa suot na black sport wristband. Kung hindi ang mga ballers at bracelet, ito ang palagi kong suot upang maitago ang g-clef tattoo na meron ako.

Muli akong huminga ng malalim.

Musical notes ang simbolo ng gang namin. Bawat isa ay may iba't ibang musical notes tattoo sa katawan. Ako si G-Clef, kilala ako sa pangalan na 'to lalo na sa grupo namin at sa mundo ng pagiging gang. Samantalang si Julian si F-Clef, si Kuya Paul bilang C-Clef at si Kuya Zen naman bilang Octave Clef.

Kaming apat ang tinatawag sa grupo bilang Original four.

Kami ang apat ang orihinal na miyembro at siyang nagtatag ng 'The Intricate'. Sa amin nagmumula ang lahat ng desisyon sa grupo, kami ang pinaka pinuno.

Ang totoo nyan, talagang banda lang kami noon at napagkatuwaan lang ang pagiging gang. Pero hindi naglaon ang napagkatuwaan namin ay naging totoo kaya naman naghanap pa kami ng iba pang myembro para lumakas at lumaki pa ang grupo namin.

Naging miyembro ang iba ko pang barkada na si Reece bilang Eight Note, si Sharie bilang Demiflat at si Pietr bilang Sharp. Pito kaming lahat— kami ang tinatawag na Special Seven o S7 ng buong gang. Si Kuya Paul at Kuya Zen ang pinaka-advisor namin. Ako bilang namumuno at si Julian naman ang kanang kamay ko. Sina Reece, Sharie at Pietr ay may kanya-kanyang hinahawakan na proyekto na kailangan ng kaukulang pansin. Sila ang tumatanggap ng napagplanuhan naming apat samantalang sila naman ang nagpapasa at gumagawa nito sa iba pa naming mga miyembro. At bawat miyembro ay dala-dala ang simbolo ng grupo. Walang iba kundi ang music note tattoo.

Mabuti na lang at hindi naman sila nagtatanong sa tuwing nakikita nila itong wristband ko. Pero kung may makakita man siguro ng tattoo ko ay siguradong iisipin lang nila na isa lamang itong pangkaraniwang musical tattoo. Hindi lang nila alam na sa likod ng tatoo na ito, ay ang isang malaking kwento na naging bahagi na ng buhay ko.

"Okay ka lang Serene?" tanong sa akin ni Manong Raul, tiningnan niya ako mula sa rearview mirror.

Matipid akong ngumit at saka tumango. "Nag-iisip lang po ako."

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Ano ba 'yun?"

"Kinabahan lang po ako kanina. Ang dami po nilang tanong bigla tungkol sa akin eh. Akala ko mahuhuli na nila ako."

"Tinatanong nila ang tungkol sa'yo? Buti hindi sila magtaka na may sumundo sa'yong kotse kahit scholar ka lang."

Hay, isa pa 'yun. "Pwede po bang sabihin ko na lang na kayo ang papa ko tapos nagtatrabaho kayo bilang isang private driver sa isang kilalang pamilya at ginagamit n'yo lang ang kotse na ito para masundo ang anak n'yo?"

"Hindi ba't iyon naman ang ginagawa ko?" nakita ko ang pagngiti niya kaya natatawa na lang akong napailing.

"Opo pero, just in case lang po. Kayo na lang po muna ang papa ko." Tila ba nahihiya kong tanong sa kanya. "Kapag po may nagtanong sa inyo, iyon na lang po ang sabihin n'yo para masundo n'yo na po ako roon sa harap ng school kung sakali na maulit ulit ito."

"'Yun lang ba? Aba, walang problema roon anak." Nakahinga ako ng maluwag roon lalo na noong tumango at ngumiti siya sa akin. "Sa halos mahigit isang taon ko nang nagtatrabaho para sa'yo bilang personal drayber mo, sa totoo lang anak na talaga ang turing ko sa'yo. Naaalala ko kasi ang mga anak ko sa'yo eh."

"Sina Zoe at Pia po?"

Tumango sa akin. Malungkot siyang huminga ng malalim. "Mahigit isang taon ko na rin silang hindi nakikita. Akala kasi nila nakakulong pa rin ako. Bukod pa roon, may mga pinagkaka-utangan pa kasi ako na kailangang bayaran at ayokong madamay ang pamilya ko roon. Pero sa totoo lang miss ko na sila. Aayusin ko muna ang gusot na ito bago ako magpapakita sa kanila."

"Siguradong miss na rin po nila kayo kaya 'wag kayong mag-alala."

Tumango siya sa akin.

"So nagtatanong 'yung mga kabanda mo sa'yo?" balik niya sa usapan namin kanina.

Napa-ismid ako ng konti. "Opo manong. Nakakapanibago nga po na bigla silang nagka-interes."

"Hindi kaya may isa roon na may gusto sa'yo kaya ka nila kinukulit?" komento ni manong na nagpatigil sa akin.

Kabado akong natawa. "Manong naman, hindi naman po siguro."

"Alam mo anak, kapag 'yang mga lalaki lalo na ang magbabarkada kapag sinimulan ka nang tanungin ng tanungin, may dahilan 'yan. Pansinin mo 'yung pinakatahimik, kadalasan sila ang may gusto at 'yung mga maingay na tanong ng tanong? Sila 'yung mga kaibigan na may alam tungkol sa tunay na nararamdaman ng kabarkada nila. Siyempre para kunwari hindi mapansin kaya pasimpleng kinig lang ang gagawin ng isa para may malaman ang tungkol sa'yo."

'Yung pinakatahimik? May gusto sa akin? Si Jace? Hindi ko mapigilang matawa.

"Parang imposible naman po yata 'yun manong."

"Pero meron ka nang taong nasa isip na posible sa sinasabi ko 'di ba?" taas-taas pa niya ng kilay. "Naks, lumalove-life na ang alaga namin ni Desi ah."

"Manong!" bigla akong namula sa bigla niyang pang-aasar. "Wala pong nangyayaring gano'n. Wala pa po sa isip ko 'yang love na 'yan."

"Wala pa sa isip mo pero mukhang dyan ka rin papunta."

"Manong naman eh, sige mang-asar pa kayo."

Narinig ko siyang tumawa. "Sige tingnan natin. Boto ko 'yung isang matangkad. Ano na bang pangalan no'n? 'Yung nagtuturo sa'yong maggitara? Jace ba?"

Alam ni manong ang mga pangalan nila dahil palagi ko silang ikinukwento sa kanila ni Ate Desi.

"Hindi po 'yun. Imposible talaga."

He gave me a knowing smile, like he knows something I don't know. "Sa mga tingin na ipinapakita niya sa'yo sa tuwing sinusundo kita? Hindi imposible."


© G. J. Dion (wistfulpromise) 

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 551 39
Rank #337 In Wattys 2017 Date Started: May 14, 2017 Date Finished: May 23, 2018 Everything happens for a reason. In the end, we regret our decision t...
6.8K 586 46
Limang minuto. Limang minuto niya lang nakausap ang binatang iyon na biglang naglaho na parang bula. Ngunit sa limang minutong iyon ay doon nagsimula...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
196K 5.1K 31
Summer break panahon kung saan ang bawat estudyante ay pahinga sa aralin at sakit ng ulo dahil sa pagsusulit. Nagkayayaan ang barkada nila Lyrika na...