Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling

65.9K 1.2K 92
By wistfulpromise

CHAPTER 14 - THOUGHTLESSLY FALLING 

SERENE


Tama pa ba itong ginagawa ko? Ang sabi kasi sa akin ni Niel ang pinakamabisang gawin upang pumayag si Jace na turuan akong tumugtog ng gitara ay walang iba kundi iwasan siya. Hindi ba ang gulo? Kapag iniwasan ko siya eh 'di mas lalo lang lalayo ang loob niya sa akin tapos mauuwi sa wala ang lahat ng nasimulan ko. May pagtataka man sa isipan ko ay sinunod ko pa rin ang payo ni Niel. Sabi ko sa sarili ko kahit isang araw lang. Kaya nga pagkatapos ng school nagpasundo agad ako kay Manong Raul, isang bagay na ikinagulat niya dahil madalas nitong mga nagdaang linggo ay ginagabi na ako ng uwi.

"Wala kang band practice ngayon Serene?" Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad na pinayungan noong makita niya na wala akong dalang payong. Nandito kami sa likod ng isang restaurant madalas na nagkikita sa tuwing nagpapasundo ako. Malapit lang ito sa school pero walang gaanong estudyante ang dumadaan dito kaya ligtas ako.

"Thank you po," isinara na niya ang pinto at saka mabilis na pumasok at umupo sa may driving seat. Huminga ako ng malalim. "Meron po kaming band practice ngayon pero hindi po ako pumunta."

Inilabas niya ang isang puting panyo at ipinunas ito sa basang buhok at noo. "Naku bakit naman hija? Nagpaalam ka ba sa teacher mo?"

"Opo. Sabi ko po hindi maganda ang pakiramdam ko kaya ako pinayagang umalis."

"Ano?" agad niyang napahinto sa ginagawa. "May sakit ka?"

Natawa ako sa reaksyon niya. "Naku manong wala po. Excuse ko lang 'yun para makauwi ako agad."

"Ikaw talaga bata ka. Pinakaba mo ako roon ah. Mahirap nang magkasakit ngayon. Mayaman ka man o mahirap, kapag tinamaan ka na ng sakit kahit pa pera walang maitutulong sa'yo."

Tahimik lamang na pinapaandar ni manong ang sasakyan. Ayos lang sa akin ito nang sa gano'n ay makapag-isip ako ng maayos. Nakadungaw lamang ako sa labas, tahimik na pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. Hanggang ngayon ay parang hindi ako masaya sa ginawa kong desisyon. Nanghihinayang kasi ako sa araw na mawawala kung hindi ko kukulitin si Jace. Malay mo 'di ba, mapapayag ko na siya? Kahit pa sinabi ni Niel na ito ang dapat, pakiramdam ko hindi na ito mauulit bukas. Para kasing may mali. Parang may bumubulong sa akin na bumalik at ipagpatuloy lang ang ginagawa ko. Ang weird ba? Kahit ako rin nawiwirduhan na sa mga iniisip ko.

May sirena ng mga pulis kaming narinig mula sa likod. May aksidente yata na nangyari 'di kalayuan dahil biglang nagkaroon ng traffic. Imbes na huminto at pumagilid ay tila ba ninenerbyos si Manong Raul na nagpatuloy sa pagtakbo ng mabilis.

"Manong..." napakunot-noo ako lalo na noong makita ko na tila hindi siya mapakali sa kinauupuan at pabalik-balik ang tingin sa rearview mirror kung naroon pa nga ba ang mga pulis o wala na. "Manong Raul!"

"H-ha?" wala sa sarili siyang napatingin sa akin.

"Bagalan n'yo po at saka pumagilid, may dadaan po na pulis."

"A-ah, oo nga eh. S-sige, sige." Nakahinga ako ng maluwag noong ginawa niya ang sinasabi ko at sa wakas nakadaan na rin ang mga pulis. Bumalik na ulit sa dati ang takbo ng mga sasakyan sa gitna ng daan. Ngunit hindi pa rin nakatakas sa akin ang nangyari kanina.

"Ayos lang po ba kayo?"

Kabado siyang napangiti sa akin. "O-oo naman."

"Ano pong nangyari roon? Bakit po para kayong kinakabahan kanina? First time lang po 'yun na nangyari ah."

Huminga siya ng malalim. "Hindi pa ba nasasabi ng mama mo sa'yo?"

"Ang tungkol saan po?"

"Kung saan niya ako nakuha. Kung paano ako napunta sa trabahong ito."

Napaisip ako ng konti. Si Ate Desi alam kong matagal na siya sa pamilya. Si Manong Raul, kung tutuusin pagkadating ko rito sa Pilipinas noong Grade 8 ako, ang sabi sa akin ni Ate Desi ay bagong pasok lang din daw si Manong Raul sa pamilya namin.

"Hindi po," dahan-dahan akong umiling. Wala akong maalala na naikwento sa akin ni mama o ni Ate Desi ang tungkol sa kanya.

"Ang totoo kasi niyan, ex-convict ako. Nakulong ako sa isang bagay na wala naman akong kasalanan. Ilang taon din akong nakulong kaya nga hanggang ngayon sa tuwing nakakakita ako ng pulis, kinakabahan pa rin ako. Kasi hija, hindi maganda ang mga naging karanasan ko sa loob. Masyadong malagim. Kahit ako ayaw ko nang isipin pa."

Napapikit-pikit ako roon, hindi makapaniwala sa pag-amin niya sa akin. Alam kong isa itong sikreto na matagal na niyang kinikimkim kaya mas lalong gumaan ang loob ko sa kanya noong bigla siyang umamin.

"Kung okay lang po sa inyong tanungin..." sabi ko, pinipili ang bawat salitang sinasambit. "Bakit po kayo nakulong?"

"Murder. Pinatay ko raw 'yung isa naming kapit-bahay." Napasinghal siya. "'Yung mga gagong 'yun, kung alam ko lang sinet-up lang nila ang lahat para ako ang managot sa may sala na wala naman akong kasalanan. Biruin mo? Ako raw ang nanaksak sa kasama nila at nahanap doon ang balisong ko. Oo may girian kami, pero hindi umabot sa punto na papatay ako ng tao."

"Paano n'yo po nakilala sina mama kung gano'n?"

Ngumiti siya sa akin. "Dahil kay Attorney Reyes. Siya ang humawak ng kaso ko. Ikinuwento ko sa kanya ang kwento ko, naging tapat ako sa kanya, sinabi ko ang lahat-lahat ng nalalaman ko. Hanggang sa wakas, naipanalo niya ang kaso ko. Ang galing ni Attorney Reyes hindi ba? Bilib ako sa galing ng batang iyon."

Tumango ako sa kanya. Kahit naman ako ay bilib sa galing ng personal na abogado ng pamilya namin. Kasi kahit na nagtatrabaho na siya sa amin, paminsan-minsan ay kumukuha siya ng kaso para sa mga simpleng mamamayan na walang sapat na pera upang pambayad. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon. Siguro may magical powers siya? Ewan. Basta, magaling siya!

"Tapos alam mo na hija, kapag ex-convict ka at naghanap ka ng trabaho iba na ang tingin ng mga tao sa'yo. Kesyo masama ka raw, salot sa lipunan at kung anu-ano pa. Aba, narinig ko na yata lahat ng masasakit na bagay na pwedeng sabihin sa aming mga ex-con. Hindi lang nila alam na inosente naman talaga ako at kahit kailan ay hindi ko kayang pumatay ng isang tao. Oo nakalabas nga ako sa impyernong 'yon pero sinira naman nito ang buhay ko pati na ang pamilya ko." Napailing siya sa sarili, bakas ang lungkot sa kanyang mukha. "Sobrang walang-wala na talaga ako noon kaya nga kinapalan ko na ang mukha at lumapit kay Attorney Reyes upang humingi ng tulong. Sabi ko sa kanya kahit anong klase ng trabaho tatanggapin ko. Bahala na. Tapos doon ko nakilala ang mama mo. Pinakilala siya sa akin ni Attorney Reyes."

Nakuha nito ang atensyon ko. "Nakilala niyo na po si mama? As in nakita niyo na po siya sa personal?"

Nakita ko ang pagtango niya sa rearview mirror. "Oo naman. Kay gandang babae, hindi na ako magtataka kung saan ka nagmana." Napangiti ako ng konti roon. "Bago ka umuwi, umuwi muna rito ang mama mo at inayos niya ang lahat para sa'yo. Tinanong niya ako kung puwede ba akong maging personal driver ng anak niya na uuwi sa Pilipinas, ang sabi ko naman 'oo!' dahil gustong-gusto ko rin talaga ang magtrabaho. Wala ng tanong-tanong. Tinanggap niya ako agad. Sobra nga ang gulat ko eh. Halos maiyak ako noon."

Hindi ko maitago ang gulat sa aking mga mata. Talaga bang umuwi rito si mama para ayusin ang lahat ng ito para sa akin? Ngayon ko lang nalaman ito.

Napahawak ako sa g-clef pendant ko. Hindi ko maiwasang mapangiti ng konti. Importante pa rin pala ako kahit papaano sa kanila ni papa.

"Ang bait talaga ng Diyos, nang dahil kay attorney nakilala ko ang pamilya n'yo. Malaki talaga ang utang na loob ko sa inyo dahil binigyan n'yo ako ng bagong buhay. Kung hindi ko siguro kayo nakilala, baka hindi ko na napag-aral ang mga anak ko."

"May mga anak po kayo?"

"Oo naman. Si Zoe at si Pia." May kakaibang ngiti ang nakita ko sa kanyang mga mata noong sinabi niya ang pangalan ng mga anak. "Sigurado kapag nakilala mo sila, magkakasundo kayo. Pareparehas kasi kayong mga mababait na bata."

Hindi tuloy maiwasang matunaw ng puso ko lalo na noong makita ko sa mga mata niya ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang mga anak. It was just so beautiful. Bigla ko tuloy namiss si papa. Muli ay dumungaw ako roon sa may bintana, tahimik na nagungulila.

Miss ko na ang pamilya ko.

Noong dumating ang gabi ay hindi ako makapag-concentrate na gumawa ng takdang-aralin dahil si Abby ay kanina pa ako kinukulit sa text. Sabi niya mamasyal daw kami after school bukas sa Star City dahil nakakuha raw siya ng dalawang free ticket sa isang raffle promo. Sa sobrang sabik niya ay tinadtad niya na ako sa text message. Take note, all caps lock pa ang message ng lola n'yo. Kahit binabasa ko lang ay pakiramdam ko naririnig ko pa rin ang mga sigaw at tili niya. Grabe talaga ito si Abby kapag tinopak, malala.

Maaga akong pumasok kinabukasan sa school dahil sabi ni Abby pag-uusapan daw namin ang mga detalye kinabukasan ng maaga. Pumasok ako ng maaga pero siya naman ang missing in action. Todo ang hingi niya sa akin ng sorry dahil inumaga raw siya ng tulog sa sobrang pagkasabik. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na ako sa school. Alangan namang umuwi pa ako?

Nailipat sa tanghalian ang band practice namin ngayong umaga dahil may kailangan daw asikasuhin si Mr. Valdez kaya bakante ako ngayon at sa mga susunod pang oras bago magsimula ang klase. Hindi ko mapigilang mapakamot lalo na at pinagmadali ko pa man din si Manong Raul kanina ng sobra-sobra. Magmula noong ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa buhay niya ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Ang sabi niya sa akin ay parang anak na rin daw ang turing niya sa akin kaya masaya talaga akong malaman iyon.

"Jace, m-may gusto sana akong sabihin sa'yo eh."

Napahinto ako sa paglalakad noong marinig iyon. 'Di kalayuan malapit sa pinto ng gym ay may nakita akong babaeng nakatayo roon, may kausap siyang lalaki na nakatayo sa harap niya. Walang iba kundi si Jace. Nagtago ako agad sa isang kalapit na pader. Ano kayang pinag-uusapan nila?

"What?" Nariyan na naman ang pamilyar na malamig niyang boses. Nakayuko ang babae sa harap niya na tila ba nahihiya. Si Jace naman sa ikalawang banda ay may dalang gym bag at nakasuot ng jersey shorts na kulay asul at jersey shirt na kulay itim. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng gano'n. Mukha siyang galing sa paglalaro ng basketball dahil may hawak pa siyang bola.

Teka anong oras na ba? Napatingin ako sa malaking orasan sa may dingding. 7:30 am na. Ang aga naman niyang maglaro.

"Kung hindi ka rin pala magsasalita. Please, stop wasting my time." Tumalikod si Jace at aktong iiwan na roon ang babae noong bigla itong sumigaw.

"I love you!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bunganga dahil sa gulat. Bilib ako sa katapangan nito na aminin ang totoong damdamin. Pero really? Sa batong 'yun? May magkakagusto? Well, oo may gwapo si Jace, matalino saka talagang talented pagdating sa music at sa iba pang mga bagay. Kaibigan siguro pwede pa pero kung pagdating na sa boyfriend material? I doubt. He was just so closed. Siya 'yung uri ng tao na hindi basta-basta magpapapasok ng kung sinu-sino sa buhay niya. Hindi ko nga alam kung may oras pa siyang magkaroon ng karelasyon o kung nasa isip nga ba niya ang bagay na iyon.

"I'm sorry." Mayamaya ay narinig kong sagot ni Jace. "I don't have time for that."

"Don't have time? O natatakot ka lang magmahal?" lakas loob na tanong ng babae na mas lalo ko pang ikinagulat. "I know you never had any girlfriends before. Kaya bakit? Bakit mo masyadong isinasara 'yang puso mo? Alam ko na hindi lang ako ang umamin sa'yo, marami na kami at lahat kami ni-reject mo. Kaya gusto ko lang tanungin. Bakit?"

Parang masyado na yatang nagiging personal ang usapan na ito. Siguro kailangan ko nang umalis— "Because I don't believe in love."

Natigilan ako roon.

"What?"

"I believe in a family love, friends love but romantically in love? Lies. All lies."

"What are you saying?" tanong ng babae, hindi makapaniwala sa mga naririnig.

"It was just an illusion, a delusional mental illness that makes you go crazy. Try to read sometime. You know, like Science?" sarkastiko pa niyang sagot. "Because if love is really true, sana walang malungkot ngayon, sana lahat masaya at sana walang broken family. Sabi nila love never fails. But why do love fails most of the time? Because it never exist." May kung anong kamandag at talim ang boses niya. Kahit ang babae ay wala sa sariling napaatras palayo sa kanya.

Napakuyom ng kamay ang babae. "Kung ganyan ang pag-iisip mo, mas lalong walang magmamahal sa'yo!"

"Who said I need one? I'm happy on my own."

"I hate you!" Tinulak nito si Jace palayo ngunit hindi man lang siya natibag sa kinatatayuan niya. May luhang pumatak sa mga mata nito at mayamaya pa ay tumatakbo na ito palayo sa kanya. Dumaan pa ito sa tabi ko, ni hindi man lang ako nito napansin na nakatayo lamang doon. She had been broken by his words. I can feel it. Kawawa naman 'yung babae.

Sandali kong pinagmasdan si Jace mula sa malayo. Malayo ang tingin niya, walang emosyon ang mukha. His eyes was so empty. So sad.

Ibinulsa niya ang mga kamay at tahimik na naglakad palayo sa ibang direksyon. Naiwan ako roon na nakasandal sa pader, tahimik na nag-iisip.

Ang bigat lang sa dibdib na malaman na iyon ang paniniwala niya. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. If he only knew how wonderful it was to fall in love. Baka mabaliw siya.

Walang makabuluhang nangyari sa amin sa klase. Gano'n pa rin, magle-lecture si Ms. Christina tapos makikinig ako kunwari pero ang totoo niyan natutulog lang ako sa likod ng hawak kong libro. Ang quiz namin para sa araw na ito ay miserable. Kasalanan kasi ito ni Abby. Sa kakakulit niya sa akin kagabi, walang pumasok sa utak ko.

"Rene! 'Yung sa Star City!" pangungulit niya sa akin pagdating ng recess namin sa umaga.

"Ayan ka na naman sa Star City na 'yan, kita mo! Muntik na akong bumagsak sa quiz kanina. Ang gulo mo kasi."

"Eeh!" yuga pa niya sa may braso ko. "Atleast nakapasa ka naman 'di ba? Pero! 'Yung Star City nga, may problema ako."

"Ano na naman 'yun? Isa pang Star City mo riyan kakalbuhin na talaga kita!"

"Eh kasi," kamot niya sa ulo. "Nakalimutan kong may dentist appointment pala ako mamaya after school. Hindi na ako pwedeng mag-skip kasi nag-skip na ako last time. Papatayin na ako ng mga magulang ko kapag nalaman pa nilang hindi na naman ako sumipot."

"Kaya?"

"Kaya..." malungkot niyang inilabas ang dalawang ticket sa bulsa niya. "Sa'yo na lang ito o. Gamitin mo na. Sayang naman dahil kung hindi dahil mag-eexpire na siya bukas. Pang ngayon lang ito eh."

"Ha? Ano gagawin ko riyan? Kung hindi ka pupunta eh 'di hindi na rin ako pupunta."

Hinawakan niya ang kamay ko ang sapilitan itong inilagay roon. "Sige na, kunin mo na kundi magtatampo ako sa'yo. Alam mo naman na gustong-gusto kong pumunta riyan pero kung hindi, atleast gusto ko ikaw mag-enjoy ka naman. Just enjoy and be happy for me, okay?"

"Pero teka Abby!" wala na siya sa paningin ko. Sayang naman itong dalawang ticket kung hindi ko ito magagamit. Nakasimangot ako roon, malalim ang iniisip.

May naisip akong ideya!

Pumunta ako sa band room upang hanapin si Niel ngunit wala siya. Pinuntahan ko rin ang opisina ni Mr. Valdez upang magtaong ngunit wala rin siya. Tinawagan ko na rin ang phone niya ngunit wala namang sumasagot. Saan kaya nagpunta si Niel? Siya pa man din ang gusto kong makasama. Sayang naman.

Malungkot akong naglakad papalabas ng school. Sa baba ay may marahan pa akong sinisipa na isang maliit na bato. Pagkalabas ko ng building hanggang dito malapit sa gate ay sipa-sipa ko na ito. Sinukbit ko ng maayos ang suot kong bag at saka huminga ng malalim. Bumwelo ako ng konti at saka sinipa ito ng sobrang lakas.

"Oh, fuck!"

Napatakip ako ng mga labi noong may nakita akong natamaan. Diretso pa roon sa ulo niya kaya dahil nakita kong hapo-hapo niya ang ulo. Lagot na! Tatakbo na sana ako upang magtago ngunit nakita niya ako. Isang galit na galit na Jace ang lumapit sa akin.

"Ano ba talagang problema mo ha?"

Kabado akong ngumiti. "Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi wala nang tao—"

"Akala. Hindi mo ba alam na maraming namamatay riyan?"

"Hindi ko nga sinasadya."

"Won't you even apologize?" inis niyang tanong.

Itinikom ko ang mga labi. Ang humingi ng sorry ang isa sa mga bagay na hindi ko yata maibibigay sa kanya. Subalit, ipinapakita ko naman sa mukha ko pati na sa tono ng pananalita ko ang mga salitang gusto niyang marinig mula sa akin. "Hindi ko talaga sinasadya. Gusto mo ihatid na lang kita sa school clinic?"

Hinawakan ko ang braso niya upang makita sana kung gaano kalala ang pagkakatama ng maliit na bato sa ulo niya ngunit marahas niyang inilayo ang braso sa akin at saka umalis.

Hinabol ko siya. I feel bad dahil alam ko naman na ako ang may kasalanan.

"Jace hindi ko talaga sinasadya. Kung gusto mo ano, ahm, sa'yo na lang itong Star City ticket ko. Oo! Sa'yo na. Kung gusto mo alone okay lang pero kung gusto mo together okay lang din! Pakasaya ka roon para sumaya ka naman kahit konti. Hehe." Binigyan niya ako ng masamang tingin. Bakit ba ang bilis-bilis niyang maglakad? Hinabol ko ulit siya nakatalikod akong naglalakad upang makita ko ang mukha niya.

"Jace, bati na tayo. Huwag ka nang magalit. Please?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto ako. "Akala mo ba nakakatuwa ka na? You are so annoying! Please do me a favor. Disappear and leave me fucking alone." Grabe, na-speechless ako sa lutong ng pagmumura niya. Hindi naman ako madalas na naapektuhan sa mga ganito pero bakit noong narinig ko ito mula sa kanya ay nasaktan ako ng sobra? My lips quiver a little, nararamdaman ko ang nabubuong luha sa mga mata ko ngunit pinigilan ko ito. It's true that every one has their own limit of patience. At katulad niya, nasagad na rin ako.

"Fine! You don't need to curse at me you know." Galit kong ibinato sa kanya ang dalawang lukot na ticket ng Star City. Tumulo ang isang luha sa kaliwa kong mga mata na agad kong pinunasan. Sandali kong nakita ang gulat niyang mukha ngunit agad na akong tumakbo palayo roon.

Nagtago ako roon sa may school garden, sa likod ng isang malaking puno ng akasya kung saan wala ng gaanong estudyante sa paligid. Galit kong pinunasan ang mga luha ng namumuo sa mga mata ko. Hindi. Hindi ako iiyak. Pero sa nakita kong repleksyon ko kanina sa isang bintana habang tumatakbo ay namumula na ang ilong ko. Bakit ba kasi ngayon pa ako sinipon?

Itinaas ko ang mga braso papalapit sa aking dibdib at saka niyakap ito papalapit sa akin. Itinago ko ang mukha rito.

May narinig akong paggalaw. Mayamaya pa ay may isang pares ng paa na may suot na black leather shoes akong nakita na nakatayo sa harap ko. Sa sobrang itim, linis at kintab, akala mo hindi ito inaalikabukan. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin.

"Stop crying." Meron pa rin sa tono niya ang konting inis pero sa paglayo niya ng mga mata na tila ba nahihiya sa inasal niya kanina ay alam ko na nag-eefort siya.

"Hindi ako umiiyak." Masungit ko na sagot sa kanya pabalik.

"Then why are you hiding here?"

"None of your business."

"I offended you didn't I?" marahan niyang bulong na tila ba kahit siya dismayado sa inasal.

Inirapan ko siya. "Hindi naman halata 'di ba?"

Katahimikan. Mayamaya ay nagsalita siyang muli.

"I'm sorry."

Natigilan ako roon. Did he just said... naguguluhan ko siyang tiningnan. Mukha naman siyang sinsero sa tingin niya. Isang bagay na nakakagulat. Binunot ko ang isang damo sa tabi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nilaro ko ito sa mga kamay ko.

May inabot siya sa harap ko. 'Yung lukot na ticket ng Star City.

"Nakita ko na mag-eexpired na bukas. Sayang."

"Pang dalawang tao 'yan. Aanhin ko kung pupunta akong mag-isa."

"Call Rico. He loves it."

"Nakauwi na siya."

"Si Nathan."

"Wala na rin." Malungkot akong huminga ng malalim.

Ibinaba niya na ang ticket sa paanan ko.

"Ayaw mo ba akong samahan?" tanong ko sa kanya noong paalis na siya kaya napahinto siya sa kinatatayuan niya.

"It's not my type of place." Huminga ako ulit ng malalim. Sabi ko na nga ba iyon ang sasabihin niya. Itinago kong muli ang mukha sa may braso. "But I can try."

May kung anong nagliwanag sa mukha ko noong marinig iyon.

"Jace, Jace! Halika dali sakay tayo roon sa carousel!"

"Jace, Jace! Mukhang masaya roon o!"

"Jace, Jace! Halika dali ang daming laruan doon! Laro tayo dali!"

Naramdaman ko na naman ang kakulitan na natural na lumalabas sa dibdib ko at hindi ko na mapigilan ang sarili. Nandito na kami ngayon sa Star City at magmula noong makapasok kami rito ay wala na akong ibang ginawa kundi tumakbo rito, tumakbo roon. Siyempre hila-hila ko si Jace sa tabi ko na kanina pa napapaikot ng mga mata. Maaga pa lang ngunit mukhang pinagsisisihan na niyang pumayag pa siya. Natatawa na lang ako dahil kahit naman anong reklamo niya ay sumasama pa rin siya sa akin. Paraan niya yata upang bumawi.

Huminto kami sa isang booth. May palaruan na manunungkit ka ng laruang isda roon sa tubig na umaagos-agos kunwari. Kapag nakakuha ka ng tatlong isda na sunod-sunod sa binigay na oras ay makakakuha ka ng premyo na isang malaking stuff toy. Madali kung titingnan pero may kaukulang distansya kung saan ka pwedeng tumayo. Hindi ka pwedeng lumapit na lang basta o sumampa roon sa nakalagay na harang.

Ako ang unang naglaro. May ilang beses kong sinubukan ito, halos hindi ako makausap dahil sa full concentration na ginagawa ngunit wala pa rin. Noong una wala pang pakialam si Jace. Nakatayo lang siya roon sa likod habang nakahalukipkip. Sa totoo lang mukha siyang bagot, hinihintay lang akong matapos at nang sa gano'n ay makaalis na kami. Ngunit noong makita akong nahihirapan ay napaikot na lamang siya ng mga mata.

"Ang dali-dali hindi mo magawa."

Sumimangot ako at tumingin sa kanya. "Ang hirap kaya." Nangungulila akong tumingin pabalik doon sa malaking stuff toy sa taas. Gusto ko talagang makuha iyon.

Nakita kong napaismid si Jace. Mayamaya ay kinuha niya sa akin ang panungkit.

"Ako na nga."

May ilang beses na sinubukang gawin ito ni Jace ngunit sa tuwing makukuha na niya ay agad na bumabagsak ang isda pabalik sa baba o kaya mabubuo niya nang makuha ang tatlong isda tapos bigla na lang matatapos ang oras na binigay sa kanya. Kanina niya pa ginagawa iyon at mukhang naiinis na siya sa ginagawa niya. Ngunit bilib ako sa determinasyon niya. Mukha na siyang nangangalay sa pagod pero ayaw pa rin niyang sumuko.

Nakita ko ang simangot sa mukha niya noong hindi niya masungkit-sungkit 'yung laruang isda sa pond sa hindi mabilang na pagkakataon. Mayamaya ay inis niyang binagsak ang panungkit.

"Let me just buy it." Inilalabas niya na ang pitaka sa bulsa niya noong pinigilan ko siya.

"Huwag! Ano ba, mas maganda kung eeffort-an mo 'yan kaysa bibilhin mo. 'Di ba kuya?" Sabi ko pa kay kuya na siyang nagpapalaro. Muli kong kinuha ang laruang panungkit na binitawan niya. "Isa pa dali. Kaya mo 'yan. Ay kuya ako rin ulit, dalawa na lang kaming maglalaro." Nag-abot ako sa kanya ng token at inabutan naman niya ako ng panungkit. Pabiro kong siniko si Jace noong hindi siya gumalaw. "Game na. Laro na tayo. Magiging masaya ito!"

Parehas kami ni Jace na nagsusungkitan ng isda roon. Nakailang beses din kami. Puno ng pagko-concentrate sa mukha naming hanggang sa naubusan na ako ng pang tira at si Jace na naman ang nahuli.

"Go Jace! Kaya mo 'yan!" Pang chi-cheer ko sa tabi niya. Ganun na lang ang saya sa aking mukha na makita na mula sa pagkakunot-noo at salubong na kilay ay nagliwanag ang mukha niya ng konti dahil nakasungkit na rin siya ng tatlong magkakasunod na isda ng hindi tumutunog ang buzzer.

"Did you see that?" Tuwang-tuwa niyang tanong sa akin. Hindi niya namamalayan ang ngiting dahan-dahang gumuguhit sa mga labi niya. "I did it!"

"Sabi ko sa'yo kaya mo eh. 'Di ba mas maganda sa pakiramdam 'yung pinaghihirapan?"

"Heto na po ang prize n'yo. Pili na kayo." Sabi ni kuya na nakakuha ng atensyon ko.

"Oh my gosh!" Ako naman ang patalon-talon na roon dahil sa sobrang tuwa. Hinila ko 'yung laylayan ng damit ni Jace noong tatanggapin niya na sana 'yung premyo. "Jace gusto ko 'yung malaking bear dali! Sige na, sige na, ang cute kasi eh!"

Bumuntong hininga siya ng napakalalim. Isinoli niya ang naunang kinuha at kinuha ang sinasabi kong teddy bear na malaki.

"Heto po ma'am, congratulations!"

Inabot sa akin ni kuya ang teddy bear at halos nanlaki ang mga mata ko sa tuwa lalo na noong niyakap ko ito ng napakahigpit, mas malaki pa yata ito sa akin.

"It's funny how happy you are with a simple teddy bear." Sarkastikong sambit ni Jace na nasa tabi ko habang naglalakad. Nakabulsa ang mga kamay niya at diretso ang tingin. Pinagtitinginan kami ng mga tao hindi lang sa uniform namin kundi pati na rin sa lalaking katabi ko na talaga namang agaw pansin.

"Ang cute-cute kaya! Tingnan mo o, ang lambot-lambot!"

"You can just buy anything like that if you want. That's just a common teddy bear. Wala namang espesyal."

Hindi ko pinansin ang tono ng pananalita niya at mas lalo lang itinuon ang atensyon ko sa saya na nararamdaman. "Hindi ah. Espesyal ito. Pinaghirapan mo eh." Ngumiti ako sa kanya at tumingin lang siya sa akin na para bang hindi inasahan ang sinabi ko. Muli ay napukaw ang paningin ko noong may nakita akong isang panibagong rides na gustong sakyan.

"Jace, Jace! Halika dali, bumper cars! Punta tayo!"

"No. Umuwi na tayo. It's getting late." Mariin niyang tanggi. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo. Hinabol ko siya at sabik na sabik pa siyang hinarang. Para akong bata roon sa harap niya.

"Sige na, sige na! Jace magiging masaya 'yun! Promise last na."

"Kanina mo pa sinasabing last na."

Muli ay may nakakuha ng atensyon ko. "Oh my gosh! May cotton candy pala roon! Tara Jace! Bili tayo!"

"No—" Bago pa niya matapos ang sasabihin katulad ng ilang beses ko nang ginawa kanina ay hinila ko na ang kamay niya.

"Kuya pabili po ako isa," inilabas ko ang pera sa bulsa ko. "Jace gusto mo rin? O sige kuya, dalawa na lang po!"

"Serene what are you doing?" Reklamo ni Jace sa tabi ko.

"Nage-enjoy! Ano ba minsan lang tayo makapunta sa ganitong lugar ng libre. Samantalahin na ano." Nasabi ko na kasi sa kanya kanina na binigay lang sa akin kanina ni Abby 'yung ticket.

"Here's your cotton candy ma'am and sir."

"Thank you po!" Inabot ko kay Jace ang isang plastik. "O ayan, tikman mo. Masarap 'yan. Let's go!" Muli kong hinawakan ang kamay niya, sa bawat simangot at reklamo ay nginingitian at tinatawanan ko lamang siya.

Marami pa kaming nasakyan na rides at napuntahan na mga gaming booths ni Jace. Isang bagay na kahit ako ay nagulat. Ang dami na naming napanalunan na laruan. Hindi ko akalain na masyado pala siyang competitive. Ayaw niyang nagpapatalo.

"Alam mo noong bata ako, palagi akong binibilhan ng mama ko ng ice cream. Ito mismo, chocolate flavor. Kaya alam mo sa tuwing kumakain ako nito naaalala ko 'yung childhood ko. Ang saya lang." Naglalakad na kami ngayon sa labas patungo sa may ferris wheel. Ang haba na ng pila roon.

Katulad ko ay may nga dala na rin si Jace na isang malaking stuff toy na si spongebob. Kumakain na rin siya ng ice cream katulad ko. Siya pa ang nagkusa na magbayad no'n nu'ng nagyaya ako. Hindi ko 'yun inakala sa totoo lang at mas lalo nang hindi ko inakala na sasamahan pa niya ako rito sa may ferris wheel gayong kanina ay gustong-gusto na niyang umuwi.

Huminga ako ng malalim, dinarama ang malamig na simoy ng hangin. Sa napakadilim na langit ay ang mga bituin. Bukod pa roon, bilog na bilog ang buwan. Ito na yata ang pinakamalaking bilog na buwan na nakita ko sa tana ng buhay ko.

"Wow. Nakikita mo ba 'yun Jace?" Itinuro ko ang buwan sa kanya. "Ang laki ng buwan at ang ganda! Alam mo noong bata pa kami, lagi kaming pumupunta sa may bubong para pagmasdan ang mga bituin sa langit. Nakakamiss 'yung mga gano'ng oras. 'Yung masaya pa kami." Malungkot akong bumuntong hininga. Napansin ko na natigilan siya saglit sa pagkain ng ice cream at nakatingin sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya at saka muling ibinalik ang tingin doon sa buwan.

"Nakikita mo ba 'yung kulay blue sa gilid ng buwan? 'Yung repleksyon ng ilaw? Ang ganda 'di ba? I always love color blue but I also love red. Ikaw ba? Anong favorite color mo?"

Tumahimik siya. Hindi siya nagsalita. Sa totoo lang hindi ko naman inaasahan na sasagutin niya ang tanong ko. Nagbabakasakali lang. Kaya nga gano'n na lamang ang gulat ko nang mayamaya ay bigla siyang nagsalita.

"White," tahimik niyang sagot. Kunwari inaabala niya ang sarili sa pagkain ng ice cream. "And blue."

"Talaga? Ang astig naman! Mahilig ka rin ba sa ice cream?"

"Ayoko sa matatamis."

"Eh bakit parang sarap na sarap ka riyan?"

"Ngayon lang ako nakatikim." He flatly answered like it was a matter of fact. Like it was the most normal thing to say at his point of age.

Hindi ko maitago ang gulat sa aking mukha dahil sa nalaman. "Hala, talaga? Ngayon ka lang nakatikim ng ice cream? But ice cream is life! Grabe. May mga tao palang gano'n?"

"Bata pa lang kami noong pinagbawalan na kaming kumain ng ice cream. My dad said it was bad for the teeth."

"Then you're missing the fun! Sabi nga nila kung anong bawal 'yun ang masarap 'di ba?" Biro ko sabay taas-taas ng dalawang kilay. Umabante na kami ng konti roon sa pila. "Eh kung gano'n, anong kinakain n'yo sa bahay kung bawal ang matatamis?"

"Fruits and vegetables. Foods with proper diet and nutrition." Sagot niya. Napapikit-pikit lamang ako roon. Mayamaya pa ay hindi ko mapigilang matawa. Muli ay napakunot-noo siya. "What?"

"Kung nakita mo lang siguro ang sarili mo ang habang sinasabi 'yun matatawa ka. Para kang robot na nagsasalita, 'Foods and vegetables. Foods with proper diet and nutrition'." Ulit ko pa at gaya sa tono ng pagkakasabi niya kanina. Ang lalim ng boses niya at sobrang seryoso.

"No I did not say it like that." Tanggi niya noong marinig ang sinabi ko.

"Oo kaya," tawa ko pa sabay ulit ng sinabi niya na parang robot. Kaso sa pagkakataong ito, dinagdagan ko na ng exaggeration. Gumalaw-galaw pa ako na parang robot. "Foods. And. Vegetables. Foods with. Proper diet. And. Nutrition."

For the first time since we went here, it was the first time I heard him cracked-up laughing. Kahit pa 'yung mga tao sa harap at likod ng pila ay napatingin. Doon sa gitna ng maraming tao ay ang maingay na tawanan naming ang namumukod tangi.

"Mukha kang tanga kanina." Sabi niya sa akin pero hindi niya matanggal ang ngiti sa mukha niya.

"Ikaw rin kaya. Bigla ka ba namang tumawa roon. Akala nila may takas na sa mental. Naku buti na lang guwapo ka eh. Mas lalo ka pang gumwapo riyan sa ngiti mo."

Nariyan na naman ang pagkunot-noo at pag-ismid niya na tila ba pilit niyang binubura ang ngiti sa mukha. Umaabante na kami ng pila. Paakyat na rin kami sa taas, malapit na kaming makapasok sa loob ng ferris wheel.

"Kung foods and vegetables lang ang kinakain mo, anong klaseng buhay 'yun? Kambing gano'n? Vegetarian ka ba?"

"No." Umiling siya sa akin. "I eat meat and fish. Proper diet and nutrition nga 'di ba?"

"Kaya nga nagtatanong 'di ba. Ang sungit nito." Papalapit na kami ng papalapit na makapasok sa loob. I can't wait for our turn! "So anong favorite food mo?"

"Anything to do with beef."

"Wow. Beef. Like corned beef?"

"Ha? What's corned beef?" Taka niyang tanong.

"Corned beef. 'Yung delata." Tawa ko pa.

"What?"

"Hindi binibiro lang kita. Masyado ka namang seryoso. Alam ko namang sosyal ka eh. Foods with proper diet and nutrition nga 'di ba. And delata is not one." Ulit ko pa sa sinabi niya kanina. Iling na lamang siyang natawa sa akin.

Napuno ng mga katanungan ang mga sumunod na minuto tungkol sa mga paborito niya o mga gusto at hindi gusto. Sayang din kasi ang oras kung tahimik lang kaming tatayo rito habang naghihintay.

"So nakikinig ka rin ba bg OPM?" Tanong ko sa kanya. Nakakagulat nga na kahit maiikli lang ang sagot niya ay sumasagot pa rin siya.

"Yeah."

"Ano pang favorite kind of music mo?"

"I like old songs." Sagot niya.

"Like?"

"Air supply, Michael Learns to Rock, Nickelback, Simple Plan and others."

"Nice. Slow rock pala ah."

"Ikaw?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Sa mga nakaraang oras kasi ay ako lang ang nagtatanong sa kanya kaya nasanay na ako sa gano'ng arrangement. Hindi ko naman akalain na magkakaroon siya ng interes.

"Ako? Ano, gusto ko rin 'yung mga sinabi mo. Maganda rin 'yung mga kanta ng Westlife, Boyz II Men, Boyzone at A1. Nakikinig ka ba ng classical music? I love classical music!"

"Like Liszt and Mozart?"

"Yeah! Like Beethoven and other classical musicians. Ang ganda kasi 'yung mga music na wala mang lyrics but speaks through your soul, alam mo 'yun. I love music that is deep, thoughtful and full of emotion. Hindi katulad ng ibang mga bagong kanta ngayon. Parang wala nang soul. Alam mo 'yun?"

"'Yung isinulat at ikinanta lang pero wala namang laman?"

"Exactly!"

"'Yung nakakakuha ng Gold at Platinum Record pero dahil sa dami ng fans kuha agad?"

"Exactly!"

He looked at me thoughtfully na para bang binabasa niya ang mga mata ko.

"Next na po. Ilan po kayo?" Tanong sa amin ng isang babae at lalaki na nakatayo sa harap namin.

"Dalawa po!" Sabik kong sagot sabay taas ng isang kamay. Humarap ako ulit kay Jace. "Makakapasok na tayo sa wakas Jace! Excited na ako!"

Binuksan na ang gate para sa amin at hinila ko na naman si Jace papasok.

"Dyan tayo papasok?" Tanong niya sa akin noong binuksan ang isang sakayan para sa amin.

"Oo. Tara na!"

Hinila niya ako pabalik. "Masikip. Let's just go."

"Jace ang tagal nating naghintay. Halika na. Maluwang naman sa loob saka dadalawa lang naman tayo. Sige na. Please?"

"Ma'am, sir, pasok na po kayo. Marami pabg naghihintay sa likod." Sabi ng isang lalaki na nag-ooperate doon.

"Opo ito na!" Hinila ko ang braso ni Jace. "You'll be fine. Saglit lang naman ito." Ilang beses pang pangungulit ang ginawa ko upang mapapayag siya at sa wakas nakapasok na rin kami sa loob.

Tuwang-tuwa kong itinuro ang malaking bilog na buwan kay Jace habang nagkukwento. Noong una mukhang hindi siya kumportable pero noong sinabi ko na ituon niya na lang ang tingin sa ganda ng mga ilaw sa gitna ng madilim na gabi ay iyon na rin ang ginawa niya.

Halos tatlong minuto lang yata ang inilagi namin sa ferris wheel. Isang ikot lang tapos iyon na 'yon. Ang daya nga kung tutuusin. Pagkahaba-haba ng pila at pagkatagal-tagal ng hinintay namin ay mabilis din palang matatapos. Pero hindi ko sila masisisi, marami kasi talagang tao at isa pa, pasara na rin sila.

Pagbalik namin sa loob, may nadaanan kaming isang batang lalaki na umiiyak. Mukha itong nawawala. Huminto ako sa tapat niya at nakayuko siyang kinausap. "Aww, baby. Nasaan 'yung mama mo ha? Nawawala ka ba?" Masyado pang maliit 'yung bata, siguro mga 3 o 4 years old lang kaya wala itong ibang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Parang wala ang mga magulang niya. "Jace, hanapin natin 'yung mga magulang niya."

"Ibigay mo na lang sa mga gwardya riyan sa tabi. Kailangan na nating umuwi. It's getting late."

"Okay. Pero subukan pa rin natin. Malay mo nariyan lang sila sa paligid 'di ba? Taha na baby. Aww taha na. Bibigyan kita ng chocolate. Taha na." Pang-aamo ko pa sa bata. Kinarga ko pa ito sa mga braso ko at marahang tinapik-tapik ang likod upang patahanin.

Ilang beses pa kaming nag ikot-ikot at nagtanong-tanong sa paligid hanggang sa hindi rin namin nahanap ang magulang ng batang ito. Malapit na ring magsara ang Star City kaya nag-aalala na ako sa bata. Hindi na siya umiiyak at naramdaman kong nakatulog na sa balikat ko. Hanggang ngayon ay marahan ko pa ring tinatapik at hinahaplos ang likod nito. Narinig ko itong inubo.

"Nagising na ba?" Tanong ko kay Jace na kanina pa tahimik sa tabi ko. Akala ko nga iiwan na nya ako kanina. I am surprised he even stick around.

"Tulog pa rin."

"Nasaan na kaya ang mga magulang nito? Siguro nga kailangan na nating ireport." Lumapit na kami sa mga gwardya roon at sinabi ang nangyari. Sabi nila sila na raw ang bahala at nagpasalamat pa sa amin dahil sa ginawa namin. Noong iaabot ko na sa kanila ang bata ay bigla na lang itong nagising at umiyak. Nagpupumilit na bumalik sa akin.

"Aww baby. Kailangan mo nang sumama sa kanila. Ibabalik ka na nila sa mama mo okay? Taha na. Everything is going to be alright, okay?" malambing ko pang pagpapatahan ang kaso ayaw niya talagang bumitaw. Hanggang sa may nanay na umiiyak na lumapit sa amin na nawawala raw ang anak niya. At noong makita ang batang buhat ko ay mas lalo pa siyang naiyak. Nahanap na rin niya ang anak niya sa wakas.

Panay ang pasasalamat sa akin ng nanay niya at hindi ko maiwasang manlambot ang puso sa nakikitang pagmamahal niya sa anak. Naluluha ng konti ang mga mata ko na agad ko namang pinunasan. I am so happy for them.

"Akala ko hindi mo na ibibigay 'yung bata." Sabi sa akin ni Jace noong nasa labas na kami ng Star City.

"Ang cute kasi! You know what, I really love kids. Alam mo ba noong 10 years old ako, may inalagaan akong dalawang cute na batang babae. Nawala na kasi ang mga magulang nila sa isang aksidente kaya pamilya na namin ang umampon sa kanila." Pababa na kami roon sa hagdan. Ang daming tao sa paligid. Huminga ako ng malalim. "Ang kaso dahil busy ang mga magulang ko sa trabaho, hindi na nila maharap ang alagaan pa sila. Ang sabi ko naman, kahit ako na lang ang mag-alaga 'wag lang nilang ibalik sa bahay ampunan. Kasi kawawa sila eh. Ang gusto pa nila mama noon isa na lang ang kunin pero pinaglaban kong dapat dalawa sila. Ayokong magkahiwalay 'yung magkapatid. Buti na lang matigas ang ulo ko. Pinagbigyan ako ng mga magulang ko. Kaya magmula noon, kahit bata pa lang ako parang ako na ang tumayong mama nila. They just basically followed me anywhere. Nakakamiss nga eh."

"Nasaan na sila ngayon?"

Malungkot akong tumingin sa malayo. Naiwan sila sa Canada kasama ng buhay na iniwan ko. "Somewhere far away. Hindi ko nga alam kung makikita ko pa sila ulit."

Katahimikan ang bumalot sa amin. Pero sa totoo lang, parang nasasanay na ako rito dahil ang kumportable sa pakiramdam.

"About that guitar lesson you are talking about before..."

"Ah, ayun ba? Naku, hayaan mo na 'yun. Kung talagang ayaw mo hindi na kita pipilitin. Tama ka naman. Nakakainis na—"

"Pumapayag na ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Hindi nga?"

"Tomorrow, 7:30 am sharp. Ayoko ng late."

Kinabukasan kahit hindi naman talaga ako sanany na gumising ng maaga ay pinilit ko ang sarili. Bakit ba kasi sobrang aga? 'Yung lokong Jace na 'yun.

Kahit sina Ate Desi at Manong Raul nagulat na naman sa akin.

"May guitar lesson po ako eh. Medyo terror ang instructor ko." Pag-amin ko sa kanila habang napapakamot ng ulo.

"Naku mabuti 'yan at nang mapraktis kang gumising ng maaga. Good influence 'yang instructor mo kung sino man siya. Hala, sige kain ka na. Baka mapagalitan ka pa." Todo suporta sa akin si ate kahit pa si manong ay talaga namang pinagmaneho pa ako ng mabilis pagkatapos kong kumain.

At 7:15 am nakarating kami sa school dahil sa traffic. Sabi ko may fifteen minutes pa naman kaya chill lang ako sa paglalakad. Ngunit noong makita ko na ang oras sa dingding ay nakita ko na 7:29 am na. Halos lumuwa ang mga mata ko. Gano'n na ba kabilis ang oras ngayon?

Halos takbuhin ko ang rooftop para lang makahabol sa sinasabi niya. Pagdating ko roon ay tuwang-tuwa kong itinaas ang kamay ko na akala mo isa akong kampyeon sa isang marathon. "Ten minutes and 20 seconds late. Nabeat ko ang record ko na twenty. Olrayt!"

"You're still late." Nakahalukipkip na nakatayo si Jace sa may dingding. Ang sama na naman ng tingin sa akin pero ngumiti na lang ako sa kanya.

"Hehe. Peace!"

"When I said 7:30 am sharp, dapat nandito ka na. Pinaka-ayoko sa lahat ay 'yung late."

"Ten minutes and 20 seconds lang naman." Reklamo ko. Sumunod ako sa kanya papunta roon sa upuan malapit sa may railing ng rooftop. "Ang aga ko pa nga eh."

"Kahit na. Ten minutes pa rin 'yun. Madami na sana tayong nagawa. Time is very precious and you're wasting it."

Hindi ko maitago ang simangot sa mukha ko. Inilalabas niya na ang gitara niya noong tumingin siya sa akin. "Where is your guitar?"

"Hindi ba 'yang gitara mo ang gagamitin natin?"

"This is mine. Ayokong may humahawak ng gitara ko so go get your own."

"Sarado pa 'yung music room at naiwan ko 'yung susi ko para sa band studio." Napapikit na lamang siya sabay hapo sa sentido na tila ba sumasakit ang ulo sa akin. "Sabi ko nga gagawan ko ng paraan. Hehe." Tumakbo na ako palabas doon bago pa siya may masabi. I went to the floor of my Private room and made sure all was clear before I opened it. Mabilis kong kinuha ang isang gitara na nakasabit doon sa may dingding. Pinili ko 'yung gitara na tila ba naglalaban ang kulay pula at itim bilang disenyo. 'Yung kay Jace kasi purong itim ang gitara niya. Ayoko ng parehas kami. Pagkatapos makuha ito ay isinara ko na rin agad ang pinto bago tumakbo pabalik sa rooftop.

"Tsaran! Game na!"

"Saan mo nakuha 'yan?"

"Diyan-diyan lang. Magic."

Napailing na lamang siya sa akin. "Let's start."

Umupo na ako roon sa tabi niya at sabik na ipinuwesto ang gitara sa may hita ko. At magmula noong araw na iyon tuwing umaga ay tinuturuan niya na ako.

Sa banda tuwing hapon ay panay pa rin ang practice nila para sa Battle of the Bands na mangyayari na sa Setyembre. May halos isang buwan pa naman kami para makapaghanda kaya talaga namang todo bigay na sila. Si Jace minsan naga-absent sa afternoon practice. Ewan ko kung bakit. Kahit naman sina Niel ay hindi alam kung saan siya nagpupunta. Ako naman sa ikalawang banda ay patuloy sa pag-aaral ng gitara pati na rin ng pagsusulat at paglalapat ng tono na ipapasa ko kay Mr. Valdez. Hindi ko masasabing sobrang magkasundo na kami ni Jace pero okay na kami 'di tulad noon. Masungit pa rin siya pero tiis-tiis na lang talaga. Siya ang nagtuturo sa aking maggitara saka ginusto ko naman ito. Nagdasal na lang talaga ako sa Diyos na bigyan niya pa ako ng mahabang pasensya dahil ang mga mood swings talaga ni Jace minsan ay talaga namang ang sarap na lang manuntok o kaya manabunot ng kung sino man.

"Babes halika ka rito dali upo ka sa tabi ko." pang-asar na tawag sa akin ni Nathan. Katatapos lang ng band practice nila at kasalukuyang tumatawag sina Shane at Rico upang mag-order ng pizza bilang meryenda.

Hindi ako sumagot.

"Dali na."

"Sira ulo ka. Alam mong hindi tayo talo pare!" sabi ko pa, ginagaya ko ang boses ng lalaki kasi ito palagi ang naririnig ko sa kanila. Narinig ko silang nagtawanan.

Tuwing practice namin nandito lang ako sa gilid nakaupo. Kung tutuusin practice lang naman nila ito. Sabit lang ako. Tagasulat lang naman ako ng kanta at taga-obserba. Ewan ko ba kay Mr. Valdez kung bakit kailangan pa akong maging present dito kahit pwede naman akong umuwi. Gayunman, alam ko naman na wala rin akong gagawin sa bahay kung umuwi ako ng maaga kaya masaya na ako rito. Nakikinig. Sa totoo niyan matagal na nila akong kinukulit na makisali sa kanila para hindi naman daw ako magmukhang kawawa na nakaupo na lang doon sa gilid. Ang palagi ko namang sagot ay 'okay lang ako rito' o kaya minsan umiiling na lang ako sabay wagwag ng kamay sa harap nila. Ayos na ako sa pagtugtog ng gitara roon sa rooftop kasama si Jace. Kung tutuusin si Jace nga lang ang nakakaalam no'n. Masaya ako na wala siyang pinagsabihan na pumayag na siya na turuan ako. Kapag tinatanong naman nila ako kung sumuko na ba ako sa pangungulit kay Jace, ngumingiti na lang ako bilang sagot. Nakakatamad kasing magpaliwanag.

Ngayong araw na ito ay present na si Jace sa banda kaninang practice. Naroon siya sa may gilid malapit sa may bintana. May upuan kasi mismo roon at doon ang napapansin kong pwesto niya. Tahimik lang siyang nakaupo roon habang nakadungaw sa malayo. Ang kamay niya ay wala sa sariling nagi-strum sa hawak niyang itim na gitara. Minsan naririnig ko pa siyang tahimik na humihimig. Napakapayapa lang niyang pagmasdan.

Lumipas ang halos dalawampung minuto nang bigla kong nakita si Rico na pumapasok pabalik sa pinto. "Babes! Nandito na 'yung inorder nating pizza at meron na rin 'yung ice cream!" Bigla nagliwanag ang mukha ko noong marinig ito.

"Talaga! Yehey!" Parehas kaming nagtatalunan doon ni Rico na may kasamang pagsayaw-sayaw ng konti dahil sa pagkasabik. Kami tuloy ang naging center of attention sa loob pero wala kaming pakialam.

'Yang sina Nathan at Rico talaga minsan kung makatawag sa akin ng 'babes' wagas. Pinagsabihan ko na sila noon na tawagin na lang nila akong Serene pero hindi naman sila nakikinig kaya bahala na.

"Hoy tara kain na tayo! Habang mainit-init pa 'tong pizza." tawag pa naming dalawa ni Rico sa kanila. Si Shane ang naglapag ng apat na malaking kahon sa mesa namin sa gilid pero kami pa ni Rico ang nakaunang nanguha. Nagpaunahan pa kami kung tutuusin. Kinuha ko ang pinakamalaking slice na ikinasimangot ni Rico.

"Sa akin na 'to ah.'' Kunwari ko pang ininggit si Rico na talagang ikinadabog niya.

"Hala ka Rico o, mukhang may kalaban ka na sa pagkain. Dating malabuhawi ka sa bilis. Anong nangyari sa'yo 'tol?" pangangantyaw pa nila sa kanya. Mas lalong humaba ang nguso niya.

Ang ginawa niya, binuksan niya ang limang plastik ng ketchup at saka nilagyan ang mga pizza na gusto na tila ba boundary. Dahan-dahang lumaki ang ngiti sa mga labi niya.

"Sige sa'yo 'yang pinakamalaki, basta sa akin itong lahat." He laughed evilly.

Nanlaki ang mga mata ko, naming lahat pala. "Rico! Ang daya!" halos kalahati kasi ng isang box ng four cheese pizza ay kinuha niya. At lahat pa ay 'yung mga paborito ko! Iba-iba kasi ang flavour na kinuha nila. Dapat pala lahat na lang four cheese. Nakakaiyak.

"Hindi ka ba natatakot na baka tumaba ka riyan?" pabirong sita ni Shane sa akin.

"Kailangan pa bang isipin 'yun? Gutom na ako eh.'' Hinawakan ko pa ang tiyan upang ipakita sa kanila. Nagtawanan sila sa sagot ko. Kabibili lang namin ng pizza pero dahil lahat kami ay gutom, malapit na namin maubos ang tatlong kahon.

"Ayos ka rin ah. Lahat kasi ng babaeng nakilala ko iniisip ang magdiet." ani Niel habang inaabutan ng softdrink si Nathan.

"Oh my gosh tumataba na ako!', 'Oh my gosh kailangan ko ng magdiet oh my gosh!" pagboboses babae ni Rico. Lahat sila nagtinginan sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Ako naman sa ikalawang banda ay mayroong impit na tawa. Ang cute niya kasing tingnan.

Tinapik siya ni Nathan sa balikat bago umiling. "Pare itigil mo na yan, ang sagwang pakinggan.''

"Wala bang future 'tol?" tanong ni Rico habang inosenteng ngumunguya roon.

"Wala. Hindi mo bagay maging Rica."

"Naku! Walang diet-diet sa taong gutom!" muli ay sabat ko kaya nagtawanan pa kami ng nagtawanan. Sa totoo lang noong mga nauna kong linggo rito ay napansin ko na napakatahimik nilang lahat. Oo nagbibiruan sila sa isa't isa, nagkukwentuhan pero hindi ganito kaingay. Minsan hindi ko nga alam kung tama ba na naimpluwensyahan ko na sila sa mga kalokohan ko o hindi. Ilang beses na kasi kaming napagsabihan na ang band room daw ang pinakamaingay nitong mga nagdaang araw hindi dahil sa musika kundi sa mga tawanan namin. May mga klase raw sa paligid kaya dapat daw tahimik kami ng konti.

"Bakit parang kulang yata tayo?" taka kong tanong noong mapansin na lilima lang kami rito na kumakain. Usually there's six of us. Konti na lang ay mauubos na ang natitirang kahon at lahat ng iyon ay dahil sa walang tigil na paglamon ni Rico.

"Si Jace bang tinutukoy mo?" tanong ni Niel. "Tinawag na namin kanina pero ayaw niya raw eh."

"Wag mo nang asahan 'yun. Hindi naman 'yun kakain dito." Sabi pa ni Shane na tulad ko ay busog na busog na dahil sa dami ng nakain namin. Tapos naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Jace roon sa Star City noon, "I only eat healthy with proper diet and nutrition'. Hanggang ngayon talaga sa tuwing naaalala ko 'yun natatawa pa rin ako. Para kasi talaga siyang robot.

"Bakit hindi niyo pinilit?" Tumingin ako roon kay Jace. Nakasuot siya ng headset kaya siguro hindi niya kami naririnig.

"Ayaw niya sa makulit." Sagot ni Rico habang patuloy pa rin sa panguya. Kung gano'n anong tawag nila sa akin? "Ewan ko nga roon babes kung bakit mas gusto niyang nagsosolo. Pwede naman namin syang samahan kung gugustuhin niya pero madalas ay umiiwas siya kaya hindi na kami nagtatanong kung bakit ganu'n ang kinikilos niya. He wants space? Then we give that to him. Isa pa, ayaw naming makatanggap sa kanya ng suntok kapag nagpupumilit kami. Sayang din ang pogi kong mukha."

"Ay hindi pwede sa akin 'yun. Kapag kakain ang isa, kakain tayong lahat." Sabi ko pa habang ngumangatngat pa rin ng kinakaing pizza. Matapos maisubo ang hawak ay bigla akong tumayo.

"'Wag na babes! Hayaan mo na!" nanlalaki ang mga matang pigil sa akin ni Rico. Hinila niya ang braso ko na para bang natatakot para sa akin.

"Hindi. Sandali lang tatawagin ko."

"Babes no—! Aray naman!" Binatukan siya ni Nathan.

"Ang O.A mo kasi pare."

"Hindi mo mapipilit 'yun. We tried it so many times." Iling ni Shane sa akin. "Just stay away from him."

"Magtatago na lang ako ng pagkain para sa kanya." Suhestyon pa ni Niel habang inaayos ang kahon ng pizza upang isara ngunit pinigilan ito ni Rico.

Humaba ang nguso niya. "Gusto ko pang kumain."

"Rico nakarami ka na. Tama na. Bitawan—Rico! Bitawan mo!"

"No! Niel no. My pizza, noooo!"

Iniwan ko na silang nag-aagawan doon. Pumunta ako kung saan nakaupo si Jace. Pigil hininga nila akong sinundan ng tingin. Huminto ako sa tabi niya.

"Jace, halika kain na tayo! Dali!" niyuga ko pa ang braso niya ngunit iniangat niya lang ang tingin sa akin. Mukhang bad trip na naman yata siya.

Binawi niya ang braso sa akin. "Leave me alone."

Narinig kong huminga ng malalim sina Nathan sabay iling sa akin. Sa mga mata nila ay tila ba nagsasabing, 'i told you so'.

Hindi ko pinansin ang malalamig na tingin sa akin ni Jace. Ano na naman kaya ang problema nito? Hinawakan ko ang isa sa mga string ng gitara ni Jace bago ini-strum.

"Tignan mo nga itong string na 'to nangangayayat na! Nagugutom na kasi kaya kailangan ng kumain."

Binigyan niya ako ng tingin na parang nagsasabing 'nababaliw-ka-na-look' pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagkilatis sa strings ng hawak-hawak niyang gitara.

"O ito! Tingnan mo namamaos na." Paulit-ulit kong ini-strum ang mga strings kaya sa buong kwarto ito ang maririnig mo. Pumalatak ang dila niya. "Kahit ito. Wala na rin sa tono at halos lahat sila sintunado na. Hahayaan mo bang maging malnourish itong gitara mo? Hindi ka na naawa. Nasaan na 'yung 'Healthy foods. With. Proper diet. And. Nutrition.' Mo ha?" panggagaya ko ulit doon sa exaggeration ko sa robotic niyang boses.

Ngumiwi siya ng konti, halatang pinipigilan na huwag ngumiti. Alam kong natatawa rin siya sa tuwing naaalala iyon. Grabe kaya ang tawa niya noong araw na iyon. Ilan pang sandali ay nagulat na lang kami ng may marinig na mahinang tawa. Kahit sina Shane, Niel at Rico ay nanlaki ang mga mata sa gulat. Si Nathan ay mukha pang nabilaukan. Mas lalong lumaki ang ngiti sa aking mukha.

"Kaya tara na. Kain na tayo!" hinila ko si Jace papunta sa direksyon nila. Narinig ko ang reklamo ni Jace pero hindi ko siya binitawan. "Ito na, kain ka na baka pa tuluyang maubos." Inabot ko kay Jace 'yung natitirang slice roon at saka siya sapilitang itinulak upang umupo sa tabi ni Niel.

"Anong pizza ito?"

"Pepperoni." Sagot ko. "Masarap 'yan."

Nakakunot-noo pa niya itong pinagmasdan saglit bago kinain.

Kapansin-pansin ang katahimikan sa paligid. Hindi ko mapigilang hindi matawa noong makita ang nakanganga itsura nila. Nabitawan pa ni Rico ang hawak na pizza na sana ay isusubo na niya.

"Wow." Wala sa sariling sambit ni Shane mayamaya. "You had just done something impossible."

Ngumiti na lamang ako sa kanila. Wala na akong masabi. 


© G. J. Dion (wistfulpromise) 

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 322K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
10.1M 164K 51
Sa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa Royal Academy.. Ang eskwelahan para sa...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
47K 6K 38
Vlogger Series #1 : Shendily Crizelle Lara is a popular college girl from Quaranton College. She has thousands of followers and everybody's admiring...